LEJAN 7

1378 Words
ALAM na alam ni Lejan na siya na naman ang gagawing takbuhan ng kaibigang si Zylan. Kasalanan din niya at hindi niya magawang tanggihan ang ano mang hilingin nito lalo na at naging malapit din talaga itong kaibigan sa kanya. Nag-ayos na si Lejan. Inihanda na niya ang sarili. Suot ang bullcap at shades, sumakay siya ng sariling sasakyan at inihinto ang sasakyan sa tapat ng School. Nang sumenyas siya sa guard na assign sa araw na iyon ay malugod naman siyang pinagbuksan. Maingat niyang nai-park ang sasakyang sa parking lot. Hinagilap agad niya ang office ng lalaking nagpatawag sa guardian ng kapatid ni Zylan. Ngunit tila wala namang tao roon. Marahil ay may kanya-kanya pang klase ang mga ito. Sinubukan na lang muna niyan magmuni-muni hanggang makarating ang mga paa niya sa likod ng malaking Eskwelahan. Hindi naman restricted ang area na iyon,you unit tila isa iyong parke sa dami ng halaman, may maliit pang fountain doon. Kulang na lang ay maging pasyalan ang dating site iyon ng mga magsing-irog. Natawag ang pansin niya sa may biglang sumigaw. Natagpuan niya ang isang babaeng nais yatang balian ng buto ang isang binatilyo. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang nakababatang kapatid ng ka-bandmate at kaibigang si Zylan. Napatanggal tuloy siya ng suot na shades. "Zoem!" patakbo niyang nilapitan ang mga ito. Kitang-kita niya kung paanong gustong pilipitin ng nakatalikod na babae ang kamay na ito. "Bitiwan mo siya!" mariing sigaw niya. "Pwede kitang idemanda," pananakot niya. Nakatalikod pa rin ito. Naka-pusod ang buhok at kahit pang losyang ang suot nito ay hindi yata iyon nakaapekto sa babae lalo na nang dahan-dahan itong lumingon at tuluyan ng binitiwan ang kapatid ni Zylan. "Kuya Lejan.." parang batang nagsusumbong na sabi nito na agad pang tumakbo sa likuran niya at ginawa siyang pananggalang. Natulala si Lejan at tila nabato-balani ng umayos ng tayo ang babaeng kanina lang ay mukhang papatay sa kapatid ng ka-bangmate niya. "Kuya, siya 'yong ate ni Arland na--" "A-Allurice Desunia?" paninigurado niya. Tiyak niyang ito ang babaeng itinakas niya kahit pa nakasalamin ito at naka-pusod ang magandang buhok nito. Sa ganda at amo ng mukha nitong parang anghel ay imposible niya itong malimutan. "Kapatid mo ba ang batang 'yan?" seryosong tanong nito. "Pagsabihan mo siya na huwag maging bastos. Kung ayaw mong ako mismo ang puputol sa sungay niyan." Bigla siyang natauhan sa sinabi nito. Nilingon ni Lejan ang tinutukoy ni Allurice at agad binigyan ng batok. "Aray naman, kuya!" "May pakuya-kuya ka pang nalalaman. Anong ginawa mo sa babaeng ito?" Tumingin siya kay Allurice na nakatiklop na ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nito at seryosong nakatingin sa kapatid ni Zylan. "Anong pakialam mo kung anong ginawa ko sa kan-Aray! Ba't ka ba namimingot?" "Kaliit-liit mo, ang galing mong lumaban at sumagot. Mabuti pa mag-sorry ka," utos niya rito. "Hindi naman ako ang nauna. Binigyan ko siya ng option, ayaw naman niya." "Hoy, kutong-lupa, ibalik mo ang envelope. Alam mo bang pang-tuition iyon ng kapatid ko?" Tumaas pa ang kilay nito habang pinapagalitan ang tinawag nitong kutong-lupa. He found it amazing and he was drowning on her features. Parang gusto na lang niya ay panoorin ito. "Halikan mo muna ako, bago ko ibalik ang enve--" Hindi na nakapagpigil si Lejan nang marinig iyon sa kapatid ni Zylan. Maging ang babae ay napasinhap din at nagulat sa ginawa niyang pagsampal kay Zoem. "Hindi ka pinalaki para ganyan maging sutil at sumagot-sagot. Ang babae, ginagalang at hindi binabastos." Napahawak si Zoem sa pisngi niyang halos tumabingi sa pagsampal niya. "Kung makapagsalita ka ay parang may gusto ka sa kanya ah. Bakit, gusto mo na ba siya?" "What did you say?" "Lalaki rin ako, kuya and I know how your eyes twinkle when you delierately looking at her." Isang batok na naman ang ginawa niya kay Zoem. "Magkano ang kinuha mo? Ibalik mo ang envelope sa kanya. Ngayon na." "Bakit hindi mo masagot ang tanong ko. Gusto mo ba siya o hindi?" "Hindi pagsagot sa tanong mo ang punto rito. Kung kaya kang i-tolerate ni Zylan, ibahin mo ako, gago. Pasalamat ka hindi kita kapatid, dahil kung naging kapatid kita. Panigurado, mata mo lang ang walang latay." His hands form a fist that makes Zoem's heart pound. Nahintatakutang napaatras ito at agad tumakbo sa mlayo. GUSTO sanang bigyan ni Allurice ng palakpak ang lalaking mayabang na nagsalita. Pero sa nakikita niya, mukhang nadala ito at nanginig sa takol. Well, maging siya rin naman ay napaatras. Mukhang may kakayahan ang lalaking ito na magpasunod at manakot sa isang salita lang. But she'sll definitely do the same thing. Sa may lalang at sa parents lang niya siya natatakot at hindi sa lalaking ito. Tatalikod na sana siya nang hawakan nito ang braso niya. "Magkano ang kinuha niyang pera?" "Hindi ka naman pala niya kapatid, bakit ang lakas ng loob mong magsalita?" Biglang lumamlam ang mga mata nitong kay tapang kanina. Para itong tupang biglang umamo. "Sorry for what happened. I'll take the full responsibility in half of my band-mate." "Why are you concerned about it?" "B-Because..." Bigla yata itong nautal. Sumama ang tingin niya sa lalaki. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang atraso mo?" Bigla siyang naghigh-kick at patatamaan sana ito pero mabilis itong nakailag. "I'm sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya iyon. Nadala lang ako sa ganda mo." "Ah, ga'non" Kamay naman ang ginamit niya para patamaan ito. At kamuntik nga itong tamaan ng malaglag ang bullcap na suot nito. "Anong kaguluhan ito?" Mabuti na lang dumating ang isa sa Dean kaya agad silang huminto. Sila na tuloy ngayon ang ginigisa sa Disciplinary Room. "Kasalanan mo," paninisi niya sa lalaki saka mabilis na inikutan ng mata. Hindi alam ni Allurice kung anong gayuma ang pinakain ng lalaking ito sa mga Dean kaya bigla na lang nagsipagbago ng isip at mabilis silang napatawad. Kasalanan din niya, kaya hindi na tuloy makakapasok ang kapatid niya. Sabay na tuloy silang naglakad sa kahabaan ng pavement. "Sumakay na kayo. I'll give you a ride," sabi ng lalaki na naman. Nakababa ang bubong ng sasakyan nito at binabagalan ang pagda-drive para masabayan sila. Hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hindi rin naman tumigil ang isang ito at sobrang kulit. Hinarang pa nito ang sasakyan sa harapan nila ni Arland. "Kapag hindi ka sumakay--" "Tantanan mo na ako, kung ayaw mong idemanda kita," determinadong sabi niya na nagpaatras dito. Nang may dumaang Taxi ay mabilis silang nagpara at sumakay roon para hindi na ito makahabol. Napangisi na lang si Lejan sa ginawa ng babae. "Siguradong magkikita pa tayo," mahinang bulong niya saka nag-umpisang magmaniobra. "Gad, ba't ko ba siya hinahabol ng ganito. I must be crazy," napapailing siya sa sarili. Kay bilis ng araw na lumipas, kasabay niyon ay ang mabilis ding pagsikat ng banda nina Lejan. Hindi niya alam kung in-accept na ni Ms. Desunia ang sinabi niyang sa School. Kapalit kasi ng kasalanan ng kapatid ng ka-bandmate niya. Siya na ang magbabayad ng pang-tuition n kapatid ng dalaga at ipalabas na pasok sa Scholarship program ang kapatid nito. Kahit ang totoo ay wala namang ganoon sa School. Ipinalabas na lang niya iyon para hindi siya pagdudahan. Iyon na lang ang pambawi niya sa mga atraso niya at ng kapatid ni Zylan. Nakita ni Lejan na tatamaan na siya ng drum stick kaya mabilis siyang nakailag. Kasalukuyan silang nagre-rehearse para sa darating na live concert. Request iyon ng mga fans. Bigla kasing binaha sila ng fans at mga kanta na nila ang nangunguna. Pero magpahanggang ngayon ay ang babaeng ito na ang laman ng isipan niya. And he can't help it. Kasalanan ni Kupido, talagang inasinta siya. "Ang lalim ng iniisip mo. Hoy, Lejan. Saan ang punta mo?" "Papatayin si Kupido," sabi niya at nagdiretsong labas sa rehearsal room. "Ano raw?" "Baka tinamaan." Linggo na ang lumipas pero hindi pa rin mapakali si Lejan. Gusto niya ulit makita ang dalaga. Pero paano? At anong paraan niya ito makikita na hindi siya pagkakaguluhan? Ah. Bahala na. He will risk his life and fame to see this woman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD