ICE 7

1834 Words
NAGING ganoon ang tema nila Chilien at Icequiel sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kasi itong may nakahandang bagay para asarin at pestehen siya. Pinagtakhan nga lang niya ngayon kung bakit lagi itong nagde-deliver sa kanya ng order niya nung ibinalik nito ang Cellphone chain niya. At hindi ito naniningil sa kanya. Ayaw niyang isiping nakikipagmabutihan ito sa kanya dahil baka may mas malaki itong kapalit. Madalas ding doon na ito nagla-lunch pero hindi kagaya ng nauna na siningilan niya nang mahal, hindi naman niya ito naririnig na nagreklamo. She was on the vacant seat inside the Restaurant, when her attention caught someone entering their entrance door. Literal na napahinto ang paligid mula sa taong dumating. Napatayo si Chili mula sa pagkakaupo nang lumapit sa kanya ang maputi, singkit at matangkad na lalaki, walang iba kundi ang direktor na si Chrisjan Dallas. "Hi, hindi ko alam na ito pala ang Restaurant mo." "What brought you here, Direk?" Iniabot nito sa kanya ang dalang bouquet ng flowers. "I believe this will suit your--" "My fist will suit your face." Pareho silang napatingin sa bagong dating, walang iba kundi si Ice na agad sumingit at pumigil sa sinasabi ni Chrisjan. "Oh, Ice. Hindi ko akalaing magkakilala kayo ni Miss Fabregas." "Oo Singkit, kaya ngayon pa lang lubayan mo na siya." "Wait a minute, magkaano-ano ba kayo?" "Sabihin na nating ask again and talk to her and I'll skin you alive." Saka lumapit at bumulong, "In death." Bigla yata itong namutla at napaatras saka tumawa na halatang peke habang napapakamot sa ulo. At alam na nito ang nais ipakahulugan. "Hindi ko naman alam, maling pader pala binabangga ko. Sorry." Saka tuluyang naglakad palayo sa kanila. "Sige, enjoy guys! Busy pala ako." Inagaw ni Ice ang bulaklak mula sa kamay ni Chilien. "Basurahan ang bagay dito. Don't forget to wash your hands baka magka-diarrhea ka." Saka mabilis na tinungo ang malapit na basurahan. Napa-cross arms si Chili. "Teka nga lang. Anong karapatan mo para makialam? At sa buhay ko pa talaga hah." Prenteng naupo ito sa tapat na vacant seat. “Sinong may sabi sa’yong umupo ka?” pagtataray niya. “I presume I could. And you should watch your behavior towards other men. They're playboys." "As you are," dagdag niya. "Good boy ako. I'm not them." "Wow ha, sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan." "Personal lang akong pumunta rito para humingi ng sorry sa inasal ko noong nakaraan." Pero hindi iyon ang naalala niya, kundi ang hindi nito pagsingil sa kinakain niya kapag nagagawi siya o nagpapa-deliver sa Cofee Bar nito. “Do you think I can’t afford to buy your coffee para di mo ako singilin?” “Wag na, baka lalong ikagwapo ko pa pag nagbayad ka.” YUCK! Gusto na niyang hampasin ito ng bumbilya sa ulo, baka sakaling maliwanagan. “I just want to occupy your time,” masigang paalam nito. Na wala man lang question mark sa dulo, it is a sentence ibig sabihin hindi ito humihingi ng sagot niya. Ang yabang talaga ng walang hiya. “Kung pang-iinis lang ang ipinunta mong hayop ka, well Quota ka na.” “Masiyado mo kasing akong iniisip, look at yourself nagkaka-wrinkles na. Why don’t you join me in my hobby?” “I bet your hobby is collecting woman at saktan isa-isa.” Tinitigan nito ang mata niya, nakangiti ang mga mata nito na parang hindi nainsulto sa sinabi niya. Sa’n ba ang kahinaan nito? “I never hurt woman in my life. Wala pa akong babaeng pinaiyak, sa sarap siguro, oo.” “Bastos ka!” she exclaimed. Nag-init ang mukha niya, hindi lang sa paraan ng pagtitig nito sa kanya kundi sa mga ngising nararamdaman niyang may halong malisya. “Lumabas ka na, bago magdilim ang paningin ko at ipakaladkad ka sa guard,” kalmadong sabi niya saka nag-iwas ng tingin dito. “I just want to make things right. Alam ko namang hindi maganda ang una mong impression sa 'kin. Alam kong mayabang ang datingan ko sa paningin mo, kaya lang 'di lang talaga ako marunong magsinungaling. Please, just this once, give me a chance.” Napatitig siya sa mga mata nito, sinusubukan niyang basahin kung galing ba sa ilong ang mga salita nitong may halo pa ring kayabangan. Napairap siya sa bandang huli, hindi siya kumbinsido kahit pa magpaawa ang anyo nito. Maybe it was part of his tricks at nililinlang lang siya nito. “Your silence means yes. I will use my force to kick you out of your hell.” Nanlaki ang mata niya sa sunod nitong ginawa. Walang atubiling dinakma ang baywang niya at sinampay sa matipuno nitong balikat—nagmukha siyang tuwalya, magaan din naman kasi siya. Nagpupumiglas ang Mataray na si Chili, walang nagawa ang kasungitan niya. Naghihiyaw at nagtititili hanggang palabas ng Restaurant. Kahit nakabaliktad siya, alam niyang pinagtitinginan siya kasunod pa ng palakpakan ng mga naroron na akala mo ay isang scene sa movie. Lalong nag-init ang mukha niya, hindi lang dahil nakabaliktad siya kundi sa inis na nag-uumapaw sa dibdib niya dahil sa pakialamerong lalaking ito. “Put me down! I said put me down!” Kasunod ang pagsipa at pagpalo niya sa likod nito na wala namang epekto rito dahil sa laki ng katawan nito. She’ll definitely kill this man in embarrassment. GIGIL na gigil siya rito nang sapilitan siyang isakay nito sa sariling kotse. “Puwede kitang idemanda ng k********g at harassment dahil sa ginawa mo,” malamig na tugon niya habang nakamasid sa labas. Umayos ito ng upo, hindi nito pinansin ang sinabi niya at parang hindi naapektuhan sa mga sinabi niya. She mean it. Dumukwang ito at nilagyan siya ng seatbelt saka nilapit ang mukha sa kanya at nagsalita, “Yes, that is possible if no one seen you. But as far as I know, maraming nakakita sa ’tin, kaya marami kang witness.” A grin smile paint on his face after he finally took the seatbelt to her. Grrr! He’s on my nerves! Darn!—Malapit na talaga siyang mainis dito. Boiling point reaches her temper, kaunti na lang hahampasin na niya ito ng manibela, once he answered incorrectly. “Where are we going? I don’t have all the time in the world. You know my Restaurant is waiting for me.” He gazes from the rear mirror of the car facing her, nasalubong nito ang tingin niya, he grin wiled. She became unconscious. Parang nang-aasar pa na itinapat nito ang rear mirror sa mukha niya. “Sigurado akong pasasalamatan mo ako mamaya dahil sa gagawin ko. You’ll feel definitely at ease and relaxed. And don’t worry, you are still beautiful.” She blushes. He stops when they reaches the toll hike. Habang papalayo sila ay lalong lumalabo ang kabahayan sa paningin niya, nagtataasang mga puno na nga ang nadaraanan nila na tila malayo na sa kabihasnan. Green grasses and more trees reaches her sight or might say forest as they continued travelling. Bigla siyang nakaramdam ng kaba, she felt definitely not at ease, gusto ng lumabas ng puso niya, nagsimula na siyang manlamig sa ideyang pumapasok sa utak niya. Who though who could say he isn’t nicer or worst? Nang lingunin niya ang paligid upang paalisin ang kabang malapit ng pumatay sa sistema niya. “Where are we?” “Relax, we’re on our way, minutes still” She doesn’t have any idea popping out in her mind kung san ba siya nito dadalhin. Afterwards, the car stops on a wide Ranch, bigger branches around a tree. No houses around. Kanina pa niya gustong lumabas ng kotse nito kung hindi lang naka-lock ang pinto ng sasakyan nito. Wala naman sigurong masama kung subukan nga niya ang offer nito. Huwag lang talagang may ibang offer ang sinasabi nito. Pumalya lang talaga ito—she swears to God she will slam his good face, hard. With one click, the car's door open. Ito ang unang lumabas ng sasakyan, para pag buksan siya. Matiyak nga lang na hindi siya tatakas dito. Pinagbuksan siya nito at inilalayan siya palabas but as eager a Chili can do, nagmatigas na naman siya. Wala na rin siyang mapagpilian, parang asong sumunod na lang siya sa binata. Hanggang makarating sila sa nais nitong ipakita. “Wow! This place is amazing!” She can’t help exclaiming as they explore the areas around the Ranch. Mag-aalas dos ng hapon nang makarating sila. Masarap ang hanging nilalanghap niya mula sa paligid. Malayo sa chemical at pollution, all natural. Minsan na rin niyang inisip na sana may bahay bakasyunan siya probinsiya. She made a guest they were at. “Marunong kang sumakay ng kabayo?” mayamayang tanong nito. “Palagay mo sakin?” He shrugged at her. “Come over. You need to change your dress.” Para naman siyang tauhang sumunod lang dito. Nakarating sila sa isang bahay. It wasn’t too big, just fit to stay. Makaluma ang disenyo at may magaganda at mamahaling muwebles. Mukha namang matibay ang pagkakayari. May tinawag itong Manong Kanor—ang taga silbi at caretaker ng Bahay. A thin old man came in brought something, inaasahan na siguro ng lalaki na darating sila. Napapalinga-linga siya sa kabuuhan ng kabahayan. Halata kasing bagong gawa ito at parang basa pa nga ang pintura pero magaganda ang mga materyales na ginamit parang pinasadya. "Huwag mong masyadong titigan, kapag diyan ka na-inlove magseselos ang kagwapuhan ko." Mabilis niyang inirapan ito mula sa sinabi saka nagdiretso sa banyo. The Blouse, pants and boots are fit to her, parang pinasadya. She woundered, is this one of his ex’s property? She tilts her head trying to remove negative thoughts, she want to enjoy the distance between her business life and pleasures. Matagal na hindi nito nilubayan ng tingin ang anyo niya nang makalabas siya at nakabihis. Nakabihis na rin ito, mas mabilis ke'sa sa kanya. He pulls her hand outside and dragging her to somewhere. “Where are you taking me?” “Trust me,” iyon lang ang sinagot nito. Dinala siya nito sa isang stable ng mga kabayo. May labing dalawang kabayong naroroon. Binuksan nito ang isang stable kung saan nilabas niya ang isang kabayong pinaghalong puti, itim at brown ang kulay. Maganda ang kabayo at ito lang ang nag-iisang tatlo ang kulay. “Hello Johnson, meet Chili.” Humalinghing ang kabayo saka hinimas ang ulo sa balikat nito na parang naglalambing. “This is my horse. Hindi naman sa takot siyang sumakay sa kabayo, matagal-tagal na ring hindi siya nakakasakay ng kabayo. Wala na siyang training. Inilalayan siya nitong makasakay, pagkailang ang naramdaman niya habang samyo niya ang bango nito nang hawakan siya nito sa baywang. Pumuwesto ito sa likuran niya, maging ang hininga nito parang nakakakuryente sa kanya. “He’s safe to ride, trust me.” Sa una ay dahan-dahan lang nitong pinalalakad ang kabayo pero sa katagalan pinatakbo na rin nito iyon. “W-wag mong patakbuhin!” Halos hysterical na siya at niraragasa na ng ibat-ibang emosyon ang puso niya, takot, kaba, and this freaky feeling that she notice when he’s near to her. Mamamatay na yata siya sa nerbiyos lalo na sa tindi ng kapit niya sa kamay nito at ang hinayupak matindi rin ang yakap sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD