ICE 5

1635 Words
NAESKANDALO yata ang mga nananahimik na tutuli ni Icequiel sa pagbagsak nito ng phone. Hindi na niya kailangang manghula, boses pa lang ni Miss Fabregas ay tila kabisado na niya. Pumailanlang ang malutong at nang-aasar niyang tawa. Napalingon pa ang mga tauhan niya. Mukhang sa kanya, napupunta ang panalo. He enjoyed pestering this woman, her irritations is like music to his ears. Sa pagkakaalam niya ay matanda siya r ito ng dalawang taon. Twenty six na siya at wala pang matinong girlfriend, girls are just come and go to his life. He never settles for less. He loves thrill, and this woman is a thrill for him. Ayon sa napagtanungan niya, hindi na ito nagkaroon ng nobyo mula nang mamatay sa aksidente ang mga magulang. Too bad. Kaya lang hindi na nakapagtataka dahil sa katarayan at kasungitan ng babae na akala mo ay isang istriktang Professor na nagme-menopause. Mabuti na lang talaga at napaghandaan niya ang muling pagkikita nila three years ago. Muli siyang napangiti nang maalala ang binanggit nito, marahil ay nanonood ang mga tauhan nito sa tauhan niya kaya ganoon na lang ang panggagalaiti ng babae sa kanya. Sumilay ang isa pang ngisi sa sulok ng labi niya. Bakit ba sarap na sarap siyang inisin ito? Siya naman ang pumindot ng digit ng babae, sa phone. “Hello, can I talk to Miss Fabregas? Please.” Narinig nito na iniabot ang phone sa kailangan niya. “So, aminado ka ng gwapo at macho ako?” “Anong namang koneksyon ng pagtawag mo sa tanong na ‘yan?” “Kasi pinagpapantasiyahan mo ako.” “What? How dare you! Ilang pages ka ba? Para ka kasing Almanac, ang kapal. ANG KAPAL YOUR FACE.” “Oh, easy, 'wag magalit. Lalong tatanda, nagustuhan mo ba 'yong flowers?" "Itinapon ko. I have allergies," malamig na sagot nito. "Don't worry itatanong ko sa sekretarya mo ang detalye ng mga gusto mo." "Kung wala ka ng sasabihin, ibaba ko na. Nagpaalam na ako para hindi naman ako masyadong bastos. Kahit ang totoo, kanina pa kita gustong sapakin," biglang nagbago ang boses nito. "Masyado pang maaga para halikan mo ako, easy." "Bingi ka ba o sadyang tanga lang. Anyway, patigilin mo ang mga tauhan mo, kung ayaw mong ipa-demolish ko 'yang Cofee-Bar mo." "Woah, nakakatakot ka pala magalit. Patitigilin ko ang mga tauhan ko sa isang kondisyon.” “Anong kondisyon?” “Accept mo muna friend request ko tapos—“ Napangiwi siya nang ibinagsak na naman nito ang phone sa kabilang linya. Nagwala na yata ang mga tutuli niya. Napapilig na lang siya sa ulo at muling humalakhak. Dapat pala cellphone na nito ang tinawagan niya. Hindi titigilan ni Ice ang dalaga, matira na matibay. Wala lang talaga sa kagwapuhan niya ang salitang pagsuko. Naguguluhan na nga rin siya sasarili niya lalo na kapag natutuwa siyang makitang namumula ito sa galit. Pakiramdam niya lalo niya iyong ikinagwapo kaht given na na gwapo talaga siya, walang duda. Napasulyap si Ice sa relong pambisig. Pasado alas onse na ng tanghali. Kailangan na niyang magsara. 9PM to 9AM ang Coffee Bar niya, 9AM to 9PM naman ang sa dalaga. Sinadya talaga niyang mabungaran man lang ito. Lalo pa at madalas itong nag-o-overtime, halatang nag-aalala sa Sales ng kompanya. Dahil magiging abala na siya, sa mga araw na darating. Muling sinulyapan ni Ice ang Restaurant ng dalaga, abala pa rin siguro ito. Hindi naman siya ganoon kasama para painitin ng todo ang ulo ni Miss Fabregas, kaya pagbibigyan na niya ito. Nang makapagsara ay kinuha na ni Ice ang susi at dokumentong kailangan niyang i-submit sa Engineer. Tatapusin na niya ang pagsasaayos ng pinapagawa niya. Kaya palagi ng mawawala sa Bar and Cofee Shop si Ice dahil abala sa pagpaaayos sa ginagawang bahay bakasyunan sa Pangasinan ang binata. Isang secluded one hectare lot ang nabili niya at nais niyang gawing Rancho. Nauna na niya itong ipatayo bago pa ang Bar and Coffee shop. Masyado lang niyang tinuunan ng pansin ang Cofee-Bar kaya nais na niya ngayon na i-focus ang pansin sa bahay bakasyunan. Paminsan-minsan naman ay bumibisita rin siya sa Club House na pag-aari ng dating Attorney Aldrich Carvajal. Iyon na rin ang ginawang Hide-out ng mga Club Members at High class bachelors. Isang oras din ang binabiyahe niya, pero dahil nadaraanan naman iyon at hindi na iyon pag-aasakya ng kanyang oras. "Oh, Yelo, naligaw ka?" tanong ni Aldrich nang bumungad at bumisita siya sa Club House. "Hindi na ba puwedeng tumuntong sa teritoryo mo ang gwapong tulad ko? I believe member ako ng Club House at ng clan," mariing sabi ni Ice. "Pinasasama mo ang loob namin. Parang naghahamon ka yata ng World War three. Paniguradong magseselos ang lahat kapag narinig ka,." komento nito kasunod ang malutong na halakhak. "Hindi ko na kasalanan kung nasa dulo talaga ng pangalan ko ang salitang gwapo." "Gago ka pa rin, Ice," baling ng tahimik na si Chrisjan na kararating lang. Nagdatingan na rin ang iba. "Gwapo lang talaga ako at--" Pinutol ng nagbabasa ng bible na si Prince Eidrian ang sinasabi ni Ice, "Saksakan ng yabang." "Teka nga lang, talaga bang desidido ka ng magpari?" sabay tuon ni Alfer. "Oo. Ayaw kong magpatali sa kahit sinong babae." "Baka naman dahil 'yan sa first love mo," sabi ni Alfer. "Isang lalaki lang naman ang malalagas sa grupo natin, let him be," mapait na usal ng secretive na si Rexelle. Tumikhim si Aldrich at tumayo sa gitna. "Anyways, may balak akong proposal sana sa Club house. Para naman madagdagan ang income ko, mag-iinvite na ako ng guest and customers." Agad umalma si Terrence, "That means mawawalan na kami ng privacy?" "Not really, dahil magpapagawa ako ng sarili nating Penthouse na tayo lang talaga ang naroon. But you can still roam around the club house. Alam niyo namang legal processor and business minded-person pa rin ako. So, I believe na ito ang paraan para madagdagan ang income ko." "Anong balak mo?" muling tanong ng Inhinyerong si Terrence. "Dahil marami sa atin ang professionals, balak ko na rin itong gamitin. Rent into a gig, since band vocalist si Lejan at singer and composer si Rex, at pwede kong ipa-rent as movie scenes ang lugar para kay Chrisjan, dahil director siya, at ipagawan ng commercial since Hans is Media advertiser and production owner. Ang pagpapaayos ng lugar ay ibibigay ko sa kamay ng ating Engineer na si Ter, si Alfer naman ang bahala sa mga helicopter since Airline owner naman siya. At ang ibang mga business owner ay hahayaan kong magtayo ng branches nila para sa kanilang mga produkto rito. Like Ice, the coffee Bar and Romervan since he was managing a Wine factory." "Possible!" saad ni Ice na walang tutol alang-alang sa business. "Good for me!" sabi naman ni Chrisjan. "Wala namang tutol sa inyo. Kaya uumpisahan ko na ang binabalak ko. I will also recruit workers to work with me. At siyempre para hindi naman nakakahiya sa inyo at hindi kayo maumay. Mostly sa kukunin ko ay mga babaeng naggagandahan." "Playboy ka talaga, Alfer!" mabilis na saad ni Hans. "No comment ako diyan," saad ni Eidrian. "This is what we call Heaven," baling ni Lejan na nakikinig na rin pala. "That's a deal guys. Huwag kayong mag-alala, top priority ang Highly VIP pa ring mga members, that's my assurance." "Okay deal!" sabi agad ni Romervan. "Deal!" sigaw ng lahat. The construction started, naging abala na rin doon si Ice dahil nais rin niya ng another expansion. Pero dahil boys lang ang recruit niya, pinaalam niya iyon sa Land and facility owner na si Aldrich. Limang lalaki at dalawang babae ang proposal niya. Pumayag naman ito kapalit ng good-looking persons lang ang kukunin niya para hindi nakakainsulto sa kanila. Iyon nga lang ay sila pa rin ang dapat top-gwapo sa lahat. Sandali lang naman talaga ang inilagi niya roon, nagpaalam na rin siya nang maabutan siya ni Terrence. Huminto siya nang makita ito. "Talaga bang ayaw mong kunin ang project?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang bahay bakasyunan sa Pangasinan. "Kung wala lang siguro akong naunang project baka na-handle na kita." "Okay. Matatapos na rin naman iyon sa loob ng isang buwan." "Congrats and Good luck!" Gusto talaga niyang si Terrence ang maging Engineer ng nasabing Rest House, lalo pa at nakalinya sa isa sa magaling na Engineer at Project Manager si Terrence. Hindi na rin naman niya kailangang kumuha ng Landscape Architect dahil may background naman siya roon. Naipaalam na rin ni Ice sa sekretaryang si Margo ang busy Schedule niya sa Pangasinan. Doon muna siya maglalagi ng halos kalahating buwan para ma-monitor ang Rest House at Rancho. Napatingin siya sa Cellphone may stolen shot ng picture ni Chili, sa kaliwang side naman ay ang stolen shot din nito, three years ago. "Miss Fabregas, wala akong balak gantihan ka, this is my part of condolence to your parents. Alam kong kasalanan iyon ng Father ko na pinagbayaran na rin naman niya ng sampung taon sa kulungan," bakas ang pait sa tinig niya. Nag-stop over muna siya kung saan nailibing ang kanyang ama. Ang kanyang ina naman ay matagal na niyang hindi nakikita simula nang ipanganak siya. Ayon sa huling balitang natanggap niya ay may pamilya na ito kaya natigil na rin ang natatanggap niyang financial Assistance. Hindi naman siya ang tipo ng taong nagtatanim ng sama ng loob lalo na sa ina-ing iniwan ang responsibilidad sa kanyang Ama. Napapunas ng umalpas na luha sa kanyang mata si Ice. Kung nakinig lang sana noon sa pakiusap niya ang dalaga, hindi sana mamamatay sa kulungan ang kanyang amang may itinatagong cancer sa dugo. Minsan tuloy ay nais niya itong sisihin pero, mga magulang nito ang namatay. She was pathetic being orphan, pero mas mukha siyang pathetic ngayon kesa rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD