"Carren, ha? Madalas mo ng kasama si Rico. Hindi ba kayo nagkasawaan ng mukha. Araw-araw na lang... pariho kayo ng eskwelahan pinasukan at kahit sa recess at lunch magkasama pa rin kayo. Aba! Baka mamaya, ha? Napapabayaan muna pag-aaral mo. Hindi ako nagkakuba-kuba sa trabaho para lang sirain mo tiwala ko sayo. Kinalimutan ko na ang sariling kaligayahan ko dahil nangako ako sa namayapa nating mga magulang na itataguyod kita." Patuloy na sa pagtatalak sa kaniya ni Ate Olivia. Tama naman si Ate. Tumanda na ito dahil sa pag- alaga sa akin. Hindi naman niya ginusto na mas pinili nito tumandang dalaga. Mas gugustuhin niyang magkaroon ito ng sariling pamilya upang hindi ito mag-isa balang araw. Pero hindi ito nakinig sa kaniya. Mas pinili siya nito. Kaysa kaligayahan. Kay naman lagi niyang sinasaisip lahat. Lalo na ang laki sakripisyo sa kaniya ng Ate Olivia.
"Ate, Olivia... Alam ko naman iyon. Semprey, inisip kita at hindi ko kayo bibiguin. Magtatapos muna kami ni Rico sa pag-aaral. Bago pumasok sa isang bagay na bawal pa. At isa pa po mga bata pa po kami Ate... At ayaw ko saktan ang nag-iisa kong Ate at Nanay na din." Niyakap niya ito mula sa likuran.
"Hmm... Sabi mo iyan, ha? Malaki ang tiwala ko sayo. Kinabubuti mo naman ang iniisip ko. Minsan pagpasensiyahan mo ang Ate... Kung minsan mahigpit ako. Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala lalo na sa kaligtasan mo." Niyakap niya ito at tumango na rin.
"Wala iyon... Naitindihan ko naman iyon. Ate!" Sabi niya dito.
"Oh, sige na, magbihis kana doon. Para mag dinner na tayo. Nagluto ako ng kare-kare mo paborito."
"Talaga! Ate?"
"Oo."
"Thank you, Ate?" Muli niya itong niyakap ng mahigpit at pumasok na sa kaniya silid para magpalit ng damit.
"Mahal na mahal kita, bunso... Kahit anong mangyari protektahan kita." Pabulong na sabi ni Olivia sa nakakabatang kapatid.
"Masarap itong niluto mo Ate. Wala pa din kakupas-kupas! Masarap pa din." Pambobola sa nakakatandang kapatid.
"Sos... Binobola mo lang ako. Ang sabihin mo nasanay kana sa lasa kaya iyan sinasabi mo palagi sa akin." Masaya silang magkasamang kumain sa haponan.
"Hindi ah! Talagang masarap ang luto mo kare-kare hindi nakakasawa..."
"Sige na, kumain ka pa diyan. Para magkalaman ang katawan mo."
"Opo, Ate..."
"Kailan nga ulit ang Js from niyo?" Tanong ni Olivia sa kapatid.
"Ahm, itong Saturday na po, Ate? Bakit?"
"Gusto ko lang malaman. May nahanap kana ba gown?"
"Sasali pa ba ako, Ate? Medyo may kamahalan po, eh?" Sabi niya sa kapatid. Mahal naman talaga. Kailangan iyong gown maganda at kapag high class ang design, aabot sa 6k ang halaga sa gown pa lang. Mabigat na sa bulsa. Hindi pa kasali roon ang contribution sa catering service at venue gaganapin na event. Pagkuwentahin lahat aabot sa 10K. Mayroon ba ganon pera si Ate.
Kung simpleng gown naman baka magmukha siyang katawa-tawa sa ball. Samantalang magaganda ng gown ng iba. Mas mabuting hindi na umatend.
"Oo, naman! Sino sabi hindi ka sasali. Minsan lang iyan mangyari sa buhay natin... bilang isang dalaga. Carren... Ako na bahala sa lahat. Basta aatend ka diyan. Hindi ako papayag na hindi. Gusto ko makita ang kapatid kung sumasayaw sa ball night! Kasama ng iba. Masaya akong naranasan mo ang hindi ko naranasan noon."
"Ate... Salamat.... Hindi ko alam paano ako babawi sayo. Pero pinapangako ko sayo magtatapos ako sa pag-aaral kapag nakatapos ako. At kahit anong hilingin mo tutupadin ko para sayo..."
"Bunso... Makatapos ka lang sa pag-aaral masaya na ako. Proud na proud na ako. Dahil natupad ko ang pangako nila Nanay at Tatay bago sila mamatay."
"Hindi mo nagustohan ang food?" Nasa loob siya ng cafeteria. Kasama si Rico ang boyfriend niya. Crush ng boung Campos si Rico. Pero siya ang napili nitong mahalin. Malaki ang pasasalamat niya sa Diyos. Dahil sa kabila ng marami babaeng nagkandarapa dito. Siya ang nagustuhan ni Rico, sa loob ng 6 months naging faithful sila sa isa't-isa. Grade 12 siya at si Rico naman ay first year college sa kursong Civil Engineering. Kahit magkaiba sila ng schedule. Hindi pa rin iyon hadlang upang hindi magtagal ang relasyon nilang dalawa.
"Masarap naman... Wala lang akong gana." Sabi niya. Nilayo niya ang pagkain sa kaniya harapan.
Narinig niya ang paghinga nito ng malalim. "Tell me... May problema ba sa bahay niyo? Napapagalitan kaba ng Ate Olivia mo?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Rico.
"Wala naman... Naawa lang ako kay Ate, kasi dahil sa akin hindi siya nakapag-asawa. Ano kaya akong pwide gawin para maging masaya siya?" Sabi niya dito.
"She chose not to marry. You can't do anything and change her choice." Tama naman ito. Pero natatakot lang siya mag-isa si Ate Olivia balang araw.
Bagsak ang balikat niyang, ininom ang drinks nasa harapan niya.
"Okay. Wala na talaga akong magawa pa."
"Yes, babe?"
"Hi! Rico?" Si Xanya Lou ang muse ng boung Campos.
"Xanya?" Si Rico.
"Hi! sayo Carren?" Medyo may ka plastikang bati sa kaniya. At himala pinansin siya nito.
"Hello?" Ganting bati niya dito.
"Uhm, magkasama pala kayo ngayon? Ang suwerte mo naman Carren? Kasi ang gwapo ng boyfriend mo."
"Oo nga, eh?" Tipid niyang sagot kay Xanya.
"Anyway, nasabi mo ba sa kaniya Rico?" Kumunot ang noo niya.
"Tungkol saan?"
"Hindi pa Xanya? Pero sasabihin ko ngayon." Sagot ni Rico. Nagtataka naman siyang napatingin sa binata.
"Ows! Sorry. Akala ko nasabi niya sayo. Carren? Hindi pa pala?" Makahulugan nitong sabi sa kaniya.
"Hindi pa, eh? Ano ba iyan, Rico? Mayroon ba dapat akong malaman?"
"Mukhang kailangan ako magsabi sayo. Carren?"
"Xanya?" Si Rico. Pinipigilan nitong magsalita si Xanya.
"Sige na, Xanya? Sabihin mo sa akin ngayon? Ano ang kailangan kong malaman na hindi magawang sabihin sa akin ni Rico!"
"Well... Hindi ko alam bakit hindi pa sinasabi sayo ni Rico. Ang napag-usapan ng admin ng school. Magpapartner lang naman kami sa ball kesyo naman Muse ako ng boung school Campos at Prince naman siya ng buong Campos nila." Napalunok siya ng laway. Matagal na niyang napapansin na may gusto si Xanya kay Rico. Pero dahil siya ang pinili ni Rico. Tumigil na ito ng malamang girlfriend siya ni Rico. Pero ngayon magkasama sila sa Ball instead siya dapat...