Hindi makapaniwala si Brandy sa ginawang kapilyahan sa kaniya ni Zora. Hindi tuloy siya nakatulog ng maayos dahil doon. Hindi niya alam kung maasar ba siya, maiinis ba siya o matatawa na lang sa kalokohan ng dalaga. Ang lakas kasi ng loob ni Zora na gawin iyon sa kaniya. "Ano na? Bakit mukha kang sabog? Natulog ka ba?" natatawang sabi ni Archer nang makita ang itsura ni Brandy. Marahas na kumamot si Brandy sa kaniyang ulo. "Hindi ako nakatulog ng maayos. Buwisit na iyan." "At bakit naman? May gumugulo na siguro sa isipan mo 'no? Sino? Iyon bang babae sa karinderya? Si Zora?" nakangising sabi ni Archer. "Hala ka! In love na ang boss natin?" sambit pa ni Andersen na kalalabas lang sa kaniyang kuwarto. Inis na pumikit ng mariin si Brandy. "Bakit ba kayo nandito sa bahay? Bakit dito kayo