Kabanata 21

1521 Words
Inis naman pinulot ni Xanya ang mga kalat sa sahig. Nilagay lahat sa basket. Nagkalat din ang mga bote ng beer at ang mga plato naninigas na dahil hindi nahuhugasan. Nagulo niya ang kaniyang buhok. Hindi ito ang gusto niyang buhay. Hindi niya maitindihan bakit kailangan maghirap sila. Parihong may kaya sa buhay ang mga pamilya nila. Kahit hindi nagtapos sa pag-aral si Rico. Mayroon naman business ang mga ito. Pero ito si Rico lang ayaw lumapit. Dahil gusto nito buhayin ang pamilya sa sariling sikap. Bumukas ang pinto at niluwa roon si Rico. Nakainom naman ito. Araw-araw ganito lagi. Hindi nga ito samama sa kaniya sa check up niya sa Doctor. Ito pa ang madadatnan niya. "Xanya, mahal ko... Dumating kana pala. Pasinseya kana, ha? Hindi naman ako naglinis. Nadatnan mo naman ang bahay natin marumi." "Rico? Wala kana ba gagawin ang uminom ng uminom?" Nakasimangot na tanong dito. "Minsan nga lang uminom, eh? Hindi ko kasi matanggihan si Elmo. Gusto niyang mag- inoman kami. Birthday niya kasi.. ito naman si ako hindi ko siya natanggihan." Kilala niya si Elmo Kilala itong gumagamit ng bawal na gamot. "Rico naman... Sana naglinis at nagluto ka muna bago pumunta diyan. Anong kakainin ko ngayon gutom na ako!" Napansin niyang hindi makatingin sa kaniya si Rico at ang nangitim din ang gilid ng mga mata nito. "Rico? Gumagamit kaba?" "Kunti lang... Tinikman ko lang!" "Rico naman... Alam mong dilekado iyan ginagawa niyo! Baka mamaya masanay kana niyan. Mas mabuting lumipat na tayo ng ibang tirahan malayo lang diyan sa Elmo na iyan." "Hindi na... Hindi na mauulit iyon." Sabi sa kaniya. Napahilamos siya ng naupo. Hindi na siya nangulit pa. Medyo sumakit din ang kaniyang ulo. Kailangan niya ng kunting tiis. Pero hindi niya alam hanggang kailan niya pagtitiisan si Rico. Mahal na mahal niya si Rico. Kakayanin niya ang lahat basta kasama niya lang ito. "Sorry na... Huwag kana sad diyan. Sige ka, baka papangit ang anak mo paglabas..." "Tse!" Parang lumalambot siya pagdating kay Rico. Madali lang mawala ang inis niya dito. Kapag nilalambing siya. Marupok lang... "Pangako ko sayo hindi na ako ulit titikim non... Ayaw ko naman na lalabas si Baby wala ako. Mahal na mahal ko anak ko..." "Eh? Ako?" Tanong niya dito. "Mahal rin kita. Ikaw ang nanay ng anak ko." Sabi sa kaniya. "Ah. Okay..." Alam naman niyang hanggang ngayon si Carrena pa rin ang laman ng puso ni Rico. Pilit niyang ngitian ito. Kahit wala na sa buhay nila si Carrena. Para pa rin itong virus na hindi mawala wala. ++++ Abala ang lahat dahil ngayon ang binyag ni Tantan bilang isang katoliko. Iilan lang ang mga dumalo. Dahil iyon ang gusto niya. Ayaw niya naman mapagod ang bata. "Bagay na bagay kayo... Isa pang picture!" May kinuha si Efrem na tagakuha ng mga larawan nila. Para ilalagay sa album. Kapag lumaki si Tantan may makikita ito. Walang palalagpasing kuha lahat ipa photocopy. Bukas naman isasama sila ni Efrem sa europe. Ayaw niya sana pero dahil Daddy's boy si Tantan. At lalo na tatlong araw ito mawawala. Hindi na siya natanggi pa. Gusto niya rin naman makita ang Europe at makapasyal dito. "Good! Nice view! Isa pa po ulit. Lumapit ka po kay ma'am ng kunti ang isang kamay niyo Sir? Sa likod ni ma'am... Para maganda po si picture." Nakatingin sa kaniya si Efrem. Nag-aalangan ito. Kung susundin ang ang photographer. "Sige na... Pumayag na ako... Para maganda naman sa picture." Sabi niya dito nakangiti. "Are you sure?" Nahihiyang tanong sa kaniya. Siniko niya ito. "Oo naman... Ayaw ko naman na ang pangit ng kuha at isipin ng anak natin. War tayo dalawa dahil ang layo natin sa isa't-isa... Besides, ayaw ko rin paro tanong si Tantan sa mga larawan!" "Ikaw lang inaalala ko..." "Okay lang ako." Sabi niya dito. Sighed. "Okay..." Muli silang ngumiti sa harap ng camera bilang happy family. Mabilis din natapos ang pictorial. Nang makatulog si Tantan pinasok niya na sa kwarto ang bata para makapahinga. Hindi na sumunod sa kaniya Efrem dahil dumating si Rose. Nahahalata niya sa babae na may pagkagusto kay Efrem. Wala sana siyang problema kung mabuting babae ito. Pero hindi maganda ang pakiramdam niya dito. Lagi ito nakasimangot sa kaniya at mabigat ang mukha kapag makita siya. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman siya mapakali sa silid habang inisip si Efrem kasama si Rose. Maganda at sexsi si Rose. Kahit sino pwidi makakagusto dito. Paano kung akitin nito si Efrem. Mayroon agad siyang naramdaman kirot sa dibdib niya. Tumingin siya sa harap ng malaking salamin at tinanggal ang mga damit niya. Wala naman pinagbago sa katawan niya mas gumanda ito ngayon. Mula ng may dumaang bata. Ang dating payat at manipis niyang katawan nagkalaman ito ngayon. Sunod niyang tiningan ang cabinet niya at naghahanap ng damit babagay sa kaniya. Ipapakita niya sa Rose na iyon na mayroon din siyang ipagmamalaki. Kahit may anak na sila. Kanina pa nakaalis ang mga bisita. Tanging si Rose lang ang hindi umalis. Habang umiinom si Efrem. Lumipat ng upuan si Rose sa mismong tabi ni Efrem. Pinakita ni Rose ang maputing hita kay Efrem. "So tuloy na ang launching ng products natin sa Saturday, Efrem?" Hindi naman maiwasang mapalunok ng laway ang lalaki. At manigas ang mga panga. "Yeah?" "Efrem? Anong mayroon niyo sa nanay ng anak mo?" "Nothing..." "So ibig sabihan as in wala?" "Yes, why?" "Because I really like you.. hindi mo ba nahahalata iyon?" Pagtatapat ni Rose sa lalaki. Hindi sumagot si Efrem. Nilalaro lang nito ang basong may lamang alak. Pinakiramdaman nito ang sarili. Kung ano ang maramdaman sa pinagtapat ni Rose. "Efrem? I'm sorry... Pero hindi ko talaga mapigilan ang sariling hindi ka mahalin." Mas lumapit pa si Rose dito at hinawakan sa kamay si Efrem. Tiningnan lang naman ito ni Efrem. "Mahal na mahal kita Efrem... Sigurado ako sa naramadaman ako." Madamdaming sabi sa kaniya ni Rose. "Rose... You are a good business partner because you know a lot. Pero hindi ka marunong bumasa ng taong gusto ka sa hindi ka gusto.... Yes, I was nice and I respect you. Because that's who I am. At huwag mo bigyan ng meaning..." Agad naman bumitaw sa pagkakahawak si Rose sa mga braso ni Efrem. Nahihiya itong umayos ng upo. Nagkulay suka ang mukha nito. "Excuse me.. kailangan ko na umalis. May pupuntahan pa pala ako." Nagmamadaling umalis si Rose. Dahil sa hiya. Ang siyang pagdating ni Carrena. Sandali naman tumigil si Rose at tiningnan si Carrena mula ulo gang paa. Umangat ang isang kilay ni Rose. Saka umalis na lang. Nagkibit-balikat naman si Carrena sa babae. Ano kayang problem nun. Nilapitan niya si Efrem kanina niya pa nakitang umiinom ito. At nakuyuko na ang ulo sa mesa. Hindi ito nag-abalang tingnan siya. Tingin niya naman marami na itong nainom at lasing na... Humugot siya ng malalim na hininga. "Red dress... I like red dress..." Dinig niyang sabi ni Efrem. Pero ng mag-angat ito ng tingin. Pumungay ang mga matang makita siya. "Carrena?" "Ihatid na kita sa kwarto mo. Madami na ang nainom mo." Sabi niya naman. "Kaya ko sarili ko... Huwag kang mag-alala sa akin. Sana hindi mo iniwan mag-isa si Tantan sa room baka mamay umiyak na iyon." "Kaya nga hali kana hatid na kita sa kwarto mo. Marami kanang nainom." "Ang sweet ng asawa ko... Maganda... Mabait pa... Asawa ko..." Hinayaan niya lang ito. Dahil nakainom na. Inalalayan niya ito. Medyo may kabigatan ang lalaking ito. Maliit lang siya at matangkad si Efrem. "Huwag ka magpabigat masyado... Alam mo naman ang bigat mo." Nakinig naman ito. "Dahan dahan lang baka mamaya mahulog tayo pariho sa hagdan. Bakit uminom ka ng marami may flight pa bukas! Nag- impaki kana ba ng mga gamit mo para bukas?" "Hindi eh? Pwide ikaw na wife..." Sabi sa kaniya. Sinipa niya ang pinto ng silid nito. Nang makapasok sa loob muli niyang sinara ang pinto. "Sige, pero hindi ko alam anong mga damit na gusto mong isout mo." "Bahala kana... I trust you my dear wife... Sarap sa pakiramdam may asawa. Hahaha?" Agad niya itong hinagis sa king size bed nito. Muntikan pa siyang madaganan. Mabuti na lang at nakaalis siya agad. Inayos niya ito sa pagkahiga at pinalitan ng damit.. tinanggal niya din ang sapatos ni Efrem at nilagay sa sulok. Nang matapos siya. Sunod niya naman inimpake ang mga damit nadadalhin ni Efrem. Ang dinala niya lang ay ang madalas niyang nakikitang ginagamit nito. Nang matapos ay tinabi niya sa gilid ang maleta. Hindi pa nakalabas ng silid. Nakikita niyang sumuka si Efrem. Humugot siya ng malalim na hiningang nilinis ito. Kapag hindi niya alisin ang suka sa higaan nito baka mahigaan pa at nakakadiring amoy pa... "Ano ba iyan... Inom ng marami hindi naman kaya. Kung hindi lang ako naawa baka hayaan na kita diyan. Semprey, ayaw ko naman gagawin iyon sayo. Hindi pa nga ako nakakabawi sa lahat ng tulong mo sa akin. Hindi ko alam Efrem kung paano kita masusuklian." "Carrena... Please don't leave me... I love you.." rinig niyang sabi. Hinaplos niya ito sa ulo. "Hindi kita iiwanan Efrem... Hindi."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD