Kabanata 2

1195 Words
"Galit kaba sa akin Beb?" Hindi siya galit masama lang loob niya dito. "Kausapin mo naman ako, oh? Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo, okay?" Binilisan niya ang paglalakad. Yaw niya itong kausapin. Matiyaga man itong sumunod sa kaniya. "Carrena?" Boses nakikiusap sa kaniya. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Hanggang sa labas ng gate. "Huwag ka nga isip bata!" Hinarap niya ito. Matapos pagsabihan ng isip bata ni Rico. "Ako? Isip bata, ha?" Turo niya sa sarili. "Eh, kasi naman... Ayaw mo akong kausapin. Kanina pa ako nagsasalita dito at bumubuntot..." Napakamot ito sa ulo. "Bakit sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginawa mo. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Xanya magkapartner kayo sa ball night! Hindi ko malalaman. So magmukha akong tanga doon! Kasi ang boyfriend ko may partner na ibang babae na dapat ako! Rico? Mahirap mo ba sabihin iyon sa akin, ha? Ngayon, masama lang loob ko.... Tingin mo na agad sa akin isip bata na! Wala na ba akong karapatan masaktan." Mabilis niyang pinunasan ang luha na kanina pa tumulo sa pisngi niya. "Kaya lang naman hindi ko sinabi sayo kasi alam kung magagalit ka. Ayaw mo magkalapit kami ni Xanya." "Oo, aminin ko nagsisilos ako sa babaeng iyon. Dahil matalino siya, maganda at sikat sa boung eskwelahan. Sabi pa nga ng iba kayo ang bagay... Pero sa akin ka nagkagusto... Dapat kayo, eh? Bakit ba?" "Sabi ko naman sayo, ikaw ang mahal ko... Ikaw lang ang nagpapasaya sa akin." Boung puso tapat sa kaniya ni Rico. Ramdam niya naman iyon na mahal siya at ne'respito siya bilang isang babae. "Iyon na nga, eh? Hindi nga kayo pero pilit naman kayo pinaglapit ng kapalaran... Hindi ko alam kung sinasadya o kailangan ko ng magising sa katutuhanan na ayaw ng universe sa akin para sayo..." Naramdaman niyang paghila sa kaniya ni Rico para pagaanin ang mabigat niyang dinadala. Umiyak siya sa mga bisig nito. Naramdaman niya naman humalik ito sa kaniya buhok. "Shh... Tama na okay? Mamumugto iyang mga mata mo pag-uwi. Magtataka ang Ate Olivia mo kapag nakita ang pamumugto ng mga mata mo." "Ikaw naman kasi pinapasama mo ang loob ko..." Hinampas niya ito sa balikat. "Sorry na... Hindi na mauulit. Promise! Sasabihin ko na agad sayo kahit ano." Tinaas nito ang isang kamay tanda ng pangako. "Promise?" "Yes, Beb? Cross my heart..." "Okay." Gumaan ang pakiramdam niya sa mg oras na iyon. Pinaharap siya dito. Pintuyo ang namasa niyang pisngi. "Sorry. Mahal na mahal kita.... Carren?" "Mahal na mahal kita, Rico?" Muling siyang yumakap kay Rico. "So okay lang ba sayo maging partner si Xanya? Hindi ka magagalit?" "Okay lang. Hindi ako galit... Alam ko naman na mahal na mahal mo ako. At may tiwala ako sayo, Rico?" "Of course... I love you. Ikaw lang mamahalin ko... Carren? Wala ng iba... Thank you sa tiwala mo sa akin. At hindi ko sisirain iyon." +++ "Look? Kahit purita iyang si Carrena. Mahal na mahal pa rin siya ng lalaking gusto mo. Malaking insulto sayo, Xanya!" "Shut up. Alam ko nakikita ko!" Sagot ni Xanya. "Huwag mo nga badtripin si Xanya... Kahit girlfriend ni Rico iyan. Si Xanya pa rin ang makakapareha ni Rico sa Ball night... I'm so excited!" Si Renalyn isa mga kaibigan ni Xanya. "Yes. Ako pa rin at hindi iyang Carrena..." "So anong plano mo that night? Aakitin mo naba si Rico maging sayo na forever..." "Yes. Hindi matatapos ang gabi na hindi ko maisasakatuparan ang plano ko..." Nagtagis ang mga ngipin niya. Habang nanglilisik ang mga mata niyang napatingin sa dalawang tao. "OMG... Is that true?" Si Rose. Isa rin sa mga kaibigan ni Xanya. "Oo, sa pagputok ng liwanag may couple of the year naghihiwalay na!" "Kawawa naman si Carrena..." Si Rose. Kahit kaibigan nito sina Xanya at Renalyn. Naawa pa rin ito kay Carrena pero hanggang doon lang iyon. Ayaw naman nitong, kalabanin si Xanya. Maraming connection ang pamilyang ni Xanya sa eskwelahan kung saan nag-aral ang mga ito. "Hoy, huwag kang maawa sa puritang iyon! Kung ayaw mong magalit ako sayo. Akin naman talaga si Rico! Pero inaagaw niya sa akin! Akin lang si Rico. Binabawi ko lang kung ano ang akin." "Okay..." "So let's go na guys. Tapos na ang palabas!" Ani Rose. +++ "Ano okay kana ba Beb?" Nasa loob siya ng kotse ni Rico. May sarili itong sasakyan regalo ng mga magulang nito, nung kaarawan ni Rico. "Okay na ako... Huwag mo na akong intindihin." "Sorry... Kasi nasaktan naman kita." Magkasalubong ang kanilang mga mata. "Hindi masaya ang isang relasyon kung hindi mo pagdaanan ang mga pagsubok na binabato sa magkarelasyon. Kapag may pagsubok mas tatag ang pagmamahalan ng isang tao..." Napapikit siya ng halikan sa labi ng mapusok. Pero ng maramdaman niya ang isang kamay nito nasa dibdib niya. Kaagad niya pinutol ang halikan. "Uhm... Rico... Huwag..." Sabi niya dito. "Sorry... Hindi ko sinasadya Carrena? Nadala lang ako sa emotion ko... Hindi ko nakakalimutan ang pangako natin sa isa't isa na magtatapos muna sa pag-aaral." "Thank you, Rico..." Umayos ito ng upo at ganoon rin siya. Inayos niya muna ang sarili bago lumabas ng kotse ni Rico. "Lalabas na ako. Hinintay na ako ni Ate... Hindi kaba papasok muna sa loob?" Tanong niya dito. "Hindi na... haharap lang ako sa Ate, Viola mo kung tanggap na niya relasyon natin. Alam ko kasi malaking tutol niya sa ating relasyon. Kahit hind niya sabihin ramdam ko naman. Pero naitindihan ko ang Ate, mo?" Napangiti siya sa kabutihang loob ni Rico. Mas suwerte siya dito. Dahil tapat nito sa akin at sa malaking respeto din sa desesyon niya. "Pasinseya kana, ha?" "Okay lang iyon, Beb... Makita ko lang masaya ka? Masaya na rin ako?" "Salamat..." "Sige na pumasok kana... Hintayin muna kita pumasok bago ako umalis." "Okay." Nagpaalam na siya dito. Matapos niya itong halikan ng mabilis sa labi. Nang nasa pinto na siya ng bahay. Kumaway- kaway muna siya sa nobyo. Ganoon din ito. "Oh, pasok kana dito sa loob! Kanina pa nakaalis ang sasakyan ng nobyo mo?" Si Ate Viola. "Opo, Ate..." Humalik muna siya sa pisngi. Bago siya papasok sa kwarto niya. "Kumusta ang araw mo ngayon, ha? Sa nga pala, nakakuha na ako ng gown mo at ang gaganda! Bagay na bagay sayo Bunso!" Rinig niya ang malaking boses nito abot sa kwarto niya. "Mabuti na lang may kilala si Cristy boutique na pwideng rentahan ng mura ang magandang gown ng kaibigan niya..." "Ganoon po Ate... Mabuti naman po!" Sagot niya, matapos makapagbihis at lumabas ng silid. "Oo. Tapos na problema sa gown mo at nakahiram rin ako ng heels na gagamitin mo. Ngayon ang problemahin na lang ang pambayad sa venue at food... Magkano daw lahat?" "Uhm, nasa 3k po, Ate?" "Medyo malaki, ah! Pero hindi bali na lang gawan ko ng paraan..." "Baka mamaya Ate... Mababaon kana sa utang, ha? Kawawa ka naman..." "Sos... Huwag mong isipin iyan. Ang mahalaga makasali ka sa Ball night! Sigurado akong mag enjoy ka doon. At huwag kang iinom ng alak doon, ha?" "School po iyon Ate? Bawal po alak?" Sabi niya dito. "Ah, basta! Pinaalala ko lang baka may gagong magdala... Kahit bawal?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD