HANS 3

1625 Words
NAPATUNGGA ng alak mula sa kopita si Hans nang maalala si Tyra. Ito lang naman ang babaeng minahal niya at inakala niyang mamahalin din siya. Mabuti na lamang, maaga niyang nalaman na pera lang pala talaga ang habol nito sa kanya. It all thanks to his Colleague, Alfer. Ito rin kasi ang nag-ungkat ng tunay na lihim ng dalaga. Kaya pala hindi ito kuntento sa singsing na ibinigay niya kahit pa sabihin niyang mula iyon sa kanyang angkan, sa kanyang Abuela na nagbigay sa kanya at halos napagpasa-pasahan na ng angkan at henerasyon. Sabi ng kanyang Lola ay may magic ang singsing na malalaman nito kung sino ang dapat mag may-ari. Kapag naisuot na sa babae ang singsing ay mahihirapan na ang mismong may-ari nito na maghubad nito. Sinasabi ring may dalang swerte ang singsing sa babaeng karapatdapat niyang mahalin. Forever ring ang tawag ng angkan niya sa singsing na iyon na nagmula pa sa kanunu-nuan nila at nagpasalin-salin sa mga susunod na dapat magmana nito. Kung sino man ang magsuot ng singsing ay siya na raw magiging forever ng totoong may-ari nito. Iyon ang dahilan kaya ibinigay niya iyon kay Tyra, sa pag-aakalang ito ang magiging panghabang-buhay na mamahalin niya. He proposed that time and he was really dissapointed when Tyra check the ring and ask the price. Yes, it was a gold karat ring, pero napakababa lang ng halaga niyon sa pagkakatanda niya. Dahil hindi pa naman nangyari na naisangla o naibenta iyon. Lalo pa at luma na at antique ang singsing na iyon. Napakuyom pa siya ng palad nang malamang isinangla pala nito ang singsing nang wala itong mapagbentahan saka binirahan ng layas. "That b***h!" Nawalang parang bula ang lahat ng bagay na pinagsamahan nila ni Tyra. Nalaman na rin niyang Playgirl ito at pera lang ang habol sa lahat ng lalaking magiging nobyo nito. Nabura na ang pagmamahal na inuukol niya para kay Tyralyn. He hates her till death. Lalo siyang nainis nang malamang ang ni-reject niyang applicant writer ang nakakuha ng singsing na iyon. Pero wala na 'ng iinis nang malaman niya kahapon mula sa staff ng Pawnshop na ang nag-utos na ibenta iyon sa babae ay walang iba kundi si Alfer. "That damn manipulative Bastard, Alfer." Kilala sa history ni Alfer ang pagiging manipulative at hindi niya akalain na pati siya ay nabiktima nito. Ilan pa kaya sa miyembro ng prat ang balak nitong manipulahin ang buhay? Biglang sumagi sa isip niya ang mukha ng dalaga nang i-reject niya ang published story nito para maisa-pelikula. Umasim ang mukha ni Hans nang ma-picturized ang galit na mukha nito kanina matapos niyang sabihin ang tungkol sa singsing. Arangkadang pinuntahan niya ito upang matiyak na nasa mabuting pangangalaga ang singsing. Kung pera lang ang kailangan nito ay kayang-kaya niya itong tapatan. Kaya sisiguraduhin niyang bukas na bukas din ay mapapasakamay niya ang sariling singsing. Nag-ring ang phone niya at ang kanyang Lola Harriet ang nasa phone screen. "Kumusta na ang singsing, apo?" Inaasahan na niya ang tanong ng kanyang Abuela. Lalo pa at nalaman nito ang nangyari sa kanila ni Tyra. "Sabi ko naman sa iyo, hijo, hindi talaga si Tyra ang babaeng para sa iyo. That ring knows it all and can reveal whom it may belong." "It was someone's other finger's now." "T-Talaga? Ano? Kumusta? Okay ba siya?" "La.." Napakamot siya sa ulo sa kawalan ng isasagot. "That ring owned by a wrong hand." "A-Ano? Kunin mo. Kailangan mong maibalik agad iyon sa akin," matigas na sabi ng kanyang Lola. Mula nang mamatay ang kanyang Ina ay ang kanyang Lola na sa side ng kanyang ama ang tumayong kanyang ina. Ang ama naman niya ay hindi rin niya masyadong maasahan. Doon niya namana ang pagiging workaholic. Umpisa pa lang ay tutol ito sa pagtatayo niya ng film entertainment. Katatakot-takot na pagtutol at pagbatikos muna ang inabot niya nang maka-graduate siya ng college at maisip na gumawa ng sariling entertainment company. Tinutulan nga rin nito ang kinuha niyang kurso na related din sa ginagawa niya ngayon, pasalamat na lang siya at palagi siyang sagip ng kanyang Lola Harriet o Harry. Dahil retired na rin ang kanyang ama at isa sa investors ng kompanya ng kanilang pamilya ay tinanggap na nito ang passion niya. Hinayaan na rin siya nito lalo pa at nakikita naman nito na nag-e-enjoy siya sa ginagawa at may pupuntahan ang lahat ng kanyang pagsisikap, pagod at pawis. Ideya rin kasi ng kanyang Lola na ipasuot dito ang singsing at kapag maluwang ay hindi raw ito ang karapat-dapat sa kanya, dahil may kakayahan ang singsing na sumikip sa kung sino mang magsusuot nito at masasabing karapat-dapat para sa kanya. "Don't worry, La. I'll do everything to get the ring back to the real owner. Just give me a time," mariing tugon niya na determinadong makuha ang singsing sa babaeng iyon. NABILAUKAN yata si Reema nang uminom siya ng tubig ng gabing iyon. As if someone put her a curse. Hindi na kasi siya makatulog simula nang puntahan siya ni Hans Montano. Para siyang palaging aligaga at natataranta tuwing may maririnig siyang doorbell o katok mula sa kanyang kwarto. Hans Montano was really a curse. Muli niyang dinama ang singsing. Kailangan na niya iyong hubarin at itago kung saan ay hinding-hindi mahahanap ng lalaking ito. Maraming swerte siyang nakamit dahil sa singsing na iyon. Nakaka-receive na nga rin siya ng Writer's Mall Tour dahil din sa singsing. Kaya imposibleng ganon-ganon na isusuko niya ang singsing na iyon. Napangiwi siya nang tila lalong sumikip ang singsing at parang ayaw ng mahubad mula sa daliri niya. Agad siyang nagpunta sa lababo at kinuha ang dishwashing liquid. She squeezed enough amount to wash her left middle finger. Nagsisi tuloy siyang bigla kung bakit sa kaliwang palasingsingan pa niya iyon inilagay at hindi sa kanan. Magmumukha tuloy siyang married woman kahit wala pa naman siyang boyfriend. Hindi naman sa kapangitan siya o hindi maganda. Marami nagsasabing maganda siya at siya nga lang daw ang hindi nakakapansin sa sarili niyang ganda. Simple lang naman kasi siya manamit, hindi maporma, more on a boyish look. Mahilig siya sa over sized shirt at mga tokong shorts, pedal pants or rugged jeans. Madalas siyang mapagkamalang Tomboy. Minsan lang sa buhay niya gumamit ng make-up napilitan pa siya. Iyon ay nang graduation pic nila. Para daw maganda ang kuha. Hindi rin naman siya naka-celebrate ng eighteenth birthday dahil nagbakasyon lang sila ng pamilya niya sa Australia. Hindi siya maluhong tao, never siyang humingi ng birthday gift o kung ano man na alam niya at kaya naman niya, sa pamilya man o sa kapatid niya. Kahit pa alam ng pamilya niya na kaya ng mga itong ibigay. Sanay siya na pinagpapawisan at pinaghihirapan muna ang isang bagay bago makamit. Sa isang bagay lang siya tumitiklop, iyon ay kapag nakakaramdam na siya ng sakit dahil mababa ang tolerance niya sa sakit. Mabilis siyang makaramdam ng sakit lalo na pag-dysmenorhea ang usapan. Dahil iyon talaga ang iniinda niya noon at noon pa. Lalong kumulot ang mukha ni Reema nang imposible ng matanggal ang singsing sa kahit anong pagsabon niya. "This won't work. Samantalang, parang maluwag pa iyon nang isuot niya." Napaisip siyang bigla. "Alam mo singsing, mabait ka rin eh 'no. Talagang ipinapakita mo lang na para ka sa 'kin." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Well, Mister Montano, tingnan na lang natin kung mababawi mo pa ang singsing na ito. Puputulin mo muna ang daliri ko bago mo ito makuha." "Eh paano kapag pinutol nga niya?" "Ay Kabayong dilat!" Napahawak siya sa sariling dibdib nang marinig ang boses ni Myra. Myra Katrina Durante was her childhood friend and bestfriend. Ito ang una niyang fans, although naging supportive din naman sa kanya ang pamilya niya at ang kanyang kapatid. Pero iba pa rin ang suportang binibigay ng kaibigan. Kaya nga mabilis niya itong napapayag nang ipagpaalam niya na magsasarili na siya at talagang sinamahan siya nito. Pero dahil daw mayaman naman siya, kuryente at tubig lang ang sinagot nitong bill. Sa pagkain naman ay minsan share-share sila. Sa kanya ang bahay at kuryente. Matatapos na niya ang last payment ng bahay sa susunod na buwan kaya wala na siyang masyadong poproblemahin. "Bakit ka naman nanggugulat? Paano kung inatake ako sa puso." "Huwag kang mag-alala, Bes, low blood ka naman. Kaya imposible 'yan." Saka ito kumuha rin ng tubig at uminom. "Bakit gising ka pa?" "Naalimpungatan lang ako," tipid na sagot nito na alam niyang may dinadaramdam itong iba. Nagtapos na siya sa paghuhugas ng kamay. Nagpunas sa hand towel at umupo sa bakanteng silya sa dining. "Alam kong may dahilan. Sa tagal nating magkaibigan, ngayon mo pa ako paglilihiman." "Kailangan ko kasi ng pera. May sakit ang Tatay sa Iloilo." "Ngano mang gipatagal mo pa?" "S-Sorry. Noong isang araw pa nabanggit nila Nanay kaya lang gi-alala baya akon dili na ko makahanap ng mapagkukunan ng kwarta." "My, tayo lang naman ang magkaibigan at magtutulungan." "M-Matutulungan mo ako, Bes?" Paulit-ulit siyang tumango. Biglang nagtatalon sa tuwa si Myra at niyakap pa siya. "Promise, babayaran ko talaga. Utang ito, Bes." "Okay. No problem. Teka, magkano ba ang kailangan mo?" Medyo malaki ring halaga. I'm not sure na kaya mo. Nag-advance na rin ako sa kompanya namin. Kaya lang hindi pa sapat. Isandaang libo ang kailangan para sa operasyon. May bukol daw sa tagiliran si Tatay," pagkukwento nito. "Magkano pa ang kulang mo?" "Sixty five na lang." Alangang ngiti ang binigay ni Myra sa kanya. "Sige. Let's go to sleep at pag-usapan natin 'yan bukas ng umaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD