"Zora... aalis ako bukas. Tumawag sa akin ang anak ko. Nagulat nga ako eh. Aalis daw kami. Bonding kami kaya sasama ako sa kanila. Ngayon na lang ulit kami magkakasama eh. Siguro naisip nila na baka mamatay na lang ako nang hindi kami nagkakasama ulit," sambit ni aling Bakekang habang abala sa pagluluto. "Grabe naman kayo sa mamatay! Sige lang po, tita. Magpakasaya po kayo. Enjoy po kayo doon. Ako na po muna ang bahala dito. Ituro niyo na lang sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin kapag magluluto na para iwas palpak," nakangiting sabi ng dalaga. Umiling si aling Bakekang. "Hindi na. Hindi ka magluluto. Magpapakasaya ako kasama ang anak ko kaya dapat, magpakasaya ka rin. Umalis ka. Gumala ka. I- lock mo na lang itong bahay. Magpakasaya kayo ni kapitan Brandy," nakangising sabi niya.