EXELLE 1

1829 Words
HINDI lubos maisip ni Vian na mauuwi sa sad ending ang lovelife niya. Mukha na tuloy siyang nagbibilang ng boyfriend sa daliri. First is Rhaf Erick Zapanta na sinagot niya during her eighteenth birthday. Wala silang formal break-up, ni hindi nga ito nagpaalam na sa Canada na mag-aaral, nawalan na rin sila ng komunikasyon. Indikasyon lang na break na nga sila dahil wala naman siyang narinig na kahit ano mula rito. Kahit pa may dumaan na sa kanyang dalawang boyfriend, si Rhaf Erick pa rin ang mas matimbang sa puso niya, dahil ito ang kanyang unang pighati. Sumunod si Joem Salvador na hindi niya alam ay napakababaero. Nagsisisi tuloy siya at pinatagal pa niya ng limang buwan. But it was all thanks to him, she was fully matured and her eyes were wide open everything about relationship. And the last is Alvince Buencamino, known as hearthrob hunk. He was the best man feature. Drop-dead rich Playboy and her heart was really stole. Kung hindi lang na-realized ni Vian na may iba pala itong pakay sa kanya and that is her body. Bago pa man mahuli ang lahat, nakipaghiwalay na siya rito. Sa ngayon ay itinigil na niya ang makibalita sa lalaking ito, kasama ang dalawa pa niyang naging nobyo. Nakapalumbaba lang sa loob ng kwarto ang kaibigan niyang si Dea. Ayaw niyang mag-isa sa bahay lalo na kapag naroon ang tatlo niyang kuya na parang bantay-sarado lahat ng kilos at galaw niya. Kaya lagi niyang binubulabog ang mag-isa sa buhay na si Anadea Himenez na wala rin namang nagawa sa kakulitan niya. They were like siblings, since high school, Dea was her bestfriend, a long time bestfriend. "But my lovelife wasn't ends here," taas-noong sambit niya kay Dea habang nagre-reminisce ng nakaraan niyang lovelife. "Alam ko namang pare-pareho lang ang hilatsa ng mga lalaki. They were after your body and I'm aware of that but it doesn't mean magpapakatandang dalaga na lang ako. I will left my lovelife hanging for now. Alam kong marami pa rin ang magkakandarapa sa beauty ko, kaya hindi ko na iyon poproblemahin," pagmamayabang niya rito. "I'm pretty sure, someone will fall for me at nakalaan para sa akin but now I should concentrate on my career." Matagal na rin sa pinagtatrabahuang Newspaper and Magazine Company si Vian Lena Abrea o kilala bilang Vian. Iyon nga lang kahit anong performance ang gawin niya mukhang walang balak itaas ng Vice President niya ang kanyang position. Isa pa rin siyang batikang Journalist at columnist, wala man lang nag-iimprove. Samantalang, simula nang gumraduate siya ng college ay doon na siya nagtrabaho. She dedicate her life to that company, she works in eight years there. Kung sa bagay, masyado pa talagang mababa ang walong taon para masabing may maipagmamalaki na siya upang maging Supervisor. Iyon talaga ang target niyang position. Mas malaki pa nga yata ang kumpiyansa ni Vian na mahuhulog sa palad niya ang kahit sinong lalaki. Iyon nga lang hindi dumaan sa isipan niya na siya ang maghahabol. And as a matter of fact, it was happening now. Nakigaya na rin si Vian sa pangalumbaba sa harap ng center table sa sala. Nakalatag sa mesa ang next project niya bilang columnist. Trabaho niyang gumawa ng article sa bawat project na ibibigay sa kanya. Of course, it deals with famous people, having their private life and one of her very confidential project is Rexelle Ravillo. Sa lahat ng sampung pribadong buhay ay naka-rank yata ito sa pangalawa. Kung bakit naman kasi pumayag siya kapalit ng mabigat na hamon ng pinapangarap niyang posisyon, walang iba kundi ang Supervisory level. Binuksan ni Dea ang nilatag niyang folder na simula pa noong isang araw ay hindi pa niya nagawang buksan dahil alam na niyang kilala bilang isang pinakapribadong buhay ang lalaking pinatatrabaho sa kanya ng bakla niyang Vice President. "OH.MY.GOD," dahang-dahang react ni Dea na hindi nilulubayan ng tingin ang folder. "Siya ang next project mo?" "Hindi ba obvious?" Saka siya nag-iwas ng tingin habang lutang pa rin ang utak. "He was one of the best guitarist at member ng Afterlife Band." Alam na niya iyon, sino ba ang hindi makakakilala sa Afterlife? Kinain na yata ng sistema ng banda ang tao sa Pinas dahil sa Afterlife na iyon. "My golly wow! Paano mo magagawan ang taong ito? You're running into a life and death situation, honey." Nginusuhan lang niya ito at inismiran sa pang-aasar nito. By hook or by crook, kailangan niyang mapalapit sa taong ito. She will ransack his life no matter how private and how hard it is. NAG-RING ang phone niya ng tanghaling iyon, hindi siya pumasok sa trabaho, mayroon siyang isang buwan at kalahati para magawan ito ng article. Ang impaktang baklita niyang Boss ang nasa linya. Natataranta pang agad niya iyong sinagot. Wala sa sariling pinakinggan lang niya ang lahat ng sinasabi nito hanggang bigla siyang natauhan sa huli nitong sinabi. "W-What did you say? Aalis siya ng bansa?" "Yes, Darling. Kaya kung ako sa iyo, I should hurry up. Kapag mas malayo, mas mahirap. Okies." Kamuntik niyang maibato ang phone nang mawala ito sa linya. Paano naman ay hindi agad ibinanggit ng Boss niya na ang next project ay si Rexelle Ravillo. If she, I mean he, ask her out that she'll do an article for Rexelle Ravillo. She would have said no, maybe she wouldn't have come right out and refused or maybe--probably she'll be passing it on one of her officemate. Or she can do many excuses just to get rid that big problem--big project. And now, she agonized everything as if it turns hard, harder and hardest thing to do. Saglit lang siyang nakatulog matapos niyang makausap ang Baklitang Boss. Napakabigat ng pakiramdam ni Vian para gawin ang project. Yes, she was brave but not all times. So, she need to be brave now, not only for the project but for the position she desired to have. Nangangalumatang bumangon siya para pumasok sa opisina. May naiisip na raw paraan ang Baklitang Boss para magawa niya ang project. Pagdating sa Office ay agad siyang sinalubong ng kanyang Boss. "Oh, Darling, you looks like you didn't get sleep." Kung hindi lang niya ito Boss, baka nasakal na niya ito sa pang-aasar nito sa kanya. Inalalayan pa siya nitong makaupo sa bakanteng upuan sa tapat nito, saka ito pumasok sa kabilang mesa at naupo na rin sa harap niya. "Kailangan mong magawa ang project na ito, but not on my account. Ako na ang bahala sa dokumentong kailangan mo. At itatago rin namin ang lahat ng impormasyon tungkol sa iyon. But if I have that kind of face and I'm young, I'll definetly use my charm. You know Vian, you are the most beautiful and good looking woman than any other employees, and you're intelligent enough for the job position. You know what I mean." Nataasan niya ito ng kilay. Alam na niyang inuuto lang siya nito sa mga pamboboloa nito. At oo, siya rin talaga ang napipisil nito para sa posisyong iyon. "Much better kung hawak mo na siya sa leeg. Use your charm, Darling. I'm sure he might fall on your hand," pagpapatuloy nito. Malungkot habang nakayukong lumabas siya ng opisina. Hindi na niya pinansin ang mga nakakasalubong niya. Kailangan pa kasi niyang magmadali patungong Airport lalo pa at may balakitong magbakasyon ng dalawang linggo sa Italy. Mababawasan pa ng dalawang linggong palugit ang trabaho niya kapag hindi niya ito naabutan. Tangay ang sariling sasakyan ay dumaan muna siya sa favorite niyang Restaurant. Gustong-gusto talaga niya ang sine-serve ng mga ito na Chili Ice cream. The Chilien Restaurant is the best restaurant she ever visit. Naabutan pa niyang nakaupo sa stall ang asawa ng may-ari. Kilala na niya ang may-ari ng Restaurant na iyon lalo pa at nakikipagkwentuhan siya kapag wala siyang project. Maliban lang sa asawa nito na ngayon lang niya nakita. "What's with that look?" tanong nito, saka itinigil ang pagpupunas ng mga baso. "Sabi ko naman sa iyo ako na ang gagawa niyan," sabi naman ng asawa nito na lumapit sabay yakap kay Chilien. Gusto tuloy niyang mapapikit sa harap-harapang paglalandian ng mga ito. "Doon ka na nga sa Resto-Bar mo!" pagtataboy ni Chilien sa asawa nito na hindi man lang nagawang ipakilala siya. Masyado ngang occupied ang utak niya at blotted ang sariling tiyan para hindi mapansin ang komusyon sa Restaurant na iyon. Kung hindi pa siya tinapik ni Chili ay hindi pa siya matatauhan. "B-Bakit?" Ininguso naman nito ang tinatanong niya. 'Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Akalain mong narito siya.' Kaya pala may nakalagay na reserve sa pintuan at malakas lang talaga ang loob niyang pumasok kahit pa io pala ang nagpa-reserve sa buong Restaurant. Handa na sana siyang lumapit sa mga ito ngunit hindi inaasahan ni Vian ang masasaksihan. Kung mahilig ka sa drama, siguradong pati puso mo ay maantig. Siguradong bebenta pa ito sa takilya. Dahil masyado siyang usisesera ay hindi siya nag-atubiling lumapit sa nagaganap na 'wanna be drama take'. "What are you doing? I said you're fired. Get out!" sabi ng kontrabida este ni Rexelle Ravillo habang todo pakiusap naman ang bidang babae. "Sir, parang awa ni'yo na po, handa ko namang gawin ang lahat. Huwag ni'yo lang po akong sesantehin," sabi naman ng bida habang halos lumuhod na sa harapan ng nakatayong kontrabida. Nagningning ang kanyang mata at naisip na sundan ang susunod na eksena. 'Ang kaawa-awang bida, hindi man lang magawang ipagtanggol ang sarili sa isang tyrant.' Dahil na rin sa awa at kapal ng mukha naitulak ni Vian ang sarili para lapitan ang mga ito. Tumuon siya sa babae. "Tumayo ka na riyan." Napatuon siya sa lalaking nakaupo saka lakas-loob na minandaran ito. Ganitong stress siya, wala ni sino ang kayang pigilan ang inis niya lalo pa ngayon. "Sino ka ba sa akala mo, Santo? Humingi na nga ng tawad iyong tao. Kung ako naman sa kanya, maninilbihan din ako kahit habang-buhay para maituwid o mabayaran ko lang ang mga pagkakamali ko." Dumekwatro ang walang hiya at hindi siya nagawang sulyapan man lang. Hindi napansin ni Vian ang pagdating ng isa pang lalaki at tumayo sa tabi ni Rexelle Ravillo. "You're good. Nag-aaply ka ba bilang personal assistant?" Napatanga siya sa sinabi ng lalaki. Naguluhan siya sa sinabi ng isa pero parang gusto niya ang itinatakbo ng lahat. "O-Opo," mabilis na sagot niya. "Then hired ka na." Saka tumuon ang lalaki sa babaeng nagpupunas ang luha at nakatayo na. "Sorry, Andrea, pero may nakuha na kaming kapalit mo. Hindi mo dapat ginawa iyon sa umpisa pa lang." Napamasid si Vian sa babae na tinaasan pa siya ng kilay. "Akala ko pa naman tutulungan mo ako. Pero inagawan mo pa ako. Hmp!" Biglang pagtataray nito na mabilis na nag-walk out palabas sa Restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD