TRESH 4

1555 Words
“ROOM for one, ma’am?” ulit ng receptionist sa sinabi niya ngunit sa patanong na paraan. “Yes,” malumanay niyang sagot kahit ang totoo gusto na niyang sagutin ito ng pabalang. Sa pagkakalaam niya wala naman siyang kasama. Why did they look at her as if she has with someone? “By the way, can I have an early massage?” “Sure ma’am. This way please.” Sabay abot ng susi sa kanya. Lumabas ang isa sa mga staff ng Resort na iyon at sinamahan siya. Compares to her bestfriend’s place, mas maliit ito and fewer people. It’s just glad that they give full accommodation and warmest greetings. Hindi na rin masama, para sa ganitong resort. Ipinasok muna niya lahat ng mga gamit niya at agad ding lumabas ng kwarto. “I’m so stressed sa lalaking iyon. Ang kapal ng mukha ng kupal na iyon.” Nanggigil pa rin siya tuwing maaalala niya ang nangyari kanina. Hinihiling lang niyang huwag na sanang magkrus ang landas nila. Dahil baka hindi na niya ito matantiya. Ayon sa staff na magmamasahe sa kanya, tatawagin na lamang daw siya nito. Kaya minabuti na muna niyang maupo sa isa sa mga bench. Sinuot ang shades, kinuha ang phone, sinuot rin ang earphone at humiga. Now she felt more comfortable. Balak na nga sana niyang matulog nang matagal kung hindi lang niya nakita ang staff na nakatayo na sa gilid niya. Nagbaba siya ng shades at sinulyapan ito. “Ma’am nakahanda na po ang massage spa,” anunsiyo nito. “Thank you, susunod na ako.” Tumayo na siya para sundan ang babaeng magiging masseuse niya. Tuloy-tuloy na sana ang lakad niya nang bigla siyang mapahinto para titigang maigi ang lalaking nakatayo sa harapan ng reception desk. Tititigan pa sana niya iyon ng matagal kung ‘di lang siya pinuntahan ng masseuse niya. “Dito na tayo ma’am.” “Ah, oo sige.” Akala ni Joshana ay mare-relax siya, ngunit bakit pilit pumapasok sa utak niya ang lalaking iyon? Pakiramdam niya sinusundan siya nito, naroon at nakamasid sa kanya. “Ma’am, ibabad lang po natin ang katawan niyo, pero tapos na rin po ako sa pagmamasahe sa inyo. ‘Wag lang muna kayong tumayo,” bilin ng masseuse. “Sige, salamat. Pwede ba akong umidlip?” pagod na tanong niya na bahagya na ring nakapikit ang mga mata. “Sure ma’am. Take your time.” Pagkasabi’y umalis na rin ang babae matapos isara ang sliding door. Gusto niya talagang kalimutan ang lahat pati ang imahinasyon niyang nakita na naman niya ang lalaking iyon. She felt relieved with that massage, di maikakailang magaling magmasahe ang babae. Ramdam na ramdam niyang na-relax ang mga muscle niya at parang gumaan ang pakiramdam niya. Nakalutang na yata siya sa alapaap. Kung hindi sa narinig niyang pagtunog ng sliding door, hindi pa siya magigising. Nahimbing yata ang tulog niya kahit nakadapa ang puwesto niya. “Sorry sa istorbo ma’am. Kung nais po ninyong tuloy-tuloy na makapagpahinga, ipahahatid ko na po kayo sa— “ pinutol niya ang sinabi nito. “Okay lang. I’m fine. Sige na, lalabas na ako.” Dahan-dahan na rin siyang tumayo. Binuksan na niya ang pinto at naglakad na pabalik sa kwarto. Ngunit nang maaninag niya ang naglalakad patungo sa kanya parang gusto niyang tumakbo pabalik sa kwartong pinanggalingan niya. Huli na ang lahat, nakita na siya nito. “Looks like you’re having trouble when you saw me,” nginisihan pa siya ng lalaki. Napahinto siya sa paglalakad ngunit lalo itong lumakad palapit sa kanya. Sigurado na siyang hindi multo ang nakita niya kanina, kundi totoong narito nga ito. This isn’t a dream but a nightmare. “What the hell are you doing here? A-are you following me?” sa wakas ay nabawi niya ang sariling tinig. “Ikaw lang ba ang anak ng Diyos?” nakangisi pang tanong nito na lalong lumalapit sa kanya hanggang ma-corner siya nito at mapasandal siya sa pader. “Don’t be hypocrite, maraming resort na nag-ooffer ng massage, so why the hell you’re doing here?” Nakatingin lang siya sa mata nito na wala ring balak lubayan ang tingin niya. Bahagya pa siyang napasinghap nang maamoy niya ang hininga nito at maramdamang nakadikit na ang katawan nito sa kanya. Napapiglas siya nang ma-realized kung gaano kalapit ang mukha nito sa kanya. Gahibla na lang ang agwat nito at handa na siya nitong halikan. Hinarang niya ang mga kamay niya sa pagitan ng dibdib ng lalaki para sana itulak ito ngunit bakit tila tinututulan siya ng kanyang isip. Naramdaman na lang niyang inaalis na nito ang kamay na pinanghaharang niya. Nadala naman siya at siya na mismo ang nagkusang alisin iyon. Does he have a charm that can be resists? Does he hypnotize her? Tuluyan nang lumapat ang labi nito sa labi niya, damang-dama niya ang init niyon at para bang naghahanap, nanabik at nauuhaw. Pakiramdam niya nalalasing siya sa halik nito. 'Ang sarap! Taste like heaven,' hindi niya mapigilang iusal, masarap itong humalik. He was a great kisser and maybe girls on bed are after him. Nakalagay na ang kanang kamay nito sa likuran niya para alalayan siya, habang ang isang kamay nito ay malayang nakahawak sa batok niya at ayaw nitong pakawalan siya. He enjoys the moment and the advantage that she didn’t even protest. And damn it, she can't even protest! He was a great kisser indeed, but he might be a playboy. And girls like her might have him in bed with no commitment. Hindi pa siya magigising sa kahibangan niya kung hindi lang pumasok iyon sa isip niya, mabuti at bumalik na ang huwisyo niya. “Bastos ka!” agad niya itong itinulak at patatamaan sana ng sipa sa pagitan ng hita nito nang makaiwas ang huli Mabilis pa sa hangin ang pag-ilag nito sa sipa niya. Kasing bilis ng paghalik nito sa kanya. “Don’t dare calling me bastos, you’re the one who initiate the kiss.” Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at napakunot ang kanyang noo. “W-what? Ikaw ang unang humalik sa akin,” kinakabog ng kabang sabi niya. “Because you want it, pinagbigyan lang kita.” Lumaki pa ang ngisi ng kupal. “Ang kapal ng mukha mo! You are a p*****t stalker, so why the heck I have to beg you for a kiss? Feeling mo naman napakagwapo mong kupal ka!” Mabilis siyang tumakbo matapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon. PAKIRAMDAM ni Joshana ay nangangamatis na ang mukha niya dahil sa sobrang pula. Nanginginig siya at nanlalambot ang mga tuhod nang makarating sa sariling kwarto. Inihiga niya ang nanlalambot niyang katawan. Para siyang nauupos, bakit ganun ang nararamdaman niya? Ano bang meron sa lalaking iyon at naging ganoon ang epekto na iyon sa kanya. Hinigop yata nito ang lahat ng lakas niya. Hindi niya ugaling magpahalik sa kung sinu-sino lang liban sa boyfriend niya. At bakit tila ibinalik nito ang kulang sa sistema niya? There is something more than that kiss. At hindi niya alam, hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang naramdaman niya kanina. She knew judo, pero hindi niya nagawang lumaban o kahit ang sampalin ito? Huli pa nang maisipan niyang sipain ito. Nahihimasmasan siya nang makapagpahinga at hindi nga niya napansing nakatulog na pala siya. Susulyapan sana niya ang cellphone nang maalalang hindi pala niya iyon nadala. Naiwan ang phone niya sa massage room, kasama ng iba niyang alahas na pinahubad sa kanya ng masseuse. Tumayo si Joshana at nagpalit ng damit, wala siyang pakialam kung magpang-abot na naman sila ng lalaking iyon, gusto niyang makuha ang mga gamit niya. Kakain na rin siya pagkatapos. Nang makarating ay wala namang tao roon, mukhang wala ito roon o sa paligid. Napabuntong hininga siya at mabilis na kinuha ang mga gamit. Naupo na siya sa dinning area. Ala-sais na pala, at nakakaramdam na siya ng gutom. Nang pumasok siya sa dinning area, marami-rami na ang tao roon. Isang for two’s vacant seat ang inukopado niya. Binasa niya ang menu at umorder na’ng kakainin niya. One rice, beef stake at macaroni salad lang ang naisipan niyang orderin. Nakaangat na ang kamay ni Joshana na may bitbit na kutsara at handa na sanang sumubo nang mapahinto sa ere. Natigagal siya at hindi makapagsalita nang bigla na lang umupo sa harapan niya ang p*****t at bastos na lalaking biglang nanghalik sa kanya kanina. “’Wag mo ako masyadong titigan, baka mahalata nila. Free to eat,” sabi pa nito na hindi pinansin ang sama ng tingin niya. Hanggang dito ba naman ay literal ang kamalasan. At ang m******s niyang stalker ay talagang wala siyang balak tantanan. Ibinaba niya ang kutsara sa plato at kinuha ang macaroni salad. Her appetite is gone. Tumayo na lang siya at binitbit ang salad na nasa cup. Never siyang kakain habang nasa paligid lang ito dahil baka hindi na nga siya matunawan, masuka pa siya. “Teka, hindi ka pa tapos kumain ah. Wala pa nga itong bawas,” puna nito sa pagkaing iniwanan niya. “Kung gusto mo sa ‘yo na lang. Nawalan na ako ng gana nang makita kita,” pagkasabi’y naglakad na siya palayo. Talaga namang nakakawalan ng gana lalo na kung may m******s na nakapabantay sa bawat kilos at galaw niya. Bumalik siya sa kwarto niya at doon na lamang kumain. Nakakawalang ganang kumain lalo pa at mukha nito ang masisilayan niya. Mabilis siyang mapikon at ayaw niyang mag-eskandalo para lamang sa lalaki. “Ang kapal talaga ng mukha ng kupal na iyon, bwisit!” she stomp her feet in anger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD