Chapter 6 (Ideal Fake Girlfriend)

2254 Words
Chapter 6 (Ideal Fake Girlfriend) Fern's POV Nalimpungatan ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto namin. Tinignan ko ang orasan, 2:50AM pa. Hindi na ako makatulog pagkatapos kong magising kaya bumangon na ako ng tuluyan. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko pa binubuksan ang ilaw pero nakikita ko na ang paligid dahil sa ilaw na nanggagaling sa buwan. Laking gulat ko ng binuksan ko ang ilaw. Lahat ng gamit namin parang dinaanan ng bagyo. Para kaming pinasukan ng magnanakaw! "Rem! Rem! Ninakawan tayo Rem!" Ginigising ko si Rem pero parang ang himbing ng tulog niya. "Rem!" "Fern naman e! kahit magwala ka jan, hindi babalik 'yong magnanakaw para ibalik ang gamit na ninakaw nila." sabi niya habang nagkabuhol buhol ang dila sa antok. "Magnanakaw?!" not so late reaction, nagising siya bigla. Bumangon naman siya at dali daling lumabas ng kwarto. "Sabi sayo eh, ninakawan tayo." Alalang sabi ko. Chineck namin ni Rem kung ano ang mga gamit na nawala sa amin. Hindi naman kamahalan 'yong gamit ko. Halos galing lang ang mga iyon sa tiange, ukay ukay pero bakit halos ang gamit ko ang nawala? Kay Rem naman hindi, ka size ko ba ang magnanakaw? "Bobong magnanakaw, yung kamahalang gamit mong nakadisplay hindi ginalaw pero yung akin yung pinagdiskitahan." Alalang sabi ko kay Rem. "Sa totoo lang ang cheap niya mamili. Halika Fern sumbong natin sa pulis." hinila ako ni Rem palabas at dali dali kaming pumunta sa Pulisya. 24 hours sila ngayon kaya may office pa. Pagdating namin doon, laking gulat ko na andon si Mayor. Nako naman! sana hindi ako maalala ni mayor noong tinawag ko siyang manong pogi. "Manong pulis! ninakawan po kami!" Hysterya na sabi ni Rem ako naman panay takip ng mukha para lang hindi mapansin ni Mayor. "Sino hija?" tanong nung pulis na nagkakape. May magnanakaw ba magpapakilala muna bago magnakaw? Syempre di namin kilala! "Malamang hindi namin alam. Pupunta ba kami dito kung kilala na namin kung sino?" di ako nakapagpigil at sinabat ko na yung pulis. "Sabi ko nga. More details pa." sabi naman ng pulis. Sinabi namin kung anong oras, at ang mga background namin kung bakit kami ninakawan. Laking hinayang lang nawala halos ng gamit ko. Pati 'yong savings ko na pinag ipunan ko pa mga ilang taon nawala din kaya ang resulta, walang wala ako ngayon. Ba't ba pinanganak pa akong malas sa mundo? "Fern, eto pera, allowance ko yan, papahiramin muna kita. Basta bayaran mo yan pag nakaluwag luwag ka ah." sabi ni Rem at iniabot sa akin ang isang libo. Kinuha ko naman ito. "Sige Rem salamat talaga, hulog ka ng langit." papuri ko sa kanya. "Syempre naman no, anghel ako e." "Ay! Binabawi ko na, joke lang 'yon." "Ay! Binabawi ko na rin ang isang libo ,akin na." ngumiti naman ako sa kanya at niyakap siya. "Anghel ka naman talaga! inside and out." pambawi ko. Niyakap niya lang din ako. Kumawala siya noong nag bell na. Oras na nag pag-aaral. "Sige, mauna na ako." aniya. Kumaway na lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Buti na lang andyan si Rem parati sa akin, ang susuporta kung wala malamang naglalakad na ako sa kalsada ngayon habang tumatawa mag-isa. Paakyat ako ng hagdan patungo sa room ko may napansin akong kasingtahang nag-tatalo. "Sabi mo ako mahal mo?" sabi noong babae. "Please! I need space!" sabi ng nerd na lalakeng nakayuko. Umurong naman 'yong babae. "Oh ayan! may space na, okay na ba?" nagmamakaawang sabi ng babae. Sa tingin ko ang lalake na yun ay gustong makipag break. Haba ng buhok sa kilikili ah, ang ganda ng babae tapos siya pa ang magmamakaawa na wag siyang hiwalayan. "Hindi, ang ibig kong sabihin, break na tayo." malungkot na sabi ng lalake. "Sige, mag break muna tayo, tutal gutom na rin ako." sabi ng babae. Napatakip ng mukha ang lalake at sumigaw. "Gusto kitang hiwalayan! Ayaw ko sayo! May mahal na akong iba!" nasindak ang babae kaya sasampalin niya na sana 'yong lalake kaya tumakbo na ako paakyat at inawat ang kamay ng babae. "Anong ginagawa mo?" iritang tanong ng babae sa akin at tinignan ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Pinipigilan ka miss, hindi yan ang tama." sabi ko sa kanya. "E ano sa tingin mo ang tama ha? Kung ikaw ang niloloko? Hindi mo ba sasampalin ang kumag na to?" naiiyak na sabi nong babae. Binitiwan ko ang kamay niya. "Kasi ganito ang tama." Tinignan ko ang lalake kaya tinaasan niya ako ng kilay atsaka ko sinuntok. "Aww!" sabi nong lalake habang hinahawakan yung ilong niyang napuruhan. "Yan ang tama!" sabi ko doon sa babae. Nagulat naman ang babae sa ginawa ko. Walang thrill yung sampal e. Para ka lang nanonood ng legal wife. Ang mas thirll ang pang jacky chan movies. Kinuha naman nong lalake ang kamay niya sa ilong at tinignan ang kamay, wala namang dugo e. Ang bading pala nito. "Putangina mo! Pagbabayaran mo to!" sabi nong nerd at dali daling tumakbo. "Salamat ah." nong makaalis na ang lalake nagpasalamat naman yong babae. "Okay lang." "Pero kilala mo ba ang sinuntok mo?" napakamot naman ako ng ulo sa tanong ng babae. "Hindi eh, bakit? sino ba 'yon?" tanong ko naman. "Anak ng may-ari ng school na'to, okay lang na sampalin ko siya kasi syota ko naman 'yon pero ang katulad mo na hindi mo na nga siya kilala, nanuntok pa e. Hindi ko alam pero salamat talaga miss, sige mauna na ako." sabi ng babae at umalis na din. Napako ako sa kinatatayuan ko. Another malas day came! Ayaw ko na gumalaw baka mamaya, mamalasin na naman ako. Lord! sana patawin sana ako. During the class hour may biglang pumasok na studyante at dinisturbo si ma'am kaya napahinto siya ng pagle-lesson. "Ms. Tricco go to guidance office now." sabi ni ma'am. Eto ba 'yong sinuntok kong lalake kanina? "Okay ma'am," sabi ko kay ma'am at sinundan ang babae kanina patungo sa guidance office. Nagulat ako ng pagkapasok ko palang tinuro na ako noong lalakeng sinuntok ko at may kasama pang naka men in black. "Siya po! Siya po 'yong sumuntok sa akin kanina." sabi ng lalake. "Dean, I want her out of this school now." sabi ng naka tuxedo na lalake. Teka? kilala ko siya ah? siya 'yong... May ari ng school! No way! "Kaya nga po detention po siya ng one week." sabi ng dean. "No! I want her out of this School. Hindi na siya babalik dito sa School kailanman, I don't need that kind of student her, nakakasira ng image ng School." dali daling silang lumabas ng Guidance office.. "no! I want her out of this School, hindi na siya babalik dito sa School kailanman, I don't need that kind of student her, nakakasira ng image ng School." "No! I want her out of this School, hindi na siya babalik dito sa School kailanman, I don't need that kind of student her, nakakasira ng image ng School." "No! I want her out of this School, hindi na siya babalik dito sa School kelanman, I don't need that kind of student her, nakakasira ng image ng School." End of the story ko na nga, ito na ang pinakamalas sa nangyari sa buhay ko. Hindi na ako makakapag -aral, pero paano na ang pangarap ko? Independent lang ako at Scholar. 'Yon lang ang kinakakapitan ko para matupad ang pangarap ko tapos sa isang iglap mawawala na lang dahil sa isang lintek na suntok? Sinudan ko 'yong mga lalake kanina. "Sir! please give me a chance? Kung pwede detention lang wag naman kick out oh, please? parang awa niyo na!" sabi ko. Hindi nila ako pinapakinggan at dirediretso lang sa paglalakad. Hanggang sa hinarangan na ako ng mga naka black suit na bodyguards. "Pleas sir! Please!" "Parang awa niyo na! humagulgol ako ng iyak. "Sir!" Kalaunan, ni lingon nila hindi ko natanggap. Ibig sabihin wala ng pag-asa talaga. Umuwi na ako ng bahay at di sinasadyang napatingin sa may kutsilyo. Kinuha ko naman eto sabay bulong sa sarili ko. "Nabuhay akong mahirap at mamamatay ako ng mahirap" ba't ba kasi ang malas malas ko! ang malas malas ko! Ma, Pa! Paano ba 'yong lahi ninyo bakit nakakahawa? Sabi ko habang tumitingin sa kutsilyo. Ituturok ko na sana yung kutsilyo sa pulso ko nang--- "Fern! Anong ginagawa mo?!" dumating si Rem at kinuha ang kutsilyo sa akin. "Ano ka ba! Kawawa 'tong kutsilyo pag nagkataon mababali 'to." sabi ni Rem. Salamat din na nagkaroon ako ng nakapa supportive na kaibigan. Alam kong biro lang 'yon para i-comfort ako. Tumingin ako sa kanya habang umiiyak. "Wala na ngang trabaho, pina-alis na din ako ng university dahil sa karantaduhan ko. Paano ako mabubuhay ngayon? Kung halos patayin na ako ng kamalasan?" sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako. "May paraan pa Fern." sabi niya. "Ano?" "Mag benta ka bituka sa mga chinese kung di mo na kaya, magpahawa ka lang na STD, kung gusto mo ng mamatay." Loko talagang kaibigan to. Ang totoo? Kaibigan ko ba talaga to? Ba't ba kasi napaka abnormal na ito? "Mauna ka muna ,susunod na lang ako." Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng may pag-aalala sa mukha. "Kidding aside, mag apply ka kaya sa mga pwedeng pagkikitaan dyan?" sabi niya sa akin. "Gagawin ko talaga 'yon para makabayad ng utang ko sayo." "Aba dapat lang, may interest pa yan pag hindi mo nabayaran ngayong taon." "Salamat talaga Rem!" Gaya ng sinabi ni Rem, naglilibot libot ako na pwedeng pagkikitaan. Kahit tirik ang sikat ng araw hindi ko parin alintana 'yon. May na applyan na ako pero next week pa ang pasok ko, gusto ko sana ngayon e kailangan ko talaga ng halaga ngayon para mabuhay ako. Mayamaya pa'y pakiramdam ko, may sumusunod sa akin kaya tumitingin ako sa likod pero wala naman akong nakikita. Hanggang sa di ko namalayan na may natapakan pala akong balat ng saging kaya napadapa ako. "Aray naman oh! Alam mong daanan 'to ba't dito ka pa naka display. Ang bastos nito!" sabi ko doon sa saging at sinisipa ito habang nakaupo ako sa sahig at hinihimas ang pwet ko. "'Yong saging pang walang buhay ang sinisisi mo?" may biglang dumating. Tumingala ako para makita ko mukha niya kaya nga lang may suot itong belo na tumatakip sa mukha nito. May suot din itong shades. "Sino ka?" tanong ko sa kanya. "Ako? Ako ang swerte mo." "May ganoon ba ako?" "Ayaw pang maniwala. Humiling ka." bigla siyang pumikit na parang inaantay ang sasabihin ko "Ah, gusto mo ng pagkakakitaan o eto." iniabot niya sa akin ang isang papel. "Ano ito?" "Basahin mo na lang kasi!" dali dali ko naman itong binasa dahil sa pagiging mainipin niya. *Want to have an overload income per week, free house to live, free food and a scholarship? Now Hiring: Girlfriend for Mr. Ace Alden Park!for more details please call/text us 09************* "Teka? Girlfriend lang per overload income per week----" hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang nawala yung babae kasabay noon ang pag ihip ng malakas na hangin. Nakakapangilabot naman ang babaeng iyon baka mamaya mangkukulam? Baka hindi naman, sa itsura ba non e mukhang milyonarya nga. Masubukan nga. ACE POV "Oh?! Ano sabi? Payag ba maging girlfriend ko?" tanong ko kay Ate Athena noong makarating siya sa kotse ko. Hinihingal pa siyang pumasok at tinanggal ang belong suot niya. "Hindi e, umalis agad ako pero bro, wag kang magaalala, papayag 'yon." sabi niya sa akin. "Sana nga hindi, baka mamaya magtaka sila kung bakit ko naging girlfriend ang mukhang papa na yun pero teka, may pangalan ko ang nakalagay don ah." sabi ko sa kanya. "Hindi ka naman niya kilala at wala namang picture mo doon sa website, pag pumayag na lang siya kayo magkikita. I'm super duper madly deeply excited." Nagtataka siguro kayo kung bakit yon pang babae ang napili ko. Noong nagkita kami sa mall at pinahiya ako, naghahanap ako ng magiging girlfriend noon, gumawa pa kami ng website para lang doon. Hindi 'yon makikita nong mga kalahi namin kasi nakapribado at hindi nila ako makikita na naghahanap ako ng girlfriend na pwedeng pagkatiwalaan. Nakita ng kapatid ko iyong si Fern na 'yon at namangha siya kaya 'yong ang suhestiyon niya sa akin na Ganon dapat ang magiging karelasyon ko. Nong una ayaw ko pero kalaunan tinanggap ko. Ayaw ko sa kanya at ayaw niya din sa akin, madali lang namin itapon ang isa't isa nang walang namumuong malalim na relasyon. Pasok siya sa criteria ng kapatid ko---magaling mag acting at responsable kasi salat sa buhay. Kaya pinahirapan namin siya. Pinanakaw ang gamit niya at pati pag kickout sa kanya sa school sinabotahe namin ang magkasintahan at ang may-ari ng paraalang pinapasukan niya. Binayaran ang iilang agencies na kumukuha ng mga extras para hindi siya makapasok. Nalaman ko ang dati niyang mga trabaho kasi hinalungkat ko ang background niya. At ang panghuli ay ang siya mismo mag apply sa akin. Excited na rin akong pumasok siya sa buhay ko, araw araw akong masaya nato. Mas madaling parusahan siya pag malapit! Pinaharurot ko ng tuluyan ang sasakyan. Tumunog bigla ang Phone ni Ate. Kinuha niya naman ito at tinignan. "Sino yan?" Ngumisi ng malapad ang bruha kong katabi. "I just received a message from her, kailan mo ba daw siya ime-meet?" And that, ngumisi ako nang napakalapad. "Sabihin mo bukas." Tignan lang natin kung tatanggi pa ka Miss Fern. Maghanda ka sa mas malala pang empyerno na sasapitin mo. Malapit mo nang maranasan 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD