ICE 3

1704 Words
ALASKWATRO pa lang ng umaga ay nagising na si Chilien. Hindi yata siya nakatulog mula sa mga narinig niya. Hindi siya pinatulog ng ganoong panlalait. Alam naman niyang may kasamaan ang ugali niya dahil nais niyang pagtakpan ang sariling kahinaan. Siguro, kapag dumating na ang taong makakabangga niya at kayang patiklupin ang katulad niya. Baka magbago na nga ang isip niya at bumait siya ng kaunti. Tumayo na siya, naghilamos, nagluto at naligo. Maging siya ay nahihiwagaan sa sarili nang tumapat siya sa Man size mirror matapos maligo para magsukat ng dress o bestida na ngayon lang lalapat sa katawan niya. She look a little bit crazy, madalas naman kasing naka-slacks o black trouser with a matching polo or three-fourt sleeves ang kalamitan niyang suot. But now, she prepared to wear a dress, naapektuhan yata siya ng sa dalawang iyon. Lalo na sa secretary ni Mister Tamayo. Ipapakita niya sa mga ito na bagay siya sa sariling Restaurant. Tiningnan niya ang mga damit na nasa loob ng Cabinet, mukhang kailangan na niya ng bagong set ng mga damit at bagong fashion figure para sa bago niyang make-over. Seven thirty pa lang nasa Restaurant na siya. Kahit pa maaga pumasok ang mga tauhan, pakiramdam ng mga ito late na sila dahil sa aga niyang dumating. Madalas kasing exact time siya dumarating, ngunit ngayon, hindi niya alam kung s'an niya pinulot ang ideya na dumating ng maaga. Rinig pa niya ang bulung-bulungan ng mga ito bago siya makarating sa sariling Opisina. Gaya ng inaasahan niya, dumating roon ang kaibigan niyang si Bhea. Nang magkausap sila sa Phone, she was ask her to be her assistant, and she knew Bhea will be needing a job. And this is a big opportunity for her, its advantage that her Bestfriend is her Boss. Dire-diretsong pumasok si Bhea sa Office niya, hindi nito napansin ang presensiya niya nang nakatayo siya sa harapan ng Steel Cabinet. “Hi, Excuse me. I’m looking for Miss Chilien Fabregas. Is she around?” tanong ni Bhea habang nakamasid sa kanya at pinagmamasdan ang kasuotan niya. Iniisip siguro nito kung nakita na siya dahil pamilyar dito ang likuran niya. Kung hindi nga lang siya nakatalikod—napansin na sana siya nito. Naka-sleeveless dress na may raffles sa paligid ng neckline si Chilien at umabot ang haba nito sa kanyang hita habang nakasuot ng wedge, sinamahan pa niya ng brownish contact lense habang nakalugay ang natural na kulutang laylayan ng kanyang buhok. It was quit expressive and natural. Marami ngang nagsasabi na maganda ang buhok niya at mas maganda siya kapag nakalugay. Hindi naman siya nagkamali dahil karamihan ng nadadaanan niya ay napapanganga nang masulyapan siya. “Oo, ako nga ito.” “Are you sure?” Lumapit ito sa kanya at ikinulong ang pisngi sa magkabilang palad nito. Hindi na siya nabigla sa Over Acting na reaction nito. “Oh, my God! Ilabas mo ang masungit na si Chili.” Hinagilap pa sa likuran niya ang tinutukoy nitong Chili. “Chili andiyan ka ba?” “Puwede ba isang O.A. lang?. Kumo-Quota eh” Hinampas siya nito sa braso. “Ano bang nangyari sa’yo at may pa-transfo-transformation ka pang nalalaman? Ano toh, make-up transformation lang ang peg?” “Wala lang. Change the mood.” “Wow hah, ano namang nakain mo?” Parang bumbilyang umilaw sa utak niya ang unang salitang binanggit nito. Bakit ba nauso ang word na 'yon? Isa lang tuloy ang biglang sumagi sa utak niya. Naka-settle na ang agreement nila, nagkasundo na rin sila sa payment. Mabuti na lang at mabilis itong pumayag at wala ng masiyadong che-che bureche. She prepared her bag, free to escape her environment. She wants to unwind and roam the other’s place. Pasok sa listahan niya ang lugar ng kupal na si Mister Tamayo. Ewan na lang niya kung hindi rin siya lingunin ng mga ito at mabighani sa gandang tinatago niya. Magdadalawang isip pa sana siya na pumasok sa loob ng Shop nito, pero naroon na ang mga paa niya at nauna pa sa kanya na parang may sariling isip. Sa entrada pa lang ay pinagtitinginan na siya, hindi maikakailang ilang beses pa siyang sinusulyapan at mayroon namang nakapako na ang tingin sa kanya komportableng naupo siya sa Long table counter. Narinig pa niyang nakatanggap ng batok ang empleyado nito mula sa may ari pero hindi lang niya pinansin. Gaya ng nagdaang sitwasyon, hindi pa man siya nakakaimik, alam na ng Bartender ang sadya niya. “Ma’am, ano po ang order nyo? Mamaya po ay narito na rin si Ice lalo na pagnalaman niyang binibisita niyo ulit siya.” Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. Is not the right term to describe— visit?—bilang customer and not visiting him. “I'm not actually looking for your Boss, I’m here as your customer. By the way, why you never intend to call him Boss, your just an employee?” pangmamaliit niyang tanong dito. Napamaang ang waiter sa kanya. “Pasensiya na Ma’am, kasama kasi sa kontrata namin yon, required kami, ituring daw namin siyang hindi kaiba sa amin.” Napatango-tango na lang siya. Inilahad na niya ang order niyang Italian capucino in pink Icing. Mag-eenjoy na sana siya nang bigla namang nag-alburoto ang cellphone niya sa walang humpay na tawag ni Bhea na kanina ay isang beses na niyang inignora. Mukhang hindi pa pala ito sanay mag-handle at nahirapan pa lalo na sa mga complains at mga tanong ng mga kliyente niya. Nakalabas na siya ng Shop, bahagya pa nga niyang narinig ang pahabol na tawag sa kanya ng bartender, upang iabot ang naiwan niyang order. Nadaanan pa nga ng mata niya ang malaking bulto ng kupal na si Mister Tamayo. TUMAHIMIK yata ang paligid nang lumabas si Ice. Napatingin siya sa bagong dating. Napatitig siya mula ulo hanggang paa nito. Ano kaya ang nakain nito at mukhang may date? Bigla yata siyang nakaramdam ng kakaiba sa naisip niyang may date ang dalaga. Kaagad niyang binatukan ang napansin niyang hindi naaalis ang tingin sa bagong dating na babae. "Aray!" "Back to work!" singhal niya. "Y-Yes, Boss Ice!" Pagdating sa Bar Counter ay hindi na niya naabutan ang dalaga, mukhang natagalan ang pagtitig niya sa kabuuhan nito. Kahit pa magmake-over ito walang mababago. Maganda ito simula pa nang makita niya, ugali nga lang ang nagpapangit dito. But he swear, mababago rin niya iyon lalo na ngayon. Dapat lang siyang magdahan-dahan lalo na kung ayaw niyang mapurnada ang naiisip na plano. Himala lang na hindi siya matandaan ng dalaga, pero siya, simula noong una niyang makita ito sa Jobsite ay tandang-tanda niya ang maamong mukha nito. Kahit pa siguro mukha itong Tigre ngayon parang wala pa ring nabago sa hitsura nito. "O, where is she?” tanong ni Ice paglabas sa sariling opisina. Napakamot-ulo na lang ang bartender, mukhang nagmamadali nga kasi ang babae. Pabalik na siya sa lungga nang lumihis siya na parang may nalimutan. “May order siya, ihatid mo na lang sa kanya, samahan mo na nitong muffin,” banggit niya sa Bartender. Wala sa anyo niya ang magkawang gawa. Naisilid na ng Bartender ang order na naiwan ng dalaga, nang pigilan niya ito at mag-volunteer na siya na lang pala ang maghahatid. Napangisi rin ang Bartender dahil sa dating ng ngisi niya. Tumuloy-tuloy siya sa Entrance door, na bungad pa lang naglilingunan na ang mga naroroon, hindi maikakailang gwapo talaga siya. Marami ng nagsabi na hawig siya ni Leonardo de Carpio, pero mas gwapo siya roon kaya hindi pwede. Dinadaan na nga lang niya sa ngiti lahat ng pang-te-tease ng mga nakakakita sa kanya na kulang na lang ay mamatay sa kilig. May pagka-maldita at mataray si Miss Fabregas pero sisiguraduhin niyang sa kamay niya rin ito titiklop. Kasalukuyang nag e-esplika si Chili sa sekretarya nito nang mapahinto ito mula sa boses niya. "So much for a Manager?" sabi niya kay Miss Fabregas habang bitbit ang order ng dalaga. “What are you doing here?” “Hi, para ba kay Chili yan?” entrada ni Bhea nang makita ang bitbit niya. Hindi na nito hinintay ang sagot ng lalaki. “Sige, iwan ko muna kayo. I think you have a long conversations to make,” saka binuntutan ng hagikgik ang paalam sa kaibigang si Chilien. Nakita ni Ice ang pagiging uneasy ni Chili. "Takot ka 'no?" Napatingin ito sa kanya. "Huwag kang mag-alala hindi naman kita kakainin, infact ako pa nga ang magpapakain sa iyo," sabay sinundan ng ngisi. Mukhang nabigyan yata nito ng kahulugan nang marinig niya itong bumulong ng, "Bastos." "Hindi ko akalaing magiging delivery boy na pala ang gwapong tulad ko nang wala sa oras." “Kung nandito ka lang para magmayabang, my door is always open for you.” Dinampot pa nito ang folder sa table, na nadulas din sa kamay nito dahil sa kabang nararamdaman. Inilang hakbang niya ang paglapit sa table nito at nilapag ang bitbit sa mesa sa gawi nito. “Order mo 'yan, wag kang kiligin. Pero since, libre naman, puwede ng 'wag magpanggap, gwapo naman ako, swerte mo.” Mabuti na lang at matindi ang kapit ng paa ni Chilien sa sahig kung hindi, nilipad na sana siya sa hanging dala ni Mister Tamayo. Inirapan lang siya nito. Icequiel doesn't even know what strikes him when he started roaming her once more. Napalagkit yata ang pagkakatingin niya sa dalaga lalo na at tuwang-tuwa siya kapag nakikita itong parang kinakabahan sa presensiya niya. She was wearing sleeveless violet dress na may malilit na raffles around the neck line. And her looks right now makes his mind setting something. Namula ito sa paraan ng pagkakatitig niya mula ulo hanggang paa nito. Ewan, kung saan niya napulot ang pakiramdam na parang nais niyang makita ito ng walang suot o baka naman umeepekto lang ang karisma nito ngayon? “Ano pang tinatayo-tayo mo? Nadala mo na ang order ko plus may hanging amihan pang kasama. You can get out.” “No, I can’t get what I want.” Inilapit pa niyang lalo ang mukha sa nakaupong dalaga. Nag-e-enjoy tuloy siyang panoorin ang natural na pamumula ng pisngi nito. Ngunit hindi dumako roon ang tingin niya kundi sa labi nitong tila nag-aanyayang halikan. Napalunok pa ito nang mapansin ang tinitingnan niya. Muli siyang napangisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD