CHRIS 1

1754 Words
NAPILITAN si Cecille na umuwi ng Pilipinas nang sabihin ng kanyang ina na papalugi na ang negosyong ipinundar ng mga ito. Nagtungo siya ng America para mag-aral ng Barista at coffee training. She had never been interested in her graduate course. Kung tutuusin bulakbol pa nga siya noong mga panahong nag-aaral pa siya. Her parents decided on what course will she take. Pasalamat na rin siya at natapos niya iyon, na medyo may halong sakit ng ulo ng mga magulang. Naging Lola's girl si Cecille nang mapunta siya sa Nanay ng kanyang ina. For her, she was the best Lola ever. Taga kunsinti sa mga kalokohan niya at ito lang talaga ang kasundo niya. Saan pa ba siya makakakita ng Lolang Kunsintidor? Ito rin ang nagbigay daan sa kanya na tanggapin ang alok ng kaibigan nito na mag-training at mag-aral ng Barista sa America ng libre, passport lang ang nagastos niya. Kalahating buwan lang ang ibinigay sa kanyang oras para bumalik ng Pinas. Nakaabang na sa NAIA airport ang kanyang ina at Lola. "Ano po ba ang nangyari?" salubong na tanong niya na hindi na naisipan pang kumustahin ang mga ito. Nag-make face ang Lola niya na agad nakapansin na hindi man lang muna siya nangumusta. Bahagya siyang pinalo ng matanda. "Pambihira ka, hindi mo man lang kami naisip kumustahin. Halos kalahating taon ka ng nawala." Huminto siya sa paglalakad at agad niyakap ang kanyang Lola. "Lola naman nagtampo agad. Siyempre naman na-miss ko kayo. But I'm afraid, I'm not not going to stay for good. Babalik rin ako next week sa Los Angeles." Saka siya humiwalay ng yakap. "Kasalanan mo kasi 'yan, Ma. Kung hindi mo sana inalok sa kaibigan mo ang apo mo, hindi 'yan pupunta ng America," biglang singit ng kanyang ina. "Ma, La. I'm fine. Okay lang po ako. Walang problema sa akin. Two months na lang po at tapos na ako sa training." Tumango na lang ang Lola niyang wala ng nagawa. Hindi naman pala totoong papalugi ang negosyo, ginawa lang excuse ng mag-ina para mapilitan siyang umuwi ng Pinas. Pasalamat na lang siy at mabait ang trainer niya at pinayagan siyang umuwi kahit dalawang linggo lang. She spent quality time for her parents. Kahit pa sabihin may training siya sa America, ay nagawa pa niyang pumasok sa part time job kaya nakaipon na rin siya kahit papaano. Sadya lang talagang magaling siyang dumiskarte sa buhay. Pangatlo sa magkakapatid si Cecille Alimes, ang Kuya at Ate niya ay kapwa may pamilya na. Dalawa pa sa kapatid niya ang nag-aaral kaya kuntodo kayod na rin siya. May maliit silang negosyo na Coffee shop. Hindi na rin masama dahil karamihan ay bigatin ang mga customer doon. Nang huli nga niyang punta sa Cafe ay may mangilan-ngilang tao na nagpa-serve at may mga bagong artista na magpapatunog pa lang sa industriya ang gumagamit ng Cafe nila para sa set. Tila kay bilis ng oras para muli na siyang bumalik sa America. Parang sumaglit lang siya at ngayon nga ay babalik na naman siyang muli roon. Napakahirap mawalay sa Pamilya, lalo na kung close family ties. Lumungkot ang paligid nang ihatid na siyang muli sa Airport. Nawala na ang alog at extroverted na tulad niya. Dalawang buwan, dalawang buwan na lang naman at makukuha na niya ang certificate para magtrabaho na sa cafe ng pamilya nila. Alam niyang marami pa ang pwedeng mangyari pero handa na siya, hinanda na niya ang sarili para sa muling pagbabalik. Nais niyang matuto siya sa pag-design ng kape, pagtimpla at kahit maging sa simpleng paggawa ng pastries, cookies at side dishes. She really love culinary, may most of the times lang na ayaw sa kanya ng culinary. Nang makatuntong na sa America ay tila ayaw na niyang bumaba sa eroplano. Gusto niyang bumalik na lang muli sa Pilipinas. Tatayo na sana siya sa pagkakaupo nang may lalaking humarang sa kanya. Hindi tuloy niya malaman kung tatayo na ba siya o padadaanin muna ito. "Are you going?" simpatikong tanong nito. Dahil naka-shades ito ay hindi niya makita ang mga mata nito. "You take first," sabi na lang niya para hindi na masira pang lalo ang mood niya. Umuna naman ang lalaki. Bastos talaga, walang modo at mukhang napaka-ungentleman. Sana lang ay huwag nang magkrus ang landas nilang dalawa. Sisipatin pa sana niya ng tingin para lang matiyak na hindi ito Pinoy, ayaw na kasi niyang magkrus pa nga ang landas nilang dalawa. But sorry to say, likod na lang ang naabutan niya. "The freak," mahinang bulong niya saka tumayo na rin. Pagkababa sa Eroplano ay huminga na siya ng malalim at ibinuga na nagmistulang malalim na buntong hininga. Today is her day ahead. TWO MONTHS LATER... Time really pass fast. Parang natulog lang ng isang araw si Cecille, ngayon ay nakabalik na agad siya sa Pilipinas. "Tada! Iyan na ang chocolate mo little sis. Little Bro, ito naman ang hininga mo sa aking bagong edition ng Nike at brand new music copy ng LP." "Thank you so much, ate," sabi ng kapatid niyang lalaki saka humalik sa pisngi niya. "Tama na 'yang kaka-spoil mo sa mga kapatid mo, Cess," biglang singit ng kanyang ina na nagselos yata. Lumapit na siya sa mga magulang at inabot din ang sariling pasalubong. Ihinuli niya ang kanyang Lola at Lolo. Halos lahat ng pamilya niya ay napasalubungan niya. She's twenty three and turning twenty four na siya sa September. It was actually two weeks ahead. Hindi na pala siya Twenty three, twenty four na talaga siya, pinapabata lang niya ang sarili niya. Ilang araw lang ay dinala na siya ng Ina sa Cafe, para naman daw masanay na siya sa bagong environment. "Sigurado bang okay lang sa iyo na service crew muna ang trabaho mo despite na ikaw na ang Manager?" Paulit-ulit siyang tumango para lang makumbinsi ang ina. Nais na muna niyang i-train ang sarili. Para maging familiar sa loob at gawain sa Cafe. "Ma'am Annie, bago siya?" tanong ng lalaking ngayon lang din niya nakita. "She's Kisses. Kisses, this is Rocky. Siya ang bagong barista namin." Ngumiti siya ng matamis sa lalaki. Kaya pala hindi pamilyar sa kanya, bago lang pala ito. Mostly kasi ng mga nagtatrabaho roon ay mga kilala na niya. Madali naman kay Cecile nakabisado ang lahat sa loob ng dalawang linggo. Mas-complicated pa nga ang trabaho niya sa America compared dito sa Pinas. She was the new Manager pero tinanggap niyang, maging service staff kapag kinulang sa staff ang Shop. May tatlong lalaki at apat na babae lang naman sa Shop kaya paniguradong kukulangin din talaga ng tao. Nakatayo na siya sa Counter para kunin ang mga order ng mga customer. Nilapitan siya ni Abby at binulungan. Out of stock na raw ang Mocha nila at mukhang kailangan na nilang umorder. Tumunog ang entrance door at aaminin niyang nahagip ng kanyang tingin ang lalaking nakahawak sa phone at mukhang abala sa pakikipag-usap habang nakatapat ang phone sa tainga nito. "Hey, one Mocha Frappe." Napamasid siya ng tingin sa gwapong Chinito-ng nasa harapan niya. "Sorry sir, sa ngayon out of stock na po. Pero, bestseller ang Latte namin. Okay lang po ba sa inyo na iyon na lang ang kunin or would you look to choose another one?" Sumenyas naman ito na pinapa-Go na ang order kaya iyon na ang ibinilin niya sa barista. "Oo sige. Do I have a choice?" Dahil naka-set na at may kasama ng little burger na small in size sa bawat cafe na oorder-in. Hindi na lugi ang mga bibili. Nang makitang abala ang mga server, inayos niya sa pagkakasuot ang Aepron at nagprisintang siya na lang ang magse-serve sa table nito. Dinala pa niya iyon sa table nito nang makitang nag-aasist ang mga server. Siya na ang nagkusang loob na ibigay iyon. Gwapong-gwapong nakaupo ito sa isang bakanteng for two's na seats at kagaya kanina ay may kausap pa rin ito sa phone. Inilapag na lang niya ang order nito sa table. Nakatalikod na nga siya nang tawagin siya nito. "Miss, I ordered a Mocha. Bakit Latte ito?" naniningkit na tanong ng lalaki sa kanya. Kung hindi lang ito nakapikit ay baka nahambalos na niya ng table. "Sir, malinaw po sinabi ko na wala na kaming Mocha. Pinapili ko kayo at inioffer ang best seller naming Latte, umoo naman kayo." Lalo itong naningkit at biglang nagbago ang expression ng mukha. "Kausap ko sa phone ang sinagot ko ng Oo," parang nagdadahilang sabi nito. "Sir, since pay as you order po ang theme namin. Nasa inyo na kung gusto n'yo pa iyang inumin." "Mabuti pa, tawagin mo na lang ang Manager then we can settle it." Hinubad niya ang suot na Aepron saka naka-chin up na tiningnan ito. "I am the Manager." Napatingin ito sa kanya. Malabo nga yata ang mata nito para hindi mapansin na iba ang suot niyang uniform. "Singkit, boy. Easy!" Biglang may dumating at lumapit sa tabi nito saka ito inakbayan. "Idilat mo kasi 'yang mata mo. Nang-aaway ka na naman e." "Sir, does we settle everything?" paniniguradong tanong niya. "Okay na, Miss. May sayad lang talaga itong direktor namin." "Do you have something else?" Saka niya kinuha ang Aepron at muling sinuot. "Wala na," sabi lang nito na binalikan na ang bagong pasok. Umasim ang mukha niya at naningkit na rin pati ang mata niya. Napaka-simpatiko ng isang ito. Mabuti na lang at na-manage niya talagang mag-adjust sa mga customer na ganito ka-brat. Mukhang long existence talaga ng patience ang dapat niyang baon sa araw-araw. Sayang, hindi maikakailang gwapo pa man din ang lalaking ito. Tinantiya tuloy niya sa isipan kung kaya niya itong patinuin. Hindi pa siya nakakabalik sa counter ay hinabol na siya nito. "My apology. But since, you're knew, you have to be careful. My attending server is Ms.Hershey. Palagi akong nandito at mas kabisado na niya ang order ko. Anyway, I like the taste, baka magbago na ang preferrence ko. Thanks anyway." Saka ito tumalikod. Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi na rin masama. Nagawa namang humingi ng dispensa. "Kapag lumingon ka, magiging akin ka," mahinang sabi niya. Shit! Bigla ngang lumingon at agad naglakad pabalik at papalapit sa kanya. Inalihan na tuloy siya ng kaba. Patay! Narinig yata. Idagdag pa na Black Magic ng Little Mix ang pumapailanlang na kanta sa Cafe. 'Lagot na. Mesa, kainin mo na ako.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD