ROMER 4

1584 Words
BUONG gabi yatang hindi na nakatulog pa si Romervan. That girl. He was sure it was her. Imposibleng malimutan niya ang maliit na mukha nito na sa paglipas ng panahon ay lalo itong gumanda. Ang babaeng hinahanap niya ay nasa tabi lang pala niya. What a small world, ika nga. Napahawak si Romervan sa sariling labi. She really taste sweet and he want to kiss her again, even more, deeper and passionately. Kaya sinadya niyang lamlaman ang halik nito sa kanya, iyon nga lang hindi manhid ang babae, naramdaman nito ang ginawa niya. Napalipad ang kamay niya sa sariling pisngi nabahagya pa ring namumula matapos nitong sampalin. She really have a guts to kiss him then slap him hard. "Agh! Damn it, Marjie! Pinilit na kitang kalimutan. Here you are again." Ilang beses na niya itong ini-imagine hanggang sa panaginip ay kung anu-ano ng kabulastugan ang naiisip niya. Pero ngayong nagkaharap na sila, ni hindi man lang siya nakaimik. Ni hindi man lang niya nasabing mahal niya ito, noon pa. Nang mapatingin si Romer sa relong pambisig, pasado alas singko na pala ng madaling araw. Minabuti niyang bumangon na lang. Nagpalit siya ng pants at sando, saka kinuha ang ipod at tubig. Magjo-jogging na lang siguro siya sa kalawakan ng executive subdivision. Nakalimang ikot na si Romervan nang bumalik sa loob ng bahay. Gising na ang mga kasambahay at nakapaghanda na ng almusal. Dumiretso siya sa hapag at saka kumain dahil ramdam na rin niya ang pangangalam ng sikmura. Nang matapos at nakapagpahinga ay bumalik siya sa kwarto para maligo at makapagbihis. Baka makalimutan niyang may pasok pa siya sa opisina. "Good morning sir," bati ng lahat ng nakakasalubong niya. He was chief researcher ng isang label company. Sa kanya kinukuha ang mga ideas ng lahat ng client company para sa packaging at labeling ng isang produkto. Pagdating sa loob ay hinarap na niya ang desktop nang abalahin siya ng sekretarya. "Sir, may bisita po kayo." "Sige, papasukin mo na lang" Huli na nang mabawi niya ang salitang papasukin na lang. Lalo na nang makita niya ang sinasabi ng sekretarya na bisita. Agad itong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Have you miss me, Babe?" "Nepthalie, what are you doing here?" Nepthalie Ann Mendez was her ex-girlfriend. Pero dalawang taon na iyon. He found out he have been cheated, kaya siya na mismo ang nakipaghiwalay sa dalaga na hindi naman nito pinayagan at hanggang ngayon ay nakabuntot pa rin dito. "Siyempre, nami-miss kita. Let's make out," aya nito sa kanya na parang kakain lang sa labas. "I'm busy." "Palagi ka namang busy eh. Sige na, one time na lang then hindi na kita kukulitin." "It was your almost for ten times. Ilang beses na iyang sinabi mo." "Rome..." Para itong bata na nagta-tantrums. "Okay. Later. After office hours, hintayin mo ako sa lobby." Napasubo na naman si Romervan sa babaeng ito. Kahit saan siya magpunta ay para itong aninong laging nakasunod sa kanya. Ilang beses na niya itong tinatanggihan pero sadyang makulit ito at hinihingi pa rin ang puso niya. Kahit pa alam na nitong isa lang talaga ang laman niyon. Nag-under time na lang siya para maiwasan si Nepthalie, isa lang ang naiisip niyang puntahan. Ang Club House ni Aldrich. Pagdating sa gate ay nakita agad niya ang mga miyembro na halos kumpleto. Ano na ba ang huli niyang update sa mga ito? Lejan disband the group since it was announced on his concert. Rex was busy on his new album while the four of them already tied the knot. Natigil ang paligid nang mapagsino ng mga ito ang pagdating niya. Some of them were busy on golf, the other for the drag race. "Oh s**t!" Agad lumapit si Aldrich at binatukan siya bilang pagbati. "How are you, Dude?" "Sorry, if this is a surprise. May tinatakasan kasi ako." Nagsilapit ang ilan sa mga kasamahan niya sa Praternities at itinigil ang mga ginagawa. "Hula ko, babae," mabilis na sagot ni Alfer na mukhang fubo o f**k boy. Tumango siya. "Ibigay mo rito kay singkit, wala itong jowa," suhestisyon ni Ice. Binato ni Chrisjan ng maliit na bato na napulot si Ice. "Gago, may Cess na ako." "Sino? Model mo?" tanong naman ni Tresh na abala sa hawak na tablet at hindi tumitingin sa mga ito. "Aha! Kausap mo na naman iyang mag-ina mong nasa Canada," panghuhuli ni Jarvis. Palaging ganoon ang gawain ni Tresh lalo na at nasa business meeting si Joshana at isinama ang anak. Dumating din si Lejan na may nakasabit pang gitara sa leeg nito habang nakahawak sa kabilang kamay ang asawa nitong si Allurice. "Guys, you have to congratulate us!" excited na anunsyo ni Lejan. "Finally, we have a new Angel!" kuntodo ngiting pang dagdag nito. Pinalo ito ng asawa dahil masyadong maingay. Dumating na rin si Chaser na may kausap na naman sa phone, business as usual. Well, everyone of them already had a family and its no more than an eligible bachelor now. "So who's the lucky girl beside the girl chasing you?" seryosong tanong ni Eidrian. "She was Rogin's ex." TILA nagulat ang buong paligid at literal na huminto ang lahat sa mga salitang sinabi niya saka tumingin sa kanya. As if it was a bomb that explode in everybody's ear. "You shoudn't mess to our Supreme Master," kaagad na gagad ni Hans na bagong dating lang din. "Pero matagal naman na silang hiwalay. Almost four years na nga yata eh," sabi naman ni Alfer na kampi sa kanya. Sino ba ang hindi makakaalala sa ex-girlfriend ni Rogin? Lalo pa at ipinakilala ito sa buong tropa at sa pagiging seloso noon ni Rogin, maski si Chase ay nakatikim ng bagsik ng pagiging seloso at overprotective ni Rogin. "Well, we should consult it to the former Supreme Master bago mo tuluyang sulutin ang Ex niya," mariing sabi ni Hans. "What are you talking about behind my back?" Lahat sila ay napalingon sa bagong dating na si Rogin. Hindi siya tumingin. Lumapit si Hans dito at dinala ito malayo sa pandinig ng mga ito. Ilang minutong nag-usap at parang nagtatalo habang sila ay nanatili lang na nakamasid,. Makalipas ang ilang sandali ay lumapit ang mga ito. "I'll give you permission," sabi ni Rogin. "Alam kong matagal mo na siyang gusto noon pa. But unfortunately, naunahan kita. You don't have any courage to tell your feelings toward her. You are so disgusting! Hindi ko akalaing mahal mo pa rin siya magpahanggang ngayon." Nagliwanag ang mukha ni Romervan sa sinabi ni Rogin. "I let you court her and have her but in one condition.." "Anong kondisyon?" "You shouldn't let her cry not unless it was happiness. Dahil kapag nangyari iyon." Kumuyom ang kamao nito. "You have to get this." Nagpeke ng tawanan ang mga ito na halatang nasindak din sa sinabi ng kanilang Supreme Master. "Hindi ka pa rin nagbabago, supremo!" kaagad na sabi ni Aldrich saka inakbayan ito at inilayo na sa kanya. "Deal!" sigaw ni Romervan na sakto lang na narinig ng tainga ni Rogin. Nang tingnan niya ang mga ito ay nagsibalik na rin sa kanya-kanyang pwesto at parang walang nangyari. Napabuga siya ng hangin. Sa wakas, magagawa na rin niya ang nais niya. Sa wakas, masasabi niyang sa kanya na ang dalagang matagal ng inaasam. Ilang taon din siyang nagtiis noon sa matinding selos tuwing nakikita niya ang kanilang supremo at ang nobya nito. Kahit pa gustong-gusto na niya itong agawin ay mas naiisip niya ang kapatiran at ang tropang nabuo nila. Magkakaiba man sila noon ng edad at kurso nang buuhin nila ang praternity, ngayon ay nagkakaisa na sila sa bawat saloobin ng isa't-isa. Binatukan siya ni Hans. "Congrats, Tol!" Humarap siya kay Hans. "I have to ask you something. What's the score between you two?" "I have nothing about your sister," mabilis na sagot nito na alam na ang tinutukoy kahit hindi pa niya pangalanan. "I didn't say she's nothing, but somehow, she's special to me." "I think she likes you." "No offense. Malalaman ko lang ang lahat kapag nabalik na niya ang pag-aari ko." Napakunot ng noo si Romervan. "Anong pag-aari? May ninakaw ba sa iyo ang ate ko?" Tinapik siya ni Hans sa balikat. "Just mind your own business. Don't worry, she's mine, privately." Natameme na lang si Romer, alam niyang ito ang linya ng taong may gustong makuha. Sa ugali pa lang ng ate niya, alam na niyang hindi tatagal ang kahit sinong lalaki rito. But Hans was really had the guts. Mukhang alam na niya kung ano ang totoong score sa ate niya at kay Hans. Isang linggo lang namang nanatili roon si Romervan, kinakailangan na rin kasi niyang bumalik sa kompanya para magtrabaho. Binilinan na lang niya ang sekretarya na huwag basta-basta papasukin si Nepthalie, lalo na kapag walang appointment. Rinig pa niya sa pagpasok ang bulong-bulungan ng ilan. Alam niyang maganda talaga ang aura niya dahil sa sinabi ni Rogin. Ang kailangan na lang niyang gawin ay hanapin ito. Ngunit mas mainam kung magigipit ityo at handa na lang siyang tulungan ito nang sa ganoon ay hindi ito mag-isip ng ibang kahulugan sa ginagawa niya. Nang mag-ring ang phone niya ay agad niya iyong sinagot. "I found her." Lumaki ang ngiti niya sa magandang ibinalita ni Aldrich. Pagdating talaga sa technical at mga bagay na may kinalaman sa security ay ito ang number one na maaasahan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD