ICE 4

1651 Words
NAGRAMBULAN na ang daga sa dibdib ni Chilien nang masamyo niya ang hanging dala este ang pabango nito. Warning! Danger zone, alert! Bahagya niyang iniatras ang upuan, kaunti na lang kasi, malapit na silang magkapalitan ng hininga. “I forgot to give you this.” He slightly open his hand and showed him something important to her. “This belongs to you.” “My chain!” she exclaimed. Binuksan niya ang sariling palad para sana, hintayin ang paghulog nito ng Chain sa palad niya. But expectation is really a big limitation. Hindi nito ginawa, ito pa nga yata ang naghintay na kunin niya ang chain mula sa mga palad nito. Gusto niyang manakal, at uunahin niya ang sarili sa mga sandaling 'yon. Para siyang biglang na-hypnotize at nagkusang damputin ang chain sa palad nito. Hindi man lang niya nagawang umalma para haklitin ang paglamon nito sa palad niya. Ilang sandaling bihag nito ang kamay niya. Nagtayuan lahat ng balahibo niya sa katawan pati yata buhok niya, dahil sa init ng palad nito na tuluyan ng gumapang sa buo niyang katawan. Chili! Gumising ka! He’s an enemy, your rival, your competitor, you— Hayun siya tuluyan ng nagpatianod dito. Hindi na yata umepekto ang mga warning niya sa sarili. He was holding her tight, bakit kaya? Bakit kaya siya nagpadala rito at tila ayaw rin niyang bawiin ang sariling palad. Napalitan nang panlalamig ang palad niya, dahilan para makabalik siya sa katinuan. Mabuti na lang at naagapan. Napatayo siya at lumabas mula sa mesa. "T-Thank you." Pati ang pasasalamat niya ay kanda buhol. Nag-sorry pa nga ito sa kanya, kahit huli na ang lahat, para magtanong siya. Hindi niya akalaing nakalapit na pala ito sa kanya at bigla siya nitong kinabig para yakapin. “Sorry for hugging you.” Mabilis na yakap na parang bulang dumaan lang. Naiwan siyang tulala sa katatapos lang na eksena. Ito na nga yata ang pang-aakit nito, nagsisimula na. Mukhang matatalo siya. Pati ang pagdating ni Bhea ay hindi na niya napansin. “Uy, ang panga, nalalaglag.” Napalunok laway siya saka tumalikod. “K-Kanina ka pa?” “Hindi naman, ngayon lang.” Kasunod ang malisyosong ngiti. “Aha! Huling-huli, may lihim kang pagsinta kay Adonis." Dito na siya humarap. “Hindi siya Adonis,” kontra niya. “Ba’t alam mo kung sino ang tinutukoy ko? Wala pa ngang pangalan. It really means, may dating siya sa’yo. Nagsisinungaling ka nang sabihin mong wala siyang epekto.” “Ang kahanginan niya, m'eron.” “Ano, maang-maangan, School of Aktingan?” “Tse! Tumigil ka na nga.” Alam na ng kaibigan nito na napikon na siya base sa initial reaction niya. Tatawa-tawa pa nga ito at kuntodo ngiti para lang lalong asarin pa siya. Tunay nga niya itong kaibigan, hindi niya ito mapaglihiman ng nararamdaman. But the real question is, does he really occupy a space in her heart? Ang bilis naman kung ganoon nga. Inabala na lang niyang muli ang sarili sa pagba-browse ng computer at pagla-log in sa f******k account niya. Hanggang may napadaan sa chatroom niya at nag ‘Hi’ sa kanya. Iba ang pangalan nito, hindi niya maintindihan kung Chinese o Japanese. Samantalang isang maanghang na sili na mula sa Europa naman ang pangalan niya sa sariling account. Humihingi ng friend confirmation ang nag-message sa kanya. 'Accept mo naman ako, Miss beautiful..'—with matching paawa face emoticon. 'Ba’t kita ia-accept, di naman kita kilala?' mabilis na sent niya. Huli na nang maisip na ini-entertain na pala niya ang Poncio Pilato na ito. Nagtuloy-tuloy ang message, wala na siyang choice kundi ang panindigan iyon. 'Gwapo naman ang dating ng pangalan ko ah. Hindi ba good reason yun?' 'Alam mo, may kakilala akong mahangin. Hindi kayo naglalayo.' Ba't ba biglang sumagi sa isipan niya ang Kupal na iyon na signal number ten yata ang kahanginan? 'Talaga? Kung masgwapo siya, ma-iintimidate ako.' —with matching ngisi face emoticon. Doon na siya nairita. 'Pwede bang pakibasa uli ng huli kong message, may nakita ka bang word na GWAPO? Kasasabi lang mahangin di ba? Kung minsan tanga ka, wag mo ng i-share sarilinin mo na lang.' Saka iniwan ang kausap. Oo, pati sa chat ay mataray talaga siya. Pinindot niya ang Ignore botton. Wala talaga siyang balak, she wasn’t kind to strangers maybe to animals. Iniwanan niyang naka-open lang ang f******k account niya. Tinuunan niya ng pansin ang Files na naglalaman ng current sales. Nadismaya siya nang makitang bumaba yata ang sales nila ngayong lingo. Kung 'yong iba ay buwan-buwan mino-monitor ang sales details, siya ay lingguhan. Ayaw niya kasi talagang bumaba ang sales niya na magpa-disappoint sa kanya na hindi niya alam. Nilingunan niya si Bhea nang magpaalam itong lalabas muna. Saka tumutok muli ang mata niya at pinasadahan ng tingin ang Record Book. Pipigilan pa sana ni Chili si Bhea nang makita ang basket ng bulaklak na nakalapag sa small steel cabinet. Tumayo siya at agad natagpuan ng kanyang mata ang maliit na card. "Smile, makes you preetier. -Ice" Napatingin siya sa katapat na Restau-Bar. Agad siyang nagbawi ng tingin nang mapansing parang nakatitig sa kanya ang kupal. Saka lang siya natauhan na tinted nga pala ang salamin ng opisina niya at ng Restaurant. Pero bakit tagos yata ang mga titig nito? Mabilis siyang bumalik sa upuan at napailing-iling na lang. KASALUKUYAN na siyang nag-iisip ng magandang Marketing Strategy nang bumalik sa Opisina si Bhea at parang kinikilig na hindi maintindihan. Napatayo siya sa upuan nang ituro nito ang nangyayari sa loob ng Restaurant niya. Malalakas na hiyawan at ngitian ng mga waitresess ang nagpataas ng kilay niya. Masiyado ng mataas ang kilay niya, hindi niya akalaing may itataas pa pala iyon. Nakatutok ang mata ng mga ito sa iisang direksyon—ang Bar and Coffee shop ng kupal na si Mister Tamayo. Napanganga siya at ang dugo niya, hindi na kayang sukatin dahil sa taas ng lebel. “Anong kaguluhan ito? Magsibalik kayo sa pwesto, NGAYON DIN!” awat niya. Nagulat ang mga ito, nataranta at halos magkabungguan sa pagbalik sa pwesto nang sumigaw siya. Nakita pa niyang napakagat-labi si Bhea na nakatutok pa rin ang mga mata sa kumosyong iyon. “Ang ga-gwapo nila, lalo na si Adonis.” Gusto niya itong sabunutan dahil sa iniasal nito. Kahit naman sino ay talagang mapapalingon at literal na mapapahinto sa tanawing iyon. Hindi niya masisisi ang mga babae niyang tauhan na nagpipistahan sa pinagpalang Adan. Abala sa paglilinis ng Shop ang mga tauhan ng kupal, mabuti sana kung sadyang naglilinis ang mga ito, malakas ang pakiramdam niyang nagpapa-cute ang mga tauhan nito sa tauhan niya. Kung bakit naman kasi hindi tinted ang wall ng Bar and coffee shop nito, kundi cleared glass. Pero hindi naman iyon ang kinainis niya—Bakit kailangang ibalandra pa ang mga katawan ng mga ito? Ano para, masabing gwapo at macho sila at hindi HIPON—Maganda katawan, pangit mukha o walang utak. Isama mo pa ang pasimuno, dahil wala itong takip sa pang-itaas na katawan bukod sa Apron. Mabuti pa nga ang mga lalaki nitong tauhan naka sando pa. Built-in and well develop man ang katawan nito, hindi pa rin ito ang basehan niya ng Macho at gwapo. Dose-dosena ang kilala niyang gwapo at Macho na kaya niyang itapat dito. Naghihimutok siya sa inis, kulang na lang bumuga siya ng apoy, panay pa rin kasi sulyap ng mga waitresess niya na hindi na makapag-concentrate sa ginagawa. Dagdagan pa ng inis na lalong nagpataas ng intensity niya—ang anyo ng kumag na akala mo ay modelo ng isang sikat na jean brands, kung makapagbilad ng katawan, animo’y wala ng bukas. Kita ang likod at tagiliran, na wala man lang bakas ng fats at talagang muscle weight. “Bwiset! makikita niya!” Lalo niyang pinalakas ang inis na nararamdaman. Umayos na ang mga tauhan niya, at nakayukong sumulyap sa kanya para humingi ng paumanhin. “Talagang sinusubukan niya ako. Sinasagad niya ang pasensiya ko.” Hinawakan siya sa braso ni Bhea para pakalmahin ngunit wala itong epekto. Halos mabasag na ang phone sa pagpindot niya ng numero. Nakuha niya ang numero sa website. Hindi siya dapat mag-aksaya ng oras dahil malaking oras ang nawawala sa kanya. “Ice, Ice Bar and Coffee shop, Good afternoon. How can I help you?” “May I speak to Mister Tamayo?” walang hello-hello na paalam niya. “Yes, speaking.” “Baka puwede mong sabihin sa mga tauhan mong lalaki na 'wag magpa-cute sa mga waitress ko at nakakaabala sila. BYE” Mabilis niyang ibinagsak ang phone. Sumakit sana ang tainga nito. Lalo lang tuloy nadaragdagan ang iritasyong nararamdaman niya. Mukhang hindi ang katulad nito ang magiging friendly gamer. Sabi nga 'di ba 'be close to your enemy.' Iyon yata ang unang bagay na dapat niyang matutunan. Kaya lang paano niya uumpisahan? She was sure he's into something and a dirty boastful gamer, exactly for his description. Binalikan niya ang ma bulaklak. Daisies wasn't her type, infact nagpapaalala lang iyon ng nakaraang ibinaon na niya sa hukay. Dinampot niya ang basket ng bulaklak at itatapon sana sa basurahan kaya lang ay hindi iyon magkasya. Ipinatong na lang niya sa ibabaw ng basurahan. Nakita pa ni Bhea ang ginawa niya kaya agad nitong dinampot ang binasura niyang bulaklak. "Sayang naman. Akin na lang." Hindi niya ito inimik. Bumalik siya sa upuan at muling sinulyapan ang ginagawang Marketing Strategy Plan. Dapat siyang mag-focus kung paano makakabawi sa negosyong nangangambang malugi. Itutuon na sana niya ang pansin sa ginagawa nang muli siyang abalahin ni Bhea. "Chili, may line ka, transfer ko ha," paalam pa nito. "Sino raw?" "Hindi ko natanong eh. Teka." Lumapit ito sa nag-ring na phone at sinagot. "Yes, sandali lang." Saka atubili pang ibinigay sa kanya. Automatic na nag-init lalo ang ulo niya pagkarinig sa pamilyar na boses ng kupal na ito. Kailan pa nga ba naging pamilyar sa kanya ang boses nito? Lahat na ba ng tungkol dito ay malapit na niyang makabisado?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD