CHASE 4

2031 Words
HINDI na malaman ni Chase kung saan na hahagilapin si Edina, he was sure this lady returned home. It was his fault, his damn fault. Marahil ay naapektuhan ito sa mga sinasabi ng mga tao sa kanila lalo pa at hindi naman ito katulad ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya—na sopistikada at edukada. “Sir, okay lang po kayo?” usisang tanong ni Ms. Danna. “Yes. Kindly get all those dress that fits to her, I will personally bring it to her.” “Yes sir!” mabilis na sabi ng inutusan niya. Nakasakay na siya sa kanyang Jaguar nang mag-ring ang phone niya. Binuksan niya lang ito para sana tawagan si Edina, ngunit may nauna ng tumawag sa kanya. “Hey bro! What’s up, men!” hyper na sabi ng kabilang linya. “I’m busy!" malamig na tugon niya kay Jairus, ang isa sa bestfriend and most close friend among his Group Brothers, sa kapatiran. Tanging ang supremo lang nila ang ayaw niya, way back in college where they have the frat. “Yow! Bro, balita ko nga, may hinahabol kang chikababes. At ang sabi dito, cheap at high school graduate. Com’on bro, kailan ka pa humilig sa ga’nong klaseng babae? Don’t tell me, tinamaan ka na ni Kupido?” “The hell with Kupido!” iritableng sagot niya. Gusto na niya tapusin ang tawag nito, dahil wala itong gagawin kung hindi ang asarin lang siya. “Siguradong magbabago ang isip niya, lalo na kapag nalaman niya ang Darkest secret ng isang Chaser dela Torre, the phenomenal Eligible Member. What do you think?” pang-aasar na naman nito na siya talaga ang target nito. “Kung wala ka ng matinong sasabihin, I’ll hang up.” “Talaga bang naniniwala ka sa sinabi ng Yaya mo? f**k it Chase! Hindi naman porque sinabing ordinary girl, eh cheap na ang pipiliin mo. Stop chasing that woman, Chase. That would be waste your time. Hindi siya ang babaeng makakatulong sa Disorder mo.” Bago kung anu-ano pang sabihin nito, agad na niyang pinatay ang phone. Sa totoo lang, wala siyang balak na gustuhin ang babaeng iyon, kundi lang dahil sa sinabi at hiling ng yumao niyang Yaya. Sinabi ng Yaya nito na, kung may makikilala siyang simpleng babae, ito ang babeng babago sa buhay niya at makakatulong sa kanya. But this woman already caught something in him na hindi niya maintindihan. Mula nang alalayan siya nito sa una nilang pagkikita, may kakaiba na siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag. At ngayon, natatakot siyang ipaalam dito ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito para sa babaeng ito. And he thinks he doesn’t deserve this treatment against this lady. He’s not a good guy as everybody—everywoman thinks, he has this dark secret towards woman and he felts Edina already felt that. Hinila niya ang compartment ng kotse niya at kinuha ang file ni Edina, madalian niyang ini-scan ang nakasulat roon at mayamaya ay may tinawagan. “Iyon lang. Tawagan mo agad ako, once you already get in that place. Ayaw kong maligaw.” Iba talaga ang impluwensiya ng mayaman, mabilis, madali at maraming pwedeng makausap nang walang kahirap-hirap. Nang makarating siya sa Kamuning, walang ibang laman ang isip niya kundi ang babaeng iyon. Pakiramdam niya ito ang gumulo sa buhay niya. May nakaabang na sasakyan na maghahatid sa kanya sa sinabi niyang address. Nagpabili na rin siya ng flowers, he thinks he owes something to her. In his simple life, he never chase, court or even please any woman, nasanay siya, na siya ang pinaliligaya, inaaliw at pinagsisilbihan. Sa tanang buhay niya, ngayon pa lang niya gagawin ang ganitong kalokohan. He must be crazy and he doesn’t even know why Edina wasn’t a playgirl-thing like because she makes him crazy over anything. Nang papasok na ang sinusundan niyang Revo na maghahatid sa kanya patungo sa bahay nito, nakita na agad niya ang samut-saring mga bahay at iyong iba ay parang barung-barong lang. Kinalaunan ay huminto ang kotse sa tapat ng isang maliit na bahay at may gulong sa itaas ng bubong. Bumaba na rin siya para puntahan si Edina. Naisip agad niya na baka may masagap siyang mikrobyo o madalang sakit, but who cares, all he knows is that Edina needs to fall for him and can cure his disorder. Kumatok siya sa may pintuan, ngunit nakabukas ito, marahil ay nakalimutang isara. Pagpasok niya ay maliit na sofa ang bumungad sa kanya, ito na marahil ang sala, at katabi ang maliit na mesa na nagsisilbing dining area. Lumakad siya ng kaunti at nakita niya ang double deck na may kurtina bilang pintuan. May isang maliit na pinto roon na marahil ay banyo. Wala yatang tao, lalabas na sana siya nang may narinig siyang sumigaw. Napalingon naman siya nang marinig ang pinanggalingan ng boses, walang iba kung hindi si Edina. “I-ikaw! A-anong ginagawa mo dito! Paano ka nakapasok dito!” Agad hinigpitan ni Edina ang nakatapis na tuwalya sa kanyang dibdib. Hindi niya akalaing may papasok sa bahay nila. Of all the places, of all the person and of all the situation. Kung kailan, may butas ang tuwalya niya at gula-gulanit, kung kailan wala siyang kahit anong saplot sa katawan liban sa kapirasong sira at butas na tuwalya. Sana man lang naisipan nitong tumawag, kumatok o magsalita man lang. “Dyan ka lang. ‘Wag kang lalapit,” banta niya rito, ngunit napagtanto niyang, hindi sa mukha niya nakatingin ang hudas na ito kundi sa tagliliran niya na may malaking butas at halos lumabas na ang kalahati ng bewang niya. “T-Teka lang, ‘wag ka ngang tumingin. Tumalikod ka! Talikod! Ano ba! Talikod sabi!” gigil na anas niya na hindi na magkamayaw kung paano tatakpan ang sarili. Siguro ay napansin na nito na naghihisterikal siya, kaya napipilitan itong tumalikod. Halos mabigtas ang litid ng lalamunan niya at pulang-pula siya sa sobrang hiya. “I’m sorry. D-di ko alam na naliligo ka pala. I-I thought you were out.” He was stammered, dahil sa pagkapahiya siguro. Sa totoo lang natutuliro siya lalo na sa presensiya nito. Ano na’ng gagawin niya? Hindi niya alam kung paano dadaan papasok sa kwarto para makapagbihis. Napansin niyang nagtatanggal ito ng kung ano, nang silipin niya, nag-aalis pala ito ng butones ng suot na polo. Parang gusto na niyang itago ang sarili or ibaon sa sahig. Tiyak niyang labis ang pagkapula ng pisngi niya. Sobrang nakakahiya. Titili na sana siya nang tuluyan nitong mahubad ang suot na polo. "Get it. Suotin mo." Iwinasiwas pa nito ang polo sa hangin na hindi tumitingin sa kanya. "Susuotin mo o ako pa ang lalapit para magsuot sa'yo? I swear I will do the opposite." Natatarantang hinablot niya ang polo nito at agad na sinuot at naglakad patungo sa kwartong kurtina lang ang pintuan. "’W-wag kang titingin! ‘Wag kang susunod!" sigaw pa niya na nanginginig na ang mga kamay. Saka lang siya nakahinga ng maluwang nang fully dress na siya at saka lumabas ng kwarto. Inabot niya agad dito ang Polo nito. "Anong kailangan mo sa'kin? Ipapahiya mo na naman ba ako? Kung iyon lang ang ipinunta--" napatigil siya nang maligaw ang mga mata niya sa paligid. "T-teka, ano ang mga 'yan?" "Peace offering," balewala na sabi nito habang nagbubutones sa hinubad na polo. Nag-init bigla ang ulo niya, marahil ay bagong pakulo na naman nito. ‘Ang kapal talaga ng abs--este ng mukha,’ epal lang talaga ang taksil niyang utak. Agad niyang pinilit lumunok nang dumapo ang mga mata niya sa abs nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nilapitan ang mga nakabasket na bulaklak. "Hindi ko kailangan nito! Ano ako patay para bigyan ng bulaklak?" Pinagkukuha niya ang mga iyon at inilapit dito. "Sa 'yo na ‘yang mga bulaklak mo at umalis ka na rito!" Hindi madadaan ng mga bagay na kaya nitong ibigay ang kahihiyang dinanas niya. Oo, mahirap lang siya pero may dignidad pa rin siya. Ilang segundong natahimik si Chase at nang ma-realized na galit talaga si Edina sa kanya. Napipilitang dinampot nito ang mga bulaklak at tahimik na naglakad palabas. Napahinto ito nang muli siyang magsalita. "Sandali!" Hindi na niya hinintay na humarap ito. "Please lang, wag ka na pong bumalik at baka magdilim po ang utak ko, pagripuhan ko 'yang tagiliran mo sa mga adik dito sa lugar namin." Tuluyan na itong lumabas. Hindi niya alam kung malungkot ba ito o dismayado dahil sa ginawa niya. She was oath to what this man can do especially how he treated her. She was very much aware that everything has in exchange. And she will no longer come to that conclussion para palampasin na lang ang pag-asta nitong mayaman. Hindi lahat kaya nitong paglaruan, dahil hindi naman lahat ng mahirap ay nadadaan sa pera at nasisilaw sa kayamanan. DAYS PASS, pinilit ni Edina na nakalimutan ang lahat at isipin isa lamang iyong bangungot. Hindi na rin siya muling bumalik sa Building na iyon. Sumubok naman siyang mag-apply sa kabilang kalye—sa Petron Mega Plaza, malayo sa building na kinaayawan niya. “Come again your name.” “Edina Ballejos.” “You’re hired.” Bigla siyang kinabahan. At kinutuban kung bakit agad siyang natanggap sa inaaplayang trabaho gayong kung tutuusin higit ang mga kasama niyang nag-aaply na may abilidad at karanasan sa pagiging Janitress. Iyon pa rin ang inaaplayan niya. Ang hinihiling na lang niya ay huwag ng magkrus ang landas nila ng hinayupak na lalaking Chase Dela Torre na iyon. Kahit pa gwapo ito, makisig at mayaman kung babastusin at gagawing katatawanan lang naman siya nito, hindi na bale na lang. Pasalamat na rin siya at hindi na ito nagpakita o kinontak man lang siya. Ayaw na niyang maalala ang kawalang hiyaan nito at ang pangmamaliit nito. Totoo ngang mahirap makisalamuha sa upper class. Inabala na lang niya ang sarili sa paglilinis ng maayos sa sahig at mga floors ng building na na-assign sa kanya. “Ms. Mukhang madulas pa rito.” Pakiramdam niya huminto ang t***k ng puso niya nang marinig niya ang salita at boses na iyon. Gusto niyang tumakbo at magtago para iwasan ito ngunit tila napako siya sa kinatatayuan. “Ms. Are you listening?” ‘Ay! Antipatiko! Imposibleng si Chase iyon, ‘ ang hangal na naman niyang isipan. Nagha-halucinate na nga siguro siya na isiping si Chase ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Minsan bigla na lang siyang napapatalon kapag may bumabanggit na Chase or di kaya napapatago kapag may malambing na boses ng lalaki ang naririnig niya. Could it be possible that she’s already hypnotized by his charm and fall to this guy? Napapailing-iling na lang siya. Imposible talagang magkagusto ang lalaking iyon sa kanya. She was full of herself she's not a kind of woman this man will fall with. "Ah, si-sige po. Aayusin ko na po.” Nilapitan niya ito at humingi ng paumanhin dito. Gusto niyang ilampaso pati ang mukha nito. Nang maglakad na ito palayo sa kanya natigilan na naman siya nang may tawagin ito. "Chase, bro. Long-time no see. Anong atin at sinadya mo pa ako dito?" This time, she wasn't hallucinating or imagining things because he was at her back. He was there talking to someone. “Wala naman. May hinahanap lang ako.” “Hmm.. Pusta ko, babae. May sinabi sa akin si Jairus—“ “No, it’s not woman. I just want to know if you already have the blue print I am requesting you, that’s what I am searching and I am looking for.” “Ah. Oo naman. Tara sa office.” Bumalik na ang normal na t***k ng puso niya nang tuluyang mawala ang boses ng mga ito. Boses at amoy nito pamilyar na sa kanya. Himalang hindi na siya nito ginagambala, mabuti na rin iyon, marahil ay natauhan na ito. Nang matapos ang oras niya sa paglilinis agad na siyang nagbihis ng pamalit para mag-bundy at maka-out. Nakalabas na siya sa naturang building at naglalakad na sa pedestrian lane upang makasakay ng Guadelupe na jeep nais na niyang makapagpahinga. Napakaraming nangyari, ang nais na lang niya ay pagtuunan ng pansin ang kasalukuyang trabaho—Janitress. Nagring ang phone niya, agad niya iyong dinukot sa bulsa ng pantalon niyang maong at sinagot ang tawag. “Hello Ma, bakit po? Ano? Anong nangyari kay Papa?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD