CHASE 13

2665 Words
NAKANGITI pa rin si Edina kahit tapos na ang kasal nila. Pinagmamasdan niya ang na-develope na pictures nila ni Chase. They were really romantic and the others say they're really good together. Makalipas ang isang linggo ay bumalik na rin ito sa trabaho. Ang nais naman niya ay magtrabaho sana, kahit tiyak niyang tututol si Chase. Hindi kasi siya sanay na nasa bahay lang. Sa condo unit nakatira si Chase at doon na rin siya tumutuloy ngayon. Madalas na lang niyang pinag-aaralan ang english language para hindi naman siya magmukhang mangmang. Malaki ang Unit nito, triple pa ang laki kaysa sa bahay nila sa Cavite. Kapag naayos na raw nito ang lahat, bibili sila ng bahay malapit sa Opisina nito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at tinanaw ang Malaking bintana nito. "Paano siya bibili? Eh puro Buildings ang meron dito." But Chaser was the impossible man. Walang imposible dito lalo na kapag ginusto nito. Inubos lang niya ang oras sa panonood ng TV lalo na at nag-enjoy siya sa panonood sa Eatbulaga lalo na ang kalyeserye na AlDub. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit aliw na aliw siya sa tweetums ng dalawang bida na si Yaya Dub o Maine Mendoza at si Alden Richards. Nakafocus nga lang ang mata niya sa mukha ni Alden. Gustong-gusto niya ang features nito, mukhang hindi suplado. Naiisip tuloy niya na sana ganun rin ang maging anak niya—ganuOON kagwapo. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa paghihintay sa asawa. Napamulagat siya nang mapansing nasa loob na siya ng kwarto at nasa kama. “Chase..” “O, matulog ka pa.” Isang bukas na ilaw ang nasa tabi nito at nakaharap ito sa laptop. “Hindi ka natulog?” pag-aalalang tanong niya rito. “Kailangan eh. Ilang linggo akong hindi pumasok at walang ibang mag-aasikaso ng business. Baka mag-decline ang sales ng company kapag hindi pa ako kumilos at nag-apura.” “Anong oras na ba? Baka ikaw naman ang bumigay niyan,” lalong pag-aalala ni Edina para sa asawa. “Wag kang mag-alala, aalagaan ko ang sarili ko." Lumapit siya rito at niyapos ang leeg nito mula sa likuran habang nakaupo si Chase saka naglambing. "Paano na kapag may baby na tayo? Wala ng time ang Papa niya." Inalis nito ang pag-ankla niya sa leeg nito. "Matulog ka na. Ako na'ng bahala dito." Napansin niyang biglang nagbago ang timbre ng boses nito na parang may iniiwasan lalo na kapag nababanggit ang word na baby. Nang sumunod na araw, hindi na mapakali si Edina. Dapat ay bago mag alasdose ng gabi ay nakauwi na ito ngunit hindi pa rin ito umuuwi. Labis niya iyong pinagtakhan. “Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang umuwi?” Bungad niya dito nang Makita itong nagtatanggal ng leather shoes. “Ba’t hinintay mo pa ako?” “Ano bang tanong ‘yan Chase? Natural, asawa kita. Hindi mo ba naisip na mag-aalala ako? Ni hindi ka man lang nag-text or tumawag. Hindi ba uso ang communication technology sa’yo?” “Minamanduhan mo ba ako? Don’t give me a f*****g bundy clock to when I should home.” Nagulat siya nang magtaas ito ng boses. “Ba’t ka nakasigaw? May problem ba tayo, Chase?” “Wala akong problema. Hindi ko lang alam sa’yo!” Napaangat ang balikat niya nang bigla nitong hablutin ang leather shoes at padabog na naglakad palabas at halos mawasak ang pinto sa pagkakabagsak nito. “Chase.. Anong nangyari? Bakit bumalik na naman sa dati? Bakit malamig ka na?” Napahagulgol na lang siyang napasalampak sa sahig nang biglang nangasim ang sikmura niya. Napahilamos siya sa mukha niya nang maalala niya si Chase. Nasa CR siya, panay siya suka. Marahil ay may nakain siyang hindi niya nagustuhan. Nagtaka ang mga staff ni Chase nang hindi ito umuwi sa unit nito. Mainit na rin palagi ang ulo nito hindi kagaya ng dati na palaging nakangiti at blooming. Ibang Chase na ang nakakaharap nila sa araw-araw. “What the f**k do you need?!” halos sigaw na salubong ni Chase sa boses ni Jarvis over the phone. Jarvis was also one of the Eligible Member of the fraternities. He was good in playing business also playing woman. “O, ba’t mainit ang ulo ng bagong-kasal?” “Sino ba ang hindi iinit ang ulo, kung ang asawa mo ay naghahanap ng anak na hindi mo kayang ibigay?” “Ba’t di mo na lang sabihin sa kanya ang totoo. Tell the truth that you’re impotent,” he suggested. “Then what? He will leave me, sasama siya sa iba at magkakaanak then sila ang liligaya.” “Bro, paano malalaman kung di mo susubukan? Mas masakit kung sa iba niya malalaman. Paano kung sa family mo or worst kay Rogin niya malaman na baog ka?” “f**k you, Jarvis! Paano naman napunta sa usapan ang asshole na lalaking ‘yun?” “Well, who knows? Naisip ko lang naman. Earth isn’t big. Mas maagang malaman na niya ang totoo kesa umasa siya. Paano nga kung pera lang pala ang habol niya sa’yo kapag nalaman niyang hindi ka’yo magkakaanak? Mas mainam nang ipaalam mo sa kanya para malaman mo na, the earlier kung ano ang pakay niya sa’yo. Her real intention. Kung totoo ngang mahal ka ng babaeng iyon, tatanggapin ka niya, Chase.” The line ends. Hindi na niya hinintay na magpaalam ang kausap. Lalong uminit ang ulo niya sa sinabing iyon ni Jarvis. He’s f*****g damn great when it comes to conclusion. But then he was realizing things will get better if he let Edina knows his deepest secret and that is being impotent. Baka sakaling bumalik sa dati ang lahat. Baka sakaling mahalin pa rin siya nito. Baka sakaling tanggapin siya nito. Baka sakaling makumpleto pa rin ang buhay niya kahit wala siya—silang anak. Baka sakali… “Mabuti naman umuwi ka pa?” nakahalukipkip na tanong ni Edina habang nakaupo sa sofa, sa salas.Ngunit hindi doon nag-landing ang tingin ni Chase kundi sa papel na nakalatag sa mesita. “Ngayon, naiintindihan ko na. Kung bakit nagagalit ka at nanlalamig tuwing binabanggit ko ang word na baby.” “Paano mo—Saan mo nakita ‘yan?” nanlalaki ang matang tanong nito. “Hindi ka magaling magtago.” “Edina, please let me explain.” “Let you explain? Alam mo ba kung ano ang nagawa mo? Pinagmukha mo akong tanga.” “K-kung sinabi ko ba sayo bago tayo nagpakasal, pakakasalan mo pa rin ba ako?” “Tumigil ka na. Ayaw ko na. Babalik na ako sa amin. Actually, kahapon pa ako bumalik, nandito lang naman ako para kausapin ka tungkol dito. Akala ko asawa ang turing mo sa’kin. Pero ba’t di mo ako pinagkatiwalaan. Siguro nga, hindi mo ako mahal.”Naglakad na palabas si Edina. Nakatayo lang si Chase, hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Kulang na lang isampal ni Edina na wala siyang silbi dahil kailanman ay hindi niya ito mabibigyan ng anak. Wala na, wasak na ang relasyong sinubukan niyang ingatan dahil sa kapirasong papel—ang lihim niya. TEARS, streaming down her face the time she left from their units—NO, her huband’s unit.. Ni hindi na niya makita ang daang nilalakaran niya dahil sa panlalabo ng mga mata sanhi ng mga luha niyang ayaw ng tumigil. Kamuntik na siyang mabangga ng kotse, mabuti na lang huminto ito at agad siyang dinaluhan para ma-check kung nasaktan ba siya, ngunit bago pa ito nakalapit sa kanya, nawalan na siya ng malay-tao. "Kumusta na ang pakiramdam mo Miss?" Nakasandal ito sa pader at may bina-browse sa cellphone. Naramdaman siguro nito na gising na siya. "Bakit ako nandito? Sino ka ba?" "'Yan ba ang pambungad na tanong sa taong tumulong matapos kang himatayin?" Presko. That is the complete word na gusto niyang i-describe sa taong ito. Kinalma niya ang sarili saka muling umimik. "S-salamat. Okay na ako, kuya. Gusto ko ng lumabas." "Kung kaya mo na nga. Eh di lumabas ka na." Bakit ba parang nais niya itong hambalusin ng Hospital bed na kinahihigaan niya? Isa pang nakaaasar na sagot nito, dito talaga niya ibubuhos ang inis niya kay Chase. "Sabi ng Doctor, kailangan mo raw mag-ingat at magpahinga." "Bakit naman sasabihin ng Doctor yun? Wala naman akong sakit." "Wala ka ngang sakit, so that means you know you're pregnant." "Anong sabi mo?!" pasigaw na tanong niya. "Kalma. Sige na, dito ka muna. Tatawagin ko lang ang doctor but in any case na may kailangan ka." May idinukot ito sa brown leather Jacket na suot nito. "Here is my calling card. Tawagan mo agad ako." Lumabas na ito ng kwarto. Hindi niya tinapunan ng tingin ang card nito masiyado siyang busy sa mga sinabi nito. "Buntis ako? Paano nangyaring..” Hindi siya makapaniwala, milagro ba ang nangyayaring ito? Napakaimposibleng mabuntis siya. Hindi naman siya si Virgin Mary dahil hindi na siya Virgin. Not unless, hindi talaga baog si Chase. Hindi niya namalayang bumalik na pala ang presko at barumbadong lalaking tumulong sa kanya na walang dalang Doctor. Lumapit ito sa kanya at nagulat siya nang bigla nitong tinakpan ang bibig niya. “Shh..wag kang maingay.. please.” Nagpatianod siya, ngunit nang marinig niya ang pamilyar na boses ng asawa bahagya siyang natigilan. “Chase, hayaan mo na ang babaeng iyon, halata namang pera lang ang habol niya sa’yo. Matauhan ka na.” “Jarvis, she stills my wife.” “Sa papel bro, sa papel. Isa pa alam naman niyang baog ka diba. Pabayaan na natin siya.” “Tang ina! Tigilan mo nga muna ako. f**k! Ano bang room ni Edina?” Tiyak niyang boses iyon ng kanyang asawa, hindi siya maaring magkamali. Hinahanap siya nito. ‘Nagkakamali ka Chase, hindi ka baog. Magkaka-baby na tayo.’ Ngunit wala siyang boses para gawin iyon at hindi siya makagalaw sa tindi ng pagkakahawak sa kanya ng lalaking ito—Barumbado at preskong lalaking ito. Nang mawala na ang boses na pino-focus niya, saka na siya nito biitiwan. “Ano bang ginagawa mo?!” At sa hindi niya mapigilan, nasampal niya ang lalaki matapos siyang bitiwan. “Wow! Sarap mong manampal, mahina, promise,” sarkastikong sabi nito na mukhang nang-aasar pa. “Sino ka ba?! Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ginawa iyong kanina?” “Isa-isa lang pwede? Ako si Rogin Angeles. And Chaser dela Torre is my bestriend. Sabihin na nating frenemies. Ganoon” Malakas ang kutob niyang pamilyar ang pangalang Rogin. Hindi lang niya matandaan kung kalian at kung saan. Biglang may malakas na parang martilyong bumayo sa dibdib niya lalo na sa pangalang ROGIN. Imposibleng vitamins.. Kahit na vitamins nga iyon pero hindi. Dudugo na yata ang utak ni Edina sa pag-iisip. Saka na lang niya muna iisipin iyon, sa ngayon ito munang konsimisyong lalaking ito na dadagdag sa pagdugo ng puso niya. “Hmmm…” Hinimas-himas pa nito ang sariling baba. “Magaling pumili si Chase. At mukhang bagay nga.” “Talagang bagay kami!” “Bagay tayo,” pagkokorek nito. Tayo? Nalaglag yata ang panga niya sa sinabi nito. Ngunit hindi pa doon nagwawakas ang lahat nang sapilitan siyang hilahin ni Rogin palabas sa Hospital. Kailangan na raw nilang makalabas ng maaga at tutulungan daw siya nitong gantihan si Chase para matauhan. Tuluyan na silang nakalabas ng Hospital at isinakay siya nito sa kotse nito. Masmaganda pa rin ang Jaguar ni Chase kesa sa Nissan nito. Ding! Alam na niya. Alam na niya kung saan niya nakita ang lalaking ito. Even his name sounds really familiar. “Bakit ka ba galit na galit kay Chase? Ano bang kasalanan niya sa’yo? Isa pa, paano mo ako nakilala?” hindi maiwasang untag niya dito habang binaybay nila ang daan. ‘Wala akong balak gawan ka ng masama. Sorry for being rude this past time. Saka ko na ikukuwento ang buong detalye sayo. Umuwi na muna tayo.” Bigla siyang naalarma sa salitang UWI lalo pa at hindi naman patungong Cavite ang daang tinatahak nila. "Seryoso ka kuya, kikidnapin mo ako?" "Anong kidnap? Nagkusa kang sumama sa akin, remember. Saka wala akong balak ampunin ka. Iuuwi din kita, hinihintay ko lang na makalayo-layo siya." "Siguro naman, may panahon ka ng magpaliwanag kung bakit malaki ang galit mo sa asawa ko—kay Chase," she really demanded for an explanation. Umupo ito sa upuang katapat niya. At nagsimulang magkwento nung college pa sila. Hindi naman talaga ito magagalit kay Chase noon, ngunit nang makita niyang hinagkan ni Chase si Marjie kahit pa magkababata sila, nobya na nito ni Rogin. Kaya dapat lang dumistansiya na ito. Ngunit, lagi pa ring lumalapit si Chase sa nobya niya at naging dahilan ng cool-off nila. Maganda si Marjie, maraming nagkakagusto dito pati na rin ang bestfriend niyang si Romervan at wala siyang kaalam-alam na may lihim ding pagtingin. Sila pa rin sana kung hindi umeeksena si Chase, kaya niya ito pinag-initan at tinaggal sa grupo. Doon na lamang naunawaan ni Edina ang lahat. Taliwas ang kwento ni Chase sa kwento ni Rogin, dahil ang totoo ay firslove ni Chase si Marjie at may gusto na ito simula 'nung bata pa kaya lang si Rogin ang naging nobyo ni Marjie. "Kaya ba pinasundan mo si Chase, para ako naman ang gantihan mo?" "Alam mo, matalino ka. Oo, matagal ko ng sinusubaybayan si Chase at ako ang dahilan kung bakit siya impotent." "B-bakit?" interesadong tanong niya. "Balak ko na siyang patayin noon, sagasaan. Kaya lang hindi ko nagawa. Pero hindi ko alam na may iba pang sasakyang naroon, ang Dark Omega na kalaban ng aming grupo. Niligtas ko siya at dinala sa Hospital, at doon na-examina na naapektuhan ang abdomen niya at impotent na siya." "Pero ang sabi ni Chase, sinagasaan mo raw siya dahil gusto mo na siyang patayin." "I am maybe the villain here, pero 'di ako mamamatay tao." Napailing-iling siya. Litong-lito, nahihili na mag-isip kung alin ba ang totoo. "Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung sino ang dapat paniwalaan." "I can't say trust me, dahil ngayon mo lang naman ako nakilala. And I will not force you to believe me but in my heart alam kong nagsasabi ako ng totoo. Nasa'yo kung sino ang paniniwalaan mo, ang asawa mo o ang isang estranghero." Gusto niya yatang kumanta ng Sino ang pipiliin ko, asawa ko o ibang tao? Kung ito nga ang nagsasabi ng totoo, may karapatan din naman si Chase na sabihin kung ano ang dahilan at nagsinungaling ito sa kanya. O hindi kaya, hindi pa siya nito lubusang pinagkakatiwalaan kahit mag-asawa na sila. "Sa ngayon, wag muna tayong magkita kuya." Nagitla siya ng guluhin nito ang buhok na parang nauubusan na ng pasensiya sa kanya. "Kuya ka ng kuya, ibinigay ko na nga ang pangalan ko 'di ba?" "Ikaw na nga nagsabi na estranghero ka. Kaya bakit kita tatawagin sa pangalan na parang matagal na tayong magkakilala?" Taas-kilay na untag niya rito. "Okay. Sige, bahala ka. Nakakailang lang kasi. Pakiramdam ko nadadagdagan ng sampung taon ang edad ko." "Ako na ang bahalang umalam. Kaya please, 'wag ka munang umeksena hangga't hindi ko nalalaman ang mga dahilan niya at kung sino ang dapat paniwalaan sa inyo. Isa pa, nasa akin pa rin naman ang pagpapasiya." Ang katahimikan nito'y katumbas na ng pagsang-ayon, kaya nakiusap na lang siyang ihatid na siya sa probinsiya nila, kailangan muna niyang harapin ang pamilya niya dahil baka malaman nilang hindi sila magkasundo ng asawa niya at pati pa ang pamilya niya ay madamay. Bakas ng pag-aalala ang tumimpla sa mukha ng kanyang ina nang makita siya, niyakap niya ito at hinagkan. Pinadama niya ritong walang masamang nangyari at wala silang problema ng asawang si Chase. Sinabi niyang dito niya balak manganak dahil may aalalay sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang kanyang ina na hindi niya namalayang tinawagan pala nito ang mga biyanan para ibalitang buntis na si Edina. Isang malaking gulo ang nangyari, dahil tiyak niyang magtataka ang mga ito kung paano siya nabuntis, gayong baog si Chase. Kailangan niyang malaman ang totoo, ayaw niyang isipin ng mga ito na nagtaksil siya para masabing hindi anak ni Chase ang bata sa sinapupunan niya. "Saan ang punta mo, Edina?" habol ng kanyang ina ngunit hindi na siya umimik. Ayaw niyang mag-alala ang pamilya niya, lalo na ang kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD