CHASE 14

2898 Words
ISA lang ang nasaisip ni Chase nang mga sandaling iyon. Wala na siyang pakialam kung hindi man sila magkaanak ni Edina basta sigurado na siya sa nararamdaman niya. Mahal niya si Edina. Edina wasn’t the type of girl he dreamed for, but she was the person he only needs to complete him. She was her life now. Hindi na buo ang buhay niya kung walang Edina—kung wala ito sa buhay niya. At hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama rito, makakapatay siya lalo na kung may umagaw nito sa kanya. Natatarantang nakarating siya sa bahay ng pamilya ni Edina, sa Cavite. Kinakabahan siya, dahil paniguradong galit ang mga ito sa kanya. Ngunit nang makatuntong siya sa pintuan ng mga Ballejos, nakangiti ang mga ito na hindi niya alam ang dahilan. Nabuo sa isip niya na walang sinabi si Edina sa kanila tungkol sa totoong kalagayan nila. Ayaw nitong mag-alala ang pamilya nito sa kanilang mag-asawa. Ayaw din naman niya mangyari iyon kaya sasakyan na lang din niya. Nagmano muna siya sa ina nito saka nagtanong. “Nasaan ho si Edina?” “Hindi ba kayo nagkasalubong. Kaaalis lang niya” Aalis na rin sana siya para habulin si Edina nang pigilan siya ng Nanay nito. “Oo nga pala. Pakihabol mo na rin itong wallet niya. Naiwan niya kanina, nagmamadali. Binabati ko na rin pala kayo, magkakaanak na kayo.” Ginagap pa ng ginang ang kamay niya, “Ingatan mo ang anak at apo ko, Chase.” “O-opo. Makakaasa kayo,” iyon na lang ang naisambit niya, nabigla siya sa mga binigkas ng kanyang manugang. Paanong sila ay magkakaanak, gayong impotent siya? Paano nabuntis si Edina? Isa iyong palaisipan sa kanya, imposibleng siya ang ama ng bata. Wala sa sariling inilapag ni Chase ang wallet ni Edina sa ibabaw ng compartment nang makasakay sa kotse, dahil hindi maayos ang pagkakalapag, nahulog ito. Nabuksan at sumambulat ang ibang laman. Naagaw ng kanyang pansin ang isang puting card. "Rogin Aguirre?" Hindi niya pwedeng makalimutan ang pangalang iyon. Rogin Aguirre is his most hated person, hinding-hindi niya mapapatawad ito lalo na nang pagtangkaan nito ang buhay niya. Bumalik sa balintataw niya ang araw na dapat ay susundan niya sana si Annieca sa Airport para pigilan. But then Rogin came to the picture, binangga nito ang sasakyan niya, nawalan siya ng preno at nabangga sa isang truck. Bago pa nga siya tuluyang nawalan ng malay, naaninag pa niya ang kinasusuklamang mukha ni Rogin. Kung tutuusin ito ang unang nang-agaw ng first love niya, way back in High School. Gusto nga sana niyang gumanti, pero sa kabaitan ni Annieca, hindi niya nagawa. Ayaw niyang gamitin ito para lang makaganti. At dahil sa aksidenteng iyon, ayon din sa test results, hindi na siya magkakaanak, he's going to be impotent. Pinagpilitan pa nga ng mga magulang niya na magpa-second opinion but then Chase loose hope and gave up. Nanigas ang panga niya nang maalala ang atraso ni Rogin sa kanya. Napahampas siya sa manibela. Then his mind wondering into something. 'When did Edina met this f*****g man? Would it be.. Damn! Makakapatay talaga ako kapag nalaman kong pinagtataksilan ako ng asawa ko. And the baby..It wasn't mine!' nag-iinit sa inis na usal ng kanyang isipan. Nagtatangis ang bagang niya, when realization hit his head hard. That the f*****g asshole could be the father of Edina's baby. Kung wala ito sa Cavite, tiyak pumunta si Edina sa family niya. Ito ang una niyang pupuntahan, he need a damn explanation and he badly need her. NAKIUSAP si Edina sa mga pamilya ni Chase roon muna siya tutuloy hanggang sa makapanganak na siya. Naipaliwanag na rin niya sa mga ito ang nangyari--ang panlalamig ni Chase at ang tinatago ni Chase sa kanya--being him impotent. "Kung may pagdududa pa rin po kayo, willing akong ipa-DNA ang baby, once na makapanganak ako." "Hija, wala naman kaming ibang iniiisip. 'Nong nalaman naming magpapakasal na ang Unico hijo namin, hindi kami makapaniwala. Because he had the hopeless situation of having a family at nagulat na lang kami na gusto ka niyang pakasalan." Ginagap pa ng Ginang ang kamay niya at ikinulong, "May tiwala kami sa'yo hija." "Nang dumating ka sa amin, magaan ang pakiramdam namin sa'yo kaya wala kaming dapat ipag-alala," ani ng Uncle ni Chase. "May gusto po sana akong ipakiusap sa inyo." "Ano 'yon, hija?" tanong ng Uncle ni Chase. "Pwede po bang itago nyo muna ako dito. Itago nyo ako kay Chase? Nagsinungaling siya sa akin at naiinis ako sa kanya dahil naglihim siya, hindi niya ako pinagkatiwalaan." "Pero.." kokontra sana ang Ginoo ngunit agad itong pinigil ng asawa. "Chandler, hayaan na muna natin si Edina sa pasya niya. Kung iyon ang makabubuti, why not." "Seryoso po ako sa bagay na ito. Kung hindi nyo po kaya, lalayo na lang po muna ako." Hinawakan ng Ginoo ang braso niya para pigilan siya. "No, you stay. Sige hija, papayag kami. Itatago ka namin kay Chase. Basta alagaan mo lang ang sarili mo at ang bata sa tiyan mo." Kung mabait si Chase, tiyak naging maganda ang pagpapalaki rito. "Isa pa po, may gusto po akong patunayan." "And what is it?" maang na untag ng Ginang "May kilala po ba kayong Rogin Aguirre?" "Teka lang, paanong napunta si Rog--" Hindi natapos sa pagtatanong ang Ginang nang ipaliwanag ng asawa nito ang kaugnayan ni Rogin kay Chase. "When he's college may praternities siyang sinalihan, at si Rogin ang pinuno o tinawag nilang Supremo pero hindi naging maganda ang pagsasama nila dahil sa isang babae, ang kababata ni Chase." "Napakaipokrita ng malanding iyon, kulang na lang lahat ng members gawin niyang laruan para lang masabing maganda siya." Nahimigan ni Edina ang galit ng Ginang sa babaeng tinutukoy nila. "Mabuti nga at di siya pinatulan ni Chase." "Mabuting tao naman si Rogin infact siya ang nagligtas kay Chase 'nong masagasaan ito, at inamin niyang nabangga niya ang kotse ni Chase kaya nawalan ito ng preno. If he was really bad, he won't bring Chase in the Hospital, although we know he still mad at Chase." "Nakilala ko po siya." Sabay na napatanong ang dalawa kung 'paano?'. Kinuwento naman niya ang buong detalye, patapos na sana ang kwentuhan nila nang hapon ding iyon nang may dumating. Mabilis niyang naulinigan ang pamilyar na boses na iyon. How could she ever forgot that voice she trully love to hear? Ngunit iba na ngayon, tinutunaw at dinudurog ang bawat himaymay ng kanyang puso sa galit nitong tinig. "Edina! Edina! Lumabas ka dyan! We need to talk." Mainam at wala sila sa Salas, nilabas naman ng mag-asawa ang nag-aamok na boses ni Chase. Lumabas rin siya para madinig ang pag-uusapan ng mga ito. Nakakubli lang siya sa isang pader. "Ano bang nangyayari? Kung makasigaw ka parang wala ka sa pamamahay namin ng Auntie mo." "Uncle, I need to talk to her." "Talk to her for what?" tanong uli ng Tiyuhin. "Will you two please calm down. Walang magagawa ang pagwawala at pagsisigawan. Chase, maupo ka nga. Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?" "Auntie, kailangan ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung sino ang ama ng baby niya." Alam niyang nagpapanggap ang mag-asawa at kunwari ay nagitla ang mga ito. "Buntis ang asawa mo?" "Uncle, I was so sure I am not the Father." "Hijo, bakit hindi ka magpa-check up ulit. Let's give it another try." "No! Para ano, mapahiya ako at mainsulto? No," matigas na sabi nito. "Baka naman stress ka lang. Why don't you have some break? Magbakasyon ka muna sa Baguio." "Alam kong nanggaling dito si Edina. I want to see her. We need to talk." Paos na ang tinig nito. Habang pinahihinahon nila ang asawa niya, sinamantala muna niyang umalis, kay Aleja ang tungo niya. Gusto rin niyang pakalmahin ang sarili. Para siyang sasabunutan ni Aleja nang dumating siya. "Gagang to! Ateng, ang tagal mo kayang naging invicible. Tapos pumunta ka lang dito para--" "Please Aleja. Promise kapag naging okay na kami ni Chase, bibigyan ka namin ng puwesto sa Company," pakiusap niya. Wala na siyang ibang makaulayaw kundi ito na lang kahit pa maurirat ito, nilihim muna niya ang lahat. Matapos ang mahabang pakiusap ay pumayag din ito na tulungan siya. Ang kahilingan lang naman niya ay tulungan siyang maging mata niya dahil baka dumating si Chase at makita sila. Bumalik siya sa Unit nila at tinungo ang kwarto saka hinalungkat ang drawer ni Chase. Mabilis ang nagawang pagkilos ni Edina, agad naman niyang nahanap ang result, pinakopya niya ng maraming kopya. Isang kopya ang ibinalik niya. Itinago niya ang orihinal. Kailangan niyang mahanap kung saang hospital pinagkuhaan ang Test results na iyon. Mabuti na lang at si Aleja ang naging kaibigan niya dahil may alam ito sa computer, ito ang tumulong para hanapin sa google ang katulad na logo sa Letter head ng Test Result. "Nakita ko na!" excited na sambit ni Aleja sa kanya. Agad niyang isinulat ang pangalan ng Hospital. Pina-save na rin niya sa email niya ang site ng Hospital. Mukhang naniniwala rin ito sa kanya na maaring mali ang resultang naibigay kay Chase or there is a possibility na dinaya. Dalawang bagay lang ang namumutawi sa isip niya, it's either the result is a mistake or it was mislead. "Hindi tayo ga'non-ga'nong makakapasok lang sa tanginang St. Anarie Hospital na 'yon, Edina." "Alam ko, ang baby sa tiyan ko, may silbi toh." Ginawa nga ni Edina ang plano, nagpanggap siyang sumasakit ang tiyan, nagpadala siya sa hospital at kunwari'y hinahanap si Doctor de Robles, ang doctor na nagbigay ng result kay Chase. "Sigurado ka bang tatalab toh?" pagdududa ni Aleja sa ginagawa niya. "'Wag ka na nga komontra.. Go with the flow lang ateng. O, english 'yon," pagmamalaki niya. "Galingan din sa pag-arte." Natawa na lang sa kanya si Aleja at kalaunay sinunod din siya. Nang makapasok silang pareho sa Hospital, hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Edina. Ayaw niyang makapanganak na siya ay pinagdududahan pa rin ng asawa. "Please Nurse, si Doctor de Robles ang gusto kong tumingin sa akin." Kinabahan siya nang lumayo sa kanya ang babae at may kinausap na isang babaeng nakaputing Coat. Doctor din marahil. Ngunit bakit babae? Samuel de Robles ang pangalang nakalagay sa Test results, imposibleng babae ang nagmamay-ari niyon? Nang magsalita ang babae saka lang siya nanahimik na kunwari'y naghihisterikal siya kanina. "Mam, pasensiya na po, hindi doctor si Samuel. Isa siyang nurse at tinanggal siya ng Hospital dahil sa panloloko." "T-totoo?" hindi makapaniwalang untag niya. "Yes Ma'am. Isa rin po ba kayo sa naloko niya?" Tumango siya para hindi magduda ang babae. "Walang hiya siya. Sige Doc, ibigay mo sa akin ang contact info niya, ako ang maniningil." "Pero Ma'am, bawal po--" "Please Doc, marami siyang atraso sa aming mag-asawa. Gusto mo bang manganib ang buhay ng baby sa tiyan ko--aray! Aray.. sumasak--" "Sige Ma'am, pero sa atin lang po ang bagay na ito. Ayaw kong madamay." "Makakaasa ka." Success ang ginawa nila, nakuha niya ang contact info ng de Robles na iyon. Agad nilang pinuntahan ang address na sinulat niya. Sana lang hindi siya niloloko ng Doctora na iyon. Lulan ng Taxi, nang makarating sila sa Building na upahan ni de Robles, agad silang umibis. Hindi pwedeng masayang ang lahat, ang lahat ng pinaghirapan nila. Naghagdan lang sila, dahil nasa Third floor lang naman ang kwarto nito. Nang makarating siya sa tapat ng pinto, kakatok na sana siya nang mapansing bukas ang pintuan. Kinawayan niya si Aleja at nagdiretsong pasok sila sa loob ng bahay ni de Robles. "I want you to get out of here. Ayaw kong malaman ni dela Torre na binayaran kita para i-fake ang test results." "Sir, ayaw ko ng magtago. Pagod na ako. Susuko na ako sa mga pulis." "Gago ka ba? Kapag ginawa mo ba iyon, magiging madali lang ang lahat?" Nanghihilakbot at hindi makapaniwala si Edina sa mga narinig. Bago pa makatakas ito, sinabihan na niya si Aleja na tawagan ang mga pulis para walang kawala ang de Robles na ito at ang kung sino mang kausap nito. Nais niyang malaman kung sino ang puno ng kawalang hiyaang iyon, kahit pa binalaan siya ni Aleja, dinedma lang niya. Nanginginig na tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay. At mad nagitla siya nang makilala ang kung sino mang kausap ni de Robles. Nabigla rin ang mga ito, maslalo na ang kausap nito. "B-bakit ba ang laki ng galit mo sa asawa ko?" aniya na pinagkatatagan ang boses. "E-Edina?" Napatayo ito nang makilala siya. Mabilis na nawala ang pagkabigla sa mukha nito saka muling nagsalita. “Tinatanong mo kung bakit. Hindi mo ba alam na siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Marjie. Inahas niya sa’kin si Marjie.” “Nagkakamali ka! May girlfriend ‘nong araw na iyon si Chase, kababata lang ang tingin niya sa Marjie na iyon. Tingnan mo nga, kung talagang nagkagusto si Chase kay Marjie, bakit hahabulin ni Chase nang araw na iyon ang girlfriend niyang si Annieca?” Parang natauhan ito sa mga sinabi niya at napapaupo na lang ito sa sahig saka parang batang umiyak. “Alam kong mahal na mahal mo ang Marjie na iyon, ngunit kung mahal ka niya, ipaglalaban niya ang pagmamahalan nyo, kagaya ng ginagawa ko ngayon, Rogin. Ang pagmamahal ay hindi sakim at mapag-imbot. Ang pagmamahal ay nagbibigay, nagpaparaya at nagtitiwala.” Lumapit ito sa kanya at paluhod na hinawakan ang mga binti niya. “Sorry. Sorry. Patawarin mo ako.” “Hindi ka dapat sa akin humingi ng tawad, kundi kay Chase.” Hinablot nito ang isang bag at may nilabas na kung ano. Naka-plastic envelope iyon at iniabot sa kanya. “Iyan ang totoong test results ni Chase. Makakaasa kang hindi ko na kayo guguluhin. Lilipad ako patungong Australia. Patawad sa mga ginawa ko.” Nang dumating ang mga pulis, hinayaan na ni Edina na makaalis si Rogin. Hindi dahil kinunsinti niya ang ginawa nitong kagaguhan, ngunit dahil nagmamahal lang ito. Naniniwala siyang ang taong nagmamahal ay makagagawa ng mga bagay na minsan ay hindi napag-iisipan lalo na ang kahihinatnan. Aalis na sana silang dalawa ni Aleja nang may humaklit sa braso niya ng niyakap siya. Hindi siya pwedeng magkamali, amoy nito, ang yakap nito at ang boses nito. “Pinag-alala mo ako. Delikado ‘yung ginawa mo, paano kung napahamak ang baby natin?” Halata sa boses nito ang labis na pag-aalala. Sumakit din kaya ang ulo nito? Taas ba o baba? Umalis siya sa pagkakayakap kay Chase at nagluha na ang mata niya na nagtatanong kung alam na ba niya. “Ako ang ama niyan. Dahil sa kakulitan ng Uncle ko, napilitan akong magpa-check-up ulit. At hindi ako impotent.” “Syempre naman. Nandito ang isa pang patunay, ang totoong resulta ng test mo.” “Sorry. Napakalaki ng kasalanan ko sa’yo. Pinagdudahan kita, hindi pinagkatiwalaan, pinag-isipan ng masama.” “I chase you Edina, because I just don’t need you..” putol nito at magaang hinalikan siya saka muling nagsalita. “But I love you, please love me again, Edina.” Napakapit na sa leeg ni Chase si Edina at siya na ang sumunggab dito para halikan. “Oo, habang-buhay, Chase.” “Hoy! Tama na ang moment. Hindi lang po kayo ang tao dito. Sa kwarto nyo na iyan ituloy," reklamo pa ni Aleja Parehong natawa ang dalawa sa tinuran ni Aleja. Alam niyang naiinggit lang ito sa kanila at masaya siyang nalutas na ang case ni Chase. “Case closed, Chase,” sabi ni Edina, trying to convince Chase na kung hahanapin pa nito si Rogin, ‘wag na sanang magkrus ang landas nilang dalawa. Ayaw niya ng gulo. “But in our case, hindi pa tayo close,” nanunudyong sabi ni Chase na sigurado siyang may makahulugang ibig sabihin kasabay pa ng nakaliliryong titig nito sa kanya. “I have done so much things from you at kailangang kong makabawi sa’yo.” “Sandali, paano mo pala nalamang nandito kami ni Aleja?” Wala namang ibang nakaaalam ng pakay nila at wala rin siyang ibang pinagsabihan. “I went on the same hospital, doon ako nagpa-check up. And they gave me the results that I’m not impotent. Nabanggit nilang may kapangalan ko ang pumunta roon, and that is you, my Mrs.dela Torre.” Nasa loob na sila ng kotse nito, magkatabi at parehong ninanamnam ang sandali na pareho silang okay na sa isat-isa. “Edina, I have my proposal to you,” alinlangang sabi nito. “ I know you are a smart person, sometimes your witty makes you even more attaractive to me. Gusto mo bang mag-aral ng college?” Napatingin siya dito. Tumawa siya ng pagak. “Masiyado na akong matanda.” “You still young and beautiful, you are only 23. Anong masama? Ga-graduate ka at the age of 28,” suhestisyon nito. Sinalo nito ang tingin niya, hayun na naman ang brownish nitong mga mata. “H-hindi ba mahirap ‘yun?” Nag-aalinlangan siya at natatakot at the same time. “Don’t misjudge and underestimate yourself. Alam kong kaya mo. You are brave, witty and kind.” “Hmmp. Kahit di ko maintindihan ang sinabi mo, alam kong binobola mo lang ako.” Lumiyad ito at hinagkan siya sa noo. “Mamaya, makikita mo kung ano ang totoong bola.” Hayun na naman ang mahiwagang double meaning nito. But she doesn’t care at all, atleast okay na sila, wala ng sagabal at problema. Sana huminto na lang ang oras sa pag-ikot para wala ng darating pang pagsubok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD