KAAGAD na nilingon ni Edina ang tumawag sa kanya.
"Miss, Edina Ballejos?"
"Ako po," sabi niya na parang nagsasabi ng present sa teacher.
"Pasok ka na rito,” utos ng kung sino sa kanya.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-irap ng babaeng nagpapasok sa kanya, na parang hindi siya nito gusto. Fair lang, hindi rin naman niya ito gusto. At kung matatanggap siya, ayaw niyang makasama ito.
"Nasa 10th floor ang office ni sir. Chase. Umakyat ka na lang daw," may irap na namang sabi nito.
"Okay. Salamat." Pero sa isip niya inirapan din niya ito.
Naglakad na siya papasok sa elevator at pumindot sa 10th button. Nag-iisip na siya ng mga sasabihin kung may interview pa siyang pagdadaanan.
Sa wakas ay nakatuntong na siya sa 10th floor.
"Ms.Ballejos?" tanong ng sexy-ng babae, dahil sa ayos nito at mukhang palaging blooming.
Tumango siya bilang sagot. Napangiti siya, dahil hindi ito katulad 'nong nauna na simpatika, samantalang ito ay palaging nakangiti. Dumiretsong pasok na siya baka isipin ni Mr.Chase, pa-importante pa siya.
Nakatayo siya sa tapat ng nakatalikod na swivel chair. Binusog muna niya ang mga mata sa paglalakbay sa kabuuhan ng Office nito. Maganda at halatang mayaman ang may-ari plus mabango ang paligid kasing amoy nito.
"Have a sit," biglang sabi nito.
"Hah?" Nabigla siya, kaya iyon ang agad lumabas sa bibig niya. Sana lang isipin nito na hindi niya narinig, kaya lang lalo siyang nagmumukhang tanga. Dahil kaunting Ingles lang naman ang nauunawaan niya. Iyong Fifty shades na pinanood nilang dalawa sa CD ay pinatranslate pa niya kay Aleja para lang maintindihan.
"Sabi ko, maupo ka." Inikot nito ang swivel chair at hinarap siya. "Tanggap ka na."
"Hah!!" This time lalo siyang nabigla, dahil sigurado na siyang hindi siya nabibingi.
"Pwede ka ng magsimula ngayon mismo," nakangiting sabi pa nito. Pakiramdam niya mahuhulog ang panty niya dahil sa ganda ng ngiti nito, pantay ang mga ngipin nito at tinalo ang kaputian ng ngipin niya na tatlong beses sa isang linggo niya kuskusin ng asin.
"T-Teka lang sir." Pano na siya natanggap agad gayong ‘di pa nito nababasa ang bio-data niya? Napakaimposible namang natanggap agad siya nang ganoon na lang.
"I already read your profile." Mukhang nabasa nito ang nilalaman ng isip niya. Eh, ang puso kaya niya, nabasa din kaya nito? Mukhang puso niya ang mauunang mahulog bago pa ang panty niya.
"P-pero sir," tutol na naman niya na hindi kumbinsido sa sinabi ng gwapong lalaking kaharap niya ngayon.
"Ayaw mo ba?" Kumunot ang noo nito, pati ba namam kahit pagkunot ng noo nito, gwapo pa rin. Naisip niyang bigla si Alden Richards. ‘Ganito siguro ang hitsura ni Alden kapag tumuntong ng 27 to thirty’s, gwapong-gwapo. Parang walang maipipintas.’
"H-hindi naman po sa ayaw, kaya lang... Nabigla po ako. H-hindi ko inaasahan. Thank you po. Salamat po talaga," pasalamat niya na kulang na lang magtatatalon siya sa tuwa, dahil wala ng exam or maraming interview, ora-orada na-hire agad siya. "Saan po ba ako magsisimulang maglinis? Dito po ba sa office nyo?"
"Buong floor ay office ko. I'm not sure na matatapos mong linisan iyon." Nawala ang ngiti sa labi niya mula sa sinabi nito. "Hey, lighten up! May sinabi ba akong Janitress ang trabaho mo? Hindi iyon ang gagawin mo."
Bigla itong napatingin—hinagod siya ng tingin, agad niyang tinakpan ang katawan na akala mo'y wala siyang suot. "T-teka lang sir. Hindi yata tayo nagkakaintindihan. Wala ‘yan sa inapply-an ko. Hindi ko ibebenta ang katawan ko at hindi ako magiging submissive kahit presyuhan nyo pa ako. Isa pa.." Napahinto siya at nag-aalinlangang magsalita.
"Isa pa, ano?" takang tanong nito sa nabitin niyang salita.
"Isa pa, wala pang kumukuha ng Bataan kay Magellan." Napakamot-ulo siya. ’Bataan nga ba si Magellan? C ata nagsisimula 'yon, ‘di ba nga Mi ultimo Adios ang sabi niya or in translation I shall return. Teka, kay Magellan nga ba 'yon?’ biglang endrada naman ng utak niya.
Nagbuhol-buhol ang detalye sa utak niya dahil sa labis na pagkabigla sa mga tinuran nito.
Wala pang ilang segundo napuno ng tawa ang buong kwarto nito nang humagalpak ito ng tawa.
"You're....” habang pigil ang pagtawa. “You’re funny..” sabi nito sa pagitan ng paghalakhak at nakahawak na sa sariling tiyan. ”I like you,” dagdag pa nito na halos gumulong na sa katatawa.
NAKATINGIN lang siya sa sahig at pakiramdam niya gusto na niyang ibaon ang mukha at sarili sa tiled floors nito. Sino ba naman ang hindi mapapahiya? Lalo na nang sabihin nitong, gagawin pala siya nitong Assistant.
“S-Sir, hindi naman po yata makatarungang gawin ninyo akong Assistant,” mayamaya ay reklamo niya. Ano ba naman kasi ang alam niya sa pagiging assistant? Hindi naman siya graduate o kung may espesyal na kakaiba sa kanya para maging assistant siya nito.
“Actually Ms. Edina. Nakabakasyon ang assistant ko at ngayon ay kinakailangan ko lang talaga ng assistant. Naka-emergency leave siya kaya hindi ko rin siya pwedeng kausapin,”mahabang eksplenasyon nito na nagpatahimik sa kanya.
Hindi na rin siya nakatutol. Kaysa naman walang trabaho, tinanggap na rin niya iyon kahit napipilitan. Naisip na lang niya na sana hindi ito isang m******s , masochist Tyrant superior.
Bakit naman kasi kailangan pa nitong tingnan ang buong katawan niya? Oo nga naman pala, dahil kailangan siyang i-make over. Pakiramdam niya naligo siya ng kahihiyan dahil sa mga sinabi niya. Sana kasi nag-isip muna siya hindi kung anu-anong pagka-green ang lumalabas sa utak niya. Wala naman sa hilatsa nito ang magmukhang m******s lalo naman sa isang kagaya niya.
Bakit nga naman siya papatulan nito? Wala naman siyang ibubuga ikumpara sa mga babaeng nasa labas ng opisina nito, disente na, walang itulak kabigin pa ang katawan at mukha—complete package ika nga.
‘Haay.. gaga ka talaga Edina. Ang tanga mo!’ kinakagalitan niya ang sarili nang magsalita ito para basagin ang katahimikan ng opisina nito.
"I guess, about your salary makakaasa kang magugustuhan mo ang pasahod ko." Mayamaya ay dinampot nito ang sariling phone at may dini-al na numero, hindi niya masiyadong maintindihan dahil mahina ang boses nito, isa pa ay malapit siya sa Aircon na bahagyang maingay.
“Wag kang mag-alala, darating na rito ang isusuot mo,” nakangiting sabi nito saka ibinalik ang mata sa monitor.
Ba’t ba ang hilig nitong ngumiti? Kinikilig tuloy ang v****a niya. Susuotin? Ibig bang sabihin binilihan pa talaga siya nito para lang umakma ang ang attire niya sa Office nito. ‘Nakakahiya,’ iyon na lang ang nasabi niya.
Ilang minuto rin ay dumating ang sinasabi nitong isusuot niya. Nakalagay sa tatlong paper bag. “Come here, Edina.” Nakalapag ang paper bags sa harapan ng mesa nito.
Lumapit naman siya nang marinig ang pangalan niya. “A-ano po ‘yan?”
“’Yan ang isusuot mo. I hope magkasiya sa’yo. Sige na, magbihis ka na.”
“Po?!” nagugulumihanang tanong niya habang nanlalaki ang mga mata. Pati yata tainga niya ay nanlalaki din sa mga sinasabi nito.
“Sabi ko, maghubad ka na at magbihis”
“D-dito po sa Opisina nyo?” ulit niya, baka kasi hindi nito naunawaaan ang ibig niyang sabihin. Hindi niya kayang maghubad lalo naman sa harapan nito.
Muli itong tumawa ng malutong, hindi tulad ni Alden Richards, ito ay walang dimple, pero cute pa rin—Ay hindi! Gwapo pala, dahil maputi ito, matangkad at may magandang brownish na pares ng mga mata. Ang ganda ng lahi nito.
“Sorry, hindi ko nasabi sa ’yong may banyo sa Opisina ko.” Nagmwestra ito mula sa kaliwa. “May makikita kang pinto. Iyon na ang banyo ko.”
“S-sige po.” Napayuko siya dahil sa labis na pagkapahiya.
Ilang beses pa ba siyang kailangang mapahiya dahil sa gwapong nilalang na ito? Pero kahit libong beses pa, wala na siyang pakialam, dahil kung ganito kagwapo at lalong gumagwapo pagnakatawa aba, isa na siyang masuwerteng nilalang.
“Anak ng tipaklong! Pati bra at panty binilhan niya ako?” Pulang-pula ang mukha niya nang sukatin niya ang mga damit panloob. At masasabi niyang eksperto ang binata dahil akmang-akma ang mga damit panloob niya. Ngayon, alam na niya kung bakit siya nito tiningnan nang GANUN kanina. Dahil sinusukat na nito ang katawan niya. ‘Grabe! Wala sa hitsura niya ang mukhang m******s, pero siguro kung sino-sino ng babae ang naikama ng lalaking ‘yo,’ hindi mapigilang sabi ng kanyang pakialamerang isipan.
“Kung umatras na lang kaya ako?” Napahugot siya ng malalim na buntong hininga saka niya sinuot ang mga damit na binili nito para sa kanya.
Nag-aalinlangang lumabas siya ng banyo matapos ang halos isang oras dahil hindi siya mapakali sa postura. Pakiramdam niya ay lalabas na ang kanyang kaluluwa sa suot niyang lumulukab na plain skirt na halos kalahati lamang ng kanyang hita ang haba. Talaga bang nakadamit siya? Bakit kapiraso? Silk na blouse sleeveless ang top na may ternong three-fourth Blazer.
Panay pa ang hila niya sa palda niya nang tuluyan siyang lumabas ng banyo. Kung tumuwad siguro siya, kita na agad ang kuyukot niya. At pati pa ang top niya, lumalabas na rin ang pisngi ng dibdib niya. Kahit naman anong takip ng Blazer niya ay kapos din ito.
‘Diyos ko po, m******s ba ang lalaking ito? Ilayo nyo po ako sa kanya.’ panalangin niya.
“What took you so—?” biglang nabitin ang tanong nito nang makita siya. “Wow! You’re very good to that!”
‘Hah! Ang alin, ang magpakita ng cleavage at kuyukot?—she hissed.
“Sir, hindi ko—“
Biglang pinutol ng hudas ang sinasabi niya. Kanina, halos purihin niya maging ang libag nito, ngayon gusto na niyang isumpa hanggang talampakan ang lalaking ito. She never dress like a b***h in her life, pakiramdam niya isa siyang put*—kalapating mababa ang lipad sa cabaret.
“Alam ko. Alam kong hindi mo gusto ang ganiyang kasuotan. Okay lang, naiintindihan ko na hindi mo kayang magsuot ng ganyan. In the very first place, alam kong hindi ka magsusuot ng ganyan.”
“P-puwede ko na po bang hubarin?” paniniguradong tanong niya.
“No. Not yet!” Not yet? Eh, kanina parang kasasabi lang nito na naiintindihan siya. Na’san na ang ‘naiintindihan ko’ word nito? Grr.. “Sorry, Ms. Edina, but the time still running. Sa tingin ko naman walang mambabastos sa’yo, kaya I guess kailangan na muna kitang utusan downstairs. I badly need the compact disc for my presentation and I already sent you as my assistant who will pick it up for me. Sorry, but this was urgent than your tantrums, I hope you understand,” pagpapaawa pa nito, at nanalo ang loko dahil napasunod siya.
Halos itulak niya ang kanyang paa sa utos ng kanyang kamahalan, kanda tapilok pa nga siya sa suot niyang two-inches stiletto sandals. Nasa fourth floor ang pinakuha nito, naroon ang opisina ni Mr. de Silva, ang pagkukuhaan niya ng Compact Disc.
Papasok pa lang siya ng lobby, pinagtitnginan at pinagbubulungan na siya.
“I heard, siya raw ang pinalit nila kay Melody. What a crap!”
“Ano na bang nangyari sa taste ni Sir.Chase?”
“She’s really poor, ugly, gold-digger, pakarat, b***h!”
“Sinabi mo pa. Sir. Chase won’t take time for this ugly b***h girl”
Nangangati na ang mga paa niyang hubarin ang sapatos para itusok sa mga lalamunan ng mga tsismosang impakta at put*ng babaeng mga ito ang kanyang matulis na takong. She doesn’t have the chance and privilege doing it when a man who’s in his mid-forties approaches her.
“I guess you are Ms. Ballejos. Edina right?” Tumango lang siya. “The innocent girl of Mr. Chase. Here is the disc.” Mabilis niyang kinuha ang iniabot nitong disc. Nailang siya sa pinupukol nitong kakaibang tingin.
“Thank you sir.”
Agad din siyang tumalima lalo na ng pumukol ang mga mata ng lalaki sa dibdib niya. 'Nasan na ang 'walang mambabastos daw' sa kanya term ng hudas na Chase na 'yon?
Gusto niyang manugod at sakalin ang hinayupak na Chase na ito, gusto niyang patikimin ito ng sampal. Kaliwa. Kanan. At mag-asawa. Gusto niya itong tuhuran at bayagan baka sakaling matauhan ito para hindi na siya nito gawing tau-tauhan o sunod-sunuran.
Walang imik na inilapag niya sa table nito ang pinakuha nitong compact disc.
“Thank you,” sabi nito na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Okay, good sa kanya na wag na siya nitong paliguan ng tingin, lalo na ‘iyong tila hinuhubaran. Dahil wala ng mahuhubad sa kanya dahil para na rin siyang nakahubad.
Naglakad siya patungo sa bag niya at agad niyang kihuha ang cellphone at patago niyang sinuksok sa maliit na bulsa ng coat niya.
“S-sir, may kailangan pa po ba kayo?”
“Ikaw yata ang may kailangan.” Bakit ba napakaperpekto—matalino, gwapo, mayaman, mabait at err, m******s? nito? At hindi pa niya sinasabi alam na nito ang laman ng isip niya.
“S-Sir, nakiusap kasi sa’kin si Aleja na tawagan ko siya—siya ang kasama ko sa bah—“
“Go ahead.” Binitin na naman siya nito.
Hindi na siya nagdalawang isip na i-dial ang number ni Aleja—ang kasama niya sa bahay na inuupahan nila.
“Hello Aleja, bakit mo ako pinapatawag? Ano! May nangyari ba sa bahay?” Sana hindi nito mahalata na wala siyang kausap dahil wala naman siyang load. Never pa siyang nagsinungaling, ngayon pa lang. Sana lang kumagat ito. Dahil kating-kati na talaga ang mga paa niyang kumaripas ng takbo palayo sa lalaking ito. Kahit pa mukha itong Santo o mukhang Greek God, hindi pa rin siya papayag na ganon-ganunin lang siya nito.
“I guess that was an emergency. Sige, you can go.”
“Salamat sir.”
Agad niyang kinuha ang mga hinubad niyang damit at mabilis na lumabas ng opisina nito, kailangan niyang makapagpalit agad ng dati niyang damit at makaalis sa m******s na Chase na ‘yon—sa opisina at building na iyon.
Kung maaari lang na tumakbo na siya, o talunin ang building mula 10th floor hanggang ground kanina pa sana niya ginawa. Pero dahil elevator lang naman ang madaling paraan iyon na lang ang ginamit niya. Mukhang hindi na niya gugustuhin pang bumalik sa lugar na iyon lalo pa at dignidad niya ang nakasalalay.
She knows there is something with Mr. Chase Dela Torre aside from being humble and almost perfect-to-prince-charming. Sigurado siyang may mali sa pagkatao nito at wala na siyang balak pang dumating sa puntong ‘yon. Wala nga ba?