LEJAN 4

1544 Words
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Arlan. May bagyo pa naman at masyado ng madilim sa labas. Lalo ng nag-aalala si Arcee sa nag-iisang kapatid. Ayaw kasi niya bitiwan ang pinanghahawakang pangako sa mga magulang na aalagaan at paaralin sa magandang Eskwelahan ang kapatid. Lalo na siyang hindi mapakali nang ilang beses sinubukang tawagan ang kapatid ngunit hindi nito sinasagot ang phone. Hindi alam ni Arcee kung saan na hahanapin ang kapatid lalo pa at hindi naman yata close ito sa mga kaklase sa School. Wala rin naman silang pamilya dito sa Maynila. Naiyak na si Arcee at ilang beses ng pinunasan ang mga luha. Hindi na nga niya nagawang ayusin ang sarili ng sumabog sa kanyang mukha ang mahabang buhok na palaging naka-pusod. Nakarating na nga siya sa highway at hindi alam kung saan tutungo basta ay alam niyang kailangan niyang hanapin ang kapatid at humingi ng pasensiya. Alam naman niyang hindi niya kasalanan pero bakit guilty-ng guilty siya sa mga sinabi nito na may punto naman talaga. Kamuntik pa siyang masagasaan, mabuti na lang at huminto ang sasakyang nakabukas ang convertible roof. "Nagpapasagasa ka ba?" tanong ng lalaki na matamang nakatingin sa kanya. Hindi siya sumagot, nakayuko lang at tila natulos siya sa kinatatayuan at parang nais na nga niyang masagasaan nang kamuntik talaga siyang mabangga. Hindi niya napansing isinara na ng lalaki ang convertible roof saka bumaba ng kotse. "Bingi ka ba Miss? Sabi ko--" Naputol ang sinasabi ng lalaki nang maramdaman ang unti-unting pagpatak ng ulan. Sa katuliruan, hindi na naisip ni Arcee na uulan kahit madilim na ang kalangitan. Ngunit mas hindi niya naisip ang nangyayari nang bigla nitong dakmain ang baywang niya at hinalikan siya. A kiss in the rain. That's the best objective for that scene. When this guy, came towards her and claim her lips fully. Ano ba ang nangyayari? Bakit siya hinahalikan ng lalaki? At bakit hindi rin siya makagalaw na parang hinang-hina na siya? Marahil nga wala na siya sa sarili at hindi na alam kung ano ang nangyayari sa paligid hanggang tuluyan nang nagdilim ang paligid niya. "Hey, Miss! Miss!" Ngunit hindi na ito sumasagot. Mabuti na lang talaga at nakahawak ang lalaki sa baywang ng dalaga kundi marahil ay nabuwal na ito. Napabuga tuloy ng hangin si Lejan at itinapat ang kamay sa sariling bibig may ilang hibla ang layo. "Hindi naman maamoy ah. Bakit siya hinimatay?" parang tangang tanong niya sa sarili. Bigla siyang nataranta. "Hey, Miss! Hey! Gumising ka!" Sabay yugyog sa dalaga. Pero hindi na ito gumagalaw. Napapalo na lang sa sariling noo si Lejan. Kung bakit naman kasi na-over whelmed siya nang pumasa ang sinusulat niyang kanta at ito na ang kakantahin nila. Mag-uumpisa na tuloy ang launching ng album nila. Sa sobrang saya niya at makita ang babaeng eksaktong kamukha ng I.d. na napulot niya hindi na niya napigilan ang sarili. Yes, he was insane kissing a girl crazily. Tiyak, makukulong talaga siya ng wala sa oras lalo na kapag nagkamalay ito. Para siyang naengkanto nang makita ang dalaga. At aminin man niya o hindi mukha itong anghel na bumaba sa kalangitan. Ang maliit na mukha nito, ang maamong mata, ang mapipintog na labi. Samahan pa ng alon-alon nitong buhok na tila isa itong diwata sa mga napapanood niyang fairtales noong bata pa siya na hanggang ngayon ay kinahiligan niyang panoorin. She was like a Goddess. Ah. No. There are no words to describe this woman standing in front of her eyes earlier. Agad na niya itong binuhat. Bigla yata siyang nag-aalala na baka magkasakit ito o kaya ay pareho silang magkasakit. Isinakay na niya ang babae sa sariling kotse at dinala sa Club House ni Aldrich Carvajal. Dahil bihira lang naman nakukumpleto ang grupo pwera pag may mahalagang okasyon. Kaya walang gaanong tao sa malaking Club House. "Are you insane?" nakakunot-noo pang tanong ni Aldrich nang tuluyan namang maibaba na ni Lejan ang babae sa kama. "Swear, bigla lang talaga siyang hinimatay sa kalsada at kamuntik kong masagasaan," pamimilit niya kay Aldrich kahit may halong kasinungalingan. "Alangan namang iwanan ko 'don 'di ba? Hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa bahay kaya dito ko na lang dinala." Sa kabila ng mga sinabi niya, binigyan pa rin siya ni Aldrich nang hindi makapaniwalang tingin. Napabuga siya ng hangin. "Dapat sa Ospital mo siya dinala. Siguradong makakasuhan ka ng harassment or worst k********g kapag nagising iyan." "Pasasalamatan niya ako kapag nalaman niyang niligtas ko siya," malakas ang loob na sabi niya. Nagkibit-balikat na lang ito saka iniwanan na siya sa loob ng kwartong ibinigay ni Aldrich para magamit nila ng dalaga. Wala kasi siyang balak iwanan ito. Parang may nagtutulak sa kanya na bantayan lang ito o panooring matulog. NARINIG niya itong umungol. Mabilis na umangat ang puwitan niya mula sa kinauupuang couch at tinungo ang kinahihigaan niya. Oo nga pala, basa ito at hindi pa napapalitan ng damit. Nang damahin ni Lejan ang noo nito ay mainit ito. Nataranta na naman siya at hindi na alam kung ano ang dapat gawin. Bigla na lang pumasok sa isipan niyang tanggalan ito ng damit at baka ito ang nagpapalala sa kalagayan nito. Dalawang huling botones na lang sana ay maaalis na niya ang blouse na unipormeng suot nito nang biglang may kumatok. "Sir Lejan, Ako po si Jema. Pinapunta ako ni Sir Aldrich para mag-assist sa bisita niyo." Sa ikatlong pagkakataon, nataranta na naman siya kaya agad niyang binotones muli ang blouse nito para magsara. Hindi na nga niya alintana kung saan na tumatama ang kamay niya kamamadaling magsarang lahat ang damit nito. "Lejan, anong ginagawa mo?" Nasubsob siya at napadapa sa katawan ng dalaga nang biglang bumukas ang pinto at marinig ang boses ni Aldrich. Natawa ito nang makita siya. Agad naman tumalikod ang nagpakilalang Jema nang makita siya sa kanyang ginagawa. "Ipaalam mo muna kung may balak kang lapastanganin ang natutulog mong bihag," pang-aasar pa nito na hindi inaalis ang ngisi. Mabilis na iniangat niya ang sarili saka ibinato ang nahagip na unang kay Aldrich. "Gago! Tiningnan ko lang kung may lagnat siya. Huwag ka ngang dirty minded! Tangina nito!" Muli itong tumawa ng nakakaloko. "Isa pang tawa mo, itong sofa na ang ibabato ko sa 'yo," banta niya sa kaibigan na agad namang natahimik na rin. Pinalabas muna sila ni Jemma para maasikaso nito at mabihisan ang kanyang bisita. Ilang minuto rin naman ay natapos na ito at siya ang unang kinausap. "Sir, mukhang mataas ang lagnat ng girlfriend nyo." Magre-react pa sana si Aldrich nang bigla niyang sikuhin at napaubo. "Sige, salamat. Jemma, right?" Tumango naman ang tinawag na Jemma at nginitian siya na parang nanghihinayang dahil may girlfriend na siya. Sumunod na rin si Aldrich kay Jemma. "Maiwan na kita. You're free to molest that girl," sabi nito habang nakabuntot ang ngising alam niyang punong-puno ng ibig sabihin. Bumalik na siya sa loob ng kwarto. Balot na balot ito ng kumot at nang muling damahin ni Lejan ang dalaga ay mainit na mainit ang katawan nito. "Arland.." Narinig pa niyang ungol nito. Maski ang paghinga nito ay napakainit, parang may kumukulong lava sa loob. Lalo pa itong namaluktot at parang lamig na lamig. Agad niyang tinungo ang Aircon hinanaan iyon at nang lingunin niya ang dalaga ay nilalamig pa rin ito. Tuluyan na niyang pinatay ang Aircon. Lumapit siyang muli sa dalaga at nang tila wala itong ipinagbago. Isa na lang ang naiisip niya. "Let me remind you, woman. Hindi ito tsansing ah," parang sira ulong sabi niya kahit alam niyang hindi naman siya maririnig ng babae. Sumilong siya sa ilalim ng kumot. Nang unti-unting bumaba ang kumot ay nakabihis na pala ito ng makapal na bestida. Namula siya nang mapansing parang may tumutulis sa bandang chest nito. Ganoon na lang ang pagkagitla niya nang mapagtantong wala itong suot na brassiere. "Holyshit! Magkakasala pa yata ako, tangina!" Napamura pa siya na tila gumagapang na rin yata sa kanya ang init na nararamdaman ng dalaga. Pakiramdam niya pati yata siya ay nilalagnat. Kinurap-kurap na lang niya ang mga mata para iwaglit ang ano mang berdeng bagay na lumalamon sa isipan niya. "I let you warm, woman." Inilapit na niyang lalo ang sariling katawan at ikinulong sa malaki niyang katawan. Hoping that his warm makes the woman at ease. Hindi niya namalayang hinihila na rin pala siya ng antok. Tiyak talagang patay na siya bukas. Patay sa babaeng nang engkanto sa kanya. Bahala na. Patay na kung patay. Basta ine-enjoy na pala niya ang nangyayari. There is no he can't, because he can't resisit her. Naging mahina yata ang depensa ng puso niya nang mga sandaling iyon, dahil rinig na rinig niya ang lakas ng t***k ng puso niya. Parang.. dagmag.dagmag.dagmag. Tama, magdamag silang magiging ganoon ang puwesto. Kailangan na niyang ihanda ang sarili kapag nagkamalay ito. Dahil tiyak, mata lang niya ang walang latay. Latay na latay na kasi ang katawan niya sa dalaga. Pinipilit na nga niyang pagkasyahin ang sarili sa nag-uumpisa niyang mag-init na katawan. At habang pinapahiga ang tumatayong flagpole. 'Gago, inosente 'yan! 'Wag kang tumayo. Parang awa mo na,' parang tangang binubulungan niya ang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD