CHRIS 2

1599 Words
TAKE a sip of my secret potion. I'll make you fall in love. For a spell that can't be broken. One drop should be enough. Boy, you be long to me. I got the recipe and it's called Black Magic. Pakiramdam ni Cecille, huminto ang paligid at ang lyrics ng kantang iyon ay tila paulit-ulit na pumapailanlang sa ere. Napahawak siya sa sariling dibdib at eksakto namang nakatayo na ang singkit na lalaki sa harapan niya. "Excuse me, have we met before?" the Singkit boy ask her from nowhere. Sunod-sunod na iling ang ginawa niya nang ma-realized na hindi naman pala bulong niya ang narinig nito. "Okay. I thought, I saw you before. Nevermind." Then he turn his shoulder and walk away. Naiwan pa yatang nakaawang ang bibig niya dahil sa iniwan nitong eksena. "Ma'am, ang bibig sumasayad." Napatikom bigla ng sariling bibig si Cecille nang sumingit si Abby. "Shh.. quiet. Nagme-meditate ako." "Asus si Ma'am. Narinig ko 'yong sinabi mo." Lumiyad ito at may dinukot na kung ano saka iniabot sa kanya. "Ano 'to?" "Personal information ni sir.Singkit," kinikilig pang sabi nito. "Oh, alam ko. Anong gagawin ko rito?" "Baka Ma'am kainin mo." Sabay tawa nito. "Joke lang. Baka interesado kayo." "Hindi ako interesado." Pero kinuha pa rin niya ang papel at itinago sa likuran niya. "Eh Ma'am, ano pong gagawin n'yo sa papel?" "Baka ipakain ko sa' yo?" "Ito naman si Ma'am, hindi na mabiro." Sabay biglang sabi nito. "Interested si Ma'am. Ia-add na sa fb.." "Shh! Back to work." Mayroon siyang nine employees kabilang ang guwardiya. Nine o'clock nagbubukas ang Cafe at twelve midnight naman nagsasara. Minsan mas maaga, depende sa dami ng tao. Umabot sila ng thirty thousand sa sales, kaya ipinasya na niyang maaga ng isara ang Cafe. Bukas ay iisipin naman niya ang bagong ipapangalan sa mga drinks na takaw-pansin at tatatak sa isipan ng mga customer. Iyon nga lang ay hindi ang pangalan ng mga drinks ang tumatak sa isipan niya, kundi ang gwapong mukha ni Mister Singkit. That eyes, na kahit akala mo ay nakapikit, can actually captivate the heart and the beholder's eyes. "Oh s**t! s**t! Cess, kailan ka ba titigil kaiisip sa lalaking iyon? Hindi ka niya type. Mabuti pa sa keyboard may type. Sa kanya wala. Hype na 'yan." Napabuntong hininga na lang si Cecille habang nakaharap sa laptop at hindi pa rin doon nakabase ang dapat isipin. Napapaypay siyang muli sa sarili nang maalala ang mukha ng lalaking singkit na iyon. "Do I really see him before? Imposible." Napahiga na lang siya sa kama at ipinagpabukas na lang ang pag-iisip kay Singkit, este ng ipapangalan sa produkto nila. Kinulang talaga ng tulog si Cecille, kaya nang magmulat ng mata ay pupungas-pungas na siya nang matanaw ang orasang nakasabit sa pader. "Oh em gee.. s**t na 'yan. Late na ako!" Pagdating sa Salas, ang kanyang ina na lang ang inabutan niya. Pumasok na sa School ang kapatid niya, samantalang ang ama naman ay nasa sarili nitong Opisina. "Akala ko magde-day off ka ngayon?" "Naku Ma, sa daming dapat asikasuhin sa Shop. Imposible na 'yan." "Matanda ka na, wala ka pa bang balak magka-love life?" Napahinto siya sa pag-upo sa silya mula sa tanong ng kanyang ina. "Ulit," dagdag pa ng kanyang ina. After Sam, there's no someone else again. Well, may trauma na yata siya sa masculine, dahil mas trip niya ang mga feminine man. Her mother Knew, Samuel or Sam is a gay, a definitely gay one. Pero maging ang mga ito ay nagustuhan din si Sam. Iyon nga lang mukhang tahimik na ito sa kung saang bansa man ito naroon. It's been almost three years at aaminin niyang ito pa rin ang nasa isipan niya. Umupo na siya sa silya. "Bata pa ako," sagot niya sa kawalan saka kumuha ng tocino at nagsandok ng fried rice. Minadali na niyang matapos ang pagkain baka ano na naman ang mabuksang topic ng kanyang ina. Mas maigi ng layasan niya agad ito. Nang palabas na sa Salas ay nakita niya ang pagdating ng kanyang Lola, nagmano muna siya rito. "Ingat apo. Baka sa susunod, ipagamit na sa iyo ng Papa mo ang sasakyan para hindi ka na hirap mag-commute." "Hay nako La, maliit na bagay. Ilang kanto lang naman ang layo natin sa Shop, kayang-kaya ng lakarin." Hinawakan siya ng kanyang Lola sa kamay. "Iba pa rin kung para sa kaligtasan mo." Narinig niyang sumigaw ang kanyang ina mula sa Kusina. Siguradong nakikita sila nito at mukhang nagselos na naman. "Nay, masyado ng spoiled 'yan si Cecille sa'yo. Papasukin mo na 'yan." Hinaplos-haplos na lang siya ng Lola niya bago tuluyang nakalabas ng Bahay. INABOT na ng gabi ang taping sa direksyon ni Chrisjan Dallas. Malapit na talagang masagad ang pasensiya ni Chrisjan. Ilang beses na kasi niyang pinapaulit sa artista ang gagawing pag-arte pero hindi pa rin nito makuha ng maayos. "Scene 15, Take 18. Action!" sigaw ng isa sa staff. Bumalik sa upuan si Chrisjan. Tinitigan niyang mabuti ang pag-arte ng babae at ang video pero hindi pa rin nagtutugma. "Cut! Stop!" Tumayo na siya at nilapitan ang artistang babae. "Miss Rechel, ano ba talagang problema? Bakit hindi mo mailabas ang pag-iyak mo? Yes, indeed you're acting like crying but there's no tears. Sabihin mo, ano ba talaga ang problema at hindi ka makapag-acting ng maayos?" Bigla itong nagluha at halos mapuno ang pisngi nito ng luha. "Oh, 'yan! Kaya mo naman pala, pinatagal mo pa. Let's get back!" Muling nagsibalik ang mga artista. "Scene 15, Take 19. Action!" Narinig niyang nagbulungan ang mga staff. "Ang galing talaga ni Direk. Kayang-kaya niyang imaniobra ang mga artista." Parang pumalakpak naman ang tainga niya sa mga papuri ng staff. Chrisjan Lee Dallas was almost two years in the indusrty in film making. Three years in showbiz at ngayon pa lang siya lumilikha ng ingay sa industriya. His father was a former Director, her mother was a former actress too in China. Pure Filipino ang kanyang ama. May lahi namang Chinese ang kanyang ina na nakuha niya. Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya lang ang bukod tanging nakakuha ng mata ng kanyang ina. Mabuti na nga lang at nakuha niya sa kanyang ama ang matangos na ilong. Tipikal na Chinese kasi ang hitsura ng kanyang ina. Chrisjan is turning twenty eight this year. Matagal na sana siyang naging sikat na Direktor sa Pilipinas kung hindi lang siya sumama sa kanyang ina sa China. Sa ngayon ay nakahiwalay ang pamilya niya, ang mga ito ay nasa China habang siya ay mag-isa na ngayon sa Pilipinas. Saka na lamang siya susunod sa mga ito kapag may dala na siyang pakakasalan, iyon ang hininging kapalit ng kanyang ama sa pagpayag na manatili siya sa Pilipinas. Ayaw niyang magmahal ng banyaga, wala naman kasi siyang pakialam sa lahi o hitsura ng mga ito basta ang mahalaga ay mamahalin din siya. He's a chickboy at hindi na mawawala ang pagiging babaero niya, pero tinitiyak niyang hindi siya playboy. His family committed in a one-woman-man and vice versa. Iyon nga lang ay mukhang mailap sa kanya ang magkaroon ng tinatawag na 'The one and only'. Kamakailan ay nagtungo siya ng America para sa ginagawang shooting. At ngayon nga ay ito na naman ang nanguna sa takilya. "Pack-up na tayo, Direk!" Tumulong na rin siya sa pag-aayos ng ilang mga gamit saka siya sumakay ng sariling sasakyan. Nang sulyapan ang oras, malapit ng mag-alauna. He was wondering kung bukas pa ang favorite niyang Cafe. Iyon uli ang ipapagamit niyang venue sa susunod na taping. Mabilis siyang nagmaniobra para tunguin ang nasabing Cafe. Favorite niya ang Latte roon. Ay, teka, parang Mocha frappe ang nauna niyang paborito. Bakit bigla yata siyang nagkainteres sa Latter. Ayaw na ayaw naman niya ang lasa niyon. Saktong nakatuntong siya sa harapan ng Cafe. "Hi sir, pasara na po kam--" "No, sir. Bukas pa po kami," mabilis na bawi ng isa sa crew. Sinabihan niya ang crew na bibilis siya ng Latte, pero gusto niya ipa-personalized. Hindi naman mahina ang memorya niya para makalimutan ang nakaukit na pangalan sa damit ng babae. "And make sure it was made by Kisses," mariing sabi niya. Nakita niyang kumunot ang noo ng sinabihan niyang crew. "May problema ba?" "W-Wala naman sir." Second floor ang favorite niyang spot lalo pa at may parang crib doon na komportable siyang upuan o higaan. Dala ang laptop at iba pang papers ay agad na siyang dumiretso sa taas. Hindi naman talaga sa order ang dahilan ng pagbalik niya sa Cafe, kundi ang babaeng pakiramdam niya ay nakita na niya sa kung saan. Sigurado siyang hindi pa pumapalya ang memory o photographic memory niya. He was certain that he already seen her. Pero saan at kailan? Nang mag-ring ang phone ni Chrisjan, nakita niyang isa sa mga kasamahan sa kapatiran ang nakarehistro na numero. Bakit naman kaya ito nang-aabala sa kanya? Kung kailan busy ang utak niya. Iniiwasan lang naman niya si Tamayo pati na rin si Rexelle. Akala ng mga ito nanunulot na siya. Aaminin niyang nagkagusto siya kay Chilien Fabregas, dahil maganda naman talaga ang dalaga, may kaunting katarayan lang. Nagandahan din siya sa katulong ni Rexelle na sigurado siyang hindi naman katulong pero pinag-isipan agad siya ng masama. Hinintay niyang matapos ang ringtone at makulitan sa pag-dial ng numero niya. Saan na ba kasi ang lintik na order niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD