HANS 14

1542 Words
HINDI na nakatutol pa si Reema nang sapilitan siyang dalhin ni Hans sa bahay nito. It was cozy, very manly and he really prepared the room for her. "I'm not sure kung mas okay na mag-stay ka rito o you'll take a vacation. Pero as you see, nandito na lahat ng kailangan mo para hindi ka na magtrabaho sa labas." "What are you trying to do? Lumapit ito sa kanya, hinawakan siya sa dalawa niyang kamay na kinagulo lalo ng isipan niya. "I'm not sure. Hindi ako sigurado kung tatanggapin mo pa ako." Bigla itong lumuhod saka hinalikan ang dalawa niyang kamay. "Please be my girlfriend." "Pero, bakit?" Tumayo naman si Hans at mabilis na hinagkan siya. "Not just because I say so. It was a sudden rush, that I finally realized I really need you. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka." "Hindi ko maintindihan." "I don't need an answer from you. Pumayag ka man o hindi, boyfriend mo na ako at girlfriend na kita." Biglang pinagsalukap nito ang dalawa nilang kamay saka nito muling hinagkan. "There must be a reason for me to be your girlfriend." "Alam ko namang hindi magiging valid reason sa 'yo na mahal kita kaya ito na lang ang huli kong talas. I will let you live again no matter how hard the life is." Tila nabingi yata si Reema sa mga sinasabi nito pero deep inside her heart, it was beating so fast. Ngunit wala pa lang panahon para kiligin. Napaisip tuloy siya kung may alam na ba ito sa nangyari sa kanya. "Talagang wala kang balak bitiwan ang kamay ko?" nagtatakang tanong niya nang makaupo sila sa sofa nito. "Wala at hindi puwedeng umangal." Hanggang magsalang ito ng palabas ay hawak pa rin nito ang kamay niya. "Hans.." "Kahit na sa iyo na ang kamay ko, kaya ko pa ring kumilos." Mukhang hindi naman nabakas dito na nahihirapan ito, para ngang nag-eenjoy pa ito sa ginagawa. Gusto rin sana niyang matuwa pero tuwing dumadaan sa isipan niya ang mga nangyari, nalulungkot at naiinis lang siya. "Magmo-movie marathon tayo. Horror para masaya." Saka ito ngumiti na parang may tinatagong plano. Pinalo niya ito sa balikat. "Anong nais mong mangyari ha?" "Wala. Ikaw, green minded ka." "Ano? Ako pa ang green minded. Ikaw itong ngumiti na may ibang ibig sabihin eh." "Wala. Ano naman ang magiging ibig sabihin ng ngiti ko? Masaya lang ako, that's it." Hinila siya nito, napahiga tuloy siya habang nakaunan sa kandungan nito. "Hans, hindi ako komportable." "I'll make you comfortable." Saka ito dumukwang at mabilis na hinagkan siya sa labi. Palihim na napangiti na lang siya. Nilakasan nito ang Horror na pinapanood nila pero hindi naroon ang isipan niya kundi sa mga gestures at inaasal ni Hans. Tila bumabagal sa kanya ang pagproseso na matapos ang lahat ay umamin na rin sa kanya sa wakas si Hans. Dapat ay masaya siya, dapat ay natutuwa siya, pero bakit parang may kulang. Napasinghot siya sa pagpigil na pumatak ang luha sa kanyang mata. Napaatras siya nang silipin ni Hans ang mukha niya. "Why are you crying? Kanina pa ako natatakot dito pero ikaw, umiiyak naman." "Napaiyak lang ako sa sobrang takot." "Oh really." Iniangat nito ang balikat niya at iniharap nito ang mukha niya. "Tell me, what are you afraid of?" Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Itinakip niya ang dalawang kamay sa sariling mukha. "I'm not going to be a mother. Hindi na ako magkakaanak." Wala siyang narinig na sagot mula kay Hans. Niyakap lang siya nito na parang sinasabing magiging maayos din ang lahat at huwag na siyang mag-alala. "It doesn't matter to me kung magkaanak man tayo o hindi. What matters to me is that you're safe and you're going to be my wife." Literal na napigil ni Reema ang paghinga pati ang pagpatak ng kanyang luha at paghikbi ay natigil rin. Humiwalay siya ng yakap kay Hans. "A-Anong sinabi mo?" "Ano bang problema? Nahihirapan ka bang i-process lahat ng mga sinasabi ko?" "H-Hindi ko kasi maintindihan kung bakit naging sweet ka sa akin." "Okay. I'm not sure kung ano ba sa iyo ang sweet. Aaminin ko, I'm not sweet, but my gestures are real, and what I say is all real. Hindi kita minahal dahil gusto ko lang gumaan ang nararamdaman mo. Actually, mahal na kita simula nang pinilit kong bawiin sa iyo ang singsing. Hindi ko lang masabi dahil wala akong lakas ng loob. Natatakot akong magsimula muli dahil sa trauma na baka ipagpalit mo rin ako sa iba kapag may nakita kang mas better sa akin. "I'm traumatized in everyting happened to me from my past relationship. Ngayon lang ako nagkaroon ng courage dahil alam kong mahina ka at hindi mo na ako kayang takasan." "So you're saying na blina-black mail mo ako?" "Bahala ka na kung ano ang gusto mong isipin but I know this was I supposed to do. I will never leave you, that's a promise. I love you, Reema." Despite of the noise from the movie they were watching, it was loud and clear and her heart heared it all. A better confession from Hans, the-great. TINAPOS nilang panoorin ang movie na parang nabunutan ng tinik si Reema. Nawala ang pag-aalala niya, ang alinlangan at tila natauhan pa siya. Sa huli ay masasabi niyang si Hans na nga yata ang Forever niya. Ngayon ay maniniwala na nga siyang posible ngang may forever at kagagawan iyon ni Hans. Hindi siya hinayaan ni Hans na matulog sa ibang kwarto, infact tinabihan pa siya nito at dineklara nitong doon na silang dalawa matutulog. Aminado naman ang binata na bawal ang ginagawa nila dahil hindi pa sila kasal, pero nanindigan si Hans na magli-live in muna sila pansamantala hanggang lumipas lang ang isang taong natapos ang kasal ng kapatid niyang si Romervan. Talaga ngang hindi na siya makakatakas kay Hans dahil tila palagi itong nakabantay sa kanya at hindi siya nilulubayan ng tingin. "H-Hans.." Bigla siyang nailang nang dahan-dahan itong lumapit sa kanya at diretsong nakatitig sa mga mata niya. "Bakit? Nagugustuhan mo na ba ako?" "A-Ano bang ginagawa mo?" "Tinutukso ka." Hanggang na-corner na nga siya ni Hans, wala siyang nagawa kundi ang mapasandal na lang sa pader. "M-Maghihilamos lang ako." "I already saw you when you're in mess. Nakita na kitang natulog, humihilik at naglalaway." Namula siya sa sinabi nito at kinapa ang sariling labi, lalo lang siyang magiging kahiya-hiya kapag may nabakas pa ng tulo-laway sa labi niya. "I watched when you're sleeping. I saw you how your mess hair will be. Maganda ka pa rin kahit marungis ka o marumi ka pa and I don't know how I fell in-love with that. Dahil ayaw ko sa babaeng pabaya sa sarili at hindi marunong ng proper hygiene but I still like, ah no. I still love you despite of everything. Are you aware of that, Reema?" "A-Ano? K-Kinikilabutan ako sa sinasabi mo." "Tingin mo?" "H-Hans.." "You deserved to be punish. Alam mo ba 'yon?" Hindi na siya nakatutol nang isakatuparan nito ang sinasabing parusa. Napapikit na lang siya nang buong puso siyang halikan ni Hans. "Sa dami ng babaeng nakita kong messy, ikaw lang ang bukod tanging nagpabaliw sa akin ng ganito." Kinilabutan yata siya nang maramdaman niyang huminga si Hans sa punong tainga niya. "You smell like terrific. And your smell always remind me of something." Hindi na siya nakatutol nang buhatin siya ni Hans at kargahin. "Tell me you'll stay with me forever because I will never let you go." His eyes was begging as he initiate another kiss. 'Oo Hans, iyong-iyo lang ako at hindi na ako tatakas pa sa iyo. I'll promise, I love you too.' Pero tila hindi iyon makawala sa mga labi niyang nasilyahan ng halik ni Hans. Dahan-dahan nang naramdaman ni Reema ang kama mula sa likod niya. Natauhan na nga yata siya sa nais ni Hans. Ngunit naisakatuparan na lahat ng pinapangarap niya, ngayon pa ba siya mag-iinarte? Mahal na siya ni Hans at mahal na rin niya ang lalaking pinangarap niya at hindi niya akalaing tutumbasan din nito ang pagmamahal niya noon, mas intense nga lang ngayon. Siguro nga, tama lang na tanggapin na lang niya ang lahat. Hindi man sila magkaanak ni Hans, ang mahalaga ay may nagmamahal pa rin sa kanya at tumanggap ng buo sa pagkatao niya, walang iba kundi si Hans Ronard Montano. Later on, she will be Mrs. Hans Ronard Montano at magiging isa ng Misis Montano. All she have to do is accept the reality and tried to be happy. Because there are still many reasons to be happy. Una, mahal siya ni Hans. Ikalawa, tanggap nito ang lahat sa kanya. Ikatlo, mahal siya nito kahit na ano ang mangyari. Kailangan pa ba niyang i-enumerate lahat. Napakarami. Countless. Gaya ng pagmamahal ni Hans sa kanya. Sana, hindi ito mabagok para hindi nito makalimutang mahal siya nito at mahal din niya ito. Kapag nangyari iyon, baka sumuko na nga talaga siya. Si Hans na lang ang natitira niyang pag-asa para magpatuloy sa buhay at sana habang-buhay na lang na sila hanggang sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD