CHASE 11

1946 Words
PATULOY pa rin ang pagpatak ng luha ni Edina hanggang makaalis sa opisina ni Chase at hanggang makarating sa Bus Station patungong Caviote. Tila may sariling isip ang kanyang mga mata na hindi humihinto sa pagpatak pati hanggang makasakay siya ng tricycle patungo sa Hospital na kinalulugmukan ng kanyang ama. 'Mahal na mahal kita, Chase. Pero bakit ganito na ang trato mo? Masdoble ang sakit. Masmasakit pa sa ano ko. Mastagos hanggang kalamnan,' piping sabi ng kanyang isipan. Nang makakahinto na ang tricycle na sinasakyan niya agad siyang bumaba at patakbong tinungo ang Floor ng Ama niya. Natulos siya sa kinatatayuan nang makita ang umiiyak niyang ina at mga kapatid. Huli na ba siya? Bakit? Kung kailan may pera na siya, kung kailan mapapagamot na niya ang kanyang ama saka pa siya nahuli. Itay, bakit hindi mo ako hinintay? Bakit? Samantalang noong nakaraan masaya pa silang magkakasama. Iyon pala.. Iyon pala huling beses na niyang makikita ito. Huling ngiti, huling salita at huling yakap mula sa kanyang ama. Sa mismong kaarawan pa niya kung kailan nawala ang kanyang ama. Sumuko na ang sariling mga paa, unti-unti na siyang napaupo sa sahig habang tulalang nakatingin lang sa bukas na pinto ng kwarto na kinahihigaan ng kanyang ama. Nakatalukbong na ang kumot sa mukha ng ama. "Ate, wala na si Itay," sabi ng kapatid niyang si Angelo, saka siya niyakap. "W-wala na s-si Itay.." inulit lang niya ang sinabi nito at iyon na ang huling salitang sinabi niya. Nawalan na siya ng malay. Ayon sa Doctor na tumingin sa kanya, nag-collapse daw ang katawan niya dahil sa stress, pagod at pagkabigla. Hindi na hinayaan ni Edina ang sarili na magtagal pa sila sa Hospital. Kaya nang madala ang kanyang Ama sa Purinarya, kinabukasan ay pinaghandaan na nila ang gagamitin sa lamay ng Ama. Iniisip na lang niyang matatanggap din niya ang lahat. Siguro nga talagang oras na ng kanyang ama. Pero tuwing maalala niya ang sandaling nanghiram siya kay Chase, kirot at hapdi ang nararamdaman niya. Nagpaubaya siya sa lalaking iyon para lang mailigtas sana ang kanyang ama. Kung alam lang niyang IYON ang kapalit, hindi na sana siya dumaan pa sa Opisina nito. Dumiretso na lang sana siya sa Cavite, baka sakaling naabutan pa niyang buhay ang kanyang ama. Kahit isang sulyap lang, kahit isang yakap lang. Kasalanang lahat ito ni Chase, hindi nito hinayaang umabot siya. Inabot ng dalawang araw ang pag-aayos at paghahanda sa mga kakailanganin. Naging okay na ang lahat, hindi pa din siya mapanatag. Siguro tama ngang layuan na lang niya si Chase at huwag ng magpakita dito. Pagod na rin naman siya, pagod na siyang makipagpatentero sa trato nito sa kanya, isa pa may atraso din ito sa kanya. Kaya hindi na niya balak pang ibalik o bayaran ang perang ibinigay nito tutal mas malaki naman ang kapalit niyon. Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan? She's nothing but his bed warmer. Ah, f**k-buddy, a f*****g partner for his need. Gagamitin na lang niya ang pera upang ipatayo ng negosyo at makapag-umpisa silang muli. Hindi na siya babalik pa sa Manila. Gusto na niyang kalimutan ang mga bagay na hindi na dapat pang alalahanin. Including him. Including Chase. Goodbye, Chase. Goodbye, Mr. Chaser dela Torre. WALA sa sariling dinampot ni Chase ang phone at tinawagan ang numero ni Aleja. Kanina pa niya tinatawagan ang number ni Edina pero unreachable na ito. Nang tawagan naman niya ang number ni Aleja, it was same. "f**k!" Inihagis niya ang phone sa kung saan sa loob ng kotse niya. Magda-dalawang linggo na and Damn it! He miss her. Pakiramdam niya sasabog na siya ano mang oras kapag hindi pa niya nakita o nakausap ang dalaga. Kasalanan naman niya ang lahat. Nagpaapekto siya sa panaginip niya at sa mga pinaniniwalaan niyang mali pala. Matagal na rin naman iyon pero bakit nangyayari pa rin at iniisip niyang si Edina ang babaeng nagsugat sa kanyang puso. He was a teenager back then, bestfriend niya nang matagal si Rogin Aguirre pero anong ginawa nito, ninakaw nito ang nobya niya. Kaya bago maka-graduate ng hayskul ay napunta dito si Eirene, na hindi niya akalaing playgirl pala dahil wala naman sa hitsura nito. Ngunit kahit pa alam na ni Rogin na playgirl ang babae ay wala naman itong ginawa. Kunsabagay pare-pareho lang namin silang pinaglaruan ang damdamin niya. Pinaikot sa palad at pinasakitan siya. Kaya nang malamang pareho sila ng School na papasukan ni Rogin sa kolehiyo, naging madali sa kanya ang lahat. Naging madaling makababawi siya sa ginawa nito sa kanya. Gumanti siya sa alam niyang mas madaling paraan. He joined the Fraternities that was led by Rogin. Nagtiis siyang maging sunod-sunuran dito upang makuha ang loob nito at ang girlfriend nito. He was a f*****g asshole that time, but that scars in his heart never healed. Hanggang sa ganito niyang edad ay naging bangungot na sa kanya ang pakikipoagrelasyon, iniisip na pare-pareho lang ang mga babae, they will use you, f**k you up then throw you away when they found someone better than you. More money, more handsome and more compatible to make up with. Iniisip niyang walang pinagkaiba roon si Edina. Pero bakit sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay niya, si Edina lang ang tanging nagbigay ng kulay sa buhay niya? Bakit si Edina lang ang gumising sa nahihimbing niyang pagkatao. Sa simula ay inakala ni Chase na ginagamit lang din siya ni Edina dahil mayaman siya, she will soon dump him. Ngunit hindi naman iyon ang nakikita niya kay Edina. This womans, makes difference, this woman loves him trully. Pero ano ang ginawa niya? Pinasakitan niya ito at pinagbintangan. Wala nga naman siyang karapatang humingi ng tawad sa ginawa niya sa babaeng ito na ang ginawa lang ay mahalin siya ng buo at ipaubaya ang buong pagkatao sa kanya. "Ang tanga-tanga mo, Chase!" saba napahampas sa manibela. "Napakagago mo! Sinaktan mo ang babaeng nagmahal sa iyo!" Napasandal si Chase sa headrest ng upuan. Hindi na tuloy niya alam kung paano haharapin si Edina at kung ano ang dapat sabihin sa dalaga. Naalala ni Chase ang kaibigan ni Edina. Ilang beses na rin naman siyang nagtungo sa dating tinutuluyan ng dalaga pero laging walang tao roon at hindi niya naaabutan doon ang kaibigan nito. He stop again at matiyagang nagpalipas ng oras upang hintayin ang kaibigan ni Edina na si Aleja. Mukhang pagkakataon namang dumating ito, pumasok sa kabahayan. Madali siyang bumaba ng sasakyan at tinungo ang pintuan upang katukin. "Chase?" "Alam mo ba kung nasaan si Edina?" "Sorry Chase, almost two weeks na kaming hindi nagkakausap ni Edina. Hindi pa nga rin siya nakakabayad sa utang niya rito. Baka may nangyaring masama sa probinsiya nila kaya umuwi siguro. Kaya lang nakapagtatakang hindi man lang niya ako kinontak, pati ikaw." "Do you have her province's address?" Hindi na siya nag-aksiya ng panahon, bumalik siya ng sasakyan at agad siyang nagdrive patungo sa Cavite Express way. Umaasang makita at magkausap sila ni Edina. Marahil ay magiging huli na ang lahat na ma-realized kung gaano kahalaga ng babaeng sinaktan niya. Siguro nga tama ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi dahil pinagsisisihan niya na hindi man lang niya pinahalagahan ang babaeng hindi niya akalaing gagamot sa kanya. Ang babaeng na-realized niyang mahal na pala niya. Hindi na siya dapat mag-aksaya ng panahon, magalit man ito o hindi. Kakausapin pa rin niya ito at ito lang ang tanging babaeng pag-aalayan niya ng kanyang singsing. Sinulyapan niya ang isang maliit na pulang kahon. Buo na ang pasiya niya. Mahal na niya talaga ang babaeng ito. He won't stop chasing until she said Yes. Napagdesisyunan niyang pakasalan ito. It felt like dying after everything he has done. He blame himself for what he did. Ayaw niyang isiping tumakas ito kaya hindi na nagpakita sa kanya. His world stops when he didn't see her nor hearing her voice. Hindi pala niya kaya. Akala niya, magagawa niyang kalimutan ang babaeng matagal ng gumugulo sa isipan. Simula nang manggaling sila sa Ancestral House, natakot siya, kaya ganun na lang ang ipinakita niya kay Edina. Natatakot siyang kapag nalaman nito ang darkest secret sa pagkatao niya iwan na lang siya nito. He was unsure if he give himself a chance to love would everything turn to be okay? What will happen if she found out? Will she accept him and have a family with him? But that was really impossible, paano pa matatawag na pamilya kung may kulang sa pagkatao niya? Paano siya bubuo ng pamilya, kung silang dalawa lang? Kahit na marami siyang alinlangan, isa parin ang nais niyang mangyari, ang mahalin si Edina. Nakarating ang sasakyan niya sa itinuro ng pinagtanungan niya na bahay ng mga Ballejos. Maraming tao sa labas ng bahay ni Edina. Tanaw niya mula sa labas ang mga tao, ang iba ay nakaitim, mayroon namang nakaputi. "Excuse me. Ano pong meron dito?" tanong n Chase sa isang lalaking papalabas mula sa bakuran ng mga Ballejos. "Huling lamay na ni Mang Ador kaya marami ng tao." "Sino pong Mang Ador?" "Siya ang ama nila Edina. Kawawang mga anak. At hindi man lang hinintay na magkaapo siya. Pangarap kasi ni Ador na makitang magkaapo siya kay Edina," napapailing-iling na sabi ng lalaki sa saka naglakad na palayo sa kanya. Bumalik siya sa kotse at mariing napahawak sa manibela. Bigla ay napahampas siya dito. "s**t! s**t! Ang tanga ko. Kaya pala kailangan niya ng pera. I didn't even f*****g ask her for the money." Bumalik sa alaala niya ang hitsura ni Edina nang magpunta ito sa opisina niya. "I am an asshole. How can she even forgive me? It was my damn fault. Bakit ba hindi ko man lang siya tinanong. Ang tanga-tanga ko—pretty stupid, damn it!" Napatingin siya nang makitang may lumabas na babae, si Edina. She looks vulnerable but this time, siya ang mas nakakaawa sa katangahan niyang ginawa. Ano bang nagawa niya? Sinaktan niya si Edina, sinaktan niya ang babaeng natutunan na niyang mahalin. Hindi na niya nagawa pang lapitan ito, wala na siyang mukhang maiharap pa sa dalaga. Kahit baliktarin ang mundo, sinaktan niya ito. Nagpasiya siyang humanap na lang ng mauupahang bahay malapit sa bahay nito. Suwerteng likod-bahay lang ang available na nakuha niya. Pakiramdam niya mababaliw na siya, napakarami niyang kasalanan kay Edina. Pang anim na bote na ng alak ang tinutungga niya nang mapagpasiyahan niyang puntahan ito. Mamamatay na yata siya kapag hindi ito nakita. Susuray-suray na naglakad siya patungo sa bakuran ng dalaga at doon naglabas ng kalasingan. "Edina! Edina please mag-usap tayooo!!" "Ano 'yon?" Napatingin si Edina sa Inay niya na naghahanda ng pagkaing ihahain sa mga bisita, katatapos lang ng libing at ito na ang huling bisitang darating sa bahay nila. "Labasin mo nga muna Edina. Nakakahiya sa mga kapit-bahay." Sinunod ni Edina ang Nanay niya without knowing who's in there. But when she saw the hint of him, agad siyang maglalakad na sana pabalik. Walang sulyap na agad niya itong tinalikuran. "Edina, miss na kita.." Napahinto siya sa narinig mula dito. Kung kailan kinakalimutan na niya ito. Kung kailan may iba na siyang priority. Kung kailan marami na siyang iniisip. Kung kailan nagluluksa siya. Bakit saka pa ito susulpot? Bakit ginigulo na naman nito ang isipan niya? ang puso niya? Lalo lang siyang mahihirapan. "Edina..please...bumalik ka na.. Sorry.. hindi ko alam. Hindi ko talaga alam... Sorry..hindi ko..inalam.." Bakit ba hindi niya ito matiis? Na’san na ang galit niya dito, bakit biglang naglahong parang bula? Lalo na nang bigla itong bumagsak sa labis na kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD