CHASE 10

1781 Words
WARNING: SPG Content! Please be aware and read at your own risk. NANGINGINIG ang kamay ni Edina nang maibaba ang tawag mula sa kanyang ina. Ayon sa balita ng kanyang ina ay nasa Ospital ang kanyang ama. May kanser ito at palubha na ng palubha, kinakailangan ng malaking halaga para maoperahan ang kanyang ama sa lalong madaling panahon. Hindi alam ni Edina kung tama bang kausapin niya hinggil dito ang nobyo. Lalo pa ngayon na pabago-bago ang timpla nito. Daig pa nito ang babae kung maka-mood swing. Sa tuwi naman na tinatanong niya ito, hindi naman siya nito kinakausap. Palagi na lang nagwo-walk out. Hindi niya maintindihan kung anong mali at kung siya ba ang mali sa relasyon nila. Nang oras na ng uwian ay nahintay siya sa car park ayon sa nais nito. Nakatayo siya sa tabi ng isa pang sasakyan nang bigla may isang sasakyan ang hindi niya namalayang paparating pala sa pwesto niya para pumarada. Dahil bahagyang madilim ang kinaroroonan niya ay hindi siya kaagad mapapansin. Napatili na lang si Edina nang humarurot ang sasakyan sa gawi niya. Napapikit pa siya at dinadama ang sarili kong may masakit ba sa kanya. Ngunit isang himala na wala siyang maramdaman at napakainit ng bagay na nakabalot sa kanyang katawan. Nang unti-unti siyang magdilat ng mga mata. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang lalaki sa likuran niya, nakayakap ito at tila pinoprotektahan siya. "O-Okay ka lang ba, Miss?" tanong ng estranghero sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon at agad tumayo. "S-sorry. Okay ka lang ba, Mister? May masakit ba sa iyon." Nagpumilit itong tumayo kaya inalalayan niya ito. "Okay lang ako." Napatingin si Edina sa braso nitong may bahid ng dugo, "Hala! May sugat ka. Kailangan mong magamot o kaya ay madala sa Ospital." Sunod-sunod na iling ang sinagot ng lalaking estranghero sa kanya. "I'm okay. I'm fine. I'm good. Sa susunod mag-iingat ka." Napayuko siya sa sinabi nito. "Sorry, lutang kasi ang isip ko nitong huli. H-Hindi ko.. napansin 'yong paparating na sasakyan. Sa-salamat," mahinang usal niya sa huli. "Nevermind. Sa susunod mag-iingat ka na lang," sabi nito na tila iniinda ang sakit habang nakakapit sa braso. Naglakad ito palayo sa kanya at nagdiretsong lakad patungo sa isang Big Bike, ito pala ang ginagamit nitong sasakyan. Hinintay niyang makaalis ang sasakyang iyon hanggang mawala na sa paningin niya. Napasinghap na lang si Edina nang may biglang marahas na humila sa braso niya. "What's that for? Sino 'yong lalaking kausap mo kanina?" singhal nito sa kanya habang nakatiim ang mga bagang. Pintado sa mukha ni Chase ang galit, lukot ang mukha nito at sa pagkakahawak sa braso niya ay tila nais nitong pumatay. "C-Chase, masakit. Hindi ko naman siya kilala." "Talagang masasaktan ka kapag hindi mo sinabi sa akin kung sino ang lalaki mo." "Chase! Ano ka ba? Wala akong lalaki. Tinulungan lang niya ako dahil kamuntik na akong masagasaan." Ngunit hindi nito inimik ang sagot niya. Bigla ay hinila siya nito at dinala sa sarili nitong sasakyan. "Sakay," mariing utos nito na puno ng pagbabanta. Pakiramdam ni Edina ay nagliliyab ang mga mata ni Chase lalo pa at napakadilim ng anyo nito, parang awra ng isang Demonyo. "C-Chase, saan tayo pupunta?" "Sa impyerno. I'll show you that you're mine. Mine alone." Hindi na lang nakaimik si Edina, ayaw niyang salubungin ang galit nito. Kanina ay okay pa lang sila. Hinandaan pa nga niya ng baon si Chase, ngayon ay kasing bangis na naman nito ang isang Tigre. Ipinarada ni Chase ang sasakyan sa Basement parking ng Building, ang suite nito. Hinila siya nito paibaba at mahigpit ang hawak na pinasusunod siya. Humahangos sila pareho nang makarating sa Suite nito. Nang ma-swipe at bumukas ang pinto ay hinila na naman siya nito. Padabog nitong ibinalibag pasara ang pintuan. Nag-angat pa ang dalawa niyang balikat sa gulat. Pahablot na hinila siya ni Chase at isinandal sa pader. "Akin ka lang, Edina." Napasinghap si Edina nang kabigin nito ang ulo niya at marahas siyang halikan. Hindi na nakapagpigil si Edina, nanlaban siya at pilit kumawala sa binata. Itinulak niya ito saka sinampal. Napahawak sa sariling pisngi ang binata. "C-Chase.. hindi ko sinasadya." "Talaga bang importante sa iyo ang lalaking iyon?" "Chase, makinig ka naman sa akin. Wala akong ginagawang masama, ikaw lang talaga. Hindi ko lang aloam kung bakit ka ganyan mag-isip," pagpapakalma niya sa sarili habang pinapaunawa kay Chase ang lahat. "You mean, ako pa pala ang may kasalanan. Sige, bahala ka na sa buhay mo!" pagkasabi nito ay tinulak siya palabas ng pinto. Kamuntik pa ngang masubsob si Edina nang hindi agad nakuha ang sariling balanse. Napaiyak na lamang siya habang napapaupo sa sahig. "Chase..bakit? Bakit ka na naman ganyan?" Matuling lumipas ang mga araw. Hindi niya maintindihan kung bakit sala sa init at sala na naman sa lamig si Chase lalo pa at hindi naman ito madalas mag-share sa sarili nitong buhay sa kanya. Siya pa nga ang madalas na magkwento sa binata. Hindi tuloy niya malaman kung may nakaraan ba ito o kung may iniinda itong trauma. PINILIT niyang iwaglit ang lahat at kalimutan ang alitan nila ni Chase. Ngunit, hindi na nito sinasagot ang mga tawag at text messages niya. Madalas na rin itong abala tuwing bumibisita siya sa opisina ng binata. Ang palaging dahilan ng maderang sekratarya nito ay out-of-town o nasa Business meeting. Hindi naman siya manhid para hindi mapansin na nanlalamig sa kanya ang binata at binabalewala na siya nito. Sinisisi na niya tuloy ang sarili, kung sana ay hinayaan na lang niyang magalit si Chase hindi sana ganito ang kalalabasan. She once pulled her phone out of the pocket's pants. Akala niya ay si Chase na ang tumatawag ngunit iyon pala ay ang kanyang ina. Minamadali na nito ang perang kakailanganin nila dahil nakaratay na ng tuluyan ang kanyang ama at nasa ER. Kinakailangan na raw ng malaking halaga sa lalong madaling panahon. Para sa kanyang ina ay ngayon iyon. Kulang-kulang dalawang daang libo para sa operasyon ng kanyang ama. She browse her phone. Kahit mahirap at kahit lunukin na niya ang lahat ng pride niya o ano pa mang masamang salita ang ipukol sa kanya ni Chase ay wala na siyang pakialam. Basta ang alam niya ay kailangan niyang matawagan ang nobyo. Bago pa man niya maisip na tawagan ay nagtungo muna siya sa opisina ng kanyang Supervisor. Umakyat siya sa Office ng Supervisor niya para kausapin ito. Subok lang. Wala naman sigurong masama. Nanginginig na nagsalita siya at sumusubok kung may maitutulong ba sa kanya ang Supervisor niya. Kahit nga pamasahe pabalik ay walang-wala siya. Paano pa kaya ang Two hundred thousand? Hindi biro ang ganoon kalaking halaga at kahit sino walang magpapautang sa kanya ng ga'nong halaga. "Sige na Edina, tanggapin mo na yan. Maghalf day ka na. Ako na'ng bahala. Dumiretso ka na sa Cavite, baka pwede mo pang pakiusapan ang Hospital." Napipilitang napatango siya at tinanggap ang dalawang libong iniabot ng Supervisor niya sa kanyang palad. Malapit ng mag-lunch, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa agad siyang nagbundy para makapag-out. Wala na siyang maisip na paraan, ito na lang. Bahala na kung ano ang gusto nitong isipin. Dahil out-of-reach pa rin ang phone ng binata, mataimtim na siyang nadasal na sana ay naroon ito sa Opisina at hindi siya pinagtataguan. Agad niyang tinungo ang opisina ni Chaser Dela Torre nang maayos siyang nakapagpalam sa pinapasukan. Nakatayo lang si Edina sa tapat ng pinto ng opisina ni Chase nang magkusa itong bumukas. Bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Chase. Ang mukhang hindi pa niya nakita, dahil madalas itong nakangiti noon ngunit ngayon poker face na ang anyo nito. Wala na ang masaya at palatawang Chase na nakikita niya noon. "May kailangan ka ba? Hindi ka naman siguro pumunta rito para lang titigan ako." "Tatawagan sana kita kaya lang nagkaroon ng Emergency." "Dito tayo sa loob mag-usap." Napakaseryoso ng boses nito naninibago siya at hindi siya sanay. Nakatayo lang siya at magkasalikop ang mga kamay, hindi siya sigurado kung papayag ito. "C-Chase, kailangan ko ng two hundred thousand. Pwede bang utangin ko muna? Promise, babayaran ko rin." Tumungo ito at may kinuha sa drawer, pinirmahan, pinilas at iniabot sa kanya. "Two hundred fifty thousand sa isang kondisyon." Napaangat siya ng tingin sa sinabi nito. "A-anong kondisyon?" nanginginig na tanong ni Edina. "Kunin mo na." Kinuha niya ang kapirasong papel at isinilid sa bag na dala niya. Naglakad ito patungo sa pintuan at narinig niyang nag-click ang pintuan. Nagulat na lamang siya nang maramdaman ang binata sa likuran niya. Ito na nga yata ang sinasabi nitong kondisyon, but why it feels like it was a punishment? Hndi naman siya bobo para hindi maunawaan ang ibig nitong ipahiwatig. Nagpaubaya na lang siya nang dumako ang mga kamay nito sa loob ng shirt niya, mariing dinadakma ang magkabilang dibdib niya. Ramdam niya ang sakit sa ginagawa nitong paglamukos. Ni hindi man lang siya nito hinalikan, ibang Chase na ang nakikita niya sa mga oras na iyon, masmalamig pa sa bukas na Aircon ng Opisina nito. Sinunod lang niya kung ano mang sabihin nito. Nagulat siya nang bigla siya nitong itapat sa mesa. Hinubad ang suot niyang pang-ibaba at hindi niya nasalo ang kahandaan nito. Mariing napapapikit at nakakapit na lamang siya sa mesa. Para itong papatay ng tao kung makabayo sa kanya. He held her hips firmly na parang makakawala ito. Kulang na lang bumaon ang mga daliri nito sa balakang niya sa tindi ng pagkapit nito sa kanya. Tinitiis ang hapdi at sakit makaraos lang ito sa nais nito. Masmasakit kaysa sa una. Sagad at masmarahas ang ginagawa nito sa kanya. Pinarurusahan siya. Pero bakit? Wala naman siyang ginawang masama. Waterfalls na ang pisngi niya dahil sa patuloy na pag-agos ng luha sa mata niya. Titiisin niya ang kahit ano, kung para sa Pamilya niya lang ang pag-uusapan. Kahit isangla na niya kay Chase ang buong kaluluwa niya at hindi siya mahalin nito gagawin niya dahil mahal niya ang pamilya niya at mahal na niya si Chase. Kahit ano pa ang naisin nito, gagawin niya because she lost, she already start loving him without anything in return. Ilang minuto ay nangisay ito at bumagsak ang katawan nito sa likuran niya na nakayakap pa sa kanya. Agad niyang pinahid ang mga umalpas na luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang magalit dito but there's no way she can because he won. Umalis siya sa pwesto niya, agad inayos ang sarili at nagmadaling lumabas sa Opisina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD