EXELLE 8

1437 Words
NAPILITIN si Rexelle na luwagan ang yakap kay Viena. Tumayo siya saka walang imik na lumabas ng kwarto. Baka tuluyan na niyang malimutan na tatlo sila roon. Naisipan na lang niyang lumabas, sinuot ang may hood na shirt saka nag-rubber shoes. Binabalak na lang niyang mag-jogging ng habang nagpapahangin ng mawala ang mga kalokohang naiisip niya tuwing nakikita niya si Viena. Nakakaisang ikot na siya nang makita niyang nakatayo sa may bench si Viena at pinapanood ang pagjo-jogging niya. Alam ba nitong ito ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali ngayon? Alam ba nito kung bakit hindi siya makatulog? May dala itong bottled mineral water saka iniabot sa kanya. Hinihingal na tinanggap niya iyon. "Kasalanan mong lahat 'to," napabulalas na sabi niya sa napatulalang si Viena. Tinuro nito ang sarili. "Hala sir, ano namang ginawa ko sa inyo?" "Ako ang napagod pero ikaw ang tumakbo." "Huh? Tumakbo? Tumakbo, saan?" "Sa isip ko." Saka siya naupo at inilapag ang bottled water sa tabi saka hinila si Viena para maupo. "I need to be hydrate." Napatingin siya sa labi ng dalagang nakaupo na sa tabi niya. Biglang napalunok si Viena na parang alam na kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. The next thing he did, he already caught her lips and kissing her as far as they go. Dinaig pa nito ang nag-marathon sa ten meter run nang maghiwalay ang labi nila. Hinihingal si Viena habang hindi na makadiretso ng tingin sa kanya. "S-Sir.. hindi mo pa ako kilala.." Rexelle then cupped her face. "Ikaw si Viena. At ikaw lang ang kilala ko at ng puso ko." Saka niya hinawakan ang kamay ni Viena. Kung pwede lang na itali niya ito ay ginawa na niya. Wala siyang pakialam kung ano ang maging sagot ni Viena sa kanya basta ang alam niya ay gustong-gusto niya ang ganitong pakiramdam. Kinaumagahan, napansin ni Rexelle na wala na si Viena sa tabi niya. Hinanap niya ito sa buong kwarto ngunit wala na talaga ito. Mayamaya ay biglang tumunog ang phone niya at ang manager niya ang nasa linya. "Exelle, hinatid ko na si Viena, nakiusap siyang magpahatid sa akin. Don't get me wrong." "Nasaan kayo?" "Actually nag-park muna ako sa tapat ng convenience store. Mukha kasing masama ang pakiramdam niya." "Nasaan siya?" "Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Don't worry she's safe. Nasa loob lang siya ng kotse." Narinig ni Rexelle ang ingay na parang may mga tao sa paligid. "Where exactly are you?" "Damn it! Maraming nakapaligid sa kotse, mga paparazzi." "What?!" Napapalo siya sa sariling noo. Gusto niyang hilahin palabas ng phone ang Manager para lang masakal ito. Napakuyom siya sa sariling palad at agad hiningi ang exact location ng dalawa. Pagdating sa sinabing location ng kanyang Manager ay nakita nga niyang pinagkakaguluhan na ang sasakyan ng iba't-ibang mga media na nais kausapin si Viena. "f**k! Ano itong nagawa ko?" Nilapitan na siya ng kanyang Manager at kinausap. "I think, dahil iyon sa balita." "Anong balita?" naguguluhang tanong ni Rexelle. Ipinakita ni Manager Jester ang isang social media site kung saan siya ang laman at ang mystery girl na ka-holding hands niya. Iyon ang kuha kung saan ay lumabas sila ng bahay ni Viena. "Bakit ngayon mo lang iyan ipinakita sa akin? Ba't ngayon mo lang sinabi?" "Lorenz did everything to remove that in the internet, kaso marami na ang nakaalam at lalo ng lumaki ang isyu. I don't think it might help but I'm sure it will drag you down to your career," paliwanag ni Jester. "I don't care, all I cared about is her." Walang atubiling lumapit si Rexelle sa kotseng puno na ng paparazzi sa labas at pinagkakaguluhan si Viena. Binuksan niya ang pinto at hinila palabas si Viena. Hinubad ang suot na jacket saka ipinandong kay Viena. "Sir, siya po ba ang mystery girl? Sir..." "Rexelle, totoo ba ang balitang.." "Kaya ba.." Halos nabibingi na si Rexelle sa samu't-saring tanong, hindi niya pinansin ang mga ito, hangga't maaari ay tumakbo siya ng mabilis habang walang imik na nakitakbo na rin sa kanya si Viena. Hanggang napahinto siya at nakita niya si Viena na umupo na. "Okay ka lang? Kaya mo pa?" Hindi na siya naghintay ng sagot. Binuhat na lang niya itong basta. Kailangan matakasan nila ang lahat ng iyon. Hindi sila puwedeng ma-corner ng press kung hindi ay lalong lalaki an isyu. Kahit parang wala na siyang pakialam kung lumaki man ang issue. Dahil alam na niya sa sarili kung ano ba ang kalkulasyon ng nararamdaman niya. NAPAMULAT ng mata si Viena nang maramdaman ang magaang pagdantay sa kanya ng isang kamay. Naalinagan agad niya ang gwapong mukha ng binata. Gusto niya itong itaboy, dahil mas natatakot siya sa puwedeng malaman nito. Ngayon ay alam na niya ang totoo. May isang siyang kasamahan na naninira sa kanya at ito ang gumawa ng gulong iyon para palakihin ang issue sa kanilang dalawa ni Rexelle. Habang abala siya sa sariling misyon, ang taong iyon naman ay sinamantalang manmanan sila at ginawan sila ng kuwento nang masungkit nito ang posisyong matagal na niyang inaasam-asam. Iyon ang dahilan kung bakit nagpahatid na siya sa Manager ni Rexelle hindi lang dahil masama ang pakiramdam niya kung hindi ay gusto niyang klaruhin ang lahat at gusto niyang kausapin ang bakla nilang Boss na titigil na siya. Habang nagpapatuloy siya sa ginagawa niya, hindi niya namamalayang nasasaktan na rin pala siya at the same time at natatakot siyang masaktan si Rexelle at kamuhian siya nito. "B-Bakit ka umiiyak?" Pinalis pa ng daliri ni Rexelle ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. "May masakit ba sa iyo?" Kung alam lang nito. At kapag nalaman nito ang totoo, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin. "Sorry sir.." "Sorry saan? Bakit ka nagso-sorry?" nahihiwagaang tanong nito saka mabilis na kumapa sa kanyang noo. "Wala ka ng lagnat. Kinabahan talaga ako akala ko kung napano ka na kahapon." Napabalikwas siya ng upo. "K-Kahapon?" Tumango si Rexelle. "Oo, kahapon ka pa natutulog. Masaya ako at nakapagpahinga ka na." Muling nagtubig ang mga mata niya. Hindi na niya kaya. Hindi na niya kayang habang buhay pang lokohin ang lalaking tumanggap sa kanya. Ang lalaking handa siyang ipaglaban kahit sa mga press. May kumatok. Tumayo si Rexelle at pinagbuksan iyon. "Xelle, handa na ticket n'yo," maagap na sabi ng Manager na bumungad sa pintuan. Naroon na sila sa bahay ni Rexelle. Napatingin si Viena kay Rexelle saka nagsalin ng tingin sa Manager. "Teka lang, anong ticket?" "Kailangan muna n'yong magpahinga sa media. This is the only way para matakasan ang mga press. Pakalmahin muna n'yo ang lahat, magbakasyon kayo." Lumapit na si Rexelle at naupo sa tabi niya. "Jester is right. Kailangan natin ng bakasyon, 'yong tayong dalawa lang," makahuluhang sabi nito saka kinuha ang palad niya at mariing hinawakan. "H-Hindi pwede!" agad na tutol niya. Lalong lalaki ang isyung kinasasangkutan nila kapag nakasunod ang informer ng kalaban niya sa posisyon sa kompanya nila. Hinawakan ni Rexelle ang mukha ni Viena at iniharap dito. "I believe this is the only way to get rid of everything. Makakabuti ito sa atin. Pumayag ka na. I promise, kapag hindi nagtagumpay ang lahat, gagawa ako ng paraan." Saka ito bumaling sa Manager nito na tinguan naman ni Jester na parang may alam ito sa planong naiisip ni Rexelle. Shit na malagkit! Nalintikan na! Kapag nahuli ang lahat at natuloy ang bakasyon at nakita sila ng informer tapos lalong lumaki ang issue, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin. Magdidiwang ang mga nasa kompanya dahil sa malaking pasabog na inakala niyang siya ang makagagawa. Iyon pala ay siya ang nagisa sa sariling mantika. Inakala niyang siya ang gagawa ng issue para kay Rexelle ngunit siya pa ang nasangkot at ngayon ay malapit ng mapahamak. Isang pagkakataon na lang ay malapit na siyang malibing sa sarili niyang hukay. Kung sabihin na kaya niya ang lahat kay Rexelle? Matanggap man siya nito o hindi, bahala na. Bahala na rin ang puso niyang malapit ng masaktan kapag hindi siya pinaniwalaan ni Rexelle. Kung puwede lang kasing ibalik ang panahon at pagkakataon, kung puwede lang sana. Hindi na niya tatanggapin ang malaking project na iyon na naging mitsa ng misyon niyang paibigin si Rexelle Ravillo. Dahil umiibig na rin siya rito at hindi na niya alam ang gagawin kapag nasaktan niya ang binata na ngayon lang muli nag-umpisang magtiwala. Napahagulgol na siya ng iyak, kasunod ang pagkayakap at pag-alo sa kanya ni Rexelle na parang nauunawaan ang nararamdaman niya. Habang nakahagod ang kamay nito sa likuran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD