"Thank you, Attorney? Naabala pa po kayo?" Sabi niya.
"It's Okay. Pwide na to sapatos mo." Sabi sa kaniya.
"Opo. Salamat..." Tango lang sinagot nito sa kaniya.
Hindi na siya nagpaalam doon sa lalaking tumulong sa kaniya. Dahil may kausap ito sa cellphone. Besides, tumunog na ang bill kaya kailangan niyang makabalik sa room niya. Strict ang first subject nila. Kapag late ka hindi kana papasokin sa subject nito.
Lakad takbo ang ginawang pabalik sa classroom. Wala na siyang nakikitang ibang studyanteng nagtambay sa labas. Pagdating sa room hingal na hingal siyang pumasok. Alam niyang nagtataka ang mga ito bakit siya tumatakbo. Pero wala na siyang pakialam. Basta pumasok na siya sa loob para maupo. Ang siyang pagdating ni Mr. Cruz. Nakahinga siya ng maluwang.
***
"Mark? Where's she?" Tanong niya sa assistant at abogado na rin.
"Iyong babae po ba young Master?"
"Yes?" Napakamot ito sa ulo.
"Umalis na. Nagmamadali!" Blanko ang expression napatingin sa kawalan si Efrem.
"Bakit? Sir?"
"Nothing... But, gusto ko siya makilala? Can you please find out who she is? All about him." Gusto sana magtanong ni Mark sa boss. Pero dahil nakukuryos lamang siya sa pagiging interesado nito sa batang iyon.
"Uhm, Young Master... Tanong ko lang bakit parang interesado ka sa dalagang iyon."
"I don't know..." Naguguluhang napatingin sa mukha ng amo.
"Let's go." Wika ni Efrem. Gumilid agad si Mark para bigyan ng daan si Efrem. Sumunod naman si Mark sa boss nito.
+++
Recess Time.
Tinatamad lumabas si Carrena. Mayroon naman siyang biscuit at tubig iyon na lang pagtiyagaan niya. Wala din naman si Rico ngayon. May importante daw lakad. Akala ba naman niya makikita niya si Rico ngayon.
"Bukas na ang Ball night guys... I'm so excited!" Tili ng isang kaklase niya.
"Kami rin!" Sagot ng iba kasama mga lalaki.
"Sigurado ako maraming luluwang mga mata sa gandang dilag nating lahat. Haha?" Dagdag pa ng isa.
Tahimik lang siyang nakikinig ng tanongin bigla ni Terry. Hindi sila close ng babae pero mabait naman ito makipag- usap sa akin.
"Sandali, Carrena? Atend kaba sa Ball night bukas... Medyo may kamahalan." Maarte sabi sa kaniya ni Terry.
"Oo. Sabi ng Ate ko?" Sagot niya dito.
"Talaga! Wow naman... Marami na tayong maganda. Hahaha?"
"May gaganda pa ba sa atin maliban sa ating muse!"
"Wala na!"
Ngumiti lang siya sa mga ito. Talaga naman maganda ang mga ito. Hindi gaya niya. Mabuti mahal siya ni Rico kahit hindi kagandahan. Kaya naman mainit ang ulo sa kaniya ng ilan. Anong magagawa niya.
Hanggang matapos ang klase nasa loob lang siya ng classroom. Pauwi na siya ng harangin siya. Umiwas siya ng daan. Pero sumunod pa rin ang mga ito at tinulak pa siya sa sino mang tumulak sa kaniya. Dahilan para madapa siya. Nagtawanan ang mga ito ng makitang nakadapa na sa lupa. Gusto niyang kumuha ng bagay na pwideng pambato sa mga ito. Pero naalala niyang mayroong siyang agreement pinirmahan ng eskwelahan bago pumasok sa campos na ito. Umiwas sa gulo para hindi maapektuhan ang academic.
"Haha? Lampa ka pala, eh?"
"Loser!"
"b***h!"
Sabi sa kaniya. Bago siya iniwan. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao. Darating din araw na lalabanan din niya mga ito oras inulit pa nila. Sa ngayon palalagpasin niya muna. Masakit ang puwitan niya ng tumayo.
Palapit na siya ng gate ng makita si Xanya at mga kaibigan nito. Kausap ang tatlong babaeng tumulak sa kaniya kanina. Ayaw niya mag-isip ng hindi maganda. Pero kinutuban siya, possible kaya may kinalaman si Xanya sa pananakit ng mga Senior High sa akin kanina.
Nang makita siya ng mga ito palapit. Umalis na rin ang mga ito. Pero hindi si Xanya. Sinadya ng babaeng hintayin siya. Kung ano mang sasabihin nito wala siyang pakialam. Hindi naman siya nakakatiyak kung may kinalaman ito. Dahil wala naman nakakita at siya pa ang baliktarin na gumagawa ng kwento.
"Hi! Carrena? Mag-isa ka? Bakit hindi mo kasama si Rico?" Nakaangat ang kilay na tanong sa kaniya ng babae.
"Oo. Kasi may pinuntahan siyang importante." Sabi niya.
"Oh, really? Iyan ba sabi niya sayo? Kasi iba iyong narinig ko, eh?" Maarting lumapit ito sa kaniya. At parang may gusto itong palabasin.
"Anong ibig mong sabihin Xanya?"
"Well... Nalaman ko. May mahalagang celebration sa bahay niya. At pupunta pa nga kami mamaya, eh? Hindi niya ba sinabi sayo?" Hindi siya makasagot.
"Kung ang hindi niya pagsasabi sa akin. Siguro may dahilan siya at hindi naman ako mahilig sa ganiyan. Isa pa, bakit ako kasali kung sila lang pamilya." Sabi niya dito. Bago tinalikuran si Xanya.
Napakapit siya sa bakal. Pakiramdam niya kasi nanglalambot ang mga tuhod niya. naglilihim sa kaniya si Rico. Dati naman kahit anong ganap sa buhay nito. Sinasabi sa kaniya lahat pero ngayon ang dami siyang hindi alam. Nauuna pa nakakaalam ang ibang tao. Sumakay na siya ng jeep ng may dumaan.
Pagdating sa bahay pumasok na siya sa loob ng kaniyang silid. Wala siyang ganang kumain. Gusto niya mapag-isa. Alam niyang hindi pa umuuwi si Ate. Himala matagal ito umuwi dati naman umaga ito umuwi. Nakaluto ng kanin at ulam. Pero ngayon sarado pa ang bahay ng dumating siya. Mabuti na rin iyon para hindi makita ng kapatid niya ang pag-iyak niya. Ang dali niyang umiyak ngayon, ang babaw ng luha niya. Siguro, dahil sobrang mahal niya si Rico. Natatakot siyang baka darating ang araw mawala sa kaniya si Rico. Kahit ayaw niya mag-isip ng hindi maganda. Pilit pa rin nagsusumiksik sa isipan niya.
Natulogan ni Carrena ang kaniyang pag-iyak. Nagising siya sa malakas na kalabog sa kusina. Naisip niyang maagang nagising si Ate. Naghahanda ng almusal. Naghihikab siya ng bumangon ng maramdaman niyang pagtunog ang tiyan niya. Nagmamadali siyang nagtungo sa kusina para kumain. Maghahanda pa siya para mamayang gabi.
Tama nga siya. Maagang nagising si Ate ng almusal. Anong oras kaya ito nakauwi. Hindi ko na namalayan ang pag-uwi nito.
"Good morning, Ate?" Bati niya dito. Naupo na rin siya sa lamesa. Nang maamoy ang sinangag na kanin. Lalo siyang nagutom.
"Mabuti naman at gising kana, Carrena?"
"Opo. Anong oras kayo nakauwi kagabi Ate?" Tanong niya dito. Kahit may laman ang bibig niya.
"Maaga... Hindi na kita ginising. Alam ko tulog mantika ka, eh? Kahit sipain pa kita hindi ka pa rin magigising. Hinayaan na lang kita makatulog. Tama naman ito. Tulog mantika talaga siya. Kung may sunog, baka mauna pa siyang matupok sa apoy.
"Napagod lang ako, Ate?"
"Saan? Sa kakaiyak mo, ha? Carrena? Lalaki lang iyan... Marami pa diyan!" Better na sabi sa kaniya. Palibhasa hindi pa ito nakaranas ng masaktan. Ang dali lang nito sabihin.
"Isa pa, wala akong tiwala sa boyfriend mo iyon. Alam ko naman na maghihiwalay din kayo!"
"Ate naman... "
"Bakit? Tama ba iyong pinapaiyak ka." Hindi siya nakaimik. Kumain na lamang siya. Kapag magsasalita pa siya. Hahaba lang ang usapan.