CHRIS 3

1405 Words
NAKABALIK na si Cecille mula sa labas, pinuntahan pa kasi niya ang supplier at hiningi ang mga hindi nakuhang orders ng Cafe. Nakita niyang tila problemado ang mga staff niya. Salubong ang dalawang kilay na nilapitan niya ang mga ito. "Oh, anong mukha 'yan? May problema ba tayo at hindi pa kayo nagsasara?" Nagtinginan ang dalawang staff saka narinig niyang nagbulungan. "Ikaw na ang magsabi." "Hala, ba't ako? Ikaw na." "Ano ba 'yon? Sabihin n'yo na," pamimilit pa niya. Pero wala pa rin sa isa sa dalawang service crew ang nagsasalita. "Day off kayo? Okay lang, pero day off na kayo forever." "Ma'am, walang forever!" sigaw naman ng Chef nila. "Mister Boy Banat, 'wag mo kang makabanat-banat diyan, baka ikaw ang mabanatan ko." Muli siyang tumingin sa dalawang staff/crew na nasa harapan. "Sasabihin n'yo ba in four, three tw--" "Si, sir.Singkit!" "Si.. sir kasi, gustong si Kisses ang mag-personalized ng order niya." Kumunot lalo ang noo niya, wala namang ibang Kisses na Nickname o Cafe name sa loob ng Cafe kundi siya. It was her grandma's idea, na magkaroon ng sweet names or cute nicknames ang mga staff, crews at pati rin ang Cheff nila. Siya ang nakapili ng Kisses, may Hersheys, Rocky, Sweet, Candy at kung anu-ano pang pwedeng magamit sa Cafe. Ang singkit na iyon, pinagkamalan na naman siyang Barista, kung hindi Service Crew, ngayon ay Barista naman. Baka sa susunod ay Chef na ang ipagkamali sa kanya. Wala na rin siyang nagawa, ginawa na rin niya ang request nito. She uses her talent making a wounderful coffee design. Tingnan lang niya kung mainom pa iyon ng singkit na ito. Siya na rin mismo ang personal na naghatid ng order nito. Gusto niyang pagsabihan ito na siya ang Manager ng Cafe at hindi sa sinisino lang. Ngiting-ngiti pa siya ng lapitan niya itong nakaupo at nakatutok sa laptop nito. Sarap din minsan paliguan.. kung hindi lang ng kape, baka pagmamahal. "Hi sir, this is your order." Nag-angat ito ng tingin at sinundan ang inilapag niya. "Sir, puwede ba kitang maabala sandali, kung hindi ka naman nagmamadali?" Tumango ito, pinatay at sinara ang laptop saka siya tinitigan. Bahagya yatang umurong ang dila niya nang matitigang maigi ang lalaki. s**t na malagkit! Kailan pa bumaba sa kalangitan ang mga Herodes? Kung mabubusog naman ang mata mo sa ganito kagandang tanawin. Aba-aba, tila lumabas ang Korean charm mula sa television novela at nagpakita sa harapan niya. Sa ganda ba naman ng pares ng mga mata nito, she might die now in heart attack. Because this man was really attacking.. her heart just as now. "What can I do for you, that you can't do for me?" Strike! Tila nahimasmasan siya sa sariling ilusyon nang magsalita ito. Bumwelo muna siya saka umimik. "Sir, will you mind to open your eyes? Sa pagkakaalam ko, manager ako dito. Ngayon lang yata nagkaroon ako ng ibang designation. Hindi po yata ako nainform." "Oh. Sorry for that. You are Kisses, right? It was my fault." Nalintikan na. Gumulo na ang t***k ng puso niyang nagka-car race yata. Letse! Pati puso, kumekerengkeng! "Okay. Apology accepted." Sabay kindat nito na nagbigay sa kanya ng goosebumps at tila lalo pang nagrigodon sa lakas ng t***k ng puso niya. She calm and compose herself. "Anyway sir, let me remind you na pasara na po kami. Please inform us as early as possible kung may reservation kayo o kung hanggang anong oras kayo magtatagal." Narinig niyang nag-click ang camera ng cellphone nito. Napahinto tuloy siya sa paghinga at bahagyang ina-adjust ang labi para ngumiti. "Ang ganda nitong kape. Hindi ko na siguro iinumin. Solve na ako sa photo." Anak ng tinapa! Naloko yata siya 'don ah. Akala niya siya ang kinukuhaan ng photo. Letse! 'Yong kape pala. Tumayo ito at iniayos ang mga kagamitan. Nagulat na lang siya nang lumapit itong bahagya sa kanya. "Don't worry, I will make an early reservation. Even if you'll avoid me, I will appear in front of your eyes, indeed." Saka ito muling kumindat. Sinundan na lang niya ng tingin ang papababang lalaki. Hindi yata siya nakapalag sa nangyari at nawala rin yata siya sa sarili dahil sa epekto ng tingin nito sa kanya. Cecille was sure that there was something in his gaze. Pati ang paraan ng pagtitig nito sa kanya na parang tagos sa kaluluwa. Gosh! Napapaypay tuloy siya sa sarili. Nainitan siya kahit naka-aircon naman ang Cafe. KINABUKASAN, hindi talaga nakatulog ng maayos si Cecille. Para siyang minumulto, pero hindi nakakatakot kundi nakakakilig. Minulto siya ng titig ni Mister Singkit. Hindi na yata mabura sa alaala niya ang paraan ng pagtitig nito na parang hini-hypnotized siya. Siguradong playboy ito sa past life niya at Fuckboy sa present. Nangangalumata pa si Cecille nang dumating sa Cafe. Inutusan agad niya ang mga staff na maglinis at ayusin ang loob ng Cafe lalo pa at abala sila ngayong araw dahil marami ang mga taong nagpa-reserve sa kanila. "Ma'am Kisses, blooming kayo today," sabi ni a.k.a Candy. "Talaga lang ha. Mukha na nga akong zombie, blooming ka pa diyan." "Dahil diyan Ma'am, may lipstick ako na babagay sa aura niya today." Pambihira, bebentahan lang pala siya ng babaeng ito. "I-try n'yo, Ma'am. Nakaka-enhance 'yang ng face color." Nauto naman siya kaya sinubukan niya. "Wow, bagay na bagay. 200 lang 'yan ma'am." "Sorry, may kasabihan tayo. Kung kanino bagay, sa kanya ibibigay. So, akin na ito." "Ma'am naman, sample ko nga lang 'yan kukunin mo pa." "May isa pa, ang taong iniiwan ang trabaho, malapit ng mawalan ng trabaho." Saka niya binalik ang sinubukang lipstick. Ngumiti naman ito ng peke. "Ay, gusto ko 'yong una ma'am. Saka ko na lang ibibigay." Tumawa ito ng peke. Ngumiti na lang din siya saka pinabalik na ang crew na babae. Abalang-abala nga sila ng sandaling iyon. Saka rin nagdagsaan ang mga queries sa f******k account nila. Dahil siya ang admin at siya ang nakatapat sa Laptop, siya na rin ang sumagot ng inquiries pati na rin ang telephone call. Iyon ang kaya niyang maipagmamalaki sa sarili. Kahit gaano siya ka-busy, hindi niya nalilimutang ngumiti. Singhaba ng pisi ang pasensiya niya, huwag lang talagang may pumutol. Laging positive sa buhay, kaya nga mabilis siyang nakaka-attract ng customer at salapi dahil never siyang naging negative minded. Naniniwala kasi siyang kung ano ang iniisip mo, siyang mangyayari sa 'yo. Dahil kulang na rin ng mga tao, siya na rin minsan ang nagbibigay ng orders at minsang suma-sideline sa paggawa o pag-design ng kape. Pero minsan special request iyon ng customer. Malimit ding gamitin ang Cafe nila sa mga anniversarries. Kaya masasabi niyang masuwerte rin talaga ang Cafe. Nang mag-ring ang phone ay siya na ang sumagot. Boses ng lalaki ang nasa linya. "Hello.. May I speak to Kisses?" "Kisses on the line, sir. Speaking." "Can we use your cafe as venue on our incoming movie?" Nagdalawang isip muna siya bago sumagot ng patanong. "May I know who's on the line?" "I'm the director. Direk Chrisjan Dallas, known as Direct Chris Dallas. Kilala din sa bansag mong Singkit." Huminga muna siya ng malalim saka inilayo ang receiver sa tainga. Ow.Em.Gee. Ano naman ang kinalaman niya sa pagbabansag ng salitang Singkit? "T-Teka lang sir, ako? Nagbansag sa inyo? Nagkakamali yata kayo." "Posibleng mukha akong nakapikit dahil maliit ang mata ko pero, dilat na dilat ito. Isama mo na ang tainga ko." "Okay. Let's drop na lang this conversation. Let's go back to your offer." "I'm not actually offer you. I do it as a customer having a reservation." "I know sir. Let's discuss it personally and documented. May I have your--" Nahinto ang pagtatanong niya nang magsalita ito. "Your number first." "Sorry sir, but I can't give you my digit." "Okay. I'll headed and drop by now." Napatingin siya sa pagtunog ng wind chime sa entrance door. "Hi," sabi pa nito habang nakataas ang phone na inilayo sa sarili nitong tainga. Lumapit ito at inilapag sa counter table ang isang folder. "This is my papers documented at pirma mo na lang ang kulang." Literal na napatanga na lang siya saka dahan-dahang ibinaba ang phone. Wondering about his true intention. Mukhang wala naman siguro sa hitsura nito ang lokohin o bolahin siya. Dahil siguradong asado siya at hindi Bola-bola... ang type niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD