LEJAN 5

1653 Words
NAROON pa rin si Lejan, nakalapit pa rin ang katawan niya sa inosenteng katawan ng dalaga. Hanggang nagkusa na itong yakapin siya. 'Ah. Hindi ko na kaya,' bulong niya sa kanyang isipan. Siya na yata ang nagpapahamak sa sarili. Naramdaman niyang sumasaludo pa rin 'iyon' at tila walang balak bumaba. Siya na yata ang nilalagnat dahil sa pakiramdam na iyon. Dahan-dahan na siyang lumayo sa walang malay na dalaga at agad tumayo at tumakbo sa banyo. Suko na talaga siya. Minabuti na lang niyang maligo sa ilalim ng malamig na tubig upang mahimasmasan siya. Bakit ba kasi naisip niya ang human blanket? Samantalang parang ini-enjoy naman niya ang yakap ng dalaga. Gad. Is he felt something for this Lady? "What am I going to do with you, woman?" Ito na nga yata ang karma niya at para na siyang sira na nagsasalita mag-isa. Mukhang inorasyunan siya ng mga kaibigan, ka-bandmate o ka-prat niya pati yata kalaban niya na may taong bibihig sa malamig at mapaglaro niyang puso. Kung sino man iyon, uunahin niya iyong patayin. Lumabas na rin ng banyo si Lejan na nakatapis lang ng tuwalya. Muli niyang sinulyapan ang babae, tulog pa rin ito. Pati sa pagtulog ay mukha itong anghel. Siguro nga na-engkanto na siya ng babaeng ito. Kailangan magising ito para mabawi niya ang kanyang pusong ninakaw na yata nito mula sa kanya. Hinawi pa niya ang buhok na tumabing sa mukha nito saka dinama kung mainit pa ito. Bumaba na ang lagnat ng dalaga na ikinahinga niya nang maluwang. Saka na siya nagdiretso sa Salas para doon na matulog. Nakatulog naman ng maayos si Lejan na hindi nagkaroon ng wet dreams. Mabuti na lang at umepekto ang lamig ng tubig sa shower. Kung hindi ay baka hindi na siya nakatulog ng maayos at kung anu-ano na ang ka-demonyohang maiisip niya. Naalimpungatan pa siya nang makitang parang may diwatang naka-asul at nakatayo sa paahan niya. Napangiti siya at dahan-dahang ipinikit ang mga mata. Ngunit nakarinig siya ng tila na agad nagpabangon sa kanya. "Sunog! Sunog! Saan ang sunog?" Doon na yata siya nawaswasan nang makita ang babaeng nakatayo sa paahan niya at nakatakip ang dalawang kamay sa mga mata. Napatingin siya sa anyo niya. "Holly shi--I mean.." Napahinto siya at hindi alam ang sasabihin sa labis na hiya. Tayong-tayo na kasi sa ilalim ng kumot ang flagpole na mukhang malapit ng tugtugin ang national anthem. "So-Sorry.." Agad niyang hinila ang kumot at patalon-talong dumiretso sa kwarto para kunin ang damit na iniwan sa kanya ni Aldrich. Bumalik siyang nakasuot na ng walking shorts at puting shirt. "Sorry talaga, Miss," hingi niya ng paumanhin. "I-Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" "Oo. Hinimatay ka kasi sa harap ng sasakyan ko kagabi. Ginigising kita, kaso ang taas na ng lagnat mo at para kang nagdedeliryo." "Ga-ganoon ba?" Agad tumalikod si Lejan nang mapadako ang sariling mata sa dibdib ng dalaga. Wala pa rin kasi itong suot na bra at bumabakat pa rin doon ang bagay na hindi dapat niya nakikita. "A-Ano? Iyong mga damit mo, pina-laundry ko pa." Mabilis siyang bumalik sa kwarto at kumuha ng makapal na kumot saka ibinalot sa dalaga. "Huwag mong aalisin 'yan. Baka lalo akong magkasala at mapikot kita." Kumunot ang noo nito. s**t! Pati ang pagkunot ng noo nito ay hindi nito kinapangit. "Sigurado ka bang magaling ka na?" "A-Ayos ka lang ba? Pulang-pula kasi ang mukha mo, nilalagnat ka na?" Ikinulong niya sa palad ang mukha. "'Wag mo akong intindihin. Tisoy lang talaga ako, baka epekto ng stringent," pagsisinungaling niya. "Kumain ka na ba? Magluluto ako. For now, ito na lang ang magagawa ko bilang pasasalamat sa 'yo." Mukhang may sakit pa nga yata talaga ang babae dahil hindi man lang ito nag-isip ng masama sa kanya o baka may balak siyang masama rito. "H-Huwag na." Kinuha ni Lejan ang nakapatong na phone sa center table. Nag-swipe at may tinype. Hanggang sa ilang sandali lang ay may nag-doorbell na. Pupuntahan pa sana iyon ng dalaga nang pigilan niya. Siya na mismo ang kumuha ng order niya na mula sa Restaurant ni Ms. Chilien Fabregas, ang soon to be Icequiel Tamayo's wife. Pumirma na kasi ito ng kontrata kay Aldrich na mag-e-expand ng Restaurant business sa Club House matapos maipakilala sa kanila. Inihanda na niya ang mesa sa Dining, naglatag sa mesa ng mga plato at kutsara saka isinalin sa baso ang hot chocolate at cafe latte. "T-talaga bang hindi ko puwedeng bitiwan 'tong kumot?" Napakurap si Lejan. Kinuha niyang muli ang phone at tinext si Aldrich."s**t! Hindi ko alam kung ano ang size niya? All her curves are in the right places," mahinang sabi niya. Sinulyapan siya ng dalaga. "Miss. Wala ka kasing panloob, medyo alam mo na. Bumabakat 'yong b-bundok," nabubulol na sabi niya. He was prone to woman, with different sizes pero bakit ibang-iba yata ang babaeng ito. Tila gusto niyang igalang at pagsilbihan. "Nademonyo mo nga yata ako," wala sa sariling sabi niya. "Nade-what? Ano 'yong sinabi mo?" Mabilis itong umiling. "Nevermind. Ipapakuha ko na lang 'yong mga damit mo at baka okay na rin iyon." Ilang sandali rin matapos niyang i-text si Aldrich ay dumating na ang babaeng nag-asikaso sa dalaga na nagpakilalang Jema. Agad niyang iniabot ang paper bag. "This is your clothes. Puwede ka ng magpalit." NAKABIHIS na uli ng uniform si Allurice. Aaminin niya na naiilang siya sa lalaki, lalo na sa kakaiba nitong tingin. Hindi naman tinging nababastusan siya, pero tinging humahanga sa kanya. Iyon talaga ang epekto kapag hindi siya naka-pusod at wala siyang salamin. Nagmumukha raw siyang ibang tao at mas maganda nga raw kapag ganoon ang ayos niya. Masyado lang kasi siyang palaging nagmamadali kaya hindi na niya naiisip iyon. Iminuwestra nito ang upuan sa tapat nang makaupo na rin ang lalaking ni pangalan ay hindi niya alam. Naupo na rin naman siya. "Eat," sabi nito. Dahil sa naramdamang alburoto ng tiyan, kinapalan na ni Allurice ang mukha at kumain na rin ng agahan. "Who is Arland?" Napaangat siya ng ulo. Oo nga pala, bakit ba nakalimutan niyang nag-drama ang kapatid niya? Naisipan pa nitong lumayas. "He's my younger brother," malungkot na sabi niya. "What happened?" Tiningnan niya ito upang basahin kung dapat ba niya itong pagkatiwalaan. Sa mga mata ng lalaki ay nakapinta yata ang word na 'safety'. So, she choose to tell what happened that night. "Sorry for bringing you here without your consent," he said while his voice was apologetic. "It's okay. I should thanking you for taking care of me." Ngumiti ito at nagkamot ng ulo. "Maliit na bagay." Nagprisinta siyang maghugas ngunit tumanggi ito kaya hinayaan na lang niya. Napamasid na lang siya sa lalaki habang naghuhugas. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari kung ano na ang huli nilang pag-uusap ng kapatid pero sumasaltik lang ang sintido niya. Napahawak siya sa sariling ulo. "Okay ka lang?" Nagpunas ito ng basang kamay sa suot na Aepron. Hindi niya namalayang naligpit na pala nito ang mga hugasan. "M-Medyo sumakit lang ang ulo ko." Umalis ito, nang bumalik ay may dala na itong medicine kit. "Here. Paracetamol, try to drink this." Kumuha pa ito ng tubig at binuksan ang foil pack saka niya kinuha at ininom. Bakit ba parang nag-aalala ito sa kanya? May kaugnayan ba ito sa kanya? O may nagawa itong hindi niya alam kaya parang hindi natural ang kabaitan nito. Bahagya siyang nagpilig ng ulo. Sa kabila ng kabaitan nito, pinag-iisipan pa niya ng masama. Kaya lang kasi ay nakakapagduda talaga kung bakit ang bait-bait nito kahit hindi naman siya nito lubusang kilala. "Let's go," anunsyo nito nang bumalik mula sa kwarto. Nakasuot na ito ng polo shirt at naka-walking short lang. Mukhang tops lang nito ang pinalitan para yata masamahan siya sa paghahanap sa kapatid. Hindi inakala ni Allurice na tutulungan siya ng lalaking hindi pa rin nagpapakilala sa kanya. Sinusuyod nila ang malawak na lugar na malapit sa kanila para hanapin ang kapatid niya. Ngunit nabigo sila at walang natagpuan doon. "'Wag kang mawalan ng pag-asa. Makikita rin natin siya." "Kasalanan ko nga siguro kung bakit nagalit sa akin ang kapatid ko," malungkot na turan niya. Hinagod nito ang likod niya. "Gusto mo bang ipa-blotter na natin o kaya ay mag-anunsyo tayo sa radio station or sa TV." "You think so?" pangungumpirma niya. "Oo siguro." "I should go home. I'll get my phone. I need to talk to my co-teachers." Sumakay sila sa kotse ng lalaki at malugod namang hinatid siya nito hanggang harapan ng building apartment na inookupa nila ng kapatid. Pinapasok niya ang lalaki. Pareho pa silang nagitla nang makita kung sino ang naroon sa salas. Sinalubong siya ng yakap ni Arland. "Oh my God ate. Akala ko napano ka na." Natameme si Allurice at hindi makapaniwala. Nilapitan ng kanyang kapatid ang lalaking nakasunod sa likuran niya. "Ay!" napatakip siya ng bibig nang biglang suntukin ni Arland ang lalaking kasama niya. "Hayup ka! Ang lakas naman ng loob mong bumalik dito matapos mong kidnapin ang ate ko!" sunod-sunod na sabi ng kanyang kapatid. Napahawak sa dumugong ilong ang lalaki. "I'm sorry. It's not really my intention." Naramdaman naman ni Allurice ang paghingi ng tawad ng lalaki. "Arland! Tama na 'yan!" pigil niya na parang balak na namang banatan nito ang lalaking hindi naman lumalaban. "Ate, napatawad mo na ba siya kaagad matapos ka niyang nakawan ng halik?" Naguluhan yata siya sa sinabi ni Arland. Anong halik? Ninakawan siya ng halik ng lalaki? Kaya ba ito mabait sa kanya, dahil may atraso? Hindi lang yata siya nagkasakit, naalog din ata ang ulo niya sa mga rebelasyong sinasabi ng kapatid. Teka, at kailangan muna niyang i-digest lahat ng sinasabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD