CHASE 5

1958 Words
KANINA pa naka-park ang kotse ni Chase sa harap ng isang Building sa hindi niya malamang dahilan. "What am I thinking? Bakit kailangan ko pa siyang hintayin na lumabas?" Pati siya ay parang nahihiwagaan sa ginagawa niya at pinagmumukhang tanga na niya ang sarili. Una, binilihan niya ito ng mga damit, ipinag-shopping. Pangalawa, sinabihan niya lahat ng kakilala niya sa Business Industries na once na may nag-apply na Edina Ballejos ang pangalan ay tanggapin kaagad nila sa mapipili nitong trabaho. Kumbaga siya na ang naging backer. What Edina Ballejos did to him, making him uneasy? Samantalang wala ni isang babae ang nakagagawa niyon sa kanya kahit pa sampo-sampera pa ang mga babaeng nagpapalipad hangin sa kanya ay ni isa wala naman siyang pinagtuunan ng panahon. Liban sa babaeng ito na ginising ang kakaibang damdamin sa kaibuturan ng kanyang puso. Ngunit nang lumabas na ang hinihintay niya kusa na lang umangat ang gilid ng kanyang labi naa parang may kung anong flashback na bigla na lang dumaan sa isip niya—ang alaalang nagsimula siyang maaliw kay Edina. Nang mawala na ito sa paningin niya saka lang niya binuhay ang makina at nagdrive na lang pauwi. Ngunit hanggang makarating sa sariling bahay ay hindi mawala sa isipan niya ang mukha ng dalaga. Tunay nga kayang nahuhumaling na siya dito? "f**k! Bakit ba ako nagkakaganito?" Tinungga niya muli ang laman ng kopita. Heto siya at naisipan ng iinom na lang ang lahat baka sakaling mawala sa isipan niya ang babaeng gumagambala sa nanahimik niyang pag-iisip. "Damn it! Ba't hindi siya mawala?" He's freaking the hell it out with that woman. ‘Edina, why are you doing this? Ano bang meron sa'yo at kahit anong gawin ko mukha mo at ikaw lang ang naalala ko?’ piping sambit ng kanyang isipan. Pakiramdam niya malala na ang sayad ng utak niya.. Simula nang puntahan niya ang bahay nito at nakita si Edina sa ganoong anyo hindi niya malaman kung bakit may kung ano sa kalamnan niya ang pumipintig. He can easily have this hard-on over beautiful and sexy woman. But this days pass, mukha ni Edina ang nakikita niya at bigla siyang nawawalan ng gana kapag mukha ng iba ang nakikita niya. He's insane and he badly wants Edina para lang matigil na ang kung anong bagay na gumagambala sa kanya. Malapit na yata siyang mawala sa sarili kapag hindi pa niya nakita at nakausap si Edina. Inubos na niya ang laman ng bote ng Tequila. “Chase..Ahh..Chase f**k me harder. I want you hard enough. Let’s make a family.” “Sure honey, we will.” Nagulat si Chase nang biglang nag-iba ang anyo nito na parang isang Mangkukulam. “Si-sino ka?!” “Wala ng babaeng tatanggap sa’yo, inutil ka na!” “Inutil!” “Walang silbi!” Bigla na lang siyang napaligiran ng maraming babaeng may matulis at matangos na ilong, may mahabang baba at pangit na mukha at ang walong iyon na magkakamukha ay sumisigaw ng INUTIL sa tainga niya. “HINDIII!” Napabalikwas siya ng bangon. Pawisan at nanlalata dahil sa bangungot na iyon. Isang sumpa. Nabura na nga sana sa alaala niya ang test resuls na iyon nang dahil kay Edina ngunit heto at binabangungot na naman siya.Hindi pala niya namalayang nakatulog na pala siya matapos uminom ng alak. Magtatatlong buwan na rin simula nang magpa-check up siya at pilit na niyang pinapatay sa alaala ang result ng examination niya bunga ng pagkabangga niya. When the time he’s fully recover now, this one hunting him—again. Napatingin siya sa relo niyang pambisig, pasado alas nuebe na rin pala. Wala na siyang ganang pumasok pa sa trabaho. Kaya kinuha na lang niya ang phone na nakapatong sa gilid ng cabinet at nagpindot ng numero sa Opisina. Ipapaalam na lang niyang hindi na siya papasok.. Bigla siyang may naisip. He hurriedly jumps from his bed and excitedly going to the Bathroom Area. He will surprise her. At hindi na niya patatagalin, aamin na siya dito. Maaaring si Edina lang pala ang magbibigay sa kanya ng kaligayahan kahit na isa na nga siyang inutil ngayon. Baka may pag-asang magustuhan rin siya nito. Kung tutuusin hindi naman siya ang tipo ng taong hilig humingi ng paumanhin kapag nagkakamali. He is a dominant and that is the fact. He might be a tyrant somehow, but how could Edina do something strange inside him. Kailangan niyang makita at makausap si Edina making sure that she isn’t awakes that strange feeling from him. Kahit pa alam niyang wala yatang patutunguhan ang pagpunta niya. Palayasin man siya ni Edina ay hindi pa rin siya titigil para makausap ito, kailangang-kailangan niyang malalaman kung bakit hindi siya pinatatahimik ni Edina. Only son lang naman si Chaser Dela Torre, maaga siyang namulat sa mundo ng business. Siya na nga ang pumalit para mag-handle nang mamatay ang mga magulang niya. Sa edad na nineteen, eksaktong naka-graduate siya ng kolehiyo ay sumabak agad siya sa paghawak ng Business na naiwan ng mga magulang niya kung saan ay namayapa na ang mga magulang niya. Wala naman siyang masising dahilan kung bakit naaksidente ang sinasakyan nilang eroplano, nakaligtas man siya ay nadale naman ang mga magulang niya. Nasa tapat na siya ng bahay na tinutuluyan ni Edina, nang una siyang tumapak ay talagang nandidiri siya sa paligid, ngayon pa lang kasi siya nakarating sa ganitong klaseng lugar. Hindi naman siya na-expose sa mga lugar kung saan low-class ang naroroon o sa madaling salita ay maralita. Most of the time ay sumasama siya sa mga magulang niya tuwing may business trip ang mga ito. Graduate siya sa ibang bansa kaya hindi na mahirap sa kanya ang kaagad ay mangasiwa sa business na inaatupag niya. Infact, napalago niya ito ng husto at mukha namang nasa maayos na kalagayan na ang business ng pamilya nila. Kahit pa nangungulila siya sa mga magulang. Wala sa alaala niyang naka-bonding niya ang mga magulang sa kahit anong paraan. Palagi itong wala sa tabi niya at lagi siyang binibilinang mag-aral mabuti dahil siya ang magmamana ng business ng pamilya. Nawala sa isip niya ang magdala ng mga bulaklak bilang peace offering pero, tama naman na lumabas ang inutusan niya na mag-deliver ng mga gamit na nais niyang ipabigay kay Edina. He wasn’t good in courting. Hindi naman siya ang nanliligaw simula pa noon, madalas magparamdam sa kanya ang mga babaeng nagdaan sa buhay niya at kapag nagustuhan niya ay awtomatikong may nobya na siya. MALUGOD na inentertain ni Aleja ang mga nag-deliver sa munti nilang bahay. Napapakamot na nga lang siya sa kanyang ulo nang maisip kung paano pagkakasyahin ang mga iyon sa kanilang barong-barong. Natuwa pa nga siya nang inayos talaga ng mga delivery boys ang mga kagamitan. Hindi tuloy malaman ni Aleja kung magpapasalamat ba siya o maiinis dahil wala ng pupwestuhan ang mga ito. Nang makaalis na ang mga delivery boy ay nilapitan na ni Aleja si Edina. Nakasiksik siya sa dulo ng kama at nakabalot ng kumot. “May sakit ka ba, Edina?” Lumapit na ito sa kanya para damahin ang noo kanyang noo, napamura ito. Kahit palamura naman talaga ito. "Ay puta! Ang taas ng lagnat mo Edina." "A-ang lakas kasi ng ulan ka-kaninang madaling araw. A-Akala ko nagkaroon ng problema kayla I-itay. Isu-surprise lang pala a-ako," nanginginig na paliwanag nito habang nakapikit. Alas sais na kasi siya dumating nang magtungo siya sa Tanza, Cavite. Nang tumawag ang Nanay niya, napasugod siya bigla dahil may nangyari raw sa Tatay niya. Mabuti nga at may dala siyang extra money pamasahe niya. Kinabahan din talaga siya at nawala sa isip niya na kaarawan niya iyon. Kaya nang matapos ay nagpasiya siyang umuwi agad dahil balak pa sana niyang pumasok. Biglang bumuhos ang ulan sa kalagitnaan ng byahe, napilitan tuloy siyang sugurin iyon para makauwi kaagad dahil may balak pa sana siyang pumasok sa trabaho. "Ganoon ba? Paano ‘yan wala na akong panahong maasikaso ka. Oo nga pala Ateng, belated. 'Yung gift ko nasa taas ng Ref, kunin mo na lang." Hindi na niya pinansin kung ano pa ba ang ibang sinasabi nito. Dahil talagang ginaw na ginaw na siya at sobrang init ng pakiramdam niya. Napipilitang napadilat siya ng mata nang marinig niyang sumigaw si Aleja. "Tangna! Ayyy! Ang pogiii!" exaggerated na sigaw ng kaibigan niya sa labas ng munti nilang kwarto. "Alleycia, sinong nandyan?" "H-Hah? Ah eh. ‘Yong Doctor," parang wala sa sariling sagot nito. Tatayo na sana si Edina para tingnan kung sino ang bisitang tinutukoy ni Aleja ngunit agad umikot ang paningin niya. "O siya, mamang pogi. Ano nga ulit name mo,che-Chase. Ikaw ng bahala dito kay Ateng hah. Wala namang mananakaw dito bukod sa mga pinadeliver mo. Ingatan mo 'yan. Mabuting tao ‘yang si Edina, pag nalaman ko lang na may ginawa kang masama. Ipapabugbog talaga kita sa mga takas-preso at adik dito sa'min." Napilitang umupong muli si Edina at muling tumayo para habulin si Aleja at tingnan kung sino ang kausap nito nang bigla siyang mawalan ng balanse dahil sa pagpintig ng ulo niya, eksaktong bumagsak siya sa sementadong sahig. Agad napatakbo si Aleja at ang bisita nito nang marinig ang kalabog na bunga ng pagbagsak niya. Napabuntong hininga pa si Alleycia. "Tigas ng ulo. Ikaw na'ng bahala dito Chase, male-late na kasi ako, straight pa naman ako ngayon. Bukas pa ng umaga ang uwi ko. Basta ingatan mo 'yang kaibigan ko ah,” bilin pa nito. "Oo naman. wala akong gagawing masama, for now sa kanya," sabi ni Chase habang buhat-buhat na parang sa bagong kasal si Edina. Nagulat pa nga si Chase nang kindatan siya ni Alleycia. Wala nga ba? Wala ka nga bang gagawin? Napahinto siya sa mga salitang pilit kumakawala sa utak niya. Inayos niya sa pagkakahiga sa Deck si Edina at kinuha niya ang kumot at nilatag sa katawan nito. Marahil ay nawalan ito ng malay, sana lang wala namang sumakit dito. Nilipad ng kamay niya ang noo nito, halos mapaso siya dito nang maramdaman ang init nito. Hindi siya marunong magluto ng lugaw na kalamitang pinakakain sa mga may sakit kaya nagpabili na lang siya. Sa kalagayan nito mukhang malabo itong mapakain o mapainom ng gamot, ang huli na lang niyang inisip ay kung paano siya alagaan noon ng Yaya Adelfa niya. Naglakad siya palabas ng kwarto, sa liit ng bahay na inuupahan nila mukhang madali niyang makabisado ang kasuluksulukan ng bahay at mga kagamitan nito. Naghanda siya ng palangganang maliit at kinuha niya ang panyo sa bulsa niya. Naglagay ng mainit at malamig na tubig upang maging maligamgam, naglagay din siya ng alcohol. Kahit paano’y kumpleto rin ng kagamitan ang mga ito. Dinukot niya ang panyo sa kanyang bulsa at ito ang ginamit. Piniga ang panyo at inilagay sa noo ni Edina. “Edina, sana gumaling ka na. Marami akong gustong sabihin sa’yo,” panimula niya habang pinupunasan pati ang mukha ni Edina. Panay lang ang ungol nito. “Edina, why are you making me crazy like this? Why the f*****g hell your face is hunting me? Why? And about what happened, sorry. Sobra akong humihingi ng paumanhin sa inasal ko. Yeah, I love teasing especially when it comes to you. Parang makukumpleto ang araw ko kapag nakikita kita. Nababaliw na nga yata ako since the day I laid my eyes on you, when you assist me. Imagine ngayon, kinakausap kita kahit alam ko namang hindi ka sumasagot.” Muling napaungol si Edina dahil siguro sa lagnat nito. “Hmm.. N-ni-nilalam-mig a-akoo..” This time, there are few words came out of her mouth. Chase doesn’t know what to do how to ease the pain that Edina felt. Isa na lang ang naglalaro sa isip niya—Human Blanket.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD