Chapter 7 ( Kasi Type kita)

2510 Words
Chapter 7 ( Kasi Type kita) Fern Jade POV Pumunta ako sa Internet caffee para tignan ang link na sinasabi nong ale na swert ko raw siya. Pagbukas ko, napahanga ako. Siguro ang gwapo ng Ace Alden Park nato? Pero wala naman siyang pictures? Ang gwapo niya siguro kasi ang nag a-apply kahit mayaman gusto siya maging boyfriend. May iba ganito 'yong pinost sa website: Gusto nila mamatay pag di ma hire. Mamatay ka na ngayon pa man, wala ka namang pagpipili-an e. Pero nagulat ako sa kasunod na post. *I don't have to hesitate to commit suicide if you don't hire me!* ganon ka desperada. Jusko naman! Nahihibang na siguro tong mga taong ‘to. Kahit mayaman na nag a-apply parin maging girlfriend lang niya. Gwapo ba talaga to at parang sikat o sikat nga talaga? Ako lang ‘yong di nakakakilala. Akalain mo ‘yon sikat siya saang sulok ng mundo? ba't di ko kilala? Nako Fern nahuhuli ka na sa balita. Humagalpak ako ng tawa sa net caffee dahil sa mga post. "Shhhh!" bawal pala maingay dito pero ‘yong mga batang naglalaro nagmumurahan. Tumahimik na lang din ako. Pagkarating ko sa dulo ng site nakita ko agad ‘yong income per week at believe me or not, naglaway ako ng di oras. Nag sign up agad ako, nag fill up ng info at nag post. 'If you are seeking for a girlfriend here I am, I can be the one that you are looking for, I'm the best choice!' Kakapost ko lang may nag comment na agad. Girl 1: Duh! Such a desperate Girl 2: he's mine! Girl 1: no you're not! he's mine! At nagpatayan sila dahil sa kalandian. Pinatay ko na ang computer. Ginawang boxing ring ‘yong post ko kulang na lang maging referee ako eh. Nagbayad na ako at lumabas doon, nag text naman agad sa akin ‘yong site na inapplyan ko. *Good afternoon Ms. Tricco, we would like you to inform that you have an interview tomorrow afternoon. See yah and Goodluck!* "Yes!!" Nagtatalon talon pa ako sa saya dahil kaka a-apply ko lang tinanggap na agad ako! Ngayon pa man, naniniwala na akong pinanganak akong maganda dito sa mundo. Oo nga pala di pa ako tanggap kasi may interview pa pero positive ako na makukuha ko ‘to. "Talaga Fern?" "Oo Rem! Siguradong pasok ako sa trabahong ‘yon!" Sinabi ko agad kay Rem tungkol sa kakaibang trabahong inapplyan ko. ‘Yong maging girlfriend ng isang Ace Alden Park, lokong babae hindi din pala kilala kung sino yun pero sabi niya’y familiar daw. Kinakabahan ako pero todo na ito! Napakamot naman si Rem ng ulo habang tumitingin sa taas. "Paano pag yang Ace Alden Park ay isang matanda na di maka-anak? Maliit t**s pero wild? O di kaya criminal,siga sa kalye, mafia leader, m******s, kidnapper, holdapper, statcher?"di ko siya pinatapos ng pagsasalita ng nagsalita ako bigla. "Teka lang? Kakasabi ko lang diba, gwapo siya! Ang daming babaeng gustong makuha siya atsaka tumigil ka nga sa sinasabi mo anung kidnnaper, holdapper ang pinagsasabi mo jan? Pangalan pa lang halatang big time na at mukhang mabait! ACE ALDEN PARK." Ginuhit ko pa ang pangalan niya sa hangin. Excited na akong makita siya, ano kaya mukha ng taong ‘yon? Siya na ba ang prince na parati akong binibisita sa panaginip ko? "Ewan ko sayo Fern, susuportahan na lang kita jan sa trabaho mo. E ano pa nga ba kailangan kong gawin? Kaibigan ako diba? At para narin mabayaran mo ‘yong utang mo sakin." sabi ni Rem sa akin. Niyakap ko lang siya at nagtatalon talon. "Salamat Rem! Promise mo wag mong sasabihin kahit kanino ah, wag mong ipagkakalat baka mamaya magtrending ako mahirap na." "Oo na pero teka? Kung magiging girlfriend ka ng taong yan, paano si Light your loves?" muntik ko na makalimutan. Loyal pala dapat ako. "Fake girlfriend lang naman, si Light parin yung love ko." "Besh, mag ingat ka na lang kasi sa panahon ngayon maraming nai-ilove sa pagpapanggap." "Ibahin mo ako Rem, ano ba ang pagkakakilala mo sa akin?" "Unique pero pandak." "Yon oh! Pero hindi totoo ang pangalawa mong sinabi. Nasa 5’1 ako." Inarapan niya lang ako. Mas love ko parin si Light, no one can replace him in my heart. He's the one he's going to be mine. Kinabukasan, In-email ako nong inaaply-an ko. Ang sabi pumunta daw ako sa isang resort kung saan gaganapin ang interview. Nag bihis naman ako ng maayos bago pumunta doon. Naglagay pa ako ng make up pero light lang naman, mas lutang parin ang simpleng ganda ko. Nag skater skirt pa ako na color black, at three fourth sleeve white blouse at nag high heels. Ang bongga ng interview na to ha, ngayon lang ako nagpaganda ng ganito. Pagkarating ko sa gate ng resort na sinasabi nila, agad naman akong pinapasok ng guard doon. Ang ganda naman ng lugar na ito parang paradise ‘yong pinasukan ko. "Good morning Ms.Tricco, This way ma’am." Nilahad niya ang kamay niya sa Area kung saan dapat ako pumunta. Sinabit ko naman ang nakaharang na nakalugay kong buhok sa tenga habang naglalakad ako sa dapat kong patutunguhan. Pagkarating ko doon, may sexing babae na nakatalikod at may hawak na champaign. "Excuse me po, andito po ako para sa interview." Magalang kong sabi doon sa babae. "Kindly sit down first." mataray niyang sabi. Umupo naman ako sa isang upuan sa harap niya. Saan na kaya si Ace Alden Park? Dahan dahang humarap ang babae. Saktong pagharap niya sa akin, nanlaki mata namin pareho o mata ko lang ang nanlaki? Familiar kasi yong babaeng to. Asan ko nga ba to nakita? "Remember me Ms. Tricco?" Confident niyang sabi. Umiling ako at muntik na siyang matumba sa dahil sa sagot ko. Di ko naman talaga siya ma-alala. Saan ko nga ba siya nakita? "Di na ako magpapakilala tutal mukhang makikilala mo ako pagdating ng panahon. So, let the interview begin. Ano ang talent mo?" Binilang ko naman sa kamay kung ano ang mga talent ko. "I can live, I can love, I can reach the heavens above, I can right what is wrong, I can sing just any song." ngumiti ako sa kanya. Nilagay niya ang champaign sa lamesa. "I can dance, I can fly---" Pagtutuloy niya pero may tono na. Bigla siyang nahinto at mukhang nagulat sa sinabi niya. Napa takip ng mukha ang babae. Umubo siya ng bahagya at nagtanong ulit. "Anong kaibahan mo sa ibang babae?" "Ako ang tipong hindi type ng iilang lalake pero once na makilala nila ako, nahuhulog na lang sila basta basta sa akin at mahihirapan sila mag move on." confident kong sinabi sa kanya. Napansin kong ngumisi ang babaeng ‘to habang nililibot niya yong office chair at naka cross arm. Parang may masamang balak naman e. "Sa tingin ko pasok ka na sa taste ng kapatid ko pero hindi ako ang mag ha-hire sayo kung di siya" sabi pa niya. Kapatid? "Kapatid mo si ACE ALDEN PARK?" gulat kong tanong sa kanya. "Yup." Siguro nga ang gwapo nong ACE ALDEN PARK na ‘yon? Maganda kasi ang kapatid niya. Mula sa madilim na sulok sa likod ng babaeng to una kong napansin ang isang anino ng lalake kasabay ng isang boses na nagsasabing--- "She's hired." Napatayo ako para maihanda ang sarili kong makita si ACE ALDEN PARK. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapuna ko kung sino ang nagmamay-ari ng pangalan na ‘yon. Sabihin niyo nga? nagmamalik mata lang ba ako? Panaginip to? Ah este bangungot? "Ikaw si Ace Alden Park?" Mahinahon kong sabi sa kanya habang tinuturo siya. Ngumisi siya at inalis ang shade na suot niya. Kinindatan niya ako. "Yep, ako nga. Gulat ka?" halata naman siguro na gulat ako no? Di nga ako makapaniwala na ang isang mortal enemy magiging fake Boyfriend ko for the mean time. Sino ba ang sinasabi ko? ‘Yong kagalitan ko noong nakaraang araw, ang nagparanas ng kawalang hiyaan sa akin. Siya ‘yon. walang iba! Hinampas niya sa mesa ang isang contract. "Pirmahan mo na, para sa agreement natin." sabi niya. "Nagbago ang isip ko. Ayaw ko na pala." Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho wag lang maging girlfriend mo. Tumalikod na ako at akmang aalis pero bigla siyang nagsalita. "Dodoblehin ko yung income per week. Scholarship sa School na papasukan mo, take note. prestigious School ‘yon. May extra income ka pa pag overtime ka. May bonus ka pa pag holiday at pag rest day mo naman, syempre araw mo ‘yon para magpahinga. May Free condo unit at sasakyan ka rin pag tumagal ka. Ano? Tatanggihan mo pa ba ang blessings?" Matatanggihan pa ba ang alok na ‘yon? E daan na ‘yon para maging milyonarya ako eh pero maging girlfriend niya? Pero din, walang wala ako sa panahong to. Bahala na nga. Humarap ako sa kanya at kinuha ang kontrata at nilahad ang kamay ko. "Saan ang ballpen? Pipirmahan ko." napansin kong ngumisi ‘yong kapatid ng Ace nato at matagumpay na ngumiti si Ace habang inaabot sa akin ang pen. Kinuha ko naman ito at dirediretsong pinirmahan ang kontrata, ni di ko naman ito binasa. Ano kaya ang nakasulat pa doon? Binigay ko na sa kanya ang kontrata. "Yan na po sir." Kinuha naman ito ni Ace at pinirmahan niya din. "Di mo man lang binasa? Sana lang di mo pagsisisihan ang nakasulat." "Ano pa ba ang nakasulat jan? E agreement lang naman yan." "Are you sure? May rules din nakasulat dito. Once you already signed the contract it means you agreed about the rules. So, wala ng problema? Akin ka na pero hindi ibig sabihin, sayo na ako. Remember? Natatrabaho ka parin sa akin at boss mo ako." Ang yabang talaga ng lalakeng ‘to. Masusuntok ko talaga ‘to. Wala siyang sinabi na may nakasulat na rules doon. Ang tanga ko din naman, hindi ko binasa. "Di porket boss kita nakakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin. Tandaan mo, Mortal na kalaban kita at kahit ang tingin ng ibang tao sa atin ay tayo na, di parin mawawala na kalaban kita at hindi magbabago ‘yon." nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para tignan siya mata sa mata. Parang may kidlat naman na namumuo sa pagitan ng mga mata namin habang nagkakatinginan sa isa't isa. Wala sa isip ko ang kumurap at kahit nakakatakot ang tingin niya. Di ako natatatakot sa kanya. "Oo nag pala, kalabanin ang boss mo ay may bawas sa sweldo." ngumisi siya kaya napalayo ako ng mukha ko. "Ano?! Di naman ata tama ‘yon. May rights din akong magreklamo!" Pagrereklamo ko. "Meron nga pero kinakalaban mo ako so bawas na ‘yon." Biglang tumayo ang babae at tinignan kaming dalawa ni Ace. "Ace, tanggap pa lang siya hindi pa siya nagsisimula so it's still not counted, Pagbigyan mo na baka umayaw pa bahala ka." sabi pa ng kapatid niya. Inarapan siya ni Ace at tumingin sa kawalan na walang imik. "Simula bukas pag uumpisa ka na bilang girlfriend niya. May advance income ka na rin." Ang bait naman ng kapatid niya. Ba't siya hindi? Ngumiti lang ako sa kanya pero ang ikinagulat ko niyakap niya ako. Ang bango naman ng babaeng ‘to. Ano kaya perfume niya? Gusto ko rin gamitin para maging kasing bango ko siya. "Sige hija, pwede ka ng umuwi." ang ganda niya lalo na pag nagsmile! "S-sige po, salamat po." sabi ko atsaka tumalikod. Hahakbang pa sana ako kaso nagsalita na naman ‘yong kapatid niya. "Ihahatid ka na daw ni Ace" "Ate! Wala akong sinabi!" pagrereklamo ni Ace. Lumingon naman ako sa kanila. "Sige, salamat na lang." pero tinignan ako ng masama ng ate niya at tinulak si Ace papunta sa akin. Tuloy muntik na kaming matumba pareho pero di natuloy kasi hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Napuna ata namin ang kanya kanyang posisyon kaya napabitiw kami sa isa't isa. Tinulak niya pa ako palayo sa kanya. Walang hiya talaga napaka gentleman niya ha, sobra, "Wala akong sinabi ate. F*ck! kaw na lang maghatid sa kanya wag mo akong idadamay sa biro mo." nakataas na boses na sinabi ni Ace. Parang batang nagmamaktol. "Di bale na po, may pamasahe naman ako pauwi. Kaya ko na mag-isa." singit ko sa kanila. Lumalakad na ako palayo sa kanila nang marinig ko pa ang bulong ng ate niya sa kanya. "Uy! Ang cute niya, pakipot ka pa e."rinig ko ang kinikilig niyang boses. "Ang badoy ng taste mo. Alam mo ‘yon?" "Ihatid mo na nga siya, sige ka pag di mo siya hinatid, mag hohoneymoon na naman kami ng asawa ko sa ibang bansa at iiwan ko sayo ang pamangkin mo.Ace, kilala mo naman ako diba?" Mukhang narinig ko ‘yong mataas na sinabi ng ate niya. hindi pa naman ako nakakalayo e, bigla na lang ako nilagpasan ni Ace at hinawakan ako sa kamay atsaka hinigit palabas. Mukhang ihahatid na ata ako nito? Para naman ako madadapa sa paghihigit niya sakin. Ang laki ng hakbang niya at akin ay maliit lang. Wala ba tong pakiramdam na napapatakbo na niya na ako? Pagdating namin sa labas, binuksan niya ng padabog ang pintuan ng sasakyan. "Sakay." pag- uutos niya sakin. "Ayaw ko nga" pagmamatigas ko.Akmang susuntukin niya ako pero napigilan niya ang sarili niya at tinulak ako papasok doon. Wala akong nagawa kung hindi pumasok na lang din at tumahimik. Habang nag da-drive siya, mura siya ng mura. Ako na ata nabibingi sa pagmumura niya e. Kawawa ang tenga ko, natalsikan pa naman ng holy water ‘to noong nagsisimba ako. Tinuro ko ang daan papunta sa apartment ko. Pagkarating namin doon, di ko na siya hinintay na pagbuksan ako at kusa na mismo akong lumabas. "Dito ba apartment mo?" Lumabas narin siya at tinignan ang apartment na tinitirhan ko. "Oo." matipid kong sagot. "Bagay ka nga jan, pareho kayo ng apartment mo, parehong cheap." sabi pa niya. Pagmamaliit niya sa’kin. Hintayin mo akong yumaman, bibilhin ko bahay niyo. "Porket mayaman, hay nako. Well, salamat sa paghatid." sabi ko sa kanya. Di naman ako kasing sama niya e. May puso din naman ako. "I don't need your thank you." sabi niya at pumasok na siya sa sasakyan niya. Bago siya makaalis may tinanong ako sa kanya na hindi ko na natatanong kanina. "Teka lang! Bakit ako ‘yong napili mong iha-hired as your girlfriend?" pansin ko kasi, sa dami ng nag a-apply ako pa yung nakuha at mukha namang magaganda. Ini-start niya yung engine. Mga ilang segundo ding katahimikan bago siya umimik. Tumingin siya sa akin. Tinaasan ako ng kilay at may sinabi. Ewan ko ba pero pakiramdam ko bigla akong namula sa sinabi niya at kumabog ng husto ang aking puso pero alam kong hindi dapat. Oh my Light! Patawarin mo ang aking taksil na puso! Di ko sinasadya na ibahagi sa iba ang sayo lang dapat! "Kasi type kita." At tuluyan ng umalis ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD