CHASE 15

1794 Words
The Finale of TEBS Book 1: Chaser Dela Torre ONE year after… The thought of learning and studying is a big challenge for her. But things really get better than before, ‘yong mga words na hindi niya maunawaan noon, it can easily for her to distinguish. And now is her son’s birthday, nangako siya noon kay Aleja na bibigyan ito ng trabaho and look at her now. Aleja is now one of Jarvis staff. Nasa piging ng binyag ang inimbitahan ng mag-asawa na kapwa nila kaibigan at malapit sa puso na sina Jarvis at Aleja. Masaya, nagtatawanan at walang alinlangang nakiki-join ang mag-asawang Chase at Edina. Syempre hindi naman pwedeng hindi maging ninang si Aleja, tiyak niyang magtatampo ito, si Jarvis naman ang Ninong. "This is makes more special," sabi ni Chase. "You are right, husband." Tumawa siya ng pagak, "Ang galing ko ng mag-english noh." "Hmm.. mukhang pangungunahan mo pa ako sa pagiging matalino ah," maypagtatampong sabi nito. Umibis siya at hinagkan ito sa labi. "Baby Charles, nandito na ang maganda mong Grandmy at gwapo mong Granddy." Natatawang napatingin si Edina sa Auntie ni Chase. Hindi pa rin ito nagbabago, sosiyalerang down-to-Earth pa rin ito. "Happy first birthday, apo." Lumapit ang Lolo ng bata at kinarga siya saka hinagkan ang bumbunan nito. "Uncle, easy to that, baka hindi na kayo maka-diretso ng tayo." Lumapit si Chase sa kanila at inalalayan ang tiyuhin. Charles Karlo dela Torre was the best gift they ever had in each other. After the celebration, picture takings or selfies, nagsiuwi na rin ang iba. She will surely treasure this special event in her life. Himalang hindi nakaramdam ng pagod si Edina nang matapos ang binyagan. Kasalukuyan na siyang nag-rereview para sa darating na examination. "Hon, pwede bang paki-check kung tama ang grammar ko." Lumapit ang kanyang asawa at dumukwang para basahin ang ginagawa niya. Edina is taking-up Education, Major in English, sana. Bata pa lang kasi siya pangarap na niyang maging Teacher. Pero nabago ni Chase ang nais niya sa buhay dahil hindi na niya natuloy ang unang kursong nagustuhan. Siguro nga si Chase ang katuparan sa pangarap niya. “Hon,” tawag niya sa asawa. Nag ‘Hmm’ naman ito. “Sigurado ka ba talagang okay lang sa iyo na ‘wag muna tayong mag-love making?” “Oo naman. Kung mahal mo ang isang tao, handa kang gawin ang kahit na ano para sa kanya, handa kang maghintay kahit pa katumbas ay habang-buhay.” “Tula ba ‘yan? Tara sulat na natin.” Marahang tumawa si Chase, “I’m serious, Honey. Para saan ba ang 4 years na agwat ni Charles. Isa pa hindi ko naman kailangan ng maraming anak. Ikaw at si Charles ay sapat na.” “Tsk. Kaya lang may problema tayo. The School is offering an additional study abroad,” malungkot na sabi niya kay Chase. "What? Kulang pa ba ang four years para sa pagpupulis?" napapalatak na sabi ni Chase. Humarap si Edina sa asawa, "Let me clear it, hindi ba inaprubahan mo naman na gusto kong maging Isang magaling ng Investigatory Agent." "Pulis siguro, but being an agent or detective. Hindi pwede!" "Chase.. minsan lang ang ganitong offer. After two years naman ay babalik ako." "You will risk your life, you'll be in danger. I will not approve it." Lumapit siya sa asawa at naglambing saka marahang hinalikan ang punong tainga nito na talaga namang weakness nito. "Edina, ano ba!" sigaw nito na hindi na makaalma sa ginagawa niya. Panay na ito tawa dahil sa kiliti. Huminto si Chase at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya. "Papayagan kita kung ipapangako mong magpapakabait ka. It is your dream and you have a talent for that. Sino ba naman ako para pigilan ang pangarap ng minamahal ko?" Bahagyang nagluha ang mga mata ni Edina. Oh, God, how bless I am having Chase in my life, and also Charles. Thank you po sa lahat.' “Masaya akong nakilala kita ‘nong first time kong makatuntong sa Building mo.” Hinagkan nito ang noo niya. “Mas masaya ako na dumating ka sa buhay ko. I was complete as you came to me and said I love you, love you too. Wala na akong pwedeng hilingin pa. Ikaw at anak natin sobra-sobra na. You love me again and you made me complete." "So, pinapapayagan mo na ako? Kaya ituloy na natin ang Love making!" Agad inihiga ni Chase ang asawa at muling nagsanib ang dalawang pusong umiibig. Kinabukasan, dahil nakabakasyon mula sa School si Edina at mabilis naman ang nagiging improvement dahil nais nito na hatiin ang kanyang pag-aaral, ang fifty percent ay magiging home study. Pabor naman iyon sa kanya at mabilis din namang napapayag ang professors dahil napaka-progressive niya at fast learner. Sa katunayan ay siya na ngayon ang nangunguna sa Eskwelahan nila. Ayaw rin naman kasi niyang magpatalo, isa pa ay nag-eenjoy siya sa ginagawa niya. Kahit pa anong hirap ang pagdaanan niya, sigurado siyang malalampasan niya dahil kasama niya ang kanyang mag-ama. ISANG tawag mula sa dating kapatiran ni Chase ang nag-iimbita sa kanila na pumunta sa Club House. "Sigurado ka bang hindi ka sasama?" tanong ni Chase. "Ano naman ang gagawin ko roon? I'm sure makakaabala lang ako, isa pa lahat yata ng mga kasamahan mo sa AOSS ay pupunta roon. Hindi ba, most of them are Eligible members?" "I'm not really sure if it was a get-together party. Ang sabi kasi sa call, pwede raw isama ang mga partner." "Pero kung mapilit ka, syempre sasama na ako." "Grabe, ang dali mong kausap," sarkastikong sabi ng asawa niya. "Oo naman." Hindi na nila pinagtalunan ang pagtungo roon. Sa huli ay sabay silang bumaba ng helicopter nang lumapag ito sa malawak na bermuda grass ng Club house sa Laguna. Dito sila inanyayahan na magkaroon ng get-together. "Look who's here, Ice!" Mukhang hindi nalula sa ere nang sumakay sila ng helicopter ni Chase, mas nalula siya sa mga tinawag na kapatiran ni Chase. They are all mouthwatering and good looking human being. Tila nasa isang paraiso si Edina nang masilayan ang mga ito. "You're late!" sabay batok ng matangkad na lalaki kay Chase. "Hoy Lejan! Anong karapatan mong batukan 'tong bestfriend ko," mabilis na pagtatangol ni Jarvis. If she will recognize the picture she held when they went to that Ancestral house, she was certain that what she was seing was same at the pic. She almost picturize everyone of them. Parang walang masyadong ipinagbago liban sa pagiging broaden at manly ng mga ito. They looks like they were still young and nothing has changed. Napasulyap isa-isa sa mga lalaking isa-isang tumayo si Edina. Lumapit ang tila mukhang bata pero malakas ang appeal at mukhang maloko. "Nice to meet you, my lady. I'm Lenard Janzel Arevalo, you can call me, Lejan for short," sabay kuha sa kamay niya at hahalikan sana nang iharang ni Chase ang likod ng palad at ito ang nahalikan sa kasamaang palad. "Don't you dare, Lejan," nangangalit na saad ni Chase. Para namang napaso ito na mabilis na nag-angat ng paningin at tila asong nabahag ang buntot na mabilis na lumayo. Tila security guard ang asta ni Chase na agad binakuran ang dalaga. "Huwag kang lalayo. Dito ka lang sa tabi ko. Most of them are single. I'm sure they will mingle on others business. Kaya habang kaya pa kitang protektahan, don't go near them." Tumango si Edina na naunawaan ang sinabi nito. "Ladies and Gentlemen, before we proceed to this party, let me introduce to you this two couple that already tied the knot. This is Edina Ballejos-dela Torre and her husband Chase. Since, may pares na si Chase, ibig sabihin ang matitirang labing dalawa sa atin na hanggang ngayon ay wala pang ka-forever. Sad to say napatapon sa malayong lugar ang ating Supreme Master kaya Hindi siya makararating but this is not the first time na magiging open ang Club house for the members and their partners. Since, ako ang may-ari ng Club House, I have the rules and regulations of this premises. I will email to your account my Club house premises. And lastly, I'm Aldrich Carvajal the second leader of our clan." Kasabay na niyon ay ang palakpakan na ng lahat. Isa-isa naman pinakilala ni Aldrich kay Edina ang kasama sa kanilang clan o prat na hindi pa rin nawawala ang pagbabakod ni Chaser. Nag-enjoy naman si Edina dahil mababait ang mga ito at mukhang makakasundo niya. Iyon nga lang ay tiyak pagbabawalan siya ng asawa na kaibiganin ang mga ito, sa seloso ba nito. Imposible talaga na may makuha siyang kaibigan mula sa mga ito. Pero narito naman ang ibang mga nobya nito na pwede niyang kaibiganin, isa na nga roon si Josh, at Chili na nobya na ng mga ka-clan ng kanyang asawa. Ang iba sa mga ito naman ay ayaw pa talagang magpatali na gaya niya ngunit mukhang minamahal naman ng mga ito ang kani-kanilang partner. "Wait guys! May nalimutan yatang sabihin sa atin ang nananahimik ditong si Tresh." Agad tinakpan ng tinawag na Tresh ang bibig ng umagaw ng mic mula kay Aldrich. "Ano ba, Lejan! Stop it!" "Let me announce to you na nag..ugg..ahgg.." hirap na hirap na sabi ni Lejan habang tinatakpan ni Tresh ang bibig nito. Pinagtulungan ng mga ito na ilayo si Tresh kay Lejan nang mai-announce nito ang dapat sabihin. "Aham!" he cleared his throat. "Our beloved Tresher Lance Anderson is already tie the knot to Joshana Katherine Valdez. They married secretly na hindi man lang tayo inaabisuhan. That's against the rule 'di ba Al?" Tumango ang tinawag na Al. "We have our rules na kapag nagpatali ka na sa babaeng mamahalin mo ay dapat mong sabihin kaagad o ianunsyo, in advertisment, announcement or media. Dahil diyan mapaparusahan ka ng clan." "Asar!" bulong ni Tresh nang marinig ang ibinigay na punishment. Everyone wonders what punishment is that. Pero ano man iyon, masasabi ni Edina na magiging maligaya na siya sa piling ng mahal niyang asawa na si Chaser. "Thank you for completing me, Edina," saka magaan na hinalikan ang asawa. "Pasok na tayo sa kwarto natin. 'Di ba isang gabi lang tayo rito. Naghihintay na ang anak natin." "Dito na kaya natin sundan si Karlo?" "Heh! tumigil ka nga!" saka magka-angkla na pumasok sa ibinigay sa kanilang kwarto. Hindi nila sinayang ang sandali, nilibot nila ang halos sampong ektaryang kalawakan ng Club House na pag-aari ni Aldrich Carvajal. At doon na natatapos ang kwento ng mala-Cinderella-ng buhay ni Edina. Sa pagbubukas ng susunod na kwento ng buhay binata na nauwi sa pag-aasawa, walang iba kundi ang secretly married na si Tresher Lance Anderson. ************* WAKAS**********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD