"Zora ... puwede ba kita yayaing lumabas?" nakangiting sabi ni Brandy nang puntahan niya ang dalaga kinagabihan. Lumunok ng laway ang dalaga bago alanganin ngumiti. "Huwag na. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa akin." "At dapat mong bigyang halaga iyon? Bakit kailangan mong intindihin ang sasabihin sa iyo ng iba kung hindi naman totoo? Bakit ka magpapaapekto sa wala namang kuwentang bagay?" "Hindi naman sa binibigyan ko sila ng atensyon pero syempre nakakaapekto ang mga sinasabi nila sa akin masakit din kaya sa damdamin ng mga salitang ganoon...." Hindi makatinging sabi ng dalaga. "At isa pa, palagi na lang tayong gabi lumalabas o nagkikita. Mas madalas tayong sa gabi nag- uusap ng ganito. Baka kung ano pa ang isipin sa akin ng mga tao. Baka isipin nila na isa akong bayarang bab