"Tama ang hinala ko. Dito lang kita makikita?" Kaagad niya pinatay ang segirelyo. Kapag may mga iniisip siya. Mas gusto niyang magpag-isa at malayo sa ingay.
"Mom?" May lungkot sa boses niya.
"Hay, ang ganda ng panahon ngayon. Maaliwalas ang kaulapan... Sariwa ang hangin. Maganda talaga ang napili mong place kasi... Nakakagaan ng pakiramdam sa ganda ng view makakapag-relx ka... kahit saglit lang."
"Yeah? Tama po kayo..." Tahimik ang dagat ngayon at sariwang hangin. Nakauwi na sila sa bahay. Pinayagan agad ng Doktor na makakauwi si Carrena. Okay naman na ang health nito. At ang baby... Hindi niya muna inaabala si Carrena ng makitang pagod ito sa haba ng biyahe.
"Pero bakit parang sad ka, Son?"
Sighed.
"I don't know... Mom? Sana hindi na bumalik sa dati si Carrena... iyong pagiging cold niya sa akin at walang kibo kapag kinausap ko siya. Mas gusto ko na lang iyong Carrena na... Isip bata pero malambing at honest sa kaniyang naramdaman. Pero parang ang selfish ko naman... Kung ayaw ko siyang bumalik sa normal." Mabigat ang kalooban sabi niya.
Sighed.
"Tama lang ginawa mo anak... Bigyan mo ng panahon at oras makapag-isip si Carrena. Alam ko ma-appriciate niya rin lahat ng mga ginawa mong sacrifice for her... Hayaan muna siya sa ngayon makarecover... Mas magandang manggaling mismo sa kaniyang bibig na mahal ka... Hindi iyong pilit. Kasi Son.. mas masarap sa pakiramdam ang mahalin mo at mahalin niya... Tandaan mo iyan!" Tango lang naging sagot niya sa ina. At muling tinapon sa kawalan ang paningin.
"Yes, Mom? Hintayin ko ang araw na iyon. Sana tama po kayo... Pero kung sakaling hindi niya pa rin ako magawang mahalin. It's okay."
"Walang impossible sa mundong ito. Efrem? At nakikita ng Diyos ang kabutihan ng iyong kalooban..." Pagpapagaan sa aking kalooban na sabi ni Mommy.
Tulog sa araw si Tantan at gising sa kagabi. At sa gabi iyak ng iyak ito. Kahit anong patahang gagawin ni Carrena kay Tantan. Hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak at kahit siya naiiyak na rin.
"Bakit umiiyak si Tantan malalim ng gabi may problema ba?" Tanong niya, ng katukin sa Carrena sa silid nito.
Kaagad naman binukas ni Carrena ang pinto. Magulo ang buhok nito. At nakapantulog pa ng manipis. Kita din ang frustration sa mukha ni Carrena. Hindi alam kung paano mapatahan sa pag-iyak ni Tantan. Sobra kasi itong maiyakin na bata. Hindi mo alam ano pa ang kailangan gawin para tumigil lang ito.
"Hindi ko alam... Hindi ko siya mapatahan, eh? Kinarga ko na siya... Pinadidi ko na... Umiiyak pa rin siya." Hindi mapigilang ni Carrena ang mga matang hindi magtubig.
Sighed.
"Papasok ako okay lang ba?" Sabi niya. Binigyan siya agad ng daan para makapasok. At muli rin sinara ni Carrena ang pinto.
"Ako na bahala kay Baby. Huwag kana umiyak. Ganiyan lang sa umpisa... Pero kapag nakuha muna alam mo na ang gagawin." Sabi niya dito.
"Bakit siya umiiyak?" Sumisinghot pa din ito.
"Na check mo naba ang diaper niya baka nakapopo o puno na..." Tanong niya.
"Pinalitan ko na, eh? Pero ayaw niya pa rin tumigil sa pag-iyak." Si Carrena.
"Akin na kargahin ko... Alisin mo na lang mga kalat diyan. Kailangan malinis para hindi makakuha ng sakit si baby." Sabi niya dito. Kung saan saan kasi may kalat. Naitindihan niya naman na nag-adjust pa lang ito, bilang isang first time mother.
"Sorry..." Paghingi ito ng tawad, iniisip na may nagawa itong mali.
"It's okay. Hindi ko kasalanan... pero
alam mo naman sa gabi walang tutulong sayo. Kaya sarili sikap mo ang pag-aalaga kay Baby. Don't worry, tulongan na kita..."
Tumigil sa pag-iyak si Tantan. Nang kargahin ni Efrem. Nakatulog ito habang karga- karga.
"Tingnan mo natulog ng kargahin mo. Ikaw lang pala ang kailangan. Nakakatampo naman si Baby...." Sabi sa kaniya.
"Oo nga..." Tumigil ito ng kargahin niya.
"Hindi ko alam... Bakit pagdating sayo ang masunurin niya. Pero sa akin hindi ko siya mapatahan."
"Hindi ko rin alam... Siguro na miss niya ako." Nakangiting sabi niya.
"Hindi pwide wala ka sa boung araw. Dahil hahanapin ka niya..." Sabi sa kaniya ni Carrena.
"Yeah. Dito lang naman ako."
"Paano kung biglang kang may appointments sa labas at isang araw ka wala?"
"Tatawag ako para patahanin siya."
Nang matapos si Carrena sa pag-alis ng kalat. Malaya naman siyang pinagmasdan si Efrem. Habang karga si Tantan at sinasayaw. May naramdaman siyang tuwa sa puso. Hindi lang ito maalaga. Mahal na mahal nito si Tantan. Kaya naman spoiled si Tantan sa ama. Inayos niya din ang kama na nagusot at ang crib ni Tantan.
"Pwidi muna siya ibalik dito." Sabi kay Efrem.
"Tulog na kaya ito?"
"Siguro... Try mo lang?" Sabi niya.
"Okay." Marahang nilapag ni Efrem si Tantan sa crib pero umiyak muli. Kaya naman kinarga ulit ni Efrem.
"Akala ko tulog na... Mukhang ayaw ka paalisin ni Baby. Haha?"
"Yeah, baka artista to siguro paglaki. Hmp, If you want... Matulog kana... Ako na ang bahala kay Tantan. Pagtulog na siya talaga. Lapag ko na lang siya dito at babalik na ako sa aking silid."
"Sigurado ka?"
"Yes, sige na... Para makapahinga ka naman." Hindi naman siya inaantok. Kanina inaantok siya pero nawala na lang bigla.
"Salamat, ha?"
"Salamat saan?"
"Dahil sa pagtitiyaga mo sa akin at pagmamahal na binigay mo kay Tantan at lalo ng panahon may sakit ako... Bakit? Dahil ba dinadala ko anak mo... Gusto ko malaman ang dahilan mo Efrem?"
Bumuntong-hininga si Efrem bago nagsalita.
"Natiis ko lahat dahil gusto ko alagaan ka at lumabas si Baby ng malusog. Natiis ko dahil sobra na kitang mahal at ayaw ko mawala ka sa akin. Nangyari ito ng nasa poder na kita... Pero hindi naman ako humihingi ng kapalit na mahalin mo ako pabalik Carrena. Makita ko lang masaya ka masaya na rin ako... Alam ko naman hindi ako tinitibok niyan."
Hindi nakasagot si Carrena.
"You don't have to answer and everything I say doesn't have to have an answer right away." Nakita niyang, kahit hindi nito, ipapakita ang tunay emotions ramdam pa rin niya nasasaktan ito. Hindi niya alam kung paano susuklian. Pero pipilitin pa rin niya naman.
"Thank you, Efrem... Pero kung gusto mo pariho tayo maging magulang muna ni Tantan... like mag- umpisa muna tayo bilang magkaibigan, tapos kilalanin ang isa't-isa... Hindi ba mas nakakabuti iyon para sa atin dalawa. Marami ng nangyari... At hindi ko alam paano ako magsisimula ulit." Sabi niya dito. Karga pa rin, si Tantan sa mga bisig nito. Kahit may kabigatan na ito.
"Yes, I like that... unahin ang makakabuti para kay Tantan."
"Oo."
"Matulog kana... Ako na bahala kay Tantan." Sabi sa kaniya.
"Hmp, hindi ako makatulog na, eh? Mas mabuting samahan na kita sa pag-alaga kay Tantan. Habang nagpapaantok..."
"May idea ako... Ano kaya manood tayo ng movie. Para naman hindi ito mainip. Saka masakit na mga braso ko..."
"Hmm....okay."
Napuno ng tawanan ang boung silid. Halos maluha luha na siya sa katatawa.
Hindi naman nakakatawa iyong pinapanood pero natatawa na rin siya ang ingot niya talaga. Napansin niyang nakatulog na si Efrem habang nakasandal sa malaking sofa. Nasa kanlungan pa rin nito si Tantan at parihong naghihilik. Natutuwa siyang kuhanan ng larawan gamit ang cellphone ni Efrem. Buti na lang wala itong password. Wala naman ganap sa cellphone nito. Kahit contacts iilan lang naka-phonebook. Sa pangalawang kuha kasama na siya. Nang makatuntento siya. Dahang dahan niyang kinuha dito si Tantan baka kasi mailaglag nito. Maingat niya naman binalik sa crib si Tantan para hindi magising. Pigil hininga ang paglagay niya ng sanggol sa crib. At ng makitang mahimbing ang tulog. Saka pa siya nakahinga ng maluwang. Kumuha siya ng malinis na blanket sa cabinet at kinumot niya kay Efrem. Inayos niya ito sa paghiga, upang hindi mahirapan, mabuti na lang hindi ito nagising. Gaya ni Tantan... tulog mantika rin. Natulog na rin siya ng makitang okay na lahat. Mag-uumaga na pero matutulog pa lang siya.
Tanghali nang magising siya. At wala man lang nag-abalang gisingin siya. Wala na rin sa silid si Tantan. Siguro nilabas ni Efrem para hindi siya magising. Napaka iyakin naman ang batang iyon.
Hindi niya maitindihan bakit pagdating sa akin. Ang iyakin ni Tantan. Minsan naiisip niya... Kung anak niya ba talaga si Tantan. Bakit ayaw sa kaniya. Pero kapag si Efrem ang lalapit para patahanin. Agad naman na tumahimik.
Naligo muna siya bago lumabas ng silid. Nang matapos magpatuyo ng buhok. Lumabas na siya para hanapin ang mag-ama. Ang bigat ng dibdib niya. At naramdaman niya ang pamamasa ng damit niya dahil puno ng gatas. At baka siguro gutom na si Tantan. Lagi siya nagdadala ng lampin para takpan ang dibdib niya nababasa.
Natanaw niya naman ang dalawa pagkababa niya ng hagdan. Pero may kasama ito magandang babae at sexy... Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan pero sa nakikita niya. May gusto ito kay Efrem. Mukhang wala naman alam si Efrem sa mga pinapakita ng babae dito.
"Efrem?" Tawag niya. Agad naman siya nilingon.
"Oh, dito na pala ang yaya ni Tantan! Pwide mo na ibigay sa kaniya ang anak mo. Efrem?" Malakas na sabi ng babae. Medyo masakit iyon sinabi niya ah! Yaya daw ako!
"Carrena?"
"Excuse me? Hindi ako Yaya ni Tantan... Ina niya ako!" Mariing sabi niya.
"Oh, Really?"
"Rose... Si Carrena? Yes, siya ang nanay ni Tantan."
"Ano? Akala ko ba walang ina si Tantan dahil sabi mo may sakit siya."
"I'm sorry... Mali ang pagkaintindi mo, Rose? She is okay now."
"Tama. Okay naman ako. At kukunin ko lang anak ko sa papa niya. At sa nga pala... Hindi ba nasabi sayo ni Efrem na kasal na siya at ako iyon!" Nagtatakang napatingin si Efrem kay Carrena.
"What?"
"Yes, tama nadinig mo... Kaya ako sayo. Huwag kana umasa, ha? Mawawalan pa ng ama ang anak ko sayo!"
"No, Efrem? Totoo ba?"
"Yes, it's true..." Mahinang sagot ni Efrem dito.
"I hate you!" Galit na umalis ang babae.
"See?"
Nang makaalis ang babae. Nauna ng umalis si Carren bitbit si Tantan na... Naramdaman niya namang sumunod sa kaniya si Efrem.
"Carrena sandali!" Humarang ito sa dinaraanan niya.
"Ano?"
"Paano mo nalaman ang tungkol sa kasal? Wala naman akong naalalang nabanggit ko sayo..."
"Efrem? Sinabi sa akin ni Tita, Minerva. Sinabi niya lahat. Pero huwag kang mag-alala hindi ako galit.
"I'm sorry... Hindi ko sinabi sayo. Kasi ayaw ko kamumuhian mo ako."
"Wala naman na akong magawa pa. At nirespito ko nalang ang kagustuhan ni Ate... Dahil alam ko, kung bakit niya ginawa iyon. Dahil iniisip niya lang ang kapakanan ko..."
"Thank you... Hindi ka nagalit pero don't worry... Hanggang doon Lang iyon. At ikaw pa rin magpapasya, Carrena? Kung aalis ka o manatili dito. Wala akong ibang hilingin. Wala kang maririnig sa akin kahit ano. I respect all your decisions.."
"Salamat... Efrem... Maraming salamat." Sabi niya dito. Nilagpasan niya na ito. Narinig niya na lamang ang paghinga nito ng malalim.
Hindi pa kasi siya handang magmahal ulit. Hindi pa ready ang puso niyang buksan ito. Kailangan niya pa ng panahon para mag- isip at ayosin ang sarili.
Naramdaman niyang nakasunod ito ng tingin. Pero ng maramdamang tumalikod na ito. Siya naman ngayon ang nakasunod ng tingin sa lalaki. Kung sakaling handa na siya ulit buksan ang puso niya. Si Efrem ang pipiliin niyang mahalin. Dahil ramdam niyang totoo at tapat ito.
Pumasok na siya sa kaniyang silid. Nang maramdamang gutom na si Tantan at nagpahiwatig ng iiyak.
*****
Dumating ng bahay si Xanya na wala si Rico. Nagkalat din sa sahig ang mga pinaghubaran nitong mga damit. Oo nga pala. Pagkatapos ng kanilang kasal bumukod na sila ni Rico at nangako naman ito na buhayin sila mag-ina sa sariling sikap nito. Siya naman nagsisikap din gampanan ang pagiging plain house wife Dahil mahal niya ito. Pero hindi pala madali, ang lahat. Dahil daig mo pa ang isang katulong na walang sahod. Pagod kana sa lahat lahat pero ang asawa mo nasa labas lumaklak naman. Kasama ang mga barkad. At hindi man lang makaisip maglinis ng bahay at magluto ng hapunan.