ICE 6

2146 Words
KINABUKASAN, nakatanggap na naman siya ng deliver, parang almusal pagsapit ng umaga. Kandahaba pa ang leeg niya upang hanapin ang personal na nagde-deliver sa kanya. "Ang leeg maputol," puna ni Bhea na sinabayan pa ng hagikgik. "Pakain ko kaya 'tong folder sa 'yo para hindi ka na tumigil?" saka iminuwestra ang bitbit na folder. Napahinto ito sa pagtawa at nagseryoso. "Ito naman. KJ kahit kailan." "Umagang-umaga kasi pinaiinit mo ang ulo ko." "Tss. Kinikilig ang mainit daw ang ulo." "Tigil-tigilan mo nga ako. Isa pa, tatamaan ka talaga sa akin," pagbabanta pa niya sa tila uod na hindi mapakaling si Bhea. "Huwag mo ng hanapin si Adonis, wala raw siya ngayon?" "Wala? Bakit?" Kinurot siya nito sa tagiliran. "Ehh.. interesado." Tuluyan na niya itong hinampas ng folder. "Hindi ba pwedeng curious lang? Polluted lang talaga ng utak mo." Nagkibit ito ng balikat. "Wanko, 'yon ang sabi-sabi nila sa Shop e." Dire-diretso ng pumasok sa Opisina si Chili. Mukhang magkakaroon na siya ng pagkakataong malaman ang kahinaan nito. Nawawala ito sa umaga at sa gabi lang present. Nakakapagduda, pero kakaibang kaba ang biglang nanalasa sa sistema niya kasunod ang pagtayuan ng mga balahibo sa katawan niya. Napailing-iling si Chilien sa mga pumapasok na ideya sa isipan niya. Hindi kaya kulto ito? Pero wala naman sa hitsura nito. Or Drug Lord, kaya wala sa umaga? "Oh my God Chilien, you look hilarious," sabi pa niya sa sarili. Ano ngayon kung wala ito? Malalasap na niya ang katahimikan kung walang Tamayo-ng nakaaligid sa mundong ginagalawan niya. Inabot yata ng isang linggong walang palyang delivery ang natatanggap niya, sabi pa ng mga tauhan nito ay libre iyon. Wala naman sa hitsura niya ang walang pambayad kaya madalas ay nagbabayad siya na hindi tinatanggap ng nagde-deliver kaya inipon na niya ang ipambabayad niya at isasampal talaga sa Kupal na Tamayo-ng iyon. Napatingin si Chilien sa Coffee Bar na mukhang maingay at palaging maraming customer. Bukas ay male-late siya ng pasok lalo pa at Death anniversarry ng Parents niya. Pasara na rin ang Restaurant at siya ay naroon pa rin sa loob. Alas-onse na ng gabi at tila hinihila na ang mga mata niya. Napahikab siya at nag-unat saka isinandal ang likod ng ulo sa headrest at hindi na napigilan ang mapapikit. Nararamdaman niya ang pagiging antukin pero tulog Manok pa rin siya lalo na nang maramdamang may naglapag ng kung ano sa mesa niya. Napadilat siya at likod na lamang nito ang nabungaran niya. Muli siyang pumikit. Ilang minutong nanatiling nakapikit ang mga mata niya hanggang magdesisyon na siyang tumayo. Napasulyap siya sa mesa. "Hindi panaginip? Totoong may nanggaling dito." Hinanap pa ng mata ang taong tila nais niyang makita. Napailing-iling na lang siya. Na-lock na niya ang Restaurant at lumabas na rin. Nakakaramdam siya ng hilo dahil sa ilang araw na sunod-sunod na pagpupuyat lalo pa at marami ng kumukuha ng service ng Restaurant nila. Bukas ng hapon pa ay magke-cater sila sa isang Taping at personal pa talagang kinontact siya. Kamuntik na siyang matumba kung hindi lang may mga kamay na humawak sa magkabilang balikat niya at isinandig sa malapad na katawan nito. "Take a rest." Bakit ba kay iga-igaya ng amoy nitong unti-unting pumapasok sa sistema niya? "A-Anong ginagawa mo rito Tamayo?" tanong niya sa inaantok na tinig. "Binigyan kita ng space para makapagpahinga ka. But look what you did, inaabuso mo ang sarili mo." Bigla siyang nawalan ng lakas at lalong nanghina, ni hindi na siya makawala mula sa yakap nito na parang nananamantala pa sa pangmomolestiya nito. "But I like when you're like this. Parang ang sarap mong alagaan." Hindi siya nakakibo, manlalaban pa sana siya nang bigla siya nitong buhatin. "Be still. Matulog ka lang kung gusto mo." Buhat-buhat siya nito pasakay sa sarili pala nitong sasakyan. Agad siyang naalarma, "Saan mo ako dadalhin?" "Iuuwi na kita." saka binuntatan ng ngisi. "Sa amin," mahinang bulong nito na narinig niya pero hindi niya pinansin. "Hoy Tamayo, iuwi mo ako sa amin!" singhal niya na pinipilit lagyan ng energy ang tinig. "Ibang klase, mataray at masungit ka pa rin pala kahit may sakit. Dapat ka ngang matuwa at pagsisilbihan ka ng gwapong tulad ko, na balang araw babaliktad ang mundo." "I'll take that as a compliment. Kabahan ka na 'pag naging mabait ako, kumpara sa'yo 'yang kahanginan mo nag-uumapaw pa rin." Humalakhak ito na parang wala ng bukas. "Tipirin mo ang pagtawa may bukas pa," komento niya kahit ang totoo ay nag-eenjoy siyang kasama ito at marinig ang tawa nito ngayon. "Sarap talaga 'pag ikaw ang kasama at kausap, may instant payaso." Sinipa niya ito sa binti na mukhang hindi naman nasaktan. "Pero mas masarap kapag ako ang naging nobyo mo. Pagkakaguluhan ka ng lahat, kaiinggitan ka pa. 'San ka pa? Ano pa ba ang aayawan mo sa 'kin, gwapo na, mayaman, talented, magaling magtimpla ng kape, may trabaho, God-fearing, mabait at higit sa lahat saksakan ng gwapo." Napadilat siya dahil sa ingay nito. "Wala ka na bang mas iyayabang pa? Puro panlalait lumalabas sa bibig mo. Wala ka bang balak tumahimik?" "Mayroon naman, sa isang kondisyon. Shut me," saka tumingin sa kanya. "With your mouth." Umakyat yata lahat ng dugo sa katawan niya patungong ulo, lalo na nang ihinto nito ang sasakyan at pinakatitigan siya. "Chilien." Hinawakan pa siya nito sa braso. At akmang ilalapit na ang mukha nang mataranta siya at agad iniiwas ang mukha. TUMATAGINTING na tawa nito sa loob ng sasakyan ang bumingi sa kanya. Malay ba niyang kukunin lang pala nito ang seatbelt at ikakabit lang sa kanya. "Huwag kang tumawa, nakakaasar kang hayop ka!" nanggigigil na turan niya. "So, disappointed ka talaga, gusto mo bang halikan talaga kita?" saka na naman ito tumawa. "Isa pang tawa mo, tatamaan ka talaga sa akin." Saka iniamba ang nakakuyom na palad. Sa wakas tumahimik din ito. Napipilitan tuloy siyang ibigay rito ang address niya, kesa naman magtuloy sila sa bahay nito. Mas lalong delikado. Baka malimutan niyang tao ito sa paningin niya. "Napakasama ko naman para hindi ka pasalamatan. Kaya thank you," wala sa loob na sabi niya nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng bahay niya. "Dami mo na palang utang sa akin. Tumutubo na. Dapat na pala akong maningil." Napahinto siya sa pagtulak ng pinto ng sasakyan dahil sa pagpaparinig nito na parang ang laki ng utang niya rito. "Kapal mo rin talaga 'ano. Saan ka ba namamakyaw ng kapal ng mukha? Sarap mong tuhuran nang tubuan ka naman ng kaunting hiya sa katawan." "Magpapasingil ka ba?" Dinukot niya ang wallet at naglabas ng tig-iisang libo. "O, 'yan saksak mo sa esphagus mo. Keep the change, sumaya ka lang." Saka hinampas sa dibdib nito. Hindi siya naging alerto nang hilahin siya nito at mapayakap siya kay Tamayo at eksakto pang nag-landing ang labi niya sa labi nito. Natatarantang iniangat niya ang sarili at agad pinunasan ang labi. "Hayop ka talaga!" "Hala! Kasalanan ko bang maging gwapo at matukso ka sa akin?" Agad siyang bumaba ng sasakyan nito at nagmamadaling pumasok sa bahay. Walang lingong-likod na iniwanan niya si Mister Tamayo. Hindi naging maganda ang tulog ni Chilien, mabuti na lang at nag-half day siya. Peste kasing Tamayo 'yon, tuwang-tuwang iniinis siya. Dinalaw niya ang puntod ng mga magulang, saka nag-alay ng pagkain, kandila, bulaklak at dasal. Ilang oras din siyang nanatili roon hanggang mapagod na siya at dumiretso sa Shooting para sa preparations ng ike-cater nila. Karamihan ay nakaluto na at ise-serve na lang. "Hi," bati sa kanya ng matangkad na lalaki na may pagkasingkit. Hindi siya ngumiti, hindi naman sila close para makipagngitian. "Ako pala si Chrisjan Dallas, you can call me Direct Chris," saka inilahad ang kamay sa kanya na tinugon naman niya at mabilisang binawi rin. "I'm Chilien Fabregas, the manager and owner of the Restaurant." "Hindi ko akalaing maganda na, talented pa ang may ari ng nag-cater sa amin. You can join us if you want." Mukhang nakakaamoy na siya na nilalandi siya ng Direktor na ito kaya siya na ang umiwas. Ngunit tila nakasunod pa rin ito sa kanya hanggang matapos ang shooting. "Ihahatid na kita," paalam nito. "No, thanks. May dala kasi kaming Van at doon ang sakay ko." "Oh, I see. Nice meeting you na lang. Hope to see you in your Restaurant," saka kuntodo ngiti. "Okay. Bye." Diretsong lakad na siya at mabilis na sumakay ng Van. Pagdating sa Restaurant ay nakita niyang prenteng nakaupo roon si Mister Tamayo na parang hinihintay siya. Tila nabilaukan siya nang makita itong ngumiti, pumapasok kasi sa isipan niya ang ginawa nitong aksidenteng halik. "Hindi ka yata nakatulog kagabi? Iniisip mo pa rin ba 'yong hal--" Tuluyan na niyang tinakpan ang bibig nito dahil sa kadaldalan at pakaladkad na dinala sa Opisina. "Iyang bibig mo Tamayo, tandaan mo hindi mo kinagwapo ang nangyari kagabi." Napangisi ito, matapos niyang bitiwan. "Why it felt like I'm the most handsome guy walking around because of what happened yesterday?" Nilingon niya ito at kulang na lang sunggaban niya ito para sakalin dahil sa sama ng titig niya rito. "Kapal din talaga ng mukha mo. Iyong totoo, naka-drugs ka ba? Ang lakas ng tama mo eh." "Sayo," dugtong nito. "Ano na namang ipinunta mo rito?" "Wala naman. Gusto ko lang makita kang naiinis kapag nasisilayan ang kagwapuhan ko." "Kadiri ka talaga. Talaga bang ipinanganak kang.." Hindi niya natapos ang sasabihin nang magsalita na naman ito, "Gwapo? Oo naman, karugtong na sa pangalan ko." "You're insane. Kung wala ka palang matinong ipinunta rito makakalayas ka na." "Mayroon pa, hmm.. Talaga bang aksidente lang 'yong kagabi? Hindi ba iyon sadya?" sabay paulit-ulit na pagtaas nito ng kilay. "Punyeta ka!" "Ops, may bago na tayong mura ngayon. Sabihin mong gwapo ako." "Kapag nalaman ko talaga na pinagkakalat mo ang tungkol kagabi, malilintikan ka talaga sa 'kin," pagbabanta niya. "Ganito na lang, ulitin na lang natin para hindi na aksidente," pang-aasar na naman nito. Pinanlakihan niya ito ng mata, lalo na nang lumapit ito sa kanya at seryoso nga sa sinasabi. "Ta-Tamayo. Ano ba! Lumayo ka nga?" "Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi. Gusto ko kasing maramdaman 'yang labi mo sa labi ko," puno ng kaseryosohang sabi nito na dumadako pa ang mga titig sa labi niya. Napasandal siya sa pader nang ilang beses itong lumakad paabante sa kanya hanggang ma-corner siya nito. Naramdaman niyang sinamyo nito ang amoy niya, napapigil tuloy siya sa paghinga. "You kept me wondering about feeling and tasting that lips of yours," bulong nito sa punong tainga niya. "There is no other man than me." "Bitiwan mo nga ako!" sabay tulak niya rito. Mabuti na lang at naitulak niya ito ng buong lakas. "Tigil-tigilan mo nga ako kung ayaw mong idemanda kita ng s****l harrasment." Nanlaki ang mga mata niya nang hilahin nito ang bewang niya at yakapin siya. "Hahalikan muna kita para masulit ko naman ang demanda mo." "Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita. Ano mang oras ay puwede kitang ipapulis." Tila natauhan ito at dahan-dahan siyang binitiwan. Hindi na ito nag-abalang lingunin siya. Napahinga siya ng maluwang. Sigurado siyang ibang Icequiel Tamayo ang nakaharap niya ngayon-ngayon lang. Saka naman ang pagdating ni Bhea. "Anong nangyari? Narinig kong nagsisigawan kayo ni Adonis." "Pwede bang ikuha mo ako ng tubig?" Mabilis ding bumalik itong may bitbit ng tubig. Napaupo siya sa labis na panghihina. "Ang totoo kasi niyan Chil, kanina ka pa niya hinihintay, madilim ang anyo tapos parang galit. Hindi nga kami pinapansin eh. Ikaw lang daw ang kakausapin niya. Swear, ang sungit-sungit niya dinaig pa ang kasungitan mo. Tapos kanina paglabas niya sa Office mo, namumula siya parang sa galit tas nakakuyom pa ang kamao niya. Nakakatakot talaga," kwento ni Bhea. "May ideya ka ba kung bakit siya naging ganoon?" "Tumawag ang sekretarya niya rito kaninang umaga at nasabi ko naman ang schedule mo na nasa taping ka para mag-cater. Wala namang ibang binanggit sa akin ang sekretarya niya." Napahawak siya sa sariling dibdib na halos ikabingi niya sa lakas ng kabang naramdaman niya. Hindi na ito nagparamdam ng araw na iyon. Sinubukan naman niyang kalimutan na lang ang mga nangyari kahit ang totoo ay nakakaramdam siya ng takot lalo pa at hindi naman niya lubusang kilala si Mister Tamayo. Isang linggo na naman itong nawala na labis niyang pinagtakhan, parang nagpapalamig yata ng ulo, hanggang muli itong bumalik. Balik na sa dati, nang-aasar at nang-iinis na naman sa kanya. Pero nire-rewind ng utak niya kung bakit nagkaganoon ito nang matapos niyang mag-cater sa isang Shooting. Hindi tuloy niya maiwasan ang kabahan at kung dapat na ba siyang mag-ingat sa mga kilos niya para hindi maapektuhan ang Kupal na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD