EXELLE 2

1689 Words
MABUTI na lang at handang-handa na si Vian, daig pa niya ang girlscout. Iniabot niya sa Manager ni Rexelle Ravillo na nagpakilalang Jester Cortez ang kanyang resume na ginawa ng kanyang Boss. "Viena Abrea, nakatuntong ka pala ng kolehiyo. Pero, bakit hindi ka nagpatuloy?" Sinipat-sipat pa ng Manager ni Rexelle Ravillo ang resume na iniabot niya. Sa totoo lang wala sa resume niya o sa tanong nito nakatuon ang tingin niya, kundi kay Rexelle Ravillo na simpatiko at mukhang arogante. Hindi man lang nito siya in-entertain. Lumabas na ito at sumakay sa Van. "Miss, Viena.." pukaw nito sa kanya na nakatingin ang mga mata sa saradong pintuan ng Restaurant ng kaibigan niyang si Chilien. "Ah.. Ano.. Kakulungan po ng pinansiyal." "Hmm.. actually ang kailangan lang naman namin ay house keeper, paminsan-minsan isasama ka sa set para magdala ng mga damit na kailangan niya pero ang main work mo talaga ay sa bahay niya." Nag-fire works agad ang utak niya sa tinutukoy nitong bahay. Humanda talaga ang Rexelle Ravillo na ito. "Huwag kayong mag-alala sir! Yakang-yaka ko ang kahit anong trabaho. Laki ako ng Davao, mahirap ang buhay pero kinakaya." Mabuti na lang talaga at ipinanganak siya sa Davao at gamay niya ang lengwahe roon. "Good. So, okay lang sa iyo na sa Bahay ni Xelle tumira?" "Wala pong problema," mabilis na tugon niya na may kasunod na ngiting tagumpay. Napapansin niyang panay ang sulyap sa kanya ng lalaking Manager na mukhang naakit na rin sa kanya, what more kung ang mismong mailap na si Rexelle Ravillo na ang maakit niya? Siguradong solve na solve na ang problema niya. May itinatago rin palang kadaldalan ang lalaking ito at nasabi pa sa kanya na walang tumatagal na kasambahay o personal na katulong si Rexelle Ravillo, masyado raw kasi itong mahigpit, suplado at minsan rude kaya madalas layasan. Mukhang karamihan pa sa mga ito ay pinalalayas nito. Baka nga masyadong OC ang Rexelle Ravillo na ito. 'Well, let's see kung saan ka tatagal. Titiyakin kong ikaw ang unang susuko,' mahinang sambit ng kanyang isipan. Dinala ni Manager Jester Cortez sa Bahay na tinutuluyan ni Rexelle. "So, ito pala ang coffin niya, I mean Cabin," mahinang bulong ni Viena habang nakamasid sa paligid. "May pagka OC-ness si Xelle. Gusto niya sa lahat ng gamit orderly arrange, mula kulay, hanggang height. Kailangan din lahat malinis at mabango. Sa mga damit naman, gusto niya walang gusot at mabango. Weakness niya kapag mabango ang isang bagay gaya ng damit kaya iyon ang pagtuunan mo," mahabang litanya ng Manager habang inililibot siya sa kabuuhan ng bahay. "Wow! Ang laki ng bahay niya!" bulalas niya. Walang itulak kabigin sa kwarto niya na sala lang nito. Hindi naman din kasi sila mayaman, nakakaangat lang. At kahit pa sabihing malaki ang bahay nila, sa mga kuya pa lang niya ay tila kulang na ang bahay. Ewan nga ba at bakit hindi pa nag-aasawa ang tatlo niyang mga kuya? At palagi na lang nakabantay sa kanya. Humikab ito na tila puyat na puyat. "Ikaw na ang bahala, nasa banyo pa naman siya. I'm going home at maaga pa bukas. ibinigay ko na rin naman sa iyo ang number ko. Kung may kailangan ka, magtext ka lang. Huwag kang tumawag dahil antok pa ako, okay?" Kinindatan pa siya nito saka inilang hakbang na nilapitan siya at humalik sa pisngi niya. "Bye, Viena!" Natameme siya sa ginawa nito. They weren't close enough para hagkan siya ng ganoon. "Are you done, flirting?" "Ay bakulaw ka!" Napahawak siya sa sariling dibdib nang makita ang nakasandal na si Rexelle sa pader. His wet hair and the droplets of water down to her masculine body. Mamamia... Napapaypay tuloy bigla siya sa sarili nang sundan ang patak ng tubig mula sa basang buhok nito patungo sa katawan nito na kahit ang mga kuya niya ay walang maibubuga. "Read this," sabi nito na lumapit sa center table ng sala at may inilapag na papel. Saka ito nagtungo sa kusina at kumuha ng tubig sa Ref. Dinampot niya ang tatlong pirasong papel na kasing size ng memo note pad na dinaig pa ang manila paper sa haba ng mga nakasulat roon. Don't and Do's lang naman ang nakalathala roon. "Memorize it." Huminto ito. "In one night." At ang damuho ay tuluyan na siyang iniwan. NAPABUNTONG-HININGA si Vian o Viena. Mula nga pala ngayon ay hindi na siya tatawagin pang Vian, kung hindi opisyal na Viena na siya. Ibang phone ang dinala niya para siguradong hindi siya mako-contact lalo na ng kaibigan at mga kuya niya. Nasa loob siya ng sariling kwarto habang iniaayos ang mga damit na sinadya pa niya. Nagpaalam na rin siya sa kaibigan na magbabakasyon siya dahil hindi nito puwedeng malaman kung nasaan talaga siya ngayon. Dinampot niyang muli ang papel na may mga Do's and Dont's ng pamosong guitarist ng bandang Afterlife. "Lintik! Sa haba nito, matatapos ko ba ito isa-isa?" Natawa tuloy siya sa isiping magiging kasambahay na talaga siya. Samantalang sa bahay nila, buhay prinsesa pa siya at hindi man lamang nagagawa kahit ang magdampot ng kalat. May sarili naman kasi silang kasambahay. Dalawa ang kasambahay nila sa bahay at buhay prinsesa si Viena kung ituring ng mga kuya niya. "Ambot! (Ewan!)" Agad niyang ibinagsak ang napagod na katawan sa kama. Bahala na bukas. Wala siyang kabalak-balak na saluuhin ang mga kapritso ng lalaking iyon. Isang malalakas na katok ang nagpagising sa nahihimbing na tulog ni Viena. "Hey! Wala ka bang balak gumising?" "Inaantok pa ako. Balik ka na lang bukas," wala sa sariling tugon niya sa nagsalita. Bigla tuloy siyang napabalikwas ng bangon at naisip kung ano ang binitiwan niyang sagot. Damn! She almost forgot that she was an official Personal Alalay s***h Kasambahay of a optimistic and tyrant so called famous guitarist. Agad siyang nag-ayos sa sarili. "Pa-papalabas na!" sigaw niya. Kung dati inaabot siya ng isang oras sa paliligo sa banyo. Aba, ngayon, wala pang kinse minutos ay tapos na siya. At kagagawan iyon ng napaka-tyrant talaga na lalaking ito. Agad siyang lumabas ng kwarto. Bihis na si Rexelle nang maabutan niya. "Sir, ihahanda ko lang po ang almusal n'yo." "My breakfast should be exactly six am. Do you know what time is it now?" Napatingin siya sa malaking wall clock na nakasabit sa pader ng Kusina. Kaya pala halos tadtad ng orasan ang kabahayan dahil ayaw nito ng late. "I'll go for a drive thru. Ihahanda mo na lang ang dadalhin ko." "Po? A-Anong dadalhin?" "I already give you my pad. Hindi mo binasa?" Napangisi siya sa tinanong sa kanya ni Rexelle. "Ah eh. B-Binasa. Kaso hindi ko makabisa--" "Did I told you to memorize it?" Damn it! Hindi lang mahigpit sa oras, masyado pang diktador kung umasta. Na tila pag-aari na rin nito ang buo niyang pagkatao. "S-Sige sir." "Nevermind. Naihanda ko na rin naman kagabi. Just get my gray bag and handed it to my car." Sinulyapan pa siya nito na parang hindi niya naintindihan ang sinabi nito. "Are you deaf or dumb? Sabi ko." He paused. "I get it. Baka hindi ka nakakaintindi ng english." Inulit nito ang sinasabi sa tagalog word. "Bilis." Napapamartsang pumasok siya sa kwarto nito. Kulang na lang ay ihagis na niya sa pinto ang nadampot na gray bag sa sobrang inis. Wala pang nakatrato sa kanya ng ganoon. Kahit ang mga kuya niya ay hindi siya inuutusan. Tapos kung mag-utos ito, ga'non-ga'non na lang. Unti-unti tuloy lumalago ang inis na nararamdaman niya sa taong ito. Kasalanan talaga iyon ng Boss niya. Siya tuloy ang mukhang malabong magtagal kasama ang lalaking ito sa loob ng iisang bubong. "Grr! Nakakapanggigil ka! May araw ka rin, pakyu ka!" inis na sambit niya habang sukbit ang bag. Nakasakay na ito sa Crosswind nito nang makalabas siya ng mataas nitong bahay na wala namang second floor. Ang desenyo kasi ng bahay nito ay may hagdan palabas na halos nasa dalawampung baitang rin. Agad siyang sumakay pero hindi sa tabi nito kaya nagulat siya nang bigla itong lumabas ng sasakyan at binuksan ang pinto sa kinauupuan niya. "B-Bakit?" kinakabahang tanong niya na parang may nagawa na naman siyang mali. "Driver mo ba ako? You're not my passenger either-- Labas. Sa tabi ko ka uupo," mariing sabi nito. Napababa tuloy siya sa pagkasarap-sarap ng upo niya. "Read my notes para hindi ka nagmumukhang inosenteng tanga," sabi nito na bumalik na sa kinauupuan saka nag-seat belt. Parang gusto tuloy niyang maiyak sa sinabi nito. No one calle her stupid, not even her Kuya's nor Boss. Ito palang ang kauuna-unahang lalaking nagsabi sa kanya na isa siyang tanga. Tumingin siya sa labas ng bintana para maitago ang pamumula ng kanyang mata. 'Tiisin mo, Vian. Pinasok mo 'yan. It's for the promotion, put that in mind.' Dumaan nga muna ito sa isang Fastfood at nag-drive thru saka bumili ng aalmusalin nito na hindi man lang naisipan siyang bilhan o tanungin kung kumain na siya. Did she ever mention, he was inconsiderate in a barbaric way? Sa endrada pa lang ay pinagkakaguluhan na ang sasakyan nila ng mga fans na patay na patay dito. At gusto na rin talaga niyang patayin ang lalaking ito. That Barbaric Tyrant was really on her nerves. Bumaba na rin siya habang buhat-buhat ang bag saka ibinigay sa stylist ni Rexelle. Naupo na lang siya sa isang sulok habang nakamasid sa damuho. Tiniis niya ang pagkalam ng sikmura niya na kahit tubig ay hindi man lang nabahiran. "Hi. You look familiar," sabi ng isang lalaking lumapit sa kanya. "Who?" "My girlfriend." Saka dinampot ng lapastangang lalaki ang kamay niya at hinagkan ang likod ng kanyang palad. May lumapit pang dalawa na hindi rin niya kilala na pawang nagpapa-cute na rin. "Hindi namin alam na may bago palang model si Direk." Bigla siyang nahiya nang kumalam ang sikmura niya at tumunog ang kanyang tiyan. "Here." Iniabot nito ang isang burger. "Wala pang bawas iyan. Take it." Alinlangang kukunin niya iyon nang may biglang humila sa braso niya para tumayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD