ROMER 3

1329 Words
DAHAN-DAHANG bumaba ng hagdan si Marjie. Para siyang pusang kumikilos para huwag lang makahalata ang kahit sino sa bahay nila. Tinawagan na niya si Claire, dito siya hihingi ng tulong para makahanap ng uupahang bahay. Magsasarili na siya simula ngayon, lalayasan na niya ang kanyang ama-ng kahit kailan ay hindi siya pinahalagahan. Sumakay siya sa pinarang Taxi. "Ma'am, saan po tayo?" tanong ng Taxi Driver na tiningnan siya sa rear view mirror. "Sa Alabang, pababa na lang po sa Central Mall." Tumango naman ang Taxi Driver. Kinuha niya ang compact mirror at inayos ang buhok na bahagyang nagulo dahil sa lakas ng hangin ng hapong iyon. Napansin pa niyang panay ang sulyap ng Taxi Driver sa gawi niya. Napatingin tuloy siya sa sariling suot. Saka lang niya naalalang naka-dress nga pala siya. Hinila niya paibaba ang damit. Pakiramdam niya sinisilipin Marjieg Taxi Driver. Agad niyang tinawagan ang kaibigan sa takot na may gawin sa kanya ang Taxi Driver. Bago pa siya makasagot sa kabilang linya, napansin na niya na iba ang tinatahak na daan. Kinabahan na tuloy siya. "K-kuya, iba yata ang daan na ito?" Napatingin pa siya sa mga kabahayan na paunti ng paunti habang binabaybay nila ang kalsada. "Nagsho-short cut lang po tayo, Ma'am. Huwag kang mag-alala, ligtas ka sa akin." Nakita pa niya ang kakaibang ngisi nito. Nang huminto ang sasakyan dahil sa red light. Sinamantala na niyang buksan ang pinto. Pasalamat na lang siya at nalimutan yata nitong i-lock iyon. Agad niyang tinalon ang Taxi, wala na siyang pakialam kung nagasgasan ba ang porselana niyang kutis. Basta ang makalayo sa Taxi driver na ito ang mahalaga. Lakad-takbo ang ginawa niya, hinubad na rin niya ang three inch stiletto sandals niya para lang makatakbo. Nang may mamataang Subdivision ay agad siyang lumusot nang hindi nakatingin ang guwardiya. Napansin agad niya ang isang bahay na wala ng ilaw, marahil ay walang tao roon. Sinilip niya kung may aso, napabuga siya ng hangin nang malamang malinis ang paligid. Dahil mababa lang ang bakuran ay mabilis niyang naakyat ang pader. Sa likuran siya ng bahay dumaan. Nakita pa niya ang isang babae na naka-uniporme na tiyak ay katulong. Pinapapapatay na rito ang ilaw at pinasasara lahat ng pintuan. Naglakad ito patungo sa dirty Kitchen. Mabilis siyang gumapang para makapasok, saktong pagsara nito ng pinto ay nakapasok siya at nakapagtago sa likod ng mga drum. Dumilim na ang buong kabahayan. Naiwan siya sa dirty kitchen. "Damn. What kamalasan ang pinasok ko today? I'm sure Claire is making worry na," mahinang usal niya. Hindi niya akalaing magiging kasing sahol pa niya ang isang magnanakaw dahil sa kanyang ginawa. Ilang minutong namalagi roon si Marjie. Sa kadiliman at lamig ng gabi ay hihihintayin na lang sana niyang mag-umaga. Kung hindi lang dahil sa pagkalam ng sikmura ay wala siyang balak maglibot sa bahay na tinaguan niya. Nagrereklamo na talaga ang tiyan niya, baka magising na niya ang mga natutulog dahil sa lakas ng ingay nito. Mariing ipinikit niya ang mga mata para kumuha ng lakas ng loob na mamasyal sa kusina ng bahay. Hindi naglaon ay natunton niya ang kusina, hinagilap ng mata niya ang ref. Thanks God at may liwanag pang tumatama sa kusina para makapaghanap siya ng pagkain. Hindi na siya nagdalawang-isip na buksan iyon. Nakita niya ang nakatakip na carbonara. Agad niya iyong kinuha. Namataan niya ang lagayan ng mga kubyertos. Maingat na dumampot siya ng tinidor saka nilantakan ang carbonara. Nang matapos ay agad niyang inilapag sa sink ang pinagkainan. Kumuha na rin siya ng tubig sa Ref saka inisang lagok iyon. "Woah! This is great!" mahinang sabi niya habang nakahawak sa tiyan nang mabusog. Agad siyang naalerto nang may narinig siyang yabag ng paa. Babalik pa sana siya sa dirty Kitchen nang marinig niya itong magsalita. "Sinong nandiyan?" Mabuti na lang talaga at may sa pusa si Marjie, kaya niyang makita ang kahit na anino nito sa dilim. Wala na siyang magawa. Hinila niya ang kamay nito para pigilan ito sa pagbukas ng switch ng ilaw. "Shhh! I'm not a bad person," mahinang sabi niya na nakahawak pa rin sa kamay nito. Hanggang biglang bumaha ng liwanag. Wala na siyang maisip na paraan. Hinila niya itong bigla at agad inilapat ang sariling labi sa labi ng lalaki. "Ay Ginoo! S-Sorry sir.." hinging paumanhin ng may edad na babae at agad silang tinalikuran. Hindi pa rin niya inaalis ang mga labi hanggang makaalis na ng tuluyan ang matandang babaeng nagbukas ng ilaw. Kita pa nga niya ang panlalaki ng mata ng kahalikan na hindi man lang nagawang pumikit. Agad niya itong itinulak at malakas na sinampal, saka siya mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng kusina. NAHULASAN din si Marjie sa katatapos lang na eksena. Rinig pa niya ang pagtawag ng estranghero sa kanya habang palabas na siya ng gate. Buti na lang talaga at hindi na siya nahabol nito at agad siyang nakapagtago mula sa malalaking puno. Ramdam niya ang pagdagundong ng kanyang dibdib na halos ayaw huminto sa pagkalma. Hindi na tuloy niya alam kung saan magpapalipas ng buong magdamag. Kasalanan ng hinayupan na m******s na Taxi driver na iyon. Kinapa niya ang cellphone sa sling bag. Nakita niya ang maraming miss calls ng kaibigang si Claire. Agad niya itong tinawagan para magpasundo. She felt something is different, because the kiss brought her a thousand of volts. Pakiramdam niya, nagustuhan niya ang halik na iyon. It was wrong but it felt so right and that taste is heavenly sweet. Damn! Dahil lang sa isang estranghero ay nilipad na ang utak niya. Napahawak siya sa dibdib na tumatahip pa rin. "Damn! My dibdib, will you stop beating na? I can't breath dahil sa scene kanina. He took my senses," mahinang bulong niya. Namataan niya ang isang dark blue na kotse sa 'di kalayuan. Agad siyang tumayo mula sa pagkakasalampak at pinara iyon. "Thanks God at dumating ka. How did you make takas pala from your parents?" tanong niya saka nag-seatbelt. "Nag-out of town ang parents ko kanina lang. Pero may problema tayo." Kumunot ang noo ni Marjie. Ayaw na niya ng problema pero parang lalong lumalaki at gumugulo ang lahat. Balik na lang kaya uli siya sa bahay? Agh. No way. Wala na siyang balak bumalik pa roon. "Hindi ka pwedeng mag-stay sa bahay ngayon. Heto." Sabay bigay ng susi. "Susi 'yan sa unit ko sa Ayala. Room 1905. Tumawag na ako kanina roon at alam na nila na pupunta ka." "Sissy.." Sabay yakap kay Claire. "Woah! Mababangga tayo!" "Thank you talaga. I owe you a lot. I have nothing if I don't have you, Sissy. You're always there talaga if I need you." "Kumpleto naman ng pagkain doon. Bahala ka na lang." "Fine, sige." Maswerte pa rin si Marjie at may guardian Angel siya sa katauhan ni Claire na tuwing kailangan niya ng tulong, ito agad ang nalalapitan niya. Hinatid siya ni Claire hanggang Hotel suits. Dahil sa pagod at antok, dali-dali na niyang pinuntahan ang unit na sinasabi nito. Nang makapasok ay kwarto agad ang una niyang hinanap. Nang matagpuan ay inalis niya ang sling bag at itinapon sa kung saan saka pabagsak na inihiga ang pagod na katawan sa kama. Pipikit na sana siya nang may dumalaw sa utak niya. Ang lalaking hinalikan niya kanina. Napahawak siya sa sariling labi. Dahil maging siya ay naramdaman niya ang banayad na pagganti nito sa halik niya na parang nagkusa iyon o nadala lang talaga sa alindog niya? "OMG, Marjie! Will you stop isip na that guy? He's a stranger, a complete stranger and hindi mo nga siya kilala. Malay mo if he has girlfriend na. Iyak-tawa ka kapag nag-hope ka." Idinaan niya sa malalim na buntong hininga ang iniisip. Pinagalitan lang niya ang sariling utak at ang puso niyang nag-skip beat nang maisip niya ang eksena kanina. Hanggang napahikab na siya at dinaluyan na rin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD