Chapter 5 (She strikes the same way)

2723 Words
Chapter 5 (She strikes the same way) Fern's POV "Waaahh! Rem ba't mo ako binuhusan ng tubig?!" Napabangon ako dahil sa tubig na nainom ko galing sa binuhos ni Rem na tubig sa balde. Tinaasan naman ako ng kilay ng bruha at napahawak sa laylayan ng damit kong basang basa. "Sa tingin mo anong oras na?" tanong ni Rem sa akin. Tinignan ko siya, yung suot niya. Naka uniform atsaka ko lang napangtanto sa sarili ko na 7:25 AM na pala, 7:30 'yong umpisa ng klase namin! Late na ako! Nako po! Ano bang klaseng panaginip kasi 'yon?! Nag ayos na ako at dali dali namin tinahak ang daan ni Rem papunta sa School. "Alam mo Fern, kanina noong tinignan kita natutulog nandidiri ako sayo." biglang sabi ni Rem sa akin nang makarating kami ng School. "E? bakit naman?" pagtataka kong tanong kung bakit. "Kasi habang nakapikit yang mga mata mo panay nguso mo kuwari may humahalik sa'yo atsaka 'yong smile mo, jusko day! Ang bongga, ikaw na." sabi niya nakanguso pa siya habang tumatango. "Totoo?" pagtataka kong tanong. "Panay sabi mo ng girlfriend? mo ako? ah hehehe.. sige tayo na' kadiri! Di ko alam ganyan ka ka-easy-to-get sa panaginip mo" Napahinto naman ako nang ma-alala ko 'yong panaginip ko. "Loko Rem! Sinagot ko pala siya sa panaginip ko? naputol kasi ginising mo ako pero di nga? sinagot ko siya?"Sabi ko sa kanya. O gulay, wala akong matandaan na sinagot ko siya. Ibig sabihin ba niyan? boyfriend ko na siya sa panaginip ko? Hay nako, ano ba iniisip ko? Yung masamang tao na yun? Sasagutin ko? Kahit sa panaginip ko hinding hindi 'yon mangyayari. Napansin ko naman na ang sama ng tingin sa akin ni Rem. "Sino ba kasi nanligaw sayo sa panaginip mo? Congrats ah, may lovelife ka na sa panaginip mo, yaan mo next time hindi na kita gigisingin kung pwede nga habang buhay ka ng tulog" sarkastikong aniya. "Wala akong lovelife no, kahit sa panaginip." pagtatanggol ko sa sarili ko. Kung Anghel lang sana 'yong masamang tao na 'yon sa panaginip edi okay lang kahit maging BF ko siya sa tuwing matutulog ako pero hindi! Sino ba sasagot noon pag ganon ka sama ang ugali? Nakakayamot kung alam ko lang walang matinong schedule ngayon ng klase edi sana hindi na ako pumasok. Kung may papasok na teacher, hindi naman magdidiscuss, matutulog lang o di kaya magpapa-seat work pero hindi kukunin ang seatwork na binigay sa amin. "Psstt!" Tinatawag ako ni Rem. Lumabas naman ako dala ang bag ko. "Manonood ba tayo ng taping? naguumpisa na kasi, kanina pa." aniya. Walang patumpik tumpik pang hinila ko siya papunta sa lugar kung saan nag te-taping sina Light. Nasa bleachers lang kami nanood kasi bawal ang lumapit doon. Ang ganda nong leading lady niya, kung di ako nagkakamali si Mariz Cordova 'yon. One of the most hottiest leading lady of all times. Rom-Com 'yong pelikula nila, kaya madaming sweets moments na plot ang masasaksihan namin at nakakatawa. "Ang ganda talaga ni Mariz, di katulad ng iba jan." may narinig akong bulong bulongan ng mga studyante sa likod namin. Ako ata ang pinaparinggan nila? As if naman affected ako? E naiinggit lang yan sila eh kasi pinansin ako ni Light noong nakaraang araw. Nang nag-break sila, lumapit namang iilang kababaihan para makita ang idol nila ng malapitan at ganon rin ako. "saan si PA?" sabi ni Light. "Ah 'yon? Masama ang pakiramdam kaya hindi muna mag du-duty ngayon." sabi naman nong driver ni Light. "Pano yan? Wala akong alalay dito?" tanong ni Light. Parang may tumunog na kampana sa tenga ko sa mga narinig. Personal Assistant lang ba? Well, kahit digmaang pangkalawakan tatahakin ko, mapagsilbihan ka lang mahal na prinsipe. "I volunteer!" tinaas ko ang kamay ko at biglang sumigaw. 'Yong mga mata ng nandoon panay ang tingin sa akin. "Come here." nakita kong sandaling pag ngisi ni Light. Ngumiti naman siya sa akin ng tuluyan na dahilan na pwede na akong gumulong sa sahig sa tuwa. "Nakakaloka talaga." bulong ni Rem sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at dali daling lumapit kay Light. "Oh?! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yan." di bale ng makapal, nakalapit naman. "Sa sobrang kapal pwede na maging plato." kahit gawin niyo pang kutsara, tinidor, lamesa. Name it! Naririnig ko ang mga bulong bulongan naman ng mga babaeng inggitera. Ang hina e! Kung gusto nila mapansin ng Idol nila edi gumawa sila ng paraan. Palapit ako kay Light ng may biglang may paang sumipa sa paa ko kaya muntik na akong madapa, Buti na lang andyan si Light, nasalo niya ako. "Ayos ka lang?" sobrang lapit ng mukha naming dalawa nang tinanong 'yon sa akin. Ayosh leng babe. "Ah? OO!" ngumiti ako, 'yong ngiting natatae. Inalayan niya akong tumayo. Napa-ayos ako sa sarili ko at lumingon sa babaeng sumipa sa akin. Tinignan niya ako ng masama at tinaasan pa 'yong kilay niyang parang binahidan lang ng uling. Ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis sa kanya sabay sabing "Salamat ah, sa uulitin." Nang narinig niya 'yon, umusok ang ilong niya at nagpipigil sa mga kaibigan niya. Minamasahe ko lang naman ang likuran ni Light habang siya'y nagbabasa ng Script. Ang smooth talaga ng likod niya at ang bango pa niya. Baka di ako makapagpigil ma r**e ko siya ng di oras pero syempre, biro lang. Maya-maya pa'y dumungaw ako sa Script niya. Binasa ko rin. May kissing scene sila ni Mariz mamaya! Di ako papayag, ano kayang ang pwedeng gawin? Dapat hindi matuloy ang kissing scene nila! Hindi ako papayag na may ibang labi ang dumampi sa labi ni Light kung di ako lang dapat. "Light? memorize mo na ang script?" minamamalas nga naman, lumapit sa amin si Mariz at may dala pa siyang softdrinks in Can at binigay kay Light. "kaunti na lang." Sabi ni Light sa kanya. Umupo si Mariz sa tabi ni Light kaya ang resulta natakpan ako. Excuse me? May tagamasahe dito sa likod? "Uhm.. sa part sa kissing scene, pwede bang humingi ng favor?" nagpapacute na tanong ni Mariz. "Ano 'yon?" tumingin si Light sa kanya. "Pwede bang gentle kiss lang gawin mo?" "As if naman gugustuhin ni Light ang halikan ka." Bulong lang para hindi marinig ni Mariz. Tumingin naman si Mariz sa akin. Mukhang narinig niya ata? "Excuse me? May sinasabi ka?" tanong niya sa akin. Nagkuwari akong walang sinabi at inosenteng tinuturo lang yung sarili ko. "Uhmm, ang alam ko kumakanta lang ako." inosenteng sabi ko. "Ah ganon ba? Akala ko naman," aniya at tumango. Pinakilala ako ni Light sa kanya. Nakipag shakes hand siya sa akin pero parang plastic lang 'yong pinakita niyang ugali. Maya maya nagsimula na ang taping. Dinemo muna ng dDirektor ang gagawin at ang scene. May e-extra palang Studyante para maputol 'yong halikan scene nila. Tinuro niya pa yung extra na studyante. May naisip naman akong evil plan para hindi matuloy yung kissing scene nila. Sinundan ko ang tinutukoy na studyante na binayaran lang para maging Extra. Papunta siya sa C.R at mukhang magbibihis. Nagkunwari din akong naiihi na at tumungo sa C.R. Nang nakapasok siya sa isang cubicle at sinabit ang damit niya sa may pinto, kinuha ko ito atsaka ako tumakbo palabas. Pumasok din ako sa ibang C.R, at doon binihis yung damit. Tinutuhanan ko maging extra. "Okay lets start!" sigaw ng director. Tinignan ako ni Direk at mukhang nagtataka kung bakit nag iba ang mukha ng Extra pero in the end, hindi na siya nagtanong pa. Nagsimula na ang taping, inaantay ko na lang ang scene na susulpot ako. Kung tatanungin niyo kung alam ko ang gagawin ko, syempre naman, gagawa na lang ba ako ng evil plan na walang alam sa nangyayari? Nong nasa part na kung saan maghahalikan na sila. Eto na ang pagkakataon ko. Dito na 'yong part na susulpot ako. 'Yong scene e, matutuloy yong halikan nila pero may makakakitang studyante sa kanila kaya mapapahinto sila ng halikan. "Mahal kita." sabi ni Light kay Mariz base sa script at unti unting nilapit ang mukha niya kay Mariz, napapikit naman si Mariz at inaantay na lang na magdampi ang labi nila ni Light. Mga ilang inches na lang ang natitira sa pagitan nilang dalawa bago maghalikan ay sumulpot na ako. Syempre! hindi dapat sila magkikiss e. "Cut!" sabi ni Direk. Pinagalitan ako ni Direk pero hindi ko iyon dinibdib. Ilang beses na akong nasigawan kaya sanay na rin ang tenga pagdating sa ganitong bagay. Nag take 2, take 3, take 4 hindi parin nakokompleto ang scene. Parang nagagalit na yata sa akin ang mga staff kasi ako 'yong dahilan kung bakit hindi matuloy tuloy yung kissing scene nila. Mga ilang oras pabalik balik ang ganong eksena sa School. Hangang sa naging hapon na lang hindi pa na perkpekto dahil sa akin. Mukhang napapagod na yung mga staff at ang huling scene na lang ang ginawang official scene. Hindi na sila nag taping pa tungkol doon sa kissing scene kaya in the end, walang halik na naganap at ako 'yong nagtagumpay. Bumalik ako sa C.R para ihubad yung damit na kinuha ko at ibinalik sa cubicle kung nasaan yung babae kanina. Andun parin siya, hindi man lang lumalabas. Mukhang inaantay niya ata 'yong damit niya. E nasaan ang uniform niya? Kinabukasan, maaga akong nagising kaya nauna na akong pumunta ng School kay Rem. Dumaan ako sa Canteen para bumili ng makakain nang napansin kong nagkakagulo. Ang daming babae at tumitili pa, siguro si Light na naman? Siya lang kasi ang may ganoong impact sa School na ito, makisiksik nga baka mapansin naman ako. "Excuse me? Padaan po." Ang alam ko dito ang daan tinatahak ko pero bakit ang daming nakaharang? Nang makarating ako sa maluwag na lugar may nabangga akong poste ah este dibdib ng tao pala. "Ikaw?!" siya na naman 'yong nakita ko sa araw na ito minamalas nga naman. Bakit ba parati kaming pinagtatagpo ng masamang tao na to? Ngumisi pa siya sa akin at nilapit ang mukha niya sa leeg ko. Atsaka ko naman naramdaman ang kamay niyang nakapalibot sa katawan. Para tuloy siyang nakayakap sa akin. "Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko? Pag nagkita tayo humanda ka, Alam mo pa bang hindi pa tayo tapos?" yong boses niyang nagbabanta sa akin. Pabulong niya yang sinabi sa tenga ko. "Alam ko at alam mo bang hindi ako natatakot sayo? Kaya hindi ko na kelangan pang maghanda" pagbabanta din ang boses ko niyan. Narinig ko siyang napabugtong hininga at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya at ganon din naman siya sa akin. "Ang lakas ng loob mong babae ka, hindi mo pa nga ako kilala," kalmado niyang aniya. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Ang mga babae naman panay tili sa kanya. Huminto naman siya at nagsalita naman. "Oo nga pala, wag kang masyadong pumunta sa mataong lugar baka mamaya mapahiya ka." mapang akit na sinabi niya at naglakad na ulit. Sana'y na akong mapahiya kaya okay lang, at ano ba kinatatakot ko doon. Hanep talaga ang lalakeng yun, pumunta lang sa school namin para asarin ako as if naman matatablan ako sa mga pang-aasar niya sakin. Ang lakas ng tama sa ulo ng lalakeng 'yon. Takas sa mental ba 'yon? kung ako sa kanya pag pa drug test na siya baka sa susunod pang mga araw makita ko na siya sa kalyeng walang suot na tumatawa mag isa. Dumadaan ako sa Hallway, madaming studyante ang nasa giliran panay ang tingin sa akin. Pag hindi ako naka tingin sa kanila doon pa sila tumatawa. 'Yong isa nga nahuli kong tumatawa nang tinignan ko siya na nagtataka, huminto siya sa kakatawa. 'Yong nag gigitara naman sa giliran, nakikitawa na rin. Lumingon ako sa kanila para malaman kong anong problema nila. "Happy day ba ngayon?" sabi ko sa mga tao sa hallway. Natahimik sila sandali at tumawa ulit. "Subukan mo kaya tignan ang likod mo." sabi ng isang lalake. Pano ko tignan ang likod ko? Baka mabali ang leeg ko pag tumingin ako sa likod. Kinapa ko na lang ang likod at may parang papel na nakadikit sa likod ko. Kinuha ko naman ito at binasa ang nakasulat. Anak ng tokwa! Sabi ko na nga ba may kakaiba sa lalakeng 'yon sa pagyakap niya sa akin e. Sino ba ang hindi magagalit kung ganito ang nakasulat sa likod mo: *Imma good Virgin, text me who are willing to f^ck with me, I'm free!* Hindi niya alam kung ano ang pwede kong gawin sa kanya ah, kunting tiis na lang lalabas na ang pagiging demonyita ko. Pumunta ako sa lugar kung saan pwede kong makita 'yong lalakeng may sayad. Nakita ko siya sa mall noong una, kaya pwede ring dito ko siya makita. At mukhang di nga ako nagkakamali, nagsama pa ng alipin niya at 'yong babaeng naka date niya noong nakaraan araw. Sinusundan ko sila kahit saan sila magpunta hanggang sa makarating sila sa arcade. Pumasok sila at pumasok na rin ako. Tamang tama maraming tao...... What time is it? It's payback time Habang nakikipagtawan siya kasama ang mga barakubal niyang kasama. Lumapit ako sa kanila. "Uy! andito ka pala? long time no see." Sabi ko sa lalakeng 'yon at tinapik ko pa siya sa balikat. Halata sa mukha niyang nagtataka siya. "Who's that kid bro?" tanong ng isang lalakeng kasama niya. Kid? Like no kidding? "Ako? ako ang binuntis niya, Girlfriend niya ako dati pero nang nabuntis, iniwan niya na ako, pasalamat ka buhay pa ako at oo nga pala, yung anak mo" hinimas ko yung tyan ko kunwaring buntis "three months na, anong plano mo?" pa inosente kong sabi sa kanya. Nilakasan ko pa ang pagkakasabi sa kanya nyan. 'Yong expression ng mga tao doon isama mo pa 'yong mga kasama niya gulat na gulat at hindi makapaniwala. "Anong sinasabi mo?!" kunot noo niyang sabi sa akin. "Anak mo ang dinadala ko, ngayon mo lang alam? E di pwede narin tong surpresa ko sa'yo?" tanong ko. "Bakit naman kita bubuntisin?" pagtatakang sabi niya. "ganon ba?" ngumuso ako at kunwaring pinupunasan ang luha ko. "Ganyan talaga ang mga lalake ngayon, bubuntisin ka lang tsaka ka naman iiwan. Malandi!" "Oo nga. hoy! lalake panindigan mo yan!" Narinig namin ang mga tao doon na tinatarayan ang masamang bakulaw. Patay malisya akong tumingin sa kanya, Hinila niya naman ako palabas ng arcade at pumunta sa labas ng Mall. Nakarating kami sa Parking lot atsaka niya ako binitawan doon. Halos naman masubsob yung mukha ko sa kotse dahil sa lakas ng impact ng pag bitaw niya sa akin. "Problema mo?" tanong ko habang hinihimas ang braso ko. "Problema ko? Ikaw! loko ka ah! Anong pinagsasabi mong buntis na yan? Siraulo kang babae ka!" napipikong sabi niya. "Ha! ginawa ko lang kung ano ang ginawa mo sakin kanina." sabi ko. "Napahiya ka rin pala, good for you. Akala ko hindi na natatablan ang mukha mo sa sobrang kapal." "Kung ano ang gagawin mo sa akin gagawin ko rin sa'yo." pagbabanta ko sa kanya. "Ganon ba? E di subukan mo kung kaya mo. Baka pag nagkita tayo ulit, mapapatay kita." pananakot niyang boses sa akin. Tinignan niya ako ng masama at ganon din siya sa akin. Ang yabang talaga ng lalakeng 'to. "Uhmm.. excuse me?" may biglang boses ang pumagitna kaya napatingin ako sa babaeng nakadate niya noon. Ngumiti lang ako sa kanya. "Miss, ang malas mo nakilala mo tong lalakeng to, kung girlfriend ka man niya kung ako sayo hihiwalayan ko na siya, mukhang walang happy ending sa inyong dalawa." Sabi ko sa babae, Napatingin naman si Bakulaw sa akin na nanlilisik ang mata. "What?!" gulat na tanong ng babae. "Sige aalis na ako." humakbang na ako pero hinigit ako nong bakulaw sa braso. Pakiramdam ko lulubog yung kuko niya sa balat ko. "Ano sabi mo?" pikon na sabi ng bakulaw. "Aray! ang sakit ng braso ko!" "Anong sabi mo ha?!" "Aray! sabi ko aray!" "Anong..........aw! Siraulo kang babae ka! pag nagkita tayo ulit! papatayin kita!" Sinipa ko siya sa puhunan niya atsaka ako tumakbo palayo. Ayaw niya akong bitiwan e, kaya yan napala niya. Sana mabaog na siya para hindi na dumami ang lahi niya. Sumosobra na kasi siya kaya dapat lang sa kanya yan. Pag nagkita kami ulit, papatayin niya daw ako? Baka siya ang mapatay ko gamit ang makamandag na nakakalokang gandang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD