NAGLALAKAD na si Edina palabas ng lobby ng building na pinasukan niya nang biglang may kotseng humarang sa daraanan niya. Hindi na nga sana niya pagkakaabalahang tingnan dahil baka mapahamak pa siya. Kaya lang ay bigla itong huminto at bumaba ang sakay niyon. Kinilabutan siya ng husto nang mapagtanto kung sino ang sakay ng magarang kotse na iyon. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya? Bakit ba siya pa ang napili nito? Hindi naman siya maganda, hindi sexy, tamad mag-ayos, isa pa ay walang bagay na maipagmamalaki mula sa kanya bukod sa—utang.
“S-Sir?” Pinagpapawisan na ang mga kamay niya. ‘Diyos ko po, baka nahuli na niya ang pagsisinungaling ko,’ usal ng kanyang isipan.
Ngayong lalo na silang nagkalapit, napansin niya ang tangkad nito na inabot lang siya hanggang baba nito. Hinawakan nito ang pulsuhan niya at hinila siya pasakay sa sasakyan nito. Kahit pa Jaguar ang kotse nito, anong karapatan nito para kaladkarin siya ng ganoon?
“Ano bang problema nyo sir?” tanong niya nang tuluyan nang magsara ang pinto ng kotse at makapasok siya sa loob na sila ng kotse nito. Hindi na niya napigilan ang sarili na hindi ibulalas ang laman ng isipan niya.
Napasinghap siya at bahagyang hindi nakapagsalita nang maamoy niya ang pabango nito. Hinubad nito ang Americana at isinuot sa kanya.
“Humihingi ako ng paumanhin sa inasal ko kanina.” Hindi agad siya nakapagsalita nang ito na ang umimik. Biglang may kung anong nagrambulan sa dibdib niya. “Hindi ko dapat ginawa iyon. I apologize, kung iniisip mong ginawa kitang katatawanan or nabastusan ka sa ginawa ko. I didn’t mean it.’
“T-talaga po?” nanginginig ang boses na tanong niya sa lalaki.
Lumipad ang kamay nito at napunta sa hita niya. “I swear” At pinisil iyon.
Ginapangan ng bolta-boltaheng enerhiya ang katawan niya dahil sa kakaibang pagpisil nito sa hita niya. Ayaw niya namang isiping minamaniyak siya nito dahil napakaimposibleng gawin nito iyon lalo pa at sa isang katulad lang niya.
“I hope na pagbigyan mo man lang akong ihatid ka.”
“Sir, bakit?” Nakatingin lang ito sa kanya. “Bakit nyo ito ginagawa?” Ano ba ang nagawa niyang kabutihan para bigyan siya ng reward ng Panginoon? Chos! Pero totoo, ano bang nangyayari?
“Hindi ko pa pwedeng sabihin sa—“ Naputol ang sinasabi nito nang magring ang cellular nito. “Hello, yes. I cancelled it already. No. I have an urgent thing to do.” At pinatay agad ang receiver nang mag-ring muli iyon. “Yeah. Cancel it. Cancel all my schedules today.” Pinatay na muli ng lalaki.
“Sir, hindi nyo naman po kailangang gawin ito. Mas mahalaga ang meetings nyo.” ‘Na ako dapat ang gumagawa ng schedules nyo.’
“’Wag mo na akong i-sir o po-po-in, call me Chase, it’s up to you if you want to add an endearment. Sa palagay ko’y isa o dalawang taon lang din naman ang agwat ng edad natin. And besides we’re not inside the building, just drop the formality, mag-usap tayo ng kaswal.”
“Pero sir—“
“Isa pang pero mo at pag-angal parurusahan kita.” Nag-ring na naman ang phone ni Chase. Agad na nitong kinuha at pinatay saka ibinato sa kung saan. “Wala ng abala. Let’s go.”
Gusto pa sana niyang itanong kung anong parusa ang gagawin nito nang maalalang wala naman talagang emergency. Nagdadahilan—nagsinungaling lang siya dahil gusto niya itong takasan.
“Si—I mean Chase. W-wala naman talagang emergency. That was ah.. ano..”
“I know. Wala kang load. Since globe ako, I rang the number you use thru checking your account load balance.” ‘Ay Diyos ko po!Mawawalan ‘ata ako ng ulirat sa lalaking ito.’
“Sorry.” Napayuko siya at hindi na nag-abalang tingnan lalo na ang mga mata nitong parang laging nangungusap.
“Fasten your seatbelt.” Ininguso pa nito ang seatbelt. Bakit pati pagnguso nito ay gwapo pa rin? Wala nga yatang pangit sa lalaking ito. Siya na sana ang gagawa niyon nang bigla itong dumukwang at kunin ang seatbelt.
She thought she’ll be going to collapse and pinned on the chair she’s seating when this man’s lips lightly brush on her cheeks. Hindi niya alam kung sinadya ba nito na demonyohin ang utak niya o talagang accidentally lang iyon.
“Saan tayo pupunta?”
“Mamasiyal, kakain, magsha-shopping. Getting to know each other,” kaswal na sabi nito na ang mata ay nakapako ang tingin sa dinaraanan nila.
Gusto ng magfireworks ng brain cells niya at mag-party ng ovaries niya. Sagad hanggang fallopian tube kung p-um-cik-up ang isang ito. Hindi ba nito alam na sa lahat ng parte ng katawan niya, may isang maapektuhan—ang puso niya.
Ang puso niyang malapit ng sumabog dahil sa kilig. ‘Magtigil ka nga Edina, may kakaiba sa lalaking yan, behave,’ kastigo niya. Napadapo ang mga mata niya sa mukha nito, maganda ang makakapal na kilay nito na parang sadyang kinurba at napakaayos ng pagkaka-shape, may kahabaan din ang mga pilik-mata nito, parang mata ng babae. At ang buhok nito na kahit hindi sayaran ng suklay, matapatan lang ng sinag ng araw ay parang bagong suklay at laging nakahigh lights. Bukod sa kung anong hiwaga meron ito, ano pa ba ang maipipintas niya rito? Hindi niya namalayang titig na titig na pala siya dito.
“Easy on that, I don’t want you falling for me, I ain’t easy to love.” Agad siyang nag-iwas ng tingin. “Gusto ko ako ang mauna.”
Tiyak niyang narinig niya ang huli nitong sinabi, pero hindi na ito umimik pa nang tapunan niya ito ng tingin, namula yata ang tan niyang pisngi. Could Chaser dela Torre fall for a girl like her? Kung may kapalit lahat ng ginagawa nito, gusto na niyang malaman, dahil ayaw or perhaps she scares to hurt and being hurt. Ano nga kaya ang totoong pakay nito sa kanya?
Bumaba sila sa tapat ng Mall, lahat ay sa kanila naka-focus ang mga mata lalo na sa kasama niyang mahigpit ang kapit sa kamay niya. Hindi na siya nagtataka dahil sa kagwapuhang taglay nito. Para itong isang Greek God na bumaba mula sa kalangitan sa taglay nitong kakisigan. Hindi maikakaila ang napansin niya sa mga mata ng mga babaeng nadadaanan nila na nakatingin sa kasama niya at sa magkahugpong nilang mga kamay na sinasabi na hindi sila bagay.
Pumasok sila sa Department Store at malugod pa silang binati ng mga naroroon na parang kilalang-kilala ng mga ito si Chase.
ABALA ang mga mata niya sa pagtingin sa mga display ng Department Store. Nasa loob sila ng sikat na Mall sa Mandaluyong. Sinipat niya ang isa sa nakadisplay na damit at tiningnan ang tiketa. ‘Diyos ko! Ang mahal naman nito!’ bulalas niya.
"Ah eh.. Chase," Kinulbit pa niya ang laylayan ng manggas nitong Polo. "Ang mahal dito," mahinang bulong niya. "Divisoria lang ang afford ko. Ah. Mag-Baclaran na lang tayo."
"We are here. Saka wala naman akong sinabing ikaw ang magbabayad. I take you here and that's my responsibility," sabi nito na abala sa pagtingin ng mga blouses.
May nilapitan itong Sales Lady. "Hi Danna, this is Edina. Will you assist her for her clothes and formal attires? She was kind of decent and she doesn’t like revealing dress." Sa ayos ng babae, mukhang ito ang head ng mga sales lady.
"Sure, sir. Dela Torre, my pleasure." Nginitian pa siya ng babae na mukhang nagpapa-cute sa Boss niya. ‘Hah! Sorry ka na lang, ako na ang nakabihag sa puso niya.’ Napangiti siya sa isiping iyon.
"This way ma'am" Sabi sa kanya ng babae. Napipilitang sumunod na lang siya. Pagdaan nga nila narinig pa niya ang bulong-bulungan ng mga ito.
"Siya yung bagong gf ni sir. Chase."
"Pano mo naman nasabi?"
"Because sir said one time dadalhin niya ang babaeng pakakasalan niya dito. And I guess it was her."
"Ang cheap naman ni Sir."
"Loka! Sinabi niyang simpleng babae lang ang dadalhin niya—in short cheap nga."
Naghagikgikan pa ang mga ito na parang hindi niya naririnig at wala siya sa paligid, mamatay na lang sila sa inggit sa kanya. Magpatuloy lang ang mga ito sa paghahabol dahil siya na ang tanging hinahabol ng lalaking hinahabol nila. ‘Sorry na lang, mga impakta!’
May ibinigay na pares ng top at slacks ang babae sa kanya, sinukat niya iyon sa loob ng fitting room.
“So Danna, the boss is taken.”
“And so?”
“Stop flirting na. Can you imagine naging instant Cinderella ‘yong kasama niya? Hindi maganda.” Napatingin siya sa repleksyon niya sa salamin habang nagsasalita ang dalawang babae sa labas ng fitting room. “Hindi sexy.” Tiningnan niya ang hubog ng katawan niya, magsimula sa dibdib. Tama nga ito, she’s flat. 32 lang ang cup size ng Bra niya at hind rin malaki o bilugan ang puwetan niya. Isa lang siguro ang pwede niyang maipagmalaki, makinis at pantay ang kulay Tan niyang kutis. “At hindi rin maputi. Maybe sir. Chase hook into a Tan-type and not the mestiza one.”
Gusto na niyang labasin ang mga ito. Kanina pa siya naririndi sa mga pasaring ng mga ito. Ano ba ang akala ng mga ito, manhid siya? Kung iinsultuhin lang naman nila ang pagkatao niya, hindi na bale, isaksak na lang nila sa baga nila ang Chase Dela Torre na ‘yon.
“Hey, Ms. Edina!" Hindi na niya nilingon ang mga tumawag at humabol sa kanya. Isa lang ang gusto niya ang makalayo sa mga iyon at makauwi na lang ng bahay.
Bakit ba kasi siya ang napili ni Chase na gawing bagong laruan nito? Kahit pa nga ito na ang pinakagwapong nilalang na nakita niya ay kung ganoon lang din ang mangyayari sa kanya, hindi na siya mag-aabala pang makipaglapit dito.
Mabilis siyang nakasakay ng Bus at agad bumaba sa Kamuning patungo sa Compound ng E. Rodriguez. Hapong-hapo na nakarating siya sa bahay dahil sa pagtakbo. Nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng bahay, tuluyan na niyang pinakawalan ang luhang kanina pa umaalpas sa mga mata niya.
“Mga walang hiya sila! Ano ba akala nila sa’kin, hindi tao! Kung alipustahin ako nang mga ‘’yon ga’non na lang! Bakit mukha ba akong laruan?” Panay pa rin ang tangis niya. Sobra-sobra ang pagsisi niya na nag-apply pa siya sa lugar na ‘yon. Sana rin hindi na niya nakilala ang Chase dela Torre na iyon.
Totoo nga ang kasabihan na wala sa una o nasa gitna ang pagsisisi kundi palaging nasa huli. Oo, hindi niya naklaro kung ano ba ang tiyak na kailangan nito sa kanya, pero tama bang ipahiya siya ng ganoon at pahirapan?
Alam niyang mangmang siya dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, pero hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang mga bagay na alam niyang makakasakit sa kanya. Kung sakit lang din ang mararamdaman niya, hindi na siya mag-aaksaya ng panahon at iiwasan na niya ng tuluyan ang lalaking iyon.
Napahinto siya nang mag-ring ang phone niya. Bago pa mabasa ang pangalang rumehistro doon ay agad niyang tinanggal ang battery at hinayaan. Nagsumiksik siya sa sulok na parang na-trauma sa mga nangyari. Kaya kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan niya ang makipaglapit sa mga upper class dahil ito na ang bagay na kinatatakutan niya.