ICE 2

1799 Words
NANG makabalik sa Restaurant si Chilien Fabregas, mga incoming calls naman ang inasikaso niya. Dahil parami na nang parami ang mga clients na nagustuhang magpa-cater simula nang siya ang napili ni Miss Marjorie Barreto para sa birthday ng anak nito. Abala siya sa pagba-browse ng files sa flat screen monitor niya nang kumatok ang isa niyang empleyada para abalahin siya. “Ma’am, may gwapo kayong bisita.” Agad din itong umalis na hindi niya pinagkaabalahang lingunin. Bahala na kung narinig man niya o hindi ang sinabi nito. Napaisip siya sa sinambit ng emplayada, dahil kung ang preskong pinsan niya iyon, siguradong pangangalanan iyon ng sekretarya niya. Pero Gwapo ang deskripsyon nito kaya siguradong ibang tao at hindi pa nila nakikita. Ilang sandal pa nang marinig niyang may tumikhim sa harapan niya. “Busy ka pala ngayon.” Nakapasok na pala ang gwapong bisita na tinutukoy ng empleyada niya base sa boses nito. Napipilitang nag-angat siya ng tingin nang mabungaran ang nagsalita. Ito na yata ang typical word na MALAS. “Kung alam ko lang na ikaw pala ang bisita ko, sa front door pa lang pinaharang na kita,” umpisang bara niya na parang wala lang sa anyo nito. Samantalang siya, umaakyat na naman ang dugo sa ulo niya at nag-uumpisang mainis. “Ikaw lang ba ang may karapatan para bisitahin at makita ang gwapong tulad ko? Hindi lang naman ikaw ang anak ng Diyos.” Ngumisi pa ito sa hindi niya malamang dahilan. “And so your point is?” Nairita na siya rito. “You are the best living example of conceited. Kung ikaw lang pala ang basehan ng gwapo, wala na sanang pangit.” “Tsk! hindi naman kasi ako pangit, tinitiyak kong gwapo ako, mula ulo nag-uumapaw ang kagwapuhan hanggang paa kahit titigan mo pa.” Gusto niyang masuka sa sinasabi nito wala rin naman siyang mapapala kung iintindihin pa niya at papatulan ang sinabi nito. “I just came here for no reason,” kibit-balikat na sabi nito—na mukhang wala ngang interes na pinuntahan siya. Kung ganoon, ba’t pa siya inaabala at binubwiset nito? Napangisi siya na 'di niya inaasahan. “Talaga hah. Kung wala ka naman palang importanteng ipinunta rito, makakaalis ka na.” Saka pa niya minuwestra ang pinto palabas gamit ang kamay niya. “Wow hah, ngayon ko lang naisip na ganyan pala ang treatment para sa mga bisitang kasing gwapo ko.” “Panlalait ba 'yon? Well, tama ka. Because you’re not gwapo as you think you are. Hindi bagay, mahihiya lang ang totoong gwapo sa sinasabi –“ Napahinto siya nang walang abalang naghila ito ng upuan at umupo sa kinatatayuan kanina. Napagod yatang makipagsagutan sa kanya ang kupal. At sa kapal ng mukha naisipan pang umupo. Pinagbigyan niya ang trip nito—ang panoorin yata siya sa ginagawa niya. Hinayaan lang niya, hindi niya kailangan ma-concsious sa presensiya nito dahil sa bibig na niya nanggaling na hindi ito gwapo at wala talagang dating sa kanya lalo na ang katulad nitong saksakan ng yabang. Ang mahalaga sa kanya, ang Business. Nang mag-ring ang phone sa tabi niya, mabilis niya itong dinampot at sinagot ang receiver. “Yes Ma’am, this is Chilien Fabregas, how can I help you?” Tumagal ang pakikipag-usap niya sa kliyente na hindi alintana na may iba pang taong naroon at nagmamasid sa kanya na mistulang manager at binabantayan ang kilos niya. “Nakakatuwa kang panoorin,” sabi nito kasunod ang isang ngiti na hindi niya alam kung bakit parang biglang lumukso ang puso niya. 'That is not a compliment, Chili. Kupal na competitor yan,' warning niya sa sarili. “Wala ka bang balak umalis para patahimikin ako and mind your own agenda?” “Wala pa. Sayang naman ang pagmamadali ko para makapunta lang dito at makita ka, tapos paalisin mo rin agad ako,” malungkot na saad nito saka siya hinagod nito ng tingin na biglang nagpakaba sa kanya. Dumiretso siya ng upo, tinikwasan ito ng kilay sa dating ng pagkakatingin nito sa kanya. “So, what is you plan of coming here?” Nagtaas ito ng kamay at ilang beses hinimas ng daliri ang sariling baba na animo’y malalim ang iniisip para sa kasagutan ng tanong niya. Sumulyap ito sa relo saka muling nagsalita. “Hmm.. sige malapit na rin naman ang lunch. Dito na lang ako magla-lunch.” PARANG bulang nawala ng kusa ang kaba niya. Sa wakas, makakaalis na rin ito sa harapan niya, kung puwede nga lang niyang sipain palabas kanina pa sana ito gumagapang. “You can go now, nasa labas ang dining.” “Ang gusto ko, ikaw ang magserve sakin.” Kasunod ang pilyong ngiti nito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Balak ba nitong patayin siya sa pang-aasar? ''Wag kang magpatalo, Chili,' ikalawang warning niya sarili. “Ako rin gusto ko,” putol niya. Ngumiti ito ng todo, labas yata pati wisdom teeth isama mo pa ang gilagid na halos lumabas na rin. Pinantayan niya ito ng ngisi. “Gusto kitang patayin kanina pa, 'di mo lang alam.” Napuno ng tawa nito ang apat na sulok ng Opisina dahil sa sinabi niya. “'Wag naman, sayang ang kagwapuhan ko, pero kung sa kamay mo lang, no offense.” Manhid ba ito? Hindi marunong makaramdam. Pinakalma niya ang sarili. “Will you bear this to your mind? I am the manager and owner, not your maid, servant or waitress,” saka mabilis na nag-iwas ng tingin. “I know, but there is a word in the Dictionary called ‘Hospitality’. Ganiyan ba kayo mag-entertain ng customer? No wonder, mauubussan ka talaga ng Customer,” pananakot nito. “Indeed to you. And I don’t think you can pay our food.” Bahagyang nawala ang ngisi nito, napahiya yata dahil sa pangmamaliit niya. Buti nga! “Oo naman, mayaman ako at gwapo pa.” Ang yabang talaga ng kupal na ito, walang ibang lumalabas sa bibig kundi puro pagmumura ng salitang Gwapo. Tumayo ito, mukhang nainsulto nga ang walangya. Ibinalik nito ang upuan sa dating pwesto at saka humarap uli sa kanya. “Baka gusto mo akong ihatid palabas sa dine-in niyo?” Dumako ang mata niya sa paa nito. “Wala ka bang paa? Sa tingin ko m'eron naman. Are you impotent or disabled? Nakarating ka nga rito.” Inilang hakbang nito ang paglapit patungo sa kanya. Itinukod pa nito ang kaliwang kamay sa mesa niya para lang matitigan siya. Nasamyo niya ang amoy nito. “You’re so cute” Then the next thing she knew, he finch her left cheeks. Then straightly exiting to the door of her office. Bigla siyang namula, mabuti at hindi nito nakita. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang pakiramdam na bigla na lang nagpagalaw sa labi niya para ngumiti. What the hell is happening to her? Malapit na ba siyang mabaliw? Tinapik niya ang kanyang ulo para kahit papaano ay makabalik siya sa katinuan. Marahil ay sinusubukan lang siya nito kung papatol siya sa seduction ng kumag na ’yon. But unfortunately, hindi naman umobra. She blocked all the things about this man in her mind and back to focus on her monitor. Hindi pa rin iyon nakatulong, dahil wala parin sa monitor ang isipan niya. 'Why not?' naiusal niya sa sarili. Masakyan nga ang kupal. Alam niya sa sarili niyang hindi siya ganoon kadaling ma-seduce, lalo na kung ito lang ang dahilan. Saglit na pumindot siya sa phone para kausapin ang waitress sa labas na nagse-serve sa kupal. Ngayon pa lang, nakikinita na niya ang reaksyon nito dahil sa ginawa niya. 'The victory is all mine.' Ilang minuto rin nagring ang phone—inaasahan na niya ito, kaya hinanda na niya ang sarili. Lumabas siya ng Office gaya ng sinabi ng waitress niya para harapin ang nagreklamo dahil sa pagkain nito. Lumapit siya sa mesang inuupuan nito, kausap pa nga nito ang isa niyang waitress. “Do you have problem here, Mister Tamayo?” “Oh, yes. Ganito ba ka-classy ang Resto ninyo? Napakamahal naman ng sinisingil nila sa akin, almost twice the price.” Napangiti sa sarili si Chili, gusto yatang magdiwang ng utak niya, isama pa ang atay at balun-balunan. Iniabot sa kanya ng waitress ang list ng mga inorder ni Mr. Tamayo. “Eight thousand six hundred forty ang total price. So, what’s the problem with that? Kasasabi mo lang kanina na mayaman ka. Huwag mong sabihing hindi mo kayang magbayad?” Napataas ang kilay niya. Ano ka ngayon? Wag mo kasi akong susubukan. Sumuko na yata ang pobreng lalaki. “Fine! Do you accept credit card?” “Of course.” Napasulyap siya sa ice cream nito na hindi na pinagkaabalahang tikman, halos matutunaw na ito. “Special ang si-nerve ng mga waitress namin, special ka kasi.” Special child. “Hindi mo yata tinikman ang special Ice cream namin?” “Nevermind.” “Do you want another one, that will suit your taste?” pang-aasar niya. Hindi na siya nakarinig ng reply nito. Mabilis na kinuha nito ang credit card at nagmamadaling lumabas ng Restaurant. Malaking ngiti ang hindi maalis sa labi niya nang makabalik siya sa opisina at tumunog ang cellphone niya. Si Bhea ang nasa registered screen niya. "Chili..hmm.. open pa ba iyong offer mo?" Mabuti na lang at gumanda ang mood niya kaya nakangiti niyang sinagot ang tawag ni Bhea. "Oo naman." "I will submit my resume and meet you tommorrow," paalam nito. "Okay," maiksing tugon niya saka ibinaba ang phone. Sinara na niya ang Restaurant as everyday happened, nauna na sa kanyang umuwi ang mga tauhan na maaga ring papasok bukas. Iyon lang ang mahirap dahil kahit linggo bukas pa rin ang Restaurant niya. Lumabas na rin siya mula sa Restaurant at itinapat ang susi sa sariling sasakyan nang may marinig siyang ingay na nagpasakit ng tainga niya. "Hindi ko nga rin alam kung ano ang binabalikan ng Boss ko sa pipitsuging Restaurant na iyan." "Nakita mo na ba ang may ari?" "Hay naku, oo naman. Sobrang Manang manamit." Napatingin si Chili sa kasuotan. She was wearing a black pants, white blouse and black blazer. 'Hah! Sigurado naman akong nakapang-opisina ako, anong Manang ang sinasabi nitong suot ko?' nagpipigil na usal ng isipan niya. "Maganda nga sana kaso akala mo kung sinong istriktang teacher as in hindi bagay sa Restaurant niya. Nakakahiya lang," dugtong pa nito. Hindi na nakatiis ang temper niya. Para siyang dragonang umuusok ang ilong at bubuga ng apoy na nilapitan ang dalawa. Parehong may hinihithit ang mga ito. Electronic cigarrete sa isa at sigarilyo naman ang ikalawang nanglalait sa pananamit niya. "Alam nyo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga babaeng pakialamera sa buhay ng may buhay?" Tumaas ang kilay ng isa na parang gusto pang sabayan ang taas ng kilay niya bilang pagtatanong. "Pinipilit ko ang leeg at sinasako. Gusto nyo bang sumunod?" Tila nawalan ng dugo ang mga ito at mabilis na iniwan siya. Napabuntong-hininga si Chili nang makasakay ng sariling sasakyan. Napatingin siya sa rear mirror. Ganito na nga ba siya kapangit? Mukha ba talaga siyang Manang o istriktong teacher sa postura niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD