HANS 2

1471 Words
NAWALA ang nakapintang busangot na mukha ni Reema nang makarating siya sa upahan nilang bahay ng kaibigan. Pinagtakhan pa ni Myra ang pagngiti niya at kung bakit bigla siyang naging masaya. Hindi na rin niya dinamdam ang nangyaring pag-decline ni Hans Montano sa mga akda niya upang maisapelikula. Mas nagkaroon siya ng energy na gumawa ng mas maraming stories. And take note, himalang naging best sellers agad lahat ng books na ginawa niya. “You’re not an ordinary to me. I am sure there is something magic in this ring.” Parang timang na kausap niya ang sarili at nakatingin sa suot na singsing. “Hala sige, pag sumagot 'yan, baka mabaliw ka,” komento ni Myra nang makitang kausap niya ang singsing. “Or ikaw ang mabaliw,” biglang supla niya habang hindi pa rin sinusulyapan ang kaibigan. “Gaga! Oo nga pala, tumawag dito yung publishing house mo. May launch daw para sa book signing ng mga libro mo sa SMX.” “Okay, shoot!” Naging mahabang oras sa kaniya ang bawat araw, madalang na siyang lumabas dahil sa pagiging abala sa pagsusulat at pagpapaimprenta ng kaniyang mga libro. Hanggang sa kinuha na siya ng isang sikat na publishing house para magtrabaho. Ayaw niya sanang pumayag dahil mas gusto niyang hawak ang sariling oras. Kaya lang ay malaki ang opportunity na inaalok nito sa kaniya. Isa pa, gusto ring niyang magpaka busy para hindi na niya maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Hans Montano. Napa-aray siya nang biglang makagat niya ang kanyang sariling dila. "Lintik! Siguradong naiisip na naman ako ni Romer." Si Romer o Romervan ang nakababata niyang kapatid. Dahil bihirang umuwi ang kanilang mga magulang sa bahay ay ipinasya na rin niyang humiwalay at magsarili. Habang ang kapatid ay panay business trip ang inaatupag dahil hindi pa rin daw ito naka-move on sa first love nito. Hectic schedule was her day now. Kaya sinabi na rin niya kay Myra na hindi siya tatanggap nang sino mang bisita. Nasa bahay siya pag-araw ng lingo at kapag weekdays ay nasa opisina siya para magtrabaho at mag-edit ng natapos niyang story bago ipasa sa publisher. “Reems, look like we have company. You have a visitor here, a handsome visitor,” balita sa kaniya ni Myra habang nakasilip lang ang ulo nito sa pagitan ng pinto at hindi naipapasok ang buong katawan. Tumangas ang kilay niya bago napilitan lingunin ito. “Myra, sinabi ko naman sayong hindi ako tatanggap ng bisita ngayon 'di ba? Kahit sino pang Poncio Pilato 'yan. I won’t accept any visitor.” “Guess who?” may kilig pang sabi nito. “Wala kompake.” “Bes, si Hans Montano.” Hans what? Pakiramdam niya nabingi siya bigla, that name really ring a bell to her. Agad rin namang tumalima si Myra mula sa pagkakasilip sa pinto, tuluyan pa nitong sinara ang pinto. Parang biglang nag-init ang tainga niya sa pangalang binanggit ng kaibigan. Pero teka, bakit naman siya sasadyain ng isang Hans Montano? Sa pagkakatanda niya wala naman siyang naiwang utang dito, wala ring siyang atraso dito para lang puntahan siya sa bahay niya. Nahiwagaan siya kaya naisip na niyang lumabas na ng kwarto para hampasin ng sofa, este asikasuhin ang bwisita niya. Kapag nga naman dinadapuan siya ng malas, talagang iyon pang lalaking iyon ang napili ng tadhanang maging malas niya. Or baka naman kaya magso-sorry na ito sa nagawa nito sa kaniya. Napaangat ang sulok ng labi niya sa isiping iyon at umaasa siyang gagawin nga nito iyon, ewan na nga lang niya kung Hans the great ito o mapagmataas. “Hi.” Napatayo ito nang makita siya, tipid na ngumiti at bahagyang hinagod siya ng tingin. Bigla siyang nailang at napatingin na rin siya sa sarili. Saka lang niya naalalang, wala siyang suot na bra. Nakasuot lang siya ng malaking itim na t-shirt na may kanipisan at tiyak niyang bakat doon ang n*****s niya. Mabuti na nga lang at hindi siya nagsusuot ng maiksi at manipis na short dahil tiyak pagpipiyestahan ng mata nito ang hita at binti niya. 'Bastos!' Bigla siyang napatalikod. “I-I have to dress decently.” Kumabog ang dibdib niya nang makaiwas siya sa bayawak na 'yon. Pero at least nakahinga rin siya ng maluwang. Minadali niya ang pagpapalit ng damit at hindi na nag-abalang mag-ayos ng buhok. Wala rin naman siyang balak magpaganda lalo na sa bruhong ito. “Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito, aber?” pagtataray niya para ipangalandakang hindi ito welcome sa bahay niya saka niya iniwasan ang pagtatama ng mga mata nila nang biglang tumingin ito sa kanya. Prenteng nakaupo ito sa sofa nila sa hindi naman kalakihang sala nila. Abala ang mga kamay sa pag-swipe ng sariling phone kaya napatingin ito sa kaniya nang magsalita siya. Agad din naman nitong hininto ang ginagawa at agad itinago sa bulsa ng suot na maong pants. Akala siguro nito may balak siyang pag-interesan iyon at nakawin. Hindi niya malaman kung bakit nang-uusisa ang mga mata niya nang mapagmasdan niyang sumandali ang animal na ito. He was handsome enough that girls can make him fall easily. Humahapit pa ang abs nito sa suot na polo na hindi rin kakapalan. Messy hair na lalong nag-angat ng kagwapuhan nito. Kahit saang anggulo yata gwapo ito, that all girls will drool hard enough when they saw him. Wala na ba itong ipapangit? “Enough assessing me?” “Excuse me. I’m not assessing you. 'Wag kang praning. Ano ngang masamang hangin ang nagdala sa’yo rito?” “Ganiyan ba talaga ang treatment mo sa mga bisita mo?” Gusto sana niyang sabihin na sa’yo lang. Tinaasan niya ito ng kilay. “FYI Mister, my friend already told you that I’m not accepting any visitor, which of that you didn’t understand?” Saka siya humalukipkip para mapahiya ito. Mukhang hindi naman natinag ang damuhong ito sa sinabi niya. “I came here to get back what is mine. You have something that I owned.” Umayos ito ng upo at dumekwatro pa. Ang kapal talaga ng mukha. Umarko ang kilay niya sa sinabi nito, mukhang siya yata ang mapapahiya. “And what is that?” hindi mapakaling tanong niya. Sa pagkakatanda niya ni singkong duling ay hindi siya nangutang dito at wala siyang matandaang favor na ginawa nito para sa kanya. “My ring.” “How would you know that I have something that belongs to you?” Wala talaga siyang matandaang ninakaw niya mula rito, kahit anong bagay pa iyon. “The ring you wear around your finger is totally mine.” Pasimple na pala nitong sinusulyapan ang singsing sa daliri niya. Shit! Ba’t ba nakalimutan niyang hubarin ito at itago? “This ring is mine,” matigas na sabi niya rito. “That’s not yours.” Nag-unat ito at inalis ang pagkakadekwatro. “And not yours either. Pambabae ito at hindi panlalaki. Paano mo nasasabing sa’yo ito kung sa Pawnshop ko ito nakuha?” “Exactly. Sa Pawnshop mo ‘yan nakuha, that means hindi rin nila pag-aari.” Biglang nag-init ang tainga at pisngi niya sa sinabi nito. This man really gets into her nerves. Malapit na nitong ma-reach ang boiling point niya. “Finders keepers.” She started filing herself to calm down. “Look, I will double the pay, just give me back the ring.” Akala siguro nito masisilaw siya sa pera. “No. I won’t give this to you. Just buy your own, marami ‘don sa Pawnshop. This is mine. Gets mo, MINE.” Sinusubukan niyang ipaintindi rito na ano man ang nasa kamay niya at nakuha na niya ay tiyak niyang pag-aari na niya. “I will get it, by hook or by crook.” Tumayo na ito. “I guess wala na tayong dapat pag-usapan. You can go, Mister Montano.” “Babalik ako.” Mahina ngunit sapat para marinig niya, bago ito tuluyang lumabas ng pinto ng bahay nila. Subukan mo lang. “Myra, pakisara lahat ng mga bintana at pinto, pa-double lock. Baka may makapasok na demonyo,” pinakalakas-lakasang sabi niya para marinig nito. Agad na rin siyang pumasok ng kwarto na hindi na hinintay ang sasabihin ni Myra na kasalukuyang nasa dirty Kitchen. Gwapo sana ito. Presko, maangas, mayabang at ang kapal lang talaga ng mukha. Exactly the high and mighty Hans Montano-ng kilala niya. Napaisip lang siya kung ano pa ang nais nito sa singsing niya. Mayaman naman ito at lahat ay pag-aari na nito. Kung tutuusin kayang-kaya nitong bumili ng singsing, milyon man ang halaga. Something really bothers her. Napakuyom siya ng palad tuwing maalala ang mukha ni Hans. Lalo tuloy siyang nanggigigil. Nakaka-drain ng dugo. Paniguradong wala na siyang maido-donate na dugo dahil na-drain na nito nang araw na iyon. Huwag na lang sanang magku-krus pa ang landas nilang dalawa. Napakapit siya sa kanyang singsing. Hindi puwedeng makuha nito iyon. Titiyakin muna niyang dadaan ito sa ibabaw ng bangkay niya. "Over my dead beautiful body pero hindi mo ito makukuha sa akin," huling marka niya sa kanyang salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD