EXELLE 9

1570 Words
NAPAG-ISIPAN ng mabuti ni Viena ang lahat. Binigyan kasi siya ni Rexelle ng isang araw para pag-isipan kung sasama ba siya rito o mananatili na lang sa Manila. Wala ngayon si Rexelle, nagpaalam itong may celebration na pupuntahan, birthday daw ng kasamahan nito sa Prat na pinangalanan nitong Romervan. Napaka-awkward din kung naroon ito at magkasama sila sa bahay. Lalo lang siyang hindi makapag-isip ng tama. Bago pa ito umalis ay nagbilin pa na huwag siyang magpapapasok ng kahit sino at walang ie-entertain kahit ang tawag lalo na kung manggagaling sa media. Nakabihis na siya ng umagang iyon, pupunta siya sa kompanya nila at babalakin na niyang mag-resign na lang dahil alam niyang hindi rin pala sa kanya mapupunta ang posisyong matagal na niyang inaasam kaya niya nagawa ang malaking project na iyon. She almost risk half of her life sa pag-aakalang iyon ang ikagaganda ng future niya. But everything was really a lie. Masasabi niya kahit paano na isang magandang kasinungalingan ang lahat sa kanila ni Rexelle. Bababa na sana siya sa kinalululanang Taxi nang biglang tumawag ang bakla niyang Boss. "Huwag na huwag kang baba kung saang sasakyan ka man naroon, Vian." "Why not?" "May malaking problema. Mukhang may nakakilala na sa iyo at nakabantay sa labas ang mga press. Nakatunog yata sa pagdating mo." Napatakip siya sa sariling bibig at halos hindi makapaniwala. "P-Paano?" "Someone sabotage the project. That person, actually framing you up for that project. Please, don't do unnecessary actions today. Give me one week. Kapag payapa na ang lahat at naayos na. I'll get in touch with you as soon as possible." Pagkatapos ng huling salita nito ay ibinaba na nito ang phone nang muli siyang mag-dial ay nakapatay na iyon at hindi na niya ma-contact. Malalim na buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya saka niya inutusan ang Taxi driver na bumalik na lang sa pinanggalingan nila. Wala na tuloy siyang ideya kung may dapat ba siyang pagkatiwalaan sa opisina nila. Mukhang hindi lang si Rexelle ang naloko, bumalik na yata lahat sa kanya ang mga nagawa niya. Nanganganib ng mawala ang career niya bilang columnist at pati ang love life niya ay halos naisuko na rin niya. Lulugo-lugong bumalik siya ng Bahay ni Rexelle. Nakita niyang may mga miss calls sa cellphone niya at hindi siya puwedeng magkamali kung sino ang nagmamay-ari ng numero na iyon. Napamura siya ng malutong nang maisip na siguradong ang luka-luka niyang kaibigang si Dea ang nagbigay ng numero niya sa mga kuya niya. Nanginginig na nag-dial siya ng numero. Lahat ng kuya niya ay mga mga love life na. Ang dalawa ay may asawa na, ang panganay ay maagang na biyudo, ang ikalawa ay nagtatrabaho sa ibang bansa ang asawa samantalang ang ikatlo naman ay may nobyang Austriliana at ang alam niya ay pupunta ito ngayong taon. Nakilala ito ng kuya niya nang magtrabaho ito bilang engineer sa Australia at nakilala ang engineer rin na nobya. "H-Hello.." Halos pigil ang paghinga na sumagot siya sa telepono. "Kuya Vincent mo ito. Nasaan ka?" Boses pa lang ng kuya niyang panganay ay lalo ng nagpapakaba sa kanya. Nakadagdag pa iyon ng higit na kaba dahil nasaan ang tanong nito. "Princess, where are you?" ang Kuya Darren niya, ikalawang Kuya. "Baby! Kumusta ka na?" Her ever great caring kuya Lenard, ang ikatlo. Itinago niya ang pagkawala ng iyak at impit na tumikhim para hindi mahalata sa boses niya ang itinatagong luha. Masaya siyang malamang safe ang mga kuya niya dahil sabay-sabay pa niyang naririnig ang boses ng mga ito. "Akin na nga 'yan kuya Vince, tinatakot mo si Princess eh. Hello, Princess, where exactly are you? Napanood namin ang balita at hindi pa man anunsyo at confirm na ikaw iyon-Hoy Lenard! Ibalik mo nga 'yan!" "Baby, okay ka ba ngayon? Hindi ka ba nalulungkot? Nakakakain ka ba? Safe ka ba kung nasaan ka ngayon? Inaalagaan ka ba ng lalaking iyon-- Kuya Vince!" "Darren, ako na ang kakausap. Manahimik ka riyan Lenard." Muling kumabog ang dibdib niya lalo na kapag buo na ang mga pangalan nila na binabanggit ng kuya nilang panganay, tiyak mapapagalitan na siya. "H-Hello, kuya Vince.." "Sabihin mo kung nasaan ka Vian Lena. Darren, ihanda mo ang kotse, susunduin natin si Bunso," mariing utos ng kuya niya sa isa sa mga Kuya niya. She almost hold her breath. Hindi man niya nakikita ang mga ito nai-imagine na niya ang hitsura ng mga kuya niya. For Pete's sake, she grew up with men sorrounds him and most of them was Bossy, inferior and sometimes tyrant but they are the most caring, lovable, kind and sweet brothers to her. "Kuya.. I'm sorry. Promise, aayusin ko rin ito. I'm not ready to face all of you. Sorry, mga kuya." Agad na niyang pinatay ang phone bago pa niya marinig ang pagmumura ng mga kuya niya. Ayaw niyang mapahamak lalo na si Rexelle, dahil kung hindi sa media, press o nag-aalburotong fans ang bagsak nito, tiyak sa mga siga niyang kuya and so she was. HINDI namalayan ni Vian o Viena na nakatulugan na pala niya ang paghihintay sa pagdating ni Rexelle. Nang magmulat siya ng mata ay pasado alas dos na pala ng umaga. Nang mapadaan sa kwarto ni Rexelle ay naaninag niyang bukas iyon. Tuluyan na niya iyong binuksan at nakita nga niyang naroon na si Rexelle. Mukha itong nalasing ng todo. Ang lakas pa nga nito makahilik. Kumuha na lang siya ng damit nito saka ito pinalitan ng damit. Naawa at the same time naaasar siya kay Rexelle. Oo, aaminin niyang natutuwa siya na gusto siya nito pero naaasar siyang maalala kung paano ba niya ito napaaamo sa sobrang lamig at rude nito sa kanya. Minsan ay gusto niya itong batukan kung hindi nga lang dahil sa kakarampot niyang pagkagusto sa lalaking ito. Inakala ni Viena na katawan lang nito ang nagustuhan niya, dahil best asset talaga nito ang magandang built-in ng katawan, idagdag pa na kahinaan na nga yata niyang makakakita ng macho-gwapito. Rexelle's boy was really a yummy, some girls might drool over his body, what more if she tasted it. Nakurot ni Viena ang sariling braso sa pag-iisip ng kahalayan at kalokohan sa natutulog na binata. "I'm so sorry, Rexelle kung pakiramdam mo ay pinaglalaruan ko ang damdamin mo at ginamit lang kita. Gusto ko ng magtapat sa iyo pero natatakot ako sa maaaring kalabasan. I like you, I like you since the first time I saw you at the Restaurant. Pero hindi ko alam kung tama bang matutunan kitang mahalin lalo na kung ako ang magiging dahilan ng pagtitiwala at muling pagkawala ng tiwala mo." Inilapit ni Viena ang labi saka ito hinagkan sa pisngi. "I'm sorry." Lumabas na siya ng kwarto ni Rexelle at dumiretso sa sariling kwarto. Plenty of thoughts had been drowning in her mind. Hindi na nga niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog. Nagulat na nga lang siya nang pagmulat niya ng kanyang pares na mata ay ang gwapong mukha at macho-ng katawan ni Rexelle ang nakita niya. Nakatayo ito malapit sa pinto at parang intensyong panoorin siya sa pagtulog. "Good Morning," bati pa nito na parang hindi ito uminom kagabi. Napagusot siya ng mata saka sinulyapan ang relong pambisig. "I never thought you could be this more beautiful when you're sleeping." Binato niya ang unang yakap niya. "Nakakainis ka!" "Let's eat our breakfast." Napaupo siya at sumimangot. Alam ba nito kung ilang oras lang ang naitulog niya para abalahin siya ng ganoon? Sa halip na lumabas na ito ng kwarto ay lumapit ito sa kanya at hinagkan siya sa noo. "My first morning breakfast." Napatulala siya at napipihan sa ginawa nito. He move his lips closer then kiss her nose. "Pancake," sabi nito na ang tinutukoy ay ilong niya bilang breakfast. He cut the distance between their lips and mildly brush his lips against her. "Panulak," huling sabi nito saka siya iniwan na tulala sa mga ginawa nito. Ilang minuto siyang napatitig sa nilabasan ni Rexelle nang muli itong magsalita mula sa labas. "Hey! Kain na tayo ng breakfast, kapag nalipasan ako ng gutom, ikaw ang gagawin kong breakfast!" banta nito na nagpatayo sa kanya mula sa kama. She never thought that a cold hearted, rude, bossy and tyrant person like Rexelle will change to a dominant and yet candid. Pagdating sa mesa ay nakaayos na nga ang mga pagkaing pina-deliver na naman nito Mukhang kailangan na niyang magpaturo kay Chilien kung paano magluto nang hindi sila araw-araw na aasa sa delivery. "May desisyon ka na ba?" pambasag nito sa katahimikan nila. "Ha? Ah.. ano.." "Sasama ka man o hindi, I already get our plane tickets. So, I guess you really need to go with me." Saka nito tinusok ng tinidor ang kinakain. Pinag-isip pa siya nito, wala rin naman pala siyang choice. How ironic and rude? "Huwag ka ring mag-isip na tumakas, dahil nakahanda na ang gamit mo sa trunks and after we eat, we'll go to our flight." Kahit malambot naman ang kinakain niya ay tila natagalan siya sa pagnguya niyon at parnag gusto niyang mapanganga sa sinabi nito. Very dominant. 'Wala ka ng magagawa, Viena. Just make him happy then tell him the truth after, so he might not hurt painly,' piping usal ng kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD