Umaga ng magising siya. Mataas na ang araw ng bumangon. Nakakasilaw sa mata ang sikat ng araw. Pumasok sa maliit na siwang ng bintana.
"Bumangon kana diyan Carrena?" Malakas na katok ni Ate Olivia sa pinto ng silid niya.
"Ate?"
"Mabuti naman at gising kana. Kumain kana diyan, ha? Pupunta lang ako sa palengke. Kukunin ko lang iyong gown mo."
"Opo, Ate?"
"Sige. Alis na ako... Bago ko makalimutan. Kung may maghahanap sa akin sabihin mo wala ako. At hindi mo alam kailan uwi. Bahala kana mag dahilan sa kanila."
"Ha? Sino sila?" Tanong niya dito. Umiwas ito ng tingin sa kaniya.
"Ah, basta! Sundin mo lang ang sasabihin ko. Naitindihan mo ba?"
"Opo. Sige. Ingat ka, Ate?" Sabi niya dito. Kaagad itong tumango sa kaniya.
"Salamat... Alis na ako. Sarado mo ang pinto. Kapag dumating si Rico. Behave kayo, ha? Huwag gumawa ng milagro!"
"Ate naman..."
"Naitindihan mo ba sinabi ko?" Seryosong sabi sa kaniya.
"Opo. Ate... Huwag po kayo mag- aalala. Hindi po ganoon si Rico malaki ang respeto niya sa akin. At malinaw na po iyon sa kaniya." Isa pa, hindi pupunta si Rico sa bahay. Hindi pa sila nagkakausap. Madami siyang tanong sa lalaki. Kaya gusto niya itong makausap mamaya.
"Okay."
Humugot siya ng malalim na hininga pagkasara ng pinto. Nagtimpla muna siya ng gatas, pagkatapos sumandok na siya ng kanin at ulam sa mga mangkok at nilagay sa plato.
Makalipas ng sampung minuto may narinig siyang kamatok sa pinto. Sino naman kaya ito. Hindi kaya bumalik si Ate Olivia may nakalimutan lang ito. Uminom muna siya ng gatas bago pagbuksan ito.
"Sino iyan?" Pagbukas niya sa pinto agad pumasok ang mga lalaki. At may hinanap na kung anong bagay sa loob ng bahay. Sino ang mga ito. Anong kailangan nila.
"Sino kayo?" Lakas loob niyang tanong sa hindi kilalang lalaki. Hinawakan siya nito sa baba ng mariin at sobrang sakit.
"Saan ang kapatid mo?" Galit nito tanong sa kaniya.
"Ha?"
"Bingi kaba o basagin ko iyang bungo mo nito?" Napalunok siya ng laway ng makita ang hawak nito baril.
"Boss! Wala po dito?" Sabi ng isang lalaking kasama nito.
"Tangina! Talagang ginagalit ako ni Olivia! Hindi niya ako pwideng pagtaguan habangbuhay."
"Sino kayo? Bakit hinanap niyo kapatid ko?" Tanong niya.
"Sabihin mo sa kapatid mo, ha? Hindi niya ako matatakasan kahit kailan." Sabay bitaw sa kaniya. Masakit ang panga niya sa ginawa ng lalaki sa kaniya. Agad niyang tiningnan ang mukha sa salamin. Baka kasi nalukot na at mamaya sa Ball night. Nag- iba na mukha niya. Instead na maganda nagmukhang clown na siya.
Muli niyang sinirado ang pinto at ni' lock, baka kasi bumalik ang mga ito. At saktan pa siya.
Hinanap niya ang kaniyang cellphone para tawagan si Olivia at itanong dito kung sino ang mga taong. Naghahanap sa kapatid na galit na galit at, ano ang nagawang kasalanan ni Ate dito. Pero ring lang ng ring hindi sinasagot. Nang mapagod pinatay niya na. Mamaya niya na lang kausapin pagkauwi nito.
Mabilis ang oras ilang oras na lang Ball night na at wala pang paramdam sa kaniya si Rico. Sinubukan niya itong tawagan pero nakapatay ang cellphone nito. Ano ba kasi nangyayari sa mga tao ngayon bakit hindi sinasagot ang cellphone nila. Nang walang magawa naligo na lamang siya. Mamaya lang ay darating na iyong mag- aayos sa kaniya. Kumuha pa kasi si Ate ng beautician. Kahit hindi na... Okay lang para naman hindi na magastos. Pero mapilit si Ate kaya wala siyang nagawa pa. Ang pumayag na lang. Nang matapos siyang maligo. Dumating taga-ayos niya. Sunod naman dumating si Ate dala ang gown ko para mamaya. Gusto niya itong tanongin pero nakita niyang maganda ang mood nito. Ang pangit naman kung sisirain niya.
"Ang ganda ganda mo..." Tuwang tuwang sabi sa kaniya ng bakla pagkatapos siyang make upan.
"Sabi ko sayo Carrena? Magaling ito si Marla pagdating sa make- up the best!" Tuwang sabi ni Olivia.
"Talaga naman!" Maarting sagot ni Marla.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Nag-iba ang etsura niya. Parang naging kahawig niya si Marian Rivera. Ako ba talaga ito? Sobrang ganda mo? Sabi niya habang naaliw sa sariling reflection.
"Ano masasabi mo, ha?" Si Ate.
"Maganda po... Parang hindi ako." Sabi niya.
"Kasi magaling ang kinuha ko. Gusto ko kasi maganda ka sa Ball night!"
"Salamat, Ate... " Touching niyang sabi dito. Gusto niyang maiyak pero ayaw ni Ate ng dramahan.
"Wala iyon. Basta magsaya ka ngayong gabi... Minsan lang dumaan sa buhay mo ito."
"Opo, Ate, salamat pa din. I love you..." Niyakap niya ito. Hindi naman ito ang reklamo.
"Sige na... Baka mamaya iyakan naman ang sunod." Tawanan silang pariho.
"Sandali. Ate may pumunta dito galit na galit. Sino sila?"
"Ha?"
"Sino sila, Ate?" Tumalikod ito sa kaniya at nagkukunwaring may ginagawa.
"Ate Olivia?"
"Ha? May kailangan kaba? Kung wala! Kukunin ko iyong gown mo." Malikot ang mga mata nito.
"Ate? Sino ba sila? Anong atraso mo sa kanila? May tinatago kaba sa akin na hindi ko alam."
"Carrena hindi ko alam. At wala akong tinatago sayo."
"Pero---?"
"Kunin ko na gown mo. Kalimutan muna sila. Dahil wala akong sasabihin kahit anong gawin mo." Galit na sabi sa kaniya.
Humugot siya ng malalim na hininga at hindi na nagpumilit pa, usisain ang kapatid. Baka mauwi lang sa pagtatalo. Ayaw niya namang magkasamaan sila ng loob.
Inalis niya na lamang sa isipan ang pag- aalala at mag-isip ng hindi maganda sa mga taong iyon.
Tumitibok ang mga mata niya dahil sa suot niyang gown. Medyo may kabigatan ang napiling gown ni Ate. Para siyang prinsesa sa gown.
"Bagay na bagay sayo ang kinuha kong gown! Sigurado akong ikaw ang pinakamaganda sa ball night niyo." Sabi sa kaniya ng kapatid.
"Marami po magaganda at magagandang gown Ate! Hindi lang ako." Sabi niya.
"Kahit na... ikaw pa rin ang mas maganda kahit sino tanongin mo." Proud nito sabi sa kaniya. Natatawang napatingin siya dito.
"Salamat, Ate, ha? Lalo na sa pagiging supportive mo."
"Wala iyon... Sige na, kilos na diyan na taxi, maghahatid sayo sa school mo. Mag-ingat ka roon, ha? Bawal tumikim kahit anong inumin." Paalala sa kaniya. Madali siyang malasing kahit anong inumin. Mahina ang katawan niya sa alak. Kaya minsan iniiwasan niya uminom kahit kunti lang.
Tinulungan siyang makapasok sa loob ng taxi. Dahil sa gown niya. At nagpaalam na siya dito bago pa lumarga ang sinakyan niya.
Madaming sasakyang nakaparada sa labas. Sa mismong entrance ng hotel siya bumaba. Kaagad siyang tinulongan ng gwardiya pagkababa niya ng taxi. Nakangiting nagpasalamat siya dito. Bungad pa lang nakakalula ang ganda ng pagkaayos at punong puno ng bulaklak, kahit saang sulok man. Parang nasa paraiso siya nagagandahang paligid. Nang makita si Rico. Kaagad niya itong tinawag. Kasama nito si Xanya. Pero ng makita siya lumapit ito sa kaniya at iniwan ang babae. Masayang masaya siyang makita ang boyfriend. Ang gwapo nito. Hindi niya napagilan ang sarili hindi ito yakapin. Sobra niya itong na mimiss.
"Wow! You're beautiful..." Nagniningning ang mga mata niya sa complement ng boyfriend. At ganoon din ito. Kinuha ni Rico ang mga kamay niya at pinatong sa balikat nito. Habang ang mga kamay nito nasa baywang niya. Kasayaw niya ito. Kahit walang music. Masayang masaya siya, at wala na siyang mahihiling pa. Boung akala niya hindi niya ito makakasayaw ngayong gabi. Pero hindi. Heto sila ngayon sumayaw sa gitna ng Ball night kasama ng iba pa.
"Gwapo mo din..." Sabi niya.
"I miss you, baby... Sorry, ha? Hindi kita nasundo. Kailangan ko pa kasi sunduin si Xanya. Nasiraan daw siya kaya dinaanan ko na lang." Ngumiti siya ng tipid dito.
"Okay lang... Alam ko naman mabait ka at gentleman." Yumakap siya dito, at magkadikit ang katawan nila. Nang tumugtog ang sweet song.
Naramdaman niya ang paghalik ni Rico sa buhok niya. "Mahal na mahal kita. Carrena?" Rinig niyang sabi nito.
"Mahal na mahal din kita, Rico." Sabi niya dito. Sobrang mahal niya talaga ang binata ramdam niya iyon.
"Thank you. Sorry kung hindi na tayo magkasama madalas. Marami lang talagang pinapagawa sa akin."
"Okay lang. Totoo ba na ayaw mo ako kasama. Nakausap ko kasi si Xanya kahapon, sabi niya mayroon daw okasyon sa bahay niyo at hindi mo sinabi sa akin. Pero sinabi mo kay Xanya. Nakakatampo ka..."
"Hindi ko sinabi. Hindi ko alam paano niya nalaman at kaya hindi ko sinabi sayo kasi gusto ni mama kami lang wala munang ibang tao. Kaya sinunod ko siya."
"Totoo ba iyan?"
"Yes, mahal ko." Sabay halik ng mabilis sa labi niya.
"Ano kaba... Nakakahiya maraming makakakita?" Sabi niya dito.
"Sorry. Hindi ko lang napigilang hindi halikan ang mahal ko. Kahit anong mangyari hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo, Carrena?" May sensirity sabi sa kaniya.
"Hindi mo ako ipagpalit kahit kanino?"
"Nope. Hinding hindi..." muli siyang yumakap dito at mahigpit na.
"Salamat. Salamat... Kahit paano panatag ang loob ko. At pangako ko sayo ikaw lang mamahalin ko. Hanggang dulo ng buhay ko."
*
"So magpakalasing ka lang diyan. Wala ka bang gagawin para mapaghiwalay iyang dalawa?"
"What do you want me to do? I'm going to attack Carrena and hurt her. I can't! Magagalit sa akin si Rico, kapag ginawa ko iyon." Sabay inom ulit ng alak.
"Well... Hindi naman kailangan saktan mo siya. Marami naman paraan para masulo mo, ang lalaking mahal mo."
"Paano?" Tanong niya sa kaibigan.
"Watch and learned... Hindi ko hayaan maging malungkot ang bestfriend ko ngayon gabi." Napangiti siya dito at nagiging interesado, kung ano man ang binabalak nito.
"Thank you... Best? I hope, I enjoy that and Rico's full attention is only on me. That's not Carrena."
"Huwag kang mag-alala ako bahala. Basta huwag kang umalis sa tabi ni Rico at huwag mo siyang hayaang makalapit kay Carrena."
"Oo naman. Hindi talaga! Basta siguraduhin mo lang hindi iyan papalpak plano mo at hindi ako madamay diyan. Kailangan sa paningin ni Rico mabait ako."
"Yes. No problem. Chill ka lang... Kami ang bahala."