Kabanata 3

1012 Words
"Iba talaga ang talino ni Xanya... Ang galing sumagot ng question and answer portion!" "Oo, nga bagay na bagay sila ni Rico talaga... Sana sila ng dalawa magkatuluyan." "Ano ba kayo! Hindi na pwede may girlfriend na iyan si Rico!" "Sino? Iyong hindi marunong mag-ayos na kasama niya. Hindi nga siya mukhang girlfriend tingnan ni Rico para nga siyang yaya dito. Haha?Kahit nga ipagdikit sila ni Xanya. Wala siyang panama dito, eh?" "Kahit na kawawa naman iyong tao. Kaya siguro siya nagustuhan ni Rico dahil mabait siya at mabait naman talaga siya. " Nasa likod siya ng gym pinapanood ang rehearsal nina Rico at Xanya. At narinig niya rin ang tsismisan ng dalawang grade 9 student malapit sa kaniya. Hindi paba siya nasanay na maraming tumutol sa kanilang relasyon. Lahat sila si Xanya ang gusto. Kahit kasama siya ni Rico... Pinapamukha pa rin nila sa akin na si Xanya dapat ang kasama ni Rico hindi ako. Mabigat ang loob na umalis siya sa gym. Maglunch na siyang mag-isa. Sigurado siyang mamaya pa matapos ang rehearsal nila. Kunti na lang kumakain sa cafeteria. Pumasok na siya at umorder ng ulam saka softdrink. Mabuti na rin iyon, makakain siya ng maayos. At hindi siksikan. Binabawalan siyang uminom ng softdrink ni Rico dahil masama daw sa akin. Strict si Rico pagdating sa kalusugan niya. Pero heto siya umorder pa rin dahil matigas ang ulo niya. Masama din ang loob niya sa lalaking iyon. Kahit halata naman chinachanchingan na ni Xanya. Hindi man lang ito umiwas sa babae. Kainis! "Anong order niyo guys nagutom ako sa pinapanood na rehearsalsa kanina. Sigurado akong mananalo sila sa contest! Bagay sila, eh?" Lumayo na nga siya dahil ayaw niyang makarinig ng mga tsismis. Hanggang pa naman dito sa cafeteria pinaguusapan pa rin sila. Kainis! Bigla tuloy siya nawala ng ganang kumain. Napaurong ang mga ito ng makita siya. Para silang binuhusan ng malamig na tubig. "Excuse me..." Sabi niya sa mga ito. Kaagad naman sila gumilid na may takot sa mga mukha. Hindi naman niya ugali makipagaway. Hangga't maari iwasan niyang pumatol sa mga ito. Pabalik na siya sa klase niya ng masalubong niya si Rico. Babalik sana siya sa pinangalingan o magtatago, pero nakita na siya ni Rico at agad hinawakan. "Carrena? Saan kaba galing? Kanina pa kita hinahanap sabay tayong mag-lunch." "Rico? Eh, nauna na akong kumain katatapos ko lang... pabalik na ako sa classroom ko. Hindi kapa ba kumain. Hindi kaba pinakain ni Xanya?" Sabi niya dito. "Carrena... Nagsisilos kana man ba?" Sa kalmadong boses. Hindi pa rin nito binitiwan ang kamay niya. Kahit maraming nakatingin sa kanila. "Silos? Hindi! Sinasabi ko lang naman? Alam mo na... Todo effort pa naman siya kanina. Hindi mo halata iyon, ha?" Sarcasm na sabi niya kay Rico. Hindi niya lang talaga maiwasang uminit ang kaniyang ulo. Kahit anong pagpipigil niya. "Rico?" Speaking of Xanya. Dito naman siya. Ano naman kaya kailangan ng babaeng ito. Lagi na lang umeksena kahit saan sila magpunta ni Rico. Napasimangot siyang napalingon sa babae. "Ikaw pala iyan... Carrena?" "Oo. Bakit?" "Wala lang... Si Rico nga pala hinanap ko. Thank god! Magkasama pala kayo. Akala ko pa naman mahirapan ako hanapin siya." Hindi kumibo si Rico sa tabi niya. Hawak pa rin ang kamay niya. Bumaba naman ang tingin ni Xanya sa mga kamay namin ni Rico na magkahawak at napalunok ito ng laway. " Uhm, Rico... Bakit ka umalis agad. Mayroon pa daw tayong meeting with Mrs. Lim?" "Tungkol saan? Hindi pwide mamaya na lang... May pupuntahan pa kami ni Carrena." "Ay, ganon ba... Pero baka magalit si Mrs. Lim... Kapag hindi ka pupunta. Sige ka... Mamaya ibagsak ka niya sa subject niya kung hindi ka pupunta." Sa kaniya ito nakatingin. "Sige na, Rico? Pumunta kana. Marami pa naman araw!" Sabi niya, sabay bawi sa kamay niya. "Pero---?" "Pumunta ka? At babalik na ako sa classroom ko." Paalam niya dito. Ayaw niya naman siya pa ang dahilan ng pagbagsak ni Rico. Alam niya na gaano ito nagsumikap at mag aral ng mabuti para maintain pa rin ang grades sa academics. Kilala niya si Mrs. Lim, founder ito ng school at schoolarship kung saan member si Rico. At balita niya rin. Malapit ang pamilya ni Xanya kay Mrs. Lim. "Carrena?" Huminto siya. "Hintayin mo ako mamaya. Sabay na tayo!" Sabi sa kaniya. Tumango lang siya at umalis na. Ginabi sa paghihintay si Carrena sa kay Rico. Pero wala pa din ang lalaki. Nagdesisyon siyang umuwi na. Kapag hindi pa siya umuwi. Wala na siyang masakyan pa at delikado pa naman ngayon sa gaya niya. Nang may dumaang jeep sumakay na siya dito. Huling sulyap niya pa sa bukana ng eskwelahan umaasang darating si Rico. Pero wala pa din kahit anino nito. Napabuntong hiningang sumakay na siya ng jeep. "Aba! Ginabi ka ng uwi! Bakit?" "Ate?" "Oo! Ako nga? Bakit ngayon ka lang, ha?" Pasalmpak siyang naupo sa upuang kahoy at nakanguso. "Nangako sa akin si Rico na sabay na kami umuwi. Hintayin ko daw siya. Pero hindi siya dumating kaya ako ginabi." Paliwanag niya dito. "Saan ba siya?" Bumalik ito sa kusena may niluluto. "Ayon kasama si Xanya..." Pagod niyang sumbong sa nakakatandang kapatid. "Xanya? Iyong muse ng school campos niyo. Iyong parang pinagpala ang kagandahan!" Lalo siyang napasimangot sa narinig. Hindi na nga maganda ang araw niya. Lalo pang dinagdagan. "Maganda ba iyon? Halata naman retokada lang... Alam mo naman anak mayaman!" Himutok niya. "Ah, ganon ba? Pero ang ganda niya infairness..." "Ate naman, eh?" Nagdadabog na pumasok siya sa kaniyang silid. "Bakit?" "Masama na nga loob ko lalo mo pa pinapasama!" Naiiyak niyang sabi dito. "Hoy, Carrena? Sinasabi ko lang naman ang totoo! Isa pa, mas maganda ka pa rin doon. Kung mag-ayos ka lang sana. Paano kasi papasok ka sa school wala man lang nilagagay kahit liptint at pulbo lang sana para magmukha kang blooming!" "Eh, sa nahihiya akong maglagay, eh? At lagi ko nakakalimutan..." "Huwag kana magtaka kung isang araw magugulat kana lang si Xanya na ang Mahal ni Rico!" "Tinatakot mo naman ako, Ate?" "Ay, hindi! Carrena? Iyon ang totoo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD