HANS 1

1567 Words
“AY! Bakla, halika dali…” Napahinto naman sa pagtitipa ng keyboard si Reema dahil sa matinis na tili ni Myra. “You’re noisy, ano ba 'yon?” Nakiusyoso na rin siya sa tinitingnan nito mula sa laptop nito. ”O, ano meron?” nagtataka pang tanong niya sa kaibigan. “See that!” Inilihis pa nito ang Laptop paharap sa kaniya, para mabasa niyang maigi ang email na binabasa nito. “Totoo ba 'yan? They are inviting me for an interview tomorrow?” 'Di rin makapaniwalang turan niya nang makalayo siya sa laptop nito. “Truelalo bakla, This is it, pusit. Your dream will come true na.” Nakatango-tango pa habang malapad ang ngiting sabi nito. “Yup. At sa wakas magiging cinema na rin ang sikat kong mga stories.” “Good luck bakla!” excited na sabi nito. Kinabukasan ay maaga siyang bumangon para sa kanyang interview. Plain white blouse in a black trouser pants paired off by black flat shoes ang suot niya nang pumasok siya sa Establisyemento. This is the day of her interview with Hans Montano. Pagbungad pa lang niya, lahat na ay napapatingin sa kanya, hindi dahil may angkin siyang ganda, kundi dahil nakilala siya nga mga naroon na sikat na published writer. Ilang beses na rin siyang na-feature sa mga newspaper, dahil bestseller din talaga ang mga akda niya. Nakangiti pa ngang binati siya ng receptionist. Nang maibigay na sa kaniya ang visitor’s ID agad na siyang sumakay sa elavator paakyat sa 21st floor, kung saan doon daw naglulungga ang amo nila. Kumatok muna siya ng tatlong beses, wala siyang pakialam kung maganda man siya o hindi kaya hindi na siya nag-abalang mag-make-up. Hindi naman mukha niya ang panonoorin ng mga tao kundi ang mga stories niya. Nang wala siyang marinig na response mula rito, diretso na lang siyang pumasok sa loob. “Have a sit,” alok nito na hindi man lang siya tinatabunan ng tingin. Ayon sa Production department o kung sino man ang nagpauso sa Entertainment company na iyon, required siyang mag-submit ng kaniyang resume at sample ng published stories niya. Kung sino man nga ang nagpauso niyon, hinihiling niyang sana namatay na. “Good Morning sir,” masiglang bati niya upang maagaw niya ito ng pansin “Morning,” malamig na tugon nito sa kanya. Iniabot ni Reema rito ang resume niya. Mabilis na hinagod lang nito ng tingin ang papel na iniabot niya. Magaling ba ito sa memorization? At parang kabisado na nito agad ang laman ng resume niya. “Are you a married person? What will I call you?” “Ms. Reema sir. No, sir. I am single or as they call it No Boyfriend since birth.” Gusto na niya itong hambalusin ng upuan, nakasulat naman kasi iyon sa resume niya. “You didn’t have any past relationship?” Iling lang ang sagot niya. “Hmm.. Okay what is forever for you?” Bigla siyang namutla, hindi dahil sa pagkakatanong nito kundi sa klase ng tanong nito sa kaniya. Hindi niya malaman kung nang-aasar ba ito o pinagtitripan lang siya? Hindi niya alam kung napansin na ba nito ang namumuong butil ng pawis sa noo niya. Nanlalamig na rin ang mga kamay niya, kulang na lang ay bumilis ang t***k ng puso niya to complete the package. “Forever is just a word. And there is no Forever after all. Every person who lives will die afterwards. If we use it in a relationship, a committed person doesn’t really coexist a Forever word,” proud niyang sagot na hindi niya alam na ikahahamak pa pala niya. “That’s it?” Parang dissapointed pa yata ito sa sagot niyang pang Miss U ang peg. “Yes,” maiksing tugon niya. Nagitla na lang siya nang maglanding ang resume niya at shoot sa basurahan. “Sorry to say this, Ms. Reema Montillan, but your work is not qualified to make it in the big screen.” Inilang buklat pa nito ang published story niya at di pa rin ito binasa. “Your work is a trash.” Marunong kaya itong magbasa? “What? How can you say that my work is a trash without reading it?” Your mouth must be the garbage. Gusto sana niyang idagdag, kung bakit lang kasi nauso ang pagtitimpi. “Because, I feel it.” She’s not convinced with the thoughts kaya sinagot na niya ito, “I do my works with a heart and give my full determination and passion doing a romance story.” “How can you write a romance story if you can’t write your own love story? You haven’t any past relationship and you don’t even believing in Forever.” Pakiramdam niya ay nasampal siya nito, pero mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang sampalin ito. Natahimik na lang siya sa kawalan ng isasagot. She doesn’t really want an argument either. Dalahirang tumayo siya at pahablot na kinuha ang published pocket size book niya at padaskol na naglakad palabas ng pinto ng opisina nito na bumubulong. “Tamaan ka sana ng kidlat na bayawak ka! Mawalan ka sana ng ka-forever, walang modo! Makikita mo!” Nawala na ang karismang hatid nito sa kanya, kanina lang ay puring-puri niya ito, ngayon ay isa na itong bayawak sa paningin niya, and it will never change her curse. LUKOT ang mukha nang lumabas si Reema mula sa opisina ng bayawak na si Hans Montano.Gusto niya talagang dabugan ito ng pinto o kaya’y buhatin na lang kaya niya ang pinto at ihampas dito. Wala na nga siya sa mood, dumagdag pa ang mga fans niyang gustong magpa-autograph signing sa kanya. “I’m not in the mood because of your boss, get out of my way, now!” Nakayukong humingi ng paumanhin ang isa sa dalawang staff. “Sorry, ma’am.” “Ano kaya nangyari?” “Malay ko.” Pero nahiya rin siya at naawa 'don sa dalawa. Kaya lumihis siya ng lakad at kinausap ang dalawang staff. “Sorry for being rude, girls. Can I have your books? I will sign it free.” “Thank you po!” halos sabay pa nilang turan. She was a freelance writer kaya natutuwa siyang magsulat dahil wala siyang iniisip na deadline. Iyon nga lang ay hindi iyon kinatutuwa ng kapatid niyang si Romer. Mabuti na nga lang at wala roon ang kapatid niya para mandaran siya. Nawalan siya bigla ng ganang magsulat lalo na nang dumating ang kaibigan niyang si Myra dahil tiyak niyang uusisain siya nito. Bakas pa naman sa mukha nito ang excitement na malaman ang resulta ng lakad niya, pagpasok nito ng kwarto nila. “'Wag mo na tanungin at baka mag-init pa ang ulo ko” nakabusangot na sabi niya habang padabog na inaayos ang mga gamit sa desk ng computer table niya, ang kaniyang working area kapag nagsusulat. “Tinamad na ako, because of that Hans Montano, he decline my work, trash daw. Samantalang, siya nga itong mukhang garbage can. Bwisit talaga!” nanggagalaiting turan pa niya. “Ibang klase siya, bakla!” “Sinabi mo pa.” Tumayo na siya mula sa pagkakaupo, hinila ang jacket na may hood. “O, saan ka pupunta?” tanong nito nang makita siya. “Lalabas, maglalabas ng inis.” Sa tuwing naasar siya sa mundo o maging sa sarili niya, isa lang ang lagi niyang pinupuntahan, Perya. Kung saan puwede siyang magbasag ng mga plato at mamalo ng mga ulong lumalabas sa butas. Kung tutuusin puwedeng-puwede naman siyang magpatulong sa kapatid para back-up siya at nang madaisa-pelikula na ang mga akda niya. Pero hindi niya ginawa dahil ang nais niya ay pinaghihirapan lahat. Isa pa ay kokontrahin lang ng magaling niyang kapatid ang desisyon niya. Lalo na ngayon na bumukod siya ng tirahan at kasama niya ang nag-iisang malapit na kaibigan at psychic. Mabuti na lang at wala siyang narinig sa mga magulang pero kapag nalaman iyon ni Romer at tiyak tapos na ang lahat. Kung sa bagay marami pa itong inaalala, isama na roon ang first love nito na hindi na naka-move on. At ang business nito. Well, good luck na lang dito. Nakaramdam na siya ng pagod ngunit ang inis niya ay naroon pa rin at hindi mawala. Nang maglakad-lakad na siya may nadaanan siyang pawnshop. Nakita niyang naka-sale ng 50% off ang mga subastang alahas. Nawili naman siya, naagaw ng pansin niya ang isang singsing na hindi ga'non kakinang na bato. Kulay abo ang paligid ng bato at pa-oval-heart ang hugis ng bato nito. “Mukhang maganda. Matagal na akong 'di nagsusuot ng alahas, ma-try ngang mapalamutian ng kinang ang kamay ko.” Sinukat niya ang singsing at talagang lapat na lapat ito sa daliri niya. “Magkano ito?” “8,550 po.” “Ang mahal naman nito.” “Ma’am, yan na po ang discount namin.17,100 po talaga original price niyan.” Alangan pang ngumiti ang babaeng staff, mukhang tingin sa kaniya ay walang pambayad. Wala namang masama kung magsayang siya minsan. Sa bagay, kapag nagipit ako, pwede ko uli itong isangla. Hindi niya alam kung anong meron sa singsing at napabili siya bigla. Para ring bulang naglaho bigla ang inis niya. Nakaramdam siya ng contentment at kasiyahan sa hindi niya malamang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD