ROMER 5

1587 Words
HALOS isang linggo na ang mabilis na lumilipas pero hindi pa rin maramdaman ni Marjie na nag-aalala sa kanya ang ama. Kahit ano pa siguro ang pagpapapansin niya mukhang malabo talagang magustuhan siya ng kanyang ama. Hindi nga siguro talaga siya nito mahal. Isang arrange marriage lang naman kasi sa ama niya ang kanyang ina at siguro hindi rin nito minahal ang kanyang ina. Ilang oras na siyang nakabantay sa phone baka sakaling maisipan nitong tawagan siya o mag-alala man lamang sa kanya pero wala pa rin. Ni Ha ni Ho, wala siyang narinig. Nunca na mamatay na lang siguro siya ay hindi pa rin siya hahanapin ng ama. She dialled her house number. Baka sakali lang na may malaman siyang balita. "Gonzales residence," sabi ng sumagot. "H-Hello." Bahagyang gumaralgal ang boses niya. "Sinong nasa line?" "M-Ma'am Marjie!" "Shh.. huwag kang mag-noise na nag-call ako. I'm not suppose to make tawag talaga. I-I just want to ask lang sa tungkol diyan. Is everything okay?" Matagal bago ito nagsalita na para bang pinag-iisipan ang sasabihin. Hanggang marinig niyang may tumikhim sa kabilang linya. Mukhang nahuhulaan na ni Marjie kung sino iyon. "Okay naman kami dito, kuya. Sige, busy pa kasi ako mamaya ka na lang tumawag. Bawal ang telebabad," mabilis na sabi nito at agad ibinaba ang phone. Marahil ay nahuli ang katulong kaya nagdahilan na lang na kuya nito ang tumatawag. Nagpakawala siya ng buntong hininga. Bente mil na lang ang natitirang cash sa wallet niya. Mukhang pinutol na rin ng kanyang ama ang komunikasyon sa kanya. Nang puntahan niya kahapon ang bangko kung saan naka-save ang pera ay naka-freeze na raw ito. Galit na nga yata sa kanya ang ama. Aaminin naman niyang matigas talaga ang ulo niya, dahil unang-una ayaw niya nang minamanduhan. Ikalawa ay nais niyang siya mismo ang magdesisyon para sa sarili. Pumasok siya sa banyo at agad naligo, kakaunti lang din ang mga damit na pinamili niya, karamihan pa ay on-sale. She really hates sale items. Usually, ito pa kasi ang mas mabilis na nasisira. Kaya kapag nagsa-shopping siya iniiwasan niya ang mga sales at kung saan ang mahal iyon ang binibili niya pero ngayon ay hindi na niya magagawa pa. Malapit na siyang pulutin sa kangkungan at mamulubi sa ginagawa niyang kasutilan. Minabuti niyang iinom na lang ang lahat. Ayaw na rin ni Marjie na humingi ng tulong sa mga kaibigan, sobra-sobra na rin kasi ang tulong ng mga ito at ayaw niyang mabaon na. Matapos kunin ang purse sling bag ay pumili siya ng pinakamagandang dress na susuotin niya. Tutal mauubos rin naman ang pera niya at malapit na siyang mamalimos, lulubos-lubusin na niya. She took the Grab and take her to a Bar where her pain and sadness may cure. Pagpasok pa lang niya sa pamosong Bar ay marami na ang napapalingon sa kanya. She looks like a walking Barbie doll because of her small face, round eyes and pump lips. Matangkad din siya, a model type, balingkinitan ang katawan, tama-tama lang ang size ng dibdib niya. And those curves, specially her butt that looks like sculptured by a great Goddess. Taas-noo siyang pumasok sa Bar at umupo sa counter table. Narinig pa niya ang boses sa likuran niya. "Kapag sinuswerte ka nga naman." Hindi niya ito nilingon hanggang may nagtulak ng isang goblet wine papalapit sa kanya. "Drink some," sabi ng lalaki. "No wonder.. How are you, Marjie?" Doon na lang siya lumingon nang marinig niya ang kanyang pangalan. Umangat ang paningin niya para mabistahan ang nagsalita na nasa tabi niya. "A-Alfer?" "Oh good to hear na naalala mo pa ako." "Who are you with?" "I'm with my friends." Tinuro nito ang direksyon ng mga kaibigan. Hindi na niya gaanong matandaan ang mga pangalan ng mga ito dahil minsan lang naman itong ipinakilala ng Ex-boyfriend niyang si Rogin noon. Pero may isang bagay siyang hinanap sa mga ito. "Rogin is busy on his business. Sasama nga rin sana siya ngayon dahil may birthday boy kaming ipagce-celebrate," gagad ni Alfer. Alfer was really one of a kind Hunk but he was known as manipulative. Ito ang Kengkoy ng grupo ni Rogin. Napamasid siya kay Alfer, bakas pa rin naman sa hitsura nito ang kakenkuyan. "Ikaw, are you alone?" "Yeah. I just want to ease and forget the pain I had." "With Rogin?" biglang dugtong nito. "No. I actually forget him. Iyon nga lang we don't have small talks pa." "Hindi ka pa rin nagbabago, you're still the conyo we had back in College." Saka siya nito hinagod ng kakaibang tingin. "Kung magseseryoso lang siguro ako sa lovelife, baka pinatos na rin kita." Nagpeke siya ng tawa. As if naman na papatulan niya ang kalokohan nito. "But swear, some of the other men, likes you a lot. Wala yatang lalaki ang hindi mababaliw sa iyo," dagdag pa nito habang nakatawa. Umupo na ito sa tabi niya, ito na rin ang umorder ng alak para sa kanya. Hindi nga niya alam kung nakakailang shots na ba siya nang muli itong magsalita. "Why don't you join us? Let's have some fun," sabi nito na hindi nakaligtas sa kanya ang makahulugang ngisi nito. "N-No. Thanks. I have to go home." "Whoa! Umi-straight english ka pala 'pag nalalasing. Oh, I like that. Let's see how you act wildly in bed." TUMAYO na si Marjie at hindi na pinansin ang sinasabi ni Alfer na hindi na rin niya maintindihan dahil sa kakaibang init na nararamdaman niya. Lumingon siya kay Alfer at bahagya pa siyang nabuwal. Thanks to his hand at nasalo siya nito. "Wha-what did you put in my drinks?" "Tsk! Maganda ka na, matalino ka pa. Malalaman mo mamaya," bulong nito sa tainga niya. Hindi na alam ni Marjie kung ano na ang nangyayari, tila nakikisunod na lang ang buo niyang katawan nang hatikan siya ni Alfer. "Hoy Alfer, anong ginawa mo riyan? Ikakama mo ba iyan?" tanong ng isang lalaking halos hindi na niya mamumukhaan. "Mga ungas, accomplice kayo." "Labas ako riyan," sabi ng isa. "Marjie, ipakikilala muna kita. This is Terrence, Chrisjan, Jarvis and Rexelle." "Hi!" malanding sagot niya. "Oh s**t! Anong ginawa mo sa babaeng iyan?" "Shh... surprise. Malalaman ninyo mamaya. So, let's go. We have a wild nights today and for singles only." Napatingin si Rexelle kay Alfer. "Gusto ko na yatang mag-asawa." Tumawa si Jarvis. "Gago, kursunada mo lang iyong katulong mo e." "Mukhang hindi naman kasi siya katulong. Halatang makinis," naniningkit ang matang sabi ni Chrisjan. Isang batok ang natanggap nito mula kay Rexelle. "I'm not drunk and I know what exactly you're saying." Saka binigyan ng masamang tingin. "Mga Brad, easy lang. Masyado na kayong tinamaan ng alak," sabi ni Alfer na nakahawak pa rin sa baywang ng dalaga para alalayan ito. "Saan natin 'yan dadalhin?" tanong ni Terrence. "Sa langit, pre." Saka binuntutan ni Alfer ng kakaibang tawa. Iginaya nila si Marjie palabas ng Bar na marahil ay nawala na rin ito sa katinuan at hindi na alam ang nangyayari sa paligid. Nagkusa na lang ang sariling katawan na sumama sa limang ito. "Ano ba talagang balak mo?" pagtatakang tanong ni Terrence na katabi sa driver's seat si Alfer. "Ikaw talaga ang excited?" "Hindi. Nagdududa lang ako sa ginagawa mong kabulastugan. May halong kahalayan eh." Tumawa si Alfer ng pagak."Bingo. Tawagan mo na si birthday boy at papuntahin mo sa villa ko. Ipahihiram ko iyon sa kanya." Napangiti ito na parang alam na ang tumatakbo sa isipan niya. Napasulyap sa rear mirror si Alfer para silipin ang dalaga. Mukhang mahimbing itong nakatulog. Hindi pa rin pala nagmi-mintis ang galing niya sa pang-aalure at ang drugs na tinago niya sa isang maliit na bote na palihim niyang inilagay sa alak ng dalaga. He'll make sure later on will be her wildest night. Pagdating sa Villa ay maingat na inilapag ni Alfer ang dalaga sa kama. Inutusan rin niya ang katulong na palitan ito ng nakaka-allure na damit. Pinaayos pa niya ang kwarto para talagang magkabisa ang naisip niyang plano. Hindi naman kasi niya akalaing palay na ang lumalapit sa manok at kinakailangan na lang niyang sunggaban. Dumating na rin sa wakas ang birthday boy. Kasama na rin ang ibang tropa na halos makumpleto sila. Iyon nga lang iyong may mga asawa ay hindi na nakapunta dahil siguradong mamandaran ng kanya-kanyang asawa. "Tagay pa, dre," pang-uuto ni Alfer sa birthday boy. "Ano na naman kasing kalokohan ito, Alfer?" "Bakit, masama bang mag-celebrate ng birthday? Huwag kang mag-alala hindi ka namin pauuwiin." Saka niya palihim na iniubos na ang drugs sa inumin nito. "Inom na. Sige ka, baka pagsisihan mo ang araw na ito." Inisang lagok nito ang inialok niya saka umikot ang isa pang baso. He was high in alcohol tolerance. Alam ni Alfer na hindi ito mabilis malasing, pero ngayon ay nakikita na nitong namumungay na ang sariling mata. "Mga Dre, uuwi na tayo. Hayaan na nating mapag-isa rito ang mokong na ito," sabi niya kayla Terrence, Jarvis, Rexelle, Chrisjan, Hans at kay Aldrich na kasama ng birthday boy kabilang si Hans. Bago tuluyang lumabas ng sala ay nagpatulong si Alfer kay Terrence na ihatid na sa kwarto ang birthday boy. "Dre, enjoy our gift to you. Make your wildest night memorable," huling sabi ni Alfer saka nakipagtawanan sa mga kasama na kapwa lasing na rin. Sigurado na si Alfer na magtatagumpay ang plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD