LEJAN 6

1506 Words
PARANG palabas na nag-flash back sa alaala ni Allurice ang lahat. Ang dahilan kung bakit kamuntik rin siyang masagasaan at ang inis na nararamdaman niya sa pagda-drama ng kapatid nang lumayas ito. Mabilis siyang nagtungo sa kusina at kinuha ang frying pan. "Hoy Arland Desunia! Akala mo ba nakalimutan ko ang atraso mo?" Hinabol niya ng frying pan ang kapatid at ilang beses na hinampas. "Ate naman.. Hindi ako ang may kasalanan dito kundi itong lalaking ito." Itinuro pa nito ang lalaking nakatayo sa harapan ni Allurice nang magtago ito sa likuran ng lalaki para gawing depensa. "At paano mo nalamang hinalikan nga niya ako?" seryosong tanong ni Allurice. "Pabalik na kasi ko 'non dito sa bahay, then I saw you, this man kissed you pagkatapos bigla ka na lang niyang inakay pasakay sa kotse." Tiningnan niya ng masama ang lalaki. "Ang kapal din ng mukha mo, ano." "T-Teka lang magpapaliwanag ako!" Akmang hahampasin na rin niya ito ng frying pan nang tumakbo ito papunta sa entrance door at agad lumabas. "Hoy, bumalik ka rito!" habol pa niya sa lalaking wala nga yatang balak magpakilala sa kanya. "Don't worry Damsel, I'm sure magkikita pa tayo, but not now!" huling sabi nito at nilayasan na siya. Napahinto siya at napahawak sa sariling labi. "So, totoo pa lang hinalikan niya ako?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Tiningnan siya ng masama ni Arland. "Ate, bakit ka sumama sa lalaking iyon? Hindi mo naman siya kilala." Hinampas niya ito ng frying pan sa ulo. Bulls eye! "Ang arte-arte mo! Msy pa-walk out walk-out ka pang nalalaman. Akala ko talaga naglayas ka na," halos maiiyak na sabi niya saka niyakap ang kapatid. "Akala ko talaga iniwan mo na ako." "S-sorry ate. Hindi ko sinasadya. Hindi ko na uulitin." saka humiwalay sa yakap ng kapatid. "Gusto ko lang naman kasing makatulong." "Kung gusto mong makatulong, just finish college, then after that, it's enough to help me." Ngumiti si Arland. "Sorry talaga ate." Ginulo niya ang buhok ng kapatid. Hindi niya akalaing sa tangkad ng lalaking iyon ay nagawa niyang suntukin. "Hanga ako sa iyo, nagawa mo siyang suntukin kahit matangkad iyon." "Pero ate, wala namang nangyari sa inyo, di ba?" paniniguro nito. Napakunot ng noo si Allurice. "Oo naman. Actually, inalagaan niya ako. Nilagnat kasi ako at nagdedeliryo na ako. He felt guilty akala raw niya nasagasaan niya ako kaya inalagaan niya ako bilang kapalit." "Ate.." tila naglalambing na sabi ng kapatid. Boses pa lang nito alam na niyang may kailangan at alam na alam na niya sa hitsura nito na may nais na namang ipagawa sa kanya o humingi ng pabor. "Ano na naman?" "Alam mo na.. 'yong sa school. Gangster kasi talaga ang Zoem Juaquin na iyon. Napakaangas ng bansot na iyon. Akala mo naman napakatangkad. Kitang-kita ko na nasa kanya ang envelope na iyon at ibabalik lang daw niya iyon kapag ikaw ang kumuha mula sa kanya." "Okay. Magkikita kami. Pupunta ako sa School mo, ngayon din. Hayaan mo at makakatikim sa akin ang batang iyon." Napangiti si Arland. Sa tagal nilang magkasama at sa palaging nambu-bully sa kapatid ay siya lang ang palaging takbuhan. Natutuwa naman ito dahil tiklop ang mga ito pagdating sa kanya. Siguro ay nai-intimidate, dahil akala ay ama ang susumbungan. Pero hindi rin naman niya alam kung bakit napaaamo niya ang mga ito kapag siya na ang kumakausap. Pasalamat na rin siya at black belter siya 'nong highschool at college sa martial arts. Madali para sa kanya na baliktarin ang mga lalaki kahit gaano pa ito kabigat. Well, it was all thanks to her father na mukhang wrestler. Dahil nga raw babae siya ay kailangan niyang depensahan ang sarili. Kaya natututo siya sa self defense. It was Saturday at wala naman siyang pasok sa eskwelahan, maliban sa kapatid na may pasok sa School. Sunday at Tuesday naman ang walang pasok nito. Nagtungo na siya sa banyo para makaligo at mag-ayos sa sarili. Ala-una ang pasok ng kanyang kapatid at tiyak namang makahahabol sila. Una muna niyang personal na pupuntahan ang tinawag ng kanyang kapatid na Gangster. Ipapakita niyang hindi ito dapat nang-aapi a nangbu-bully. Human should be fair living in this world. Kung puwede nga lang na walang mahirap o mayaman, kaso ganoon na ang mundo bago pa man siya dumating. At aaminin niya na wala rin siyang magawa dahil maski siya ay binu-bully rin ng head nila sa hindi niya malamang dahilan. Nakapulupot pa ang tuwalya sa ulo niya habang nakasuot ng sleeveless na bestida. Balak munang magluto ni Allurice ng almusal. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa nga, ate Arcee." Agad na niyang kinuha ang frying pan at de lata na tuna. Isang simpleng tortang tuna lang ang naisipan niyang lutin at nagsangag ng kanin. Nang matapos ay agad iyong nilatag para makakain na ang kapatid. "Kumain ka na, bago pa lumamig iyan." "Ate.." "Ano?" "I love you," sabi nito na biglang sumandok at nilantakan ang niluto niya. Nahiya siguro sa pagpapabebe nito. "Matagal ko na 'yang alam. I love you too." Pumasok na siya sa kwarto nila para makapagbihis na at magtutuos na sila ng ganster na ito na umapi at nam-bully sa kapatid niya. TUMAWAG sa pamilya Juaquin ang nagawa ni Zoem. Dahil wala ang ama na laging out of country at ang ina naman ay isang Dean, usually ay hindi na pinalalaki ang issue. "Hindi ako makakapunta sa School mo," sabi ni Zylan sa kapatid. "Edi masaya," pabalang na sabi nito. "Pero may papupuntahin ako. Hindi porke Mommy natin ang dean ganyan ka na kung umasta." "Kung magsalita ka 'kala mo ikaw ang nag-alaga sa 'kin, Zylan." "Anong tinawag mo sa 'kin?' Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa' yo ng ilang taon. Seven years ang agwat natin." "Whatever." Saka pa nito padabog na ibinaba ang mga kutsara at tinidor. "Nawalan na ako ng gana." "Bastos ka! Bumalik ka rito!" Ngunit likod na lang ang nakita niya mula sa suwail na kapatid. Inaamin ni Zylan na pasaway rin siya minsan pero hindi katulad nito ni Zoem na talagang humaba na ang sungay at kailangan ng tabasin. He was the black sheep of the family. Hindi nga rin niya alam kung bakit nagtatiyaga pa ang mga magulang na paaralin ang isang ito. Kung tutuusin ay patapon na ang buhay nito. Kung hindi lang siya nakapangako sa nobya na magde-date sila ngayon dahil wala na siyang time para magkita sila. Malapit na kasi ang launching ng album ng grupo nila kaya masyado na siyang busy. Isa lang naman ang naiisip niyang hindi busy at puwedeng sumalo sa kanya at mabilis pakiusapan. Dinukot niya ang phone sa bulsa ng short at agad d-in-ial ang numero ng malapit na kaibigan. "O?" Pambihira, hindi pa rin uso rito ang Hello o paunang bati. Bumagay naman sa attitude nito na alam niyang may pagka-bagets. Sigurado-sigurado si Zylan na hindi siya tatanggihan ng kaibigan. "May gagawin ka ba ngayon?" "Wala naman. Bakit?" "Puwede bang ikaw muna ang proxy ko sa pagpunta sa School ni Zoem?" "Bakit? May ginawa na namang kabulastugan ang magaling mong kapatid?" "Hindi ko pa alam. Nakatanggap lang ako ng tawag mula sa School Administrator na kailangan ng guardian sa School. Actually, this is the first time na kailangang may pumunta sa School. Parang nanginginig pa nga sa takot 'yong Administrator nang tumawag dito e," esplika ni Zylan. "Usually naman, pinalalampas lang nila ang ganitong issue lalo na kapag Juaquin ang narinig nilang pangalan. Nakapagtataka lang na ngayon ang unang beses na magpatawag ang School sa parents o guardian ni Zoem." "Bakit, saan ba ang lakad mo?" Inaasahan na ni Zylan na maraming tanong sa kanya ang ka-bandmate at close friend. Alam naman niyang hindi ito busy sa buhay at walang balak magseryoso sa babae kaya sana naman ay maiintindihan nito ang dahilan niya. "Janice and I have a date today. Alam mo namang busy na tayo this few days dahil sa launching ng album. Kaya napaparami na ang atraso ko sa kanya. Ngayon na lang ako babawi." "Okay," mabilis na sagot ng kabilang linya. "Talaga, tol?" "Gusto mo bang bawiin ko?" Bigla siyang natawa. "Hindi naman. Naninigurado lang. Siguro mga Two pm, pwede ka ng pumunta ng School. Aasahan kong maipagtatanggol mo si utol ha." "Hmm.. pag-iisipan ko. Kung mali naman talaga niya, I will not tolerate it." "It doesn't matter. Umbagin mo kung kinakailangan. I felt like you are the only one na makakapagpatino sa hudas na iyon." "Okay," huling sabi nito na ibinaba na rin ang phone. "Yes!" sabi pa niya na sumuntok pa sa ere. "Wala ng sagabal sa date namin ni Janice." Kaagad nagbihis si Zylan at inihanda ang sasakyan. Ipapa-carwash muna iyon bago sunduin ang nobya at madala sa inihanda niyang surpresa. Kung ano man ang mangyayari sa kapatid at sa pagpunta sa School ng kanyang bandmate ay wala na siyang pakialam. Today is his day with his long time girlfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD