Naglalakad siya papasok sa school campos. Paglagpas niya sa nakabukas na gate. Naramdaman niya na lang ang pag-angat ng kaniyang palda at agad niya itong nahila pababa. Dahil sa mabilis na pagpasok ng pulang sasakyan kumikintab ito sa sobrang linis. Matapos mahimasmasan sa nangyari. Hindi siya nakapagpigil sundan ng tingin ang sasakyan. At ng malamang doon ito paparada sa VIP parkingan. Nagmamadali siyang lapitan ito at sabihin dito na ang yabang nito, mag-drive. Alam naman nito nasa school zone ito. Pero hindi man lang magawang mag minor. Haist! Buti na lang wala pa gaano studyante. Paano kung marami na? Nagmukha siyang katawa- tawa sa harap ng mga ito. Ako nga iyong napahiya, ako pa ang pagtatawanan. Siguro sinadya kung sino mang posyo pilato na driver. Sa driver seat sa mismo nag- abang sa driver.
Hinanda niya ang sarili ng bumukas ang pinto. Una niyang nakita ang sapatos nito. Sobrang kintab... sa sobrang kintab nakikita niya ang sarili sa sapatos sa mayabang na lalaki. At ang slacks naman ay unat na unat sa sobrang plantsa... At ang pang- itaas naman ay sky blue, ang kulay. Bumagay rin naman dito. May taste ito. Nangawit ang panga niya dahil ang tangkad ng mamang driver. Hanggang kili-kili lamang siya dito. Nagmukha siyang unano sa paningin ng lalaki. At para siyang nakakita ng Hollywood actor, dahil sa bukod na matangkad sobrang gwapo pa nito.
"Excuse me." Sa malamig na boses na sabi sa kaniya. Agad niyang kinalog ang utak. Hindi siya pumunta dito para humanga sa mayabang na lalaking ito.
"Hoy! Alam mo ba muntikan mo na akong banggain kanina?" Sa galit niyang sabi.
Kumunot ang noo nito napatitig sa mukha niya. Hindi niya alam kung nagagandahan ba ito sa kaniya o napapangitan. Ang bango infairness...
"Ano? Titigan mo lang ba ang pagiging dyosa ng kagandahan ko, ha?" Dinaan niya na lamang sa joke. Dahil sobrang kinabahan siya.
Umangat ang gilid ng labi nito. May anong dinukot ito sa bulsa at may inabot sa kaniyang card. Kumunot ang noo niyang napatingin sa card.
"Ano iyan?" Takang tanong niya dito.
"You said I almost ran over you. If you think I hurt you. Ito ang card ko... Tawagan mo lang secretary ko siya na mag assist sayo sa clinic para magamot ka. Okay?" Tumalikod na ito sa kaniya ng harangin niya ito.
"Ang gusto ko lang mag- sorry ka... At sasusunod isipin mo nasa school ka po! At paano kung nakabangga ka talaga? Di' kawawa iyong nabangga mo! Kung hindi magkabali- bali ang mga buto! Sira naman mga buhay nila. Kawawa iyong magulang na ang pag-asa ang mga anak nila..." Mahabang litanya niya dito.
"Sorry. Okay naba sayo, Little girl?" Sabi sa kaniya.
"Okay na... Kahit hindi bukal sa loob mo. At huwag mo akong tawaging little girl! Hindi tayo close!" Sabi niya dito bago umalis.
"Tse!" Sabay talikod niya, sa gwapong lalaki. Gwapo man si Rico mas hamak na gwapo ito. May dating at mukhang baby face pa tingnan kay Rico.
Napapailing sinundan ng tingin ni Efrem Cervantes ang papalayong babae. Marami na siyang nakilalang magaganda kahit saang panig ng mundo. Pero hindi pa siya nakaramdam na kahit anong attraction sa isang babae. At sa maliit na babaeng iyon. Pakiramdam niya may binuhay ito sa pagkatao niyang matagal ng hindi nakaramdam ng kahit anong paghanga, mula ng mamatay si Celeste, ang dating iniibig. Pero masyado itong bata para sa kaniya. It's very young... Sa isip niya.
Efrem Cervantes, ang president ng boung eskwelahan. Dalawang building na mayroong tag- dalawang ektarya ang lawak. Hinati ito sa dalawang eskwelahan. Pero parihong nakulong sa mataas na pader. Isang dalawang ektaryang lupa ay eskwelahan mula Elementarya gang High School at Senior High School. Mayroon din private at hindi private. At sa kabilang building naman na dalawang ektaryang din ang lawak tinayuan ito ng university college nahati sa dalawa. Simi-private at private university. Ang simi private naman para sa taong kumukuha ng schoolarship mga taong gusto mag-koliheyo pero walang kakayahan mag-aral. Pwede din hindi schoolar iyong bata. Basta sumunod sa role ng admin. Ang Private university para sa mga may kakayahang magbayad ng tuition na isang daang libo. Depinde sa kursong kukunin. Mga high class din ang mga guro nabibilang sa university na ito. Tinatayo ang eskwelahang ito, taong 1968. Ang Lolo ni Efrem ang totoong may-are. Dahil namatay na ito. Pinamana na sa binata.
Kaya naparito si Efrem sa eskwelahan. Dahil mayroong board member meeting. Kauuwi lang niya from France. Dumiretso na siya dito sa eskwelahan. Kaya hindi niya napansin ang batang babae kanina dahil maliit ito. Boung akala niya walang tao. Kaya naman mabilis niyang pinaharurot ang kotse papasok sa eskwelahan. Dahil may jetlag pa siya. Gusto niya ng makarating agad at matapos ng maaga ang meeting. Hindi lang eskwelahan nakatayo sa lupa na ito. Tinayuan din ito ng hotel at restaurant pero sa dulong bahagi ito nakatayo. Mayroon rin siyang sariling bahay pinatayo ni Lolo nung buhay pa ito. Matutulog na lamang siya mamaya pagkatapos sa meeting.
Ang akala niya hindi na siya babalik ng pinas pero nakalimutan niyang mayroon din pala siyang obligasyon na kailangan siya. Kung hindi siya dumiretso sa eskwelahan. Hindi niya makilala ang little girl na iyon. Natutuwa lang siya sa batang iyon. Matapang kasi itong pinangaralan siya. Ganoon na lang ang ngiti niya ng maalala ito. When was the last time he smiled... It's been so long... As in a long time.
Dahil maaga pa naglibot-libot muna siya sa boung eskwelahan. Bagong lipat siya kaya hindi niya pa na tour ang eskwelahang ito. Nalalaman niya na apat na ektarya ang lupang tinayuan ng eskwelahan. Hindi lang eskwelahan, mayroon din hotel at restaurant na makikita ito sa bandang dulo. Doon din ang venue ng Ball night at bukas ng gabi, na iyon . Ibig sabihin makakapasok na siya roon at makikita kung gaano ito kaganda at ka sikat na EC Hotel And Restaurant.
Sa pag-ikot niya. Natanggal ang sole ng kaniyang school shoes.
"Paano na...?" Inis niyang tiningnan ang sapatos niya. Kahapon niya pa napapansing bibigay na ang sapatos niya pero sinout niya pa rin ngayon. Dapat hindi na. Namomoproblema tuloy siya.
"Miss... Do you want my help? Maybe I can help." Nag-alok ng tulong. Sakto kailangan din niya.
"May rugby kaba diyan... Natanggal ang sole ng sapatos ko, eh?" Sabi niya dito ng lingunin ang nag-alok ng tulong sa kaniya.
"Ikaw?" Lumaki ang matang sabi niya sa lalaking nag-alok ng tulong sa kaniya.
"Hey? That's you, little girl..." Napakamot ito sa ulo.
Naningkit ang mga mata niyang, nakamaywang na hinarap ito.
"Sinundan mo ba ako? Sino kaba talaga? Stalker ko?" Banat na sabi sa binata. Kaagad ito umalma sa kaniya. Hindi ito gaano nakakaintindi ng tagalog ang lalaki. Dahil matagal ito tumira sa France mula pa sapol.
"Just speak slowly little girl. I didn't understand anything anymore..."
"Sige. Ipaliwanag mo sa akin ngayon?" Sabi niya dito.
"I explained. First, hindi kita sinundan dito. This is really my way. And I'm not a stalker as you think!"
Nakita niyang dito pala ang daan papunta sa sikat na hotel na iyon. At nagsasabi ng totoo ang giant na ito.
"Ah. Eh? Sorry... Tao lang nagkakamali."
"It's Okay. May tinatanong ka kanina. Ano iyon?" Bumaba ang tingin nito sa hawak niyang sapatos na magkahiwalay na ang apakan
"Hehe... Rugby sana... Idikit ko dito." Nahihiyang sabi niya dito.
"Ahh... I see?"
"Yup."
"Wala akong rugby pero pwideng bumili na lang diyan."
"Ay, hehe... Sira ang sapatos ko, eh? Pwideng ikaw na lang bumili. Kung okay lang saypo." Sabi niya dito. Parang nakakahiyang utusan ito. Pero tutulong lang din naman lubos-lubusin na.
"Uhm, wait... I'm just going to call someone." Dinukot sa bulsa ng slacks nito ang cellphone. In fairness Iphone...
"Sino ang tatawagan mo bibili? Hindi ba nakakahiya?" Nagpapanic na tanong niya sa lalaki. Bakit pa ito magtatawag. Andyan naman siya pwede bumili diyan. Saglit lang naman... Tamad talaga ang giant na ito.
"No. I called my lawyer!"
"Ha? Abogado? Bakit? Kakasuhan mo ba ako?" Tanong niya dito, may takot sa kaniyang boses. Bakit may abogado na agad. Malaki ba kasalanan ko.
"No. No! I'll just buy him rugby. I don't know where to buy it and I haven't seen it yet." Paliwanag sa kaniya ng lalaki.
"Hays... may tao pala sa mundo hindi kilala ang Rugby... Abogado pa ang utusang bumili! Ibang ang tama ng lalaking ito..." Mahinang sabi niya.
"May sinasabi kaba?" Agad siyang umiling dito. Hayaan na nga. Hihingi na lang siya ng depensa doon sa abogado inutusang bumili ng Rugby.
"Sinasabi? Ay! Wala?"