"Ano ang ginagawa mo dito?" mataray na sambit ni Zora. "Ano pa ba? Kakain, 'di ba?" kaswal na tugon ni Brandy. Inirapan ni Zora ang binata. Ang ibang customer ang inasikaso nito. Kumunot ang noo ni Brandy dahil kanina pa siya naghihintay ngunit hindi man lang siya inaasikaso ng dalaga. "Ano? Bakit ka ba nangangalabit?" mataray niyang sabi. Napaawang ang bibig ni Brandy. "Kanina pa ako dito. Hindi mo ba ako aasikasuhin?" "Bakit? Sinabi mo na ba sa akin ang ulam na gusto mo?" Napalunok ng laway si Brandy sabay kamot sa ulo. "Sorry... sambit niya sabay yuko." Inirapan siya ni Zora. "Oh ano na nga ang ulam mo?" "Chicken afritada. Two rice." Inis na nagsandok si Zora. Hindi niya kasi matanggap na nagawa siyang dakmain ni Brandy sa maselang parte ng kaniyang katawan. Parang gusto niya n