CHASE 1

2164 Words
KANINA pa nagbibilang ng natanggap na suweldo si Edina, ngunit kahit anong gawin niya, kulang pa rin iyon pandagdag sa gamot ng kanyang amang may sakit. Siya ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid, ang ina naman niya ay naglalabada, ngunit hindi pa rin sapat para sa pang araw-araw nilang pangangailangan lalo pa at nag-aaral pa ang dalawa niyang kapatid na ang isa ay nasa hayskul at elementarya naman ang bunso. Idagdag pa na, nangungupahan siya sa Maynila para magtrabaho dahil sa Cavite pa siya umuuwi, at tuwing araw pag suweldo lang siya bumibisita. "Ate, nagsasalita na ‘yong sapatos ko, kailangan ko na ng bagong sapatos," sabi ni Angelo, ang ikalawa niyang kapatid. "Ipatahi na lang muna natin kay Mang Teban, Angelo. Mas kailangan ng ama mo ang pera," pigil ng kanyang ina na kasalukuyang naghahanda ng hapunan nilang Tuyo at bahaw na kanin. Naawa man siya sa kalagayan nila, wala rin naman siyang magagawa dahil kapos talaga sila sa pinansiyal. Lumapit siya sa kanyang ina at niyakap ito mula sa likuran. "Inay, ito na po ang sweldo ko, wala pang bawas iyan." Tinanggap naman ng kanyang ina. Saka inalis ang pagyakap dito. "Siguro mas mabuting maghanap ka na ng masmalaking kikitain. Hindi sapat ang kinikita mo bilang service crew." Bakas sa boses ng ina niya ang paghihirap para siguro pagkasiyahin ang kinikita nilang dalawa. Napapikit nang mariin si Edina saka sumagot. "Alam ko po. Hayaan nyo at bukas o sa makalawa, aabsent ako at susubukan kong mag-apply sa mga Kompaniya." Hindi na niya alam ang dapat gawin at kung paanong paraan niya matutulungan ang pamilya sa labis na hirap. Sa ilang taon siyang tumira sa Cavite, kailanman ay hindi niya naramdaman ang kaginhawaan. Kung kaya lang niyang mabago ang ikot ng mundo at mabago ang buhay nila, matagal na siguro niyang nagawa. Hindi na rin nag-aksaya ng panahon si Edina. Nang makarating sa Manila ay agad siyang nagpaalam sa kanyang Boss. Kahit pahirapan ang pagpapaalam doon. Swerte na lamang niya at laging inaalalayan siya ni Aleja. Ang babaeng itinuring niyang kaibigan at naaasahan niya anumang oras. Tinupad rin niya ang kanyang sinabi. Matapos makapagpaalam sa kaibigan, kinaumagahan ay agad siyang nagtungo sa Makati. Doon ang balak niyang aplayan. Sapat ang perang baon niya habang nakasuot lang siya ng puting polo shirt, kupas na pantalon at rubbershoes dala ang naka brown envelope na resume niya. Nakatayo na siya sa isa sa mataas na gusali sa Makati, nangangarap at nagdarasal na sana ay makapasok siya sa isa sa mga kompaniyang iyon. Janitress ang balak niyang aplayan. Agad siyang pumasok sa loob at dumiretso sa reception Area."Miss, excuse me.Nakita ko po na hiring kayo at kailangan nyo ng Janitress." Kahit pa suntok sa buwan ay umaasa siyang baka sakaling matanggap siya, lalo na nang mabasa niyang College level ang kailangan ng mga ito at high school graduate lang siya. "Ganun ba. Sige, may I.D. ka ba?" Ibinigay naman niya sa Receptionist ang I.D. at inabutan siya nito ng gate pass. "Seventh Floor po ang hiring and interview section," pahabol pang sabi nito sa kanya. Agad siyang pumasok sa elevator at pinindot ang Seventh Button. Ngunit nang lumabas siya iba't-ibang pinto ang nakahilera at hindi niya alam kung alin ang dapat niyang pasukan. Pasalamat naman siya at nakita niya ang isang Janitress base sa suot nitong asul na blouse. "Excuse po, saan ba banda ang interview para sa aplikante?" magalang na tanong niya rito. Nakangiti rin naman siyang sinagot nito. "Lakad ka pakaliwa, may makikita kang puting pinto, pasok ka na lang diretso." "Ah sige salamat." Tatalikod na sana siya nang bigla itong muling magsalita. "S-sandali lang. Pwede bang humingi ng favor sa'yo?" Wala siyang balak tanggapin ang favor nito, pero naawa naman siya dito lalo na at mukhang hindi na nito matiis na hindi magbanyo at baka magkalat pa ito. Kailangan lang naman niyang ilampaso ang buong hallway ng floor na iyon, madali lang naman para sa kanya, kaya lang nga kailangan niyang umatend ng interview. "Excuse me, medyo mabula pa sa parteng iyon, dapat yata mailampasong maigi, baka may madulas," puna ng lalaking kumalabit sa kanya. Dahan-dahan naman niyang nilingunanan ang lalaking kumalabit sa kanya. Para siyang natulos sa kinatatayuan nang makita ang mukha nito. Napatulala siya, hindi dahil sa sinabi nito kundi sa kagwapuhang taglay nito, halos hawigan nito si Alden Richards—matured na Alden Richards. Makapal ng kaunti ang kilay nito at ang pupula ng labi nito na parang masarap halikan.—‘Tse! Magtigil ka nga!’warning niya sa malanding sarili. Napailing-iling siya sa isiping iyon. "AY DIYOS ko po!" Napatutop siya sa sariling bibig at dali-daling pinuntahan ang lalaki. Kasasabi lang nito na madulas, hayun at nadulas nga ito. Bumilis ang t***k ng puso niya na parang nagrambulan lalo na nang mahawakan niya ito. ‘Ay putsa, ba’t ang pogi mo?’ malanding sabi na naman ng kanyang sarili. "N-Naku.. O-Okay ka lang ba? M-may masakit ba sa'yo?" she stammers, holding her breath, langhap na langhap niya ang pabango nito na tiyak niyang mamahalin. "Salamat," gagad nito. "Ouch, I think my butt and waist hurts." "Naku, sorry talaga sir," hingi niya ng paumanhin habang nakayuko. "I don't think I can walk. Come, accompany me going to the Clinic" napakunot noo siya mula sa sinabi nito na hindi niya naintindihan. Nagulat na lamang siya ng akbayan siya nito at hinila pasakay ng elevator. "Third floor ang clinic," sabi na naman nito na bahagyang nakangiwi na dahil sa iniindang sakit. Kinilig naman ang malandi niyang sistema dahil sa pagkakadikit ng katawan nila. Parang gusto niya tuloy na lumayo pa ang clinic para matagal silang magkasama. Nakarating na sila sa Third Floor. Ang bilis naman! Wala na tuloy siyang mapagpilian kundi ang ipaalalay ito sa nurse na naroon. Agad inalalayan ng nurse ang tinawag nitong sir Chase, mukhang kilala ito sa kompaniyang iyon. Aalis na sana siya nang pigilan siya nito. Bigla siyang kinabahan, tiyak pagagalitan siya nito. "Janitress ka ba ta—" Pinutol niya ang sinabi nito at inaming aplikante siya ngunit malabo ng matanggap pa siya dahil sa nagawa niya. "Sorry, my fault. Hindi ko naman intensyong ganito ang mangyari," malungkot na sabi nito na mukhang seryoso sa paghingi ng paumanhin sa kanya. "But don't worry, I will do the exchange. Gusto mo lang palang makapasok ng Janitress, ako na'ng bahala sa'yo." Magsasalita pa sana siya nang bigla siya nitong pigilan. "Bumalik ka dito bukas, same time and same place." Atubiling nagpasalamat siya dito. Ipagdarasal na lang siguro niya na gumaling ang katawan nito. Dahil may oras pa siya para magtrabaho, dumiretso na lang siya sa Fast food na pinagtatrabahuan niya. "Bakit ba ngayon ka lang dumating?" salubong ng bruhilda niyang manager. Mangangatwiran pa sana siya nang unahan siya nito. "Kumilos ka na, maraming customer ang naghihintay." mataray na singhal nito habang nakapamewang pa. Natahimik na lang siya at agad nagtungo sa may kusina, dumiretso sa locker Area at agad kinuha ang uniporme, bigla tuloy siyang nagsisi. Sana pala umuwi na lang siya. Kung hindi lang niya iniisip ang sweldo na wala sa minimum at halos kakarampot lang, ay hindi siya mag-aabalang pumasok at magpatuloy sa pagtatrabaho. "Edina! Ano ba, bilisan mo na dyan!" sigaw na naman ng bruha. "Oho! Nandyan na!" Pinilit na lang niyang alalahanin ang gwapong mukha ng lalaki. Sa edad niyang bente tres, hindi pa siya nagkakanobyo, bukod sa ayaw niya, ayaw din ng mga ito na maging responsibilidad ang pamilya niya—in short ayaw nilang akuin ang mga ito. Kaya mas pinili niyang huwag ng ma-in love o magkanobyo. Impit siyang napatili nang kurutin siya ni Aleja sa tagiliran. "Uy, ano ba!" "Ikaw hah, napansin ko, nakangiti ka at nagde-day dreaming. Ano bang nangyari?" malanding sabi ng kanyang kaibigan na ginatungan pa ng malanding pang-aasar. "Shhh.. mamaya ko na lang ikukwento sa'yo baka mahuli tayo ni Bruhi—ni Mam. Irma." Si Alleycia Jacinto o Aleja ng kasama niya sa maliit nilang Mansion, may asawa na ito, ngunit nasa probinsiya, at kagaya niya, tatlong taon na silang nagtatrabaho sa Fastfood na kada isang taon sampung piso lang ang itinataas ng sweldo nila. "Okay, sinabi mo eh,” kasunod ang hagikgik na naman nito. Laking pasalamat niya at tapos na ang oras—miserableng araw dito sa Fastfood ng Bruhildang si Irma at ang kuripot na Chinese na nagmamay-ari nito. "Oh, ano na?" hindi makapaghintay na sabi nito. "Excited lang. Mamaya na, paglabas natin dito." Nakaagapay na sagot niya. Bagamat hindi pa rin naalis ang mga ngiting iyon sa labi niya, sinubukan din niyang amoyin ang sarili niya. Anak ng amoy Fafa! Dumikit sa kanya ang mamahaling pabango nito. Nakiamoy na rin sa kanya si Aleja. "Teng, nagbago ka ba ng pabango?" "Gaga, hindi." Agad niyang kinuha ang brown envelope na dala niya kanina. At nagpatiuna ng lumabas ng Fastfood. Hanggang nakarating na sila sa inuupahang bahay ay patuloy pa rin ito sa pangungulit. "As in gwapo talaga?" pangungumpirma ni Aleja habang nagpapalit ito ng damit pambahay. "Oo nga. As in spell Gwapo. Kaya lang suntok rin sa buwan na magkagusto sa ’kin ‘yon, kasi feeling ko kung hindi GF baka may sabit na,” bakas sa boses niya ang lungkot na kinukumbinsi ang sarili na sana hindi totoo ang iniisip niya. Hindi naman kasi siya ang tipo ng babaeng mahilig maghabol, lalo pa kung kagaya rin naman niyong Chase na nadulas, kahit sinong babae magkakandarapa dito. Gwapo na, mayaman, at mukhang mabait at hindi pa mayabang. What a girl could ask for? That man is what an every girl dream. "O siya, ganito, picture-an mo na lang para sakin." Natahimik siyang sandali sa sinabi ni Aleja. Pakiramdam niya nainsulto siya. Paano nga naman niya magagawa iyon, eh wala naman siyang cellphone na de camera. Ang cellphone niya, Nokia 3315 pa din. Mas nanaisin pa niyang magtiis sa ganung cellphone na laging nagha-hang at madalas mamatay, kesa sa mamahaling cellphone na ano mang oras di mo namamalayang na-snatch or nadukot na pala. Napansin naman agad ni Aleja ang tinuran ni Edina. "Gagang to, teng, ipapahiram ko sa'yo 'tong CP ko bukas, kaya wag ka ng mag-inarte dyan na parang namatayan o nainsulto." "Oo na po. Sabihin mo na lang bukas, inaantok na ako." Agad siyang umakyat sa Double Deck na manipis ang kutson. Tatlong taon na rin kasi niya itong pinagtatyagaan, halos maramdaman na nga niya ang mga kahoy sa Deck. "Hindi ka ba maghahapunan? Bibili ako ng barbeque dyan sa may kanto," pag kasabi'y tumayo na ito sa harap ng pinto. Iling lang ang sinagot niya. Naisip nito'y marahil nga at pagod ito. Kaya hinayaan na lang siya. Pero hindi rin siya natitiis nito, malamang bukas ng umaga paggising niya ay tinabihan na siya nito ng Barbeque. Hindi nga siya nagkamali dahil iyon pa ang inagahan niya bago siya umalis ng paupahang bahay nila.Kinausap na rin niya ito na magdahilan na lang kung bakit siya absent ngayong araw, hindi niya kasi iyon pinaalam, hindi katulad kahapon na nag-excuse siya na magha-halfday dahil nagkaron ng emergency sa kanila—sa Cavite. Same time, same place iyon ang usapan na sinabi ng gwapong lalaki sa kanya. Kaya, maaga pa ng kalahating oras ay naroon na siya. Hindi basta-basta nagpapapasok ang Building na iyon, ngunit nakapagtataka lang nang banggitin niya ang pangalan niya ay magiliw siyang pinapasok ng Receptionist nang sitahin siya ng guwardiya. Inalis na lang niya ang isiping iyon, nakaramdam siya ng malamig dahil na rin sa lakas ng Aircon ng Building na iyon, kaya nagawa niyang magbanyo muna. Kinakabahan din siya. Pakiramdam niya nasa Fifty shades siya at mag-iinterview, lalo pa at kuntodo effort siya ngayon. Pinagpilitan kasi ni Aleja na magsuot siya ng skirt na pakiramdam niya ay nakikita na ang kuyukot niya. Kahit pa abot naman ito sa tuhod niya. Pinarisan niya ito ng beige na blouse na ipinahiram din nito, maging ang suot niyang itim na sandals. Kaunti na lang at malapit na siyang maging si Anastacia Steele sa ayos niyang iyon. Bago tuluyang lumabas ng banyo, pinakatitigan muna niyang sumandali ang mukha, saka naglagay ng lipgloss dahil hindi uso sa kanya ang lipstick, nagpagpag ng pulbos sa mukha saka nakangiting lumabas ng C.R. Hindi naman siya kapangitan, hindi nga rin sobrang kagandahan. Iyong simpleng ganda lang na makikita mo na lalo na pagtinitigang mabuti—iyon siya. 'Saan ko kaya siya hihintayin rito?' muling usal na tanong niya sa sarili. Hindi naman sa naiinip na siya, kaya lang ay walang mauupuan sa hallway, nakatayo lang siya at hindi siya sanay sa sandals. Dahil sa height niyang 5'5" hindi na niya kailangang magtakong pa, madalas siyang nakaflat shoes. Kung hindi lang talaga sa sapilitang pag-make over sa kanya ni Aleja, baka ngayon ay late na siya sa dahil sa pakikipagtalo sa bruha. Walang ideya kung fairy god mother ba niya ito o talagang ninanais lang siyang ipahiya. Napalingon siya nang may tumawag sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD